Tsapter 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Tsapter 2: KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang edukasyon ay hindi lamang patungkol sa pagkahubog ng kaalaman ng estyudante na kung saan hindi
sapat ang mga natutunang leksyon kung hindi balanse at produktibo ang isang estudyante. Sa pamamagitan ng pag
hahasa ng kanilang kakayahan ta talento sa School activities na nagaganap buwan buwan na kung saan ibat ibang
patimpalak ang dinaraos. Ayon sa pag aaral ng mga eksperto, ang pag sali sa mga paligsahan at pampaaralang
aktibidades ay pangunahing paraan upang higit na matuto ang isang mag aaral, kasabay na rin nito ang pag
kahubog ng kanilang tiwala sa sarili. Ngunit dahil sa pag tutok nila sa extra curricular activities unting oras nalamang
ang kanilang nalalaan para sa kanilang akademikong performans sa klase.

Sa paaralan ay naglalaan ng oportunidad sa bawat bata upang mapaunlad ang mental, pisikal at sosyal na
potensyal nila nang sa gayon, sila ay maging aktibong miyembro ng samahan na kinabibilangan nila. Ang gawaing
ito ay isinasalin sa mga programa sa pamamagitan ng mga aral o turo na pauunlarin sa bawat indibidwal bilang
kapasidad ng pisikal at sikolohikal na gawain na maaari nitong panangga sa pagharap sa nagbabago at
mapanghamong lipunan.

Halimabawa ng isang School Activities ay ang Ang pagsasagawa ng intramurals bawat taon na kung saan
hindi lamang ang talino ang nahuhubog kasabay na rin ang pag hubog sa larangan ng palakasan, sining at musika.
Sa pag kakaroon ng intramurals nakakapagbigay ito ng kasiyahan sa bawat mag aaral at nagkakaroon ng pag
kakataon na makasalamuha ng bawat mag aaral ang kapwa nila mag aaral.

Sa paglipas ng panahon, kasabay nito ang pag lago ng teknolohiya na kung saan itoy nagiging isa sa mga
pinag kakabahalaan ng mga kabataan sa kasalakuyan. Nandyan ang paglaganap ng mga video games at kung ano
pa na nakakalimutan na ng mga kabataan ang kahalagahan ng isports. Lumalabas na sa isinagawang surbey sa
walong katao, lima sa kanila ang nagsasabing nakikita pa ang kahalagan ng isports ngunit tatlo dito ay hindi sumang-
ayon. Sa karagdagan, pito sa sampung kabataang Pinoy ang pumili ng teknolohiya kaysa sa isports na kung saan
ang isports ay unti unting nang nalilimutan.

Hindi lahat sa atin ay alam ang kahalagahan ng palakasan. Halos lahat ng tao ay naniniwalang ang mga
laro ay isa lamang pisikal na aktibidad at karamihan ay hindi alam kung mahalaga ba ito sa edukasyon. Sa
katunayan, halos lahat ay iniisip na ang isports ay isang distraksyon na siyang naglalayo sa atin sa mga
akademikong layunin at responsibilidad. Sa realidad, ang isport ay higit pa sa pisikal na aktibidad na siyang
kumukuha ng atensyon ng mga bata. Ito ay may mahalagang katayuan sa edukasyon at sa pagpapaunlad ng
kaalaman.

Sa pag sali ng isang indibidwal sa isports marami itong magandang naiidulot sa ating kalusugan. Ayon sa
ibat ibang pananaliksik marami ang naitutulong nito sa ating katawan gaya ng sumusunod; pag papalakas ng
resistensya upang makiwas sa sakit, mental benefits na kung saan kung mayroong malusog na pangangatawan
kasabay narin nito ang pag kakaroon ng malusog na isipan, pag kakaroon ng lakas ng loob at pakikisalamuha. Ito rin
ay nag tatanggal o binabawasan ang stress at nagbibigay saya.
Hindi lingid sa nakararami na nakadikit na sa mga atleta ang impresyon na hindi nila kayang dalhin ang
galing nila sa kompetisyon sa loob ng silid-aralan. Tulad ng mga ordinaryong mag-aaral, hindi mapalad ang lahat ng
mga atletang magtagumpay sa larangang akademiko.

