PAGLILINGKOD SA MGA SERVICE SECTOR ENTERPRISES PINALAKAS!
Sa napakabilis na kaunlaran kabuhayan sa ating lungsod, kapuna-puna ang
paglaki ng mga negosyong serbisyo. Ang usual na makikita noon ay banking, tailor/dress shop, wet and dry retail businesses. Sa ngayon sa linyang serbisyo ng transportasyon ay napakalakas, dumami ang tricycles, pedicabs, PUJs at school vans. Nagsulputan na parang mga kabute ang health and beauty services, automotive at appliances repairs, clinics and laboratories, pawnshops and remittances, IT services (komputeran), games and karaoke bars at marami pang iba.
Sa food service business tulad ng carts and restaurants ay pinaka dominante.
Kaya sa transportasyon at pagkain ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente lalo sa mga nasa informal sector economy.
Kaya sa tradisyong livelihoods, financial and marketing advisory assistance at
enterprise skill trainings ay isang mahalagang paglilingkod ng SBDPO na isama ang lumulobong negosyong nasa serbisyo.
Ang service business ay isang dahilan kung bakit patuloy na dumarami
naninirahan at nagnenegosyo sa ating lungsod. Kaya nararapat lang na paunlarin para mapahusay at kumita ng maganda. mapaunlad ang kalidad at maitaas ang antas ng kakayahang maging ganap na negosyo.
Sa panimula, ating inuugnayan ang mga construction and repair service
business lalo na ang nasa informal category dahil sila ang higit na vurnerable sa risk of unemployment, underemployment at walang social protection.
Ang karamihan sa service business ay own account at personal na
inilalapat ang serbisyo sa mga kustomer kaya mahalagang katangian ang maging dalubhasa o polido. Kaya napapanahon ang serbisyo ng SBDPO na mapaunlad at maitaas ang competitiveness kaalinsabay ang sining at syensya ng delivery of services. /rdcalimlim