Ako si Maria Tess Branson, Hermana Mayor ng taong 2016, ay buong
galak na nagsasalin ng Bara Altang ito. Ito ay sumasagisag sa mga gawain at tungkulin ng pagiging Hermana ng Flores de Mayo. Nawa ito ay iyong paka-ingatan at gawing paalala ng mahalagang tungkulin na iniatang sa atin ng Inang Simbahan. Gabayan ka nawa ng Diyos at ng Mahal na Birheng Maria sa iyong paglilingkod.
PAGTATANGGAP NG BARA ALTA
Ako si Christina Tiocson, Hermana Mayor ng taong 2017, ay buong pusong tinatanggap ang Bara Altang ito. Nangangako ako na pag- iingatan ko ang mga bagay na sinasagisag nito. Buong pagsusumikap kong gagampanan ang aking tungkulin bilang isang Hermana sa susunod na taon. Patnubayan nawa ako ng Diyos at ng Mahal na Birheng Maria.