Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KATESISMO SA PRUSISYON NG VIERNES DOLORES

(ANG PITONG HAPIS NI MARIA)

ANG UNANG HAPIS:


ANG PROPESIYA NI SIMEON TUNGKOL SA SANGGOL NA SI HESUS
(Lukas 2:34-35)

PAGBASA: Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria,


Tandaan mo, ang batang itoy nakatalaga sa
ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya
ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit
tutuligsain ng marami, kayat mahahayag ang
kanilang iniisip. Dahil dito, magdaranas ka ng matinding
kapighatiang parang isang patalim na itinarak sa iyong
puso.

PAGNINILAY: Hindi lamang sakit sa puso ni Maria ang dulot ng mga


salita ni Simeon. Nag-alala siya para sa Panginoon.
Sino bang ina ang hindi mag-aalala para sa kanyang
anak? Ganundin si Maria. Nag-aalala para sa
kapakanan ng kanyang anak.
Pero dahil sa pagiging masununrin ni Maria,
naghahanda siya at naghihintay para sa pagdating
ng araw na iyon. Ang araw na kung saan ang kanyang anak-
ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, ay mag-
aalay ng kanyang sarili sa krus para sa kaligtasan ng
marami.

PANALANGIN: Aba ginoong Maria

Ang imahen ng Maria Santisima de Amargura o Mahal


na Birhen ng Kapaitan na kumakatawan sa unang
hapis ay sa pangangalaga ni Dr. Ted De Jesus at
Pamilya
ANG IKALAWANG HAPIS:
ANG PAGTAKAS PATUNGONG EHIPTO NG BANAL NA MAG-ANAK
(Mateo 2:13-15)

PAGBASA: Isang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa


panaginip, na nagsabing Magbangon ka at
dalhin mo ang sanggol at ang kanyang ina, at tumakas
ka hanggang sa Ehipto, at manatili ka duon hanggang sa
sabihin ko sayo; sapagkat hahanapin ni Herodes
ang sanggol upang patayin.Si Josey agad
nagbangon at dinala ang mag-ina upang magtungo sa
Ehipto; at nanirahan ang mag-anak hanggang mamatay si
Herodes. Nangyari ito upang matupad ang hula ng Propeta
na nagsabing, Mula sa Ehipto ay tinawag ko ang
aking anak.

PAGNINILAY: Takot na takot si Maria nang malan niya sa


pamamagitan ng Anghel ng Panginoon na nagpakita
kay Jose, na ipapapatay ni Herodes ang kanyang
anak na si Hesus. Tumakas sila patungong
Ehipto. Anong paghihirap para kina Jose, Maria at sa
sanggol na si Hesus ang malayo sa sariling bayan ng Judea
upang manirahan sa isang bansang pagano.

PANALANGIN: Aba ginoong Maria

Ang imahen ng Nuestra Santisima Virgen de Lagrimas o


Mahal ng Birhen ng Luha na kumakatawan sa ikalawang
hapis ay sa pangangalaga ni Reldival Reyes at mga
kapatid.
ANG IKATLONG HAPIS:
ANG PAGKAWALA NG BATANG HESUS NG TATLONG ARAW
(Lukas 2:43-45)

PAGBASA: Silay umuwi na pagkatapos ng pista ngunit nagpaiwan


si Hesus sa Jerusalem at itoy hindi napansin ng
kanyang mga magulang. Matapos ang maghapong
paglalakbay na inakala nilang kasama ng kanilang
ibang mga kamag-anak ang bata nang mapansin
nilang wala pala siya. Siya ay hinanap nila sa kanilang
mga kasama at mga kakilala, ngunit hindi nila
natagpuan si Hesus. Kayat bumalik sila sa Jerusalem upang
doon maghanap.

PAGNINILAY: Anong laking takot at pag-aalala ng puso ni Maria ng


hindi nila matagpuan si Hesus, kayat bumalik sila sa
Jerusalem upang duon siya hanapin. At sa loob ng
tatlong araw ay gulong-gulo ang isip hanggang sa
Hesus ay kanilang matagpuan sa Templo.

PANALANGIN: Aba ginoong Maria

Ang imahen ng Nuestra Seora de las Angustias o


Mahal ng Birhen ng Dalamhati na
kumakatawan sa ikatlong hapis ay sa pangangalaga ni
Ricky Relox at Pamilya.
ANG IKA-APAT NA HAPIS:
ANG PAGKASALUBONG NI HESUS AT MARIA SA DAAN NG KRUS
(Lukas 23:27)

PAGBASA: Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang


ilang kababaihang nag-iiyakan at tumatangis dahil
sa kanya. Datapuwat panglingon sa kanila ni
Hesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Herusalem,
huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang
inyong sarili at ang inyong mga anak.

