Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

1

DALOY NG SALUBONG
------------------------------------------------
I. PRUSISYON

(Habang naglalapit sina Maria at Kristo umaawit ang Choir. Kapag magkaharap na
ang Kristo at Dolorosa, aawit ang mga anghel)

II. PAGBATI

P Sa ngalan ng + Ama, at ng + Anak at ng + Espiritu Santo.
B Amen.

P Mga kapatid, tayo ay naririto ngayong umaga upang makiisa sa mahabang
tradisyon ng Katolikong Pilipino ang salubong. Dito isinasadula ang pagkikita
ng Mahal na Ina at ng kanyang bugtong na Anak na nabayubay sa krus at
nabuhay muli para sa ating lahat. Sa pagsasalubong ipinapahayag nating mga
Filipino na ang pinakamabisang daan patungo kay Kristo ay sa pamamagitan ng
kanyang Mahal na Inang si Maria.

Mga kapatid, sandali tayong manahimik at tumawag kay Maria upang tayo
bilang isang bayan ay mabiyayaan ng pagkakaisa bilang iisang katawan ng
Panginoong muling nabuhay at nasa ating piling. (sandaling katahimikan)

P (awit) Sumainyo ang Panginoong muling nabuhay!
B (awit) At sumaiyo rin!
P (awit) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (28:1-10)
B (awit) Papuri sa iyo, Panginoon.

Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang
araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa
pang Maria. Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang
anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa
ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng
busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang
animoy patay nang makita ang anghel.

Ngunit sinabi nito sa mga babae, Huwag kayong matakot; alam kong
hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siyay
muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan
sa kanya. lumakad na kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siyay muling
nabuhay at mauuna sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Tandaan ninyo ang sinabi
ko sa inyo. At dali-dali silang umalis ng libingan. Pinagharian sila ng magkahalong
takot at galak. At patakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.

Ngunit sinalubong sila ni Hesus at binati. At lumapit sila, niyakap ang
kanyang paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Hesus, Huwag kayong matakot!
Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita
nila ako roon!

P (awit) Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


B (awit) Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
2

(maaaring magbigay ang pari ng maikling pagpapaliwanag hinggil sa pagdiriwang


pagkatapos ng pagpapaliwanag, sasabihin ng commentator)

III. PAG-ALIS NG BELO

Commentator : Ngayon ay ating matutunghayan ang pag-aalis ng belo ng Mahal na
Birhen na sagisag ng pagtatapos ng kanyang pagluluksa. Ito rin ang tanda na
natatapos na rin sa ating sambayanan ang panahon ng kasalanan na nagdudulot
ng kamatayan. Ngayon ang bagong araw, ang araw ng tagumpay, ang araw ng
kalayaan ng sambayanan.

Mga anghel : (awit) O REYNA NG LANGIT (REGINA COELI)

O Reyna ng Langit,
Magalak ka. Aleluya.

Sapagkat ang minarapat mong
Dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya.

Ay nabuhay na mag-uli na gaya
Ng kanyang sinabi. Aleluya.

Ipanalangin mo kami sa Diyos. Aleluya.

P Matuwa ka at magalak,
O Birheng Maria, Aleluya.
B - Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya.
P - Manalangin tayo.

O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong anak na si
Hesukristong Panginoon naming, minarapat mong paligayahin ang mundo.
Hinihiling naming sa iyo na alang-alang sa Birheng Maria na kanyang Ina ay
makamtan naming ang kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan
din ni Kristong aming Panginoon kasama ng Espiritu Santo magpasawalang-
hanggan.
B - Amen.

(pagkaalis ng belo, paliliparin ang mga lobo at aawit ng ITO ANG BAGONG ARAW)

You might also like