PAGNINILAY: Sino bang ina ang hindi malulumbay na makita na ang


kanyang anak ay sinasaktan at
pinaparusahan, kahit wala naman itong ginawang
kasalanan? Nagdurugo ang puso ng isang ina na
makita ang kanyang anak na dinadala patungo sa lugar
na kung saan ito ay paparusahan ng kamatayan.

PANALANGIN: Aba ginoong Maria

Ang imahen ng Nuestra Seora de los Dolores de


Murcia o Mahal ng Birhen ng Kalungkutan ng Murcia na
kumakatawan sa ika-apat na hapis ay sa pangangalaga
nina Reymond at Rachela Vicente at Pamilya.
ANG IKALIMANG HAPIS:
ANG PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS, NA KUNG SAAN ANG
KANYANG INAY NAKATAYO SA PAANAN NG KRUS
(Lukas 19:25-27)

PAGBASA: Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at


ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni
Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang Makita ni Hesus
ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na
nasa tabi nito, sinabi niya, Ina, narito ang iyong
anak. At sinabi niya sa alagad, Narito ang iyong
Ina. Mula nuon, sa bahay ng alagad na ito nanirahan
ang ina ni Hesus.

PAGNINILAY: Ito ang pinakamasakit na pangyayari para sa inang


Maria, ang unti-unting pagtulo ng dugo at
pagkamatay sa kanyang harapan ng kanyang
anak. Labis na tumatangis ang Mahal na Ina sa
mga pangyayaring ito- na nakikita niyang namamatay sa
kanyang harap ang anak niyang minamahal. Pero, kalooban ng
Diyos na maligtas ang tao sa pamamagitan ng
kamatayan ni Kristo sa Krus. Kayat si Maria, ay
tahimik na nagdurusa kasama ni Hesus.

PANALANGIN: Aba ginoong Maria

Ang imahen ng Nuestra Seora Virgen de las Peas o


Mahal ng Birhen ng Hapis na kumakatawan
sa
ikalimang hapis ay sa pangangalaga ni Paul Adriano at
Pamilya.
ANG IKA-ANIM NA HAPIS:
ANG PAGBABABA MULA SA KRUS KAY HESUS, KUNG SAAN
KINALONG NI MARIA ANG BANGKAY NG ANAK
(Mateo 27:57-59)

PAGBASA: At nang hapon na, ay dumating ang isang mayamang


mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na naging
alagad din ni Hesus. Ang taong ito ay naparoon kay
Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Nang
magkagayon, ipinag-utos ni Pilato na ibaba ang
bangkay at ibigay dito. At kinuha nga ni Jose ang
bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino.

PAGNINILAY: Nais iduyan ng Ina ang Anak. Nais niyang awitan ang
kanyang minamahal na anak. Ngunit ang katawan ng
kanyang bunso ay wala nang buhay. Wala nang hininga ang
kanyang anak. Tahimik siyang nakiisa sa
pagdurusa ng Panginoon sa Kalbaryo, at ngayon
tapos na ang lahat. Dinanas niya ang dalamhati na
Makita ang pagkamatay ni Hesus, ang kanyang
iniirog at iniingatang anak.

PANALANGIN: Aba ginoong Maria

Ang imahen ng Nuestra Seora Virgen de la Soledad o


Mahal ng Birhen ng Pag-iisa na kumakatawan
sa
Ika-anim na hapis ay sa pangangalaga ni Manuel
Meigan Gatchalian at Pamilya.
ANG IKAPITONG HAPIS:
ANG PAGLILIBING KAY HESUS
(Juan 219:41-42)

PAGBASA: Malapit sa pinagpakuan kay Jesus ay may isang


halamanan, at ditoy may isang libingan hindi pa
napaglilibingan. Dahil noon ay bisperas ng
Pamamahinga, at dahil sa malapit naman ang
libingang ito, doon nila nilibing si Hesus.

PAGNINILAY: Hindi nawalan ng pag-asa si Maria. Naniniwala siya na


hindi nagtatapos ang lahat sa kamatayan. Muling
mabubuhay sa ikatlong araw ang kanyang anak na
si Hesus. Kahit nagdadalamhati sa pagkawala
ng kanyang anak, patuloy parin siya sa pananalig sa
plano ng Diyos. Magpapahinga ang
Panginoon, pero sa ikatlong araw, siyay babangon mula sa
libingan. Magkaroon nawa tayo ng pananalig sa Diyos,
katulad ni Maria, na nhindi nawalan ng pananalig, sa
kabila ng mabibigat na kanyang pinagdaraanan.

PANALANGIN: Aba ginoong Maria


Papuri sa Ama

Ang imahen ng Mater Dolorosa o ang Namimighating


Ina na kumakatawan sa Ika-pitong hapis ay sa
pangangalaga ng Pamilya Osorio-Rivera.

You might also like