Mahiarap maging atleta. Lagging may training, malakas kumain ng oras sa iskyedul mo at higit sa lahat
mahirap itong isabay sa pag aarl. Pero kahit ganun paman nakakalimutan ang hirap na ito at mamalitan ng
kasiyahan lalo nat alam mong nilalaro mo ang gusto mong isports at nakalinya ka sa gusto mong larangan. Kahit
nahihirapan ang mga atleta masusolusyonan pa naman ito bastat handa nilang tulungan ang kanilang sarili.

Animoy kayod-kabayo ang ginagawa ng mga manlalaro ng isang paaralan upang balansehin ang kanilang
pag aaral at pag lalaro ng ispots. Ayon kay Christian Rivero, mahirap talagang balansehin ang akademya at isports,
bukod sa pagod na ang iyong katawan ay kasabay pang mapapagod ang iyong isipan. Kailangan ng time
management upang magawa ang mga gawain at mag karoon ng mataas na grado at makakamit ng tropeo.

Hindi maaring itanggi na may mangilan ngilang atleta ang hindi kayang tumupad sa kanilang mga
responsibilidad bilang estudyante. Dalawang bagay daw umano ang kadalasang nagiging problema ng ilan sa mga
estudyanteng atleta ang atendans at performans. Ngunit ayon kay Antonio Tobias, sap ag banggit ni Luzano (2008),
disiplina lamang ang kailangan hindi pwedeng maging dahilan ang isports sa pag aaral dahil una sa lahat bahagi
lamang talaga ng pag aaral ang isports. Dag dag pa niya dapat matutunan ng mga atleta ang tamang pakikiharap sa
kanilang mga gawain at responsibilidad bilang estudyante.

Sa pakikipag sa palaran sa larangan ng pamapalakasan habang itinataguyod ang mga mag aaral ang
walang sawang kinakaharap ng mga estudyanteng sa pamantasan. Tulad ng mga atletang pinag sasabay ang pag
aaral at pagiging atleta hanggang makamit ang parangal at mapatunayang maaaring mag tagumpay sa parehong
karera sa akademiya at pampalakasan sa pamamagitan ng pag gawa ng schedule sa mga dapat gawin.

Upang ang isang atletang mag aaral ay mag tagumpay hindi lamang dapat gusto mong gastusin ng
maraming oras ang pag sasanay ng isang tao, ngunit ang taong iyon ay dapat ding maging handa para sa lahat ng
mga pag subok tulad ng stress, pinsala at kakulangan sa pag tulog. Ang atleatng mag aarala ya dapat balansehun
ang paaralan at ang kanyang isports sa pagkat ang pagiging atleta ay maaaring mag bigay sa isang tao sa
panlipunan na kung saan ang lahat ng pangarap ay maaring bigyan ng malakas na kamalayang pag mamataas kung
kayat may kalooban sila upang gumawa ng husto at maging handa sa mga ilang mahirap na pamamahala ng oras.

Sa pag papatupad ng programang K-12 nag lalayong itong tulungan ang mga kabataan, upang mag karoon
ng magandang Sistema ng edukasyon na hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ang K-12 ay
karagdagang dalawang taon sa hayskul. Sa pag papatupad nito ay makakatulong sa mga kabataang gusto nang
mag trabaho kaysa mag patuloy sa kolehiyo, magkanegosyo o mas maging handa sa kolehiyo mismo.
Sa k-12 mayroon itong apat na tracks na maari mong pag pilian. Nandyan ang pang akademikong tracks na
kung saan itoy nahahati sa tatlong sangay: ang STEM o Science, Technology, Engineering and Mathematics, ABM o
Accountancy, Business and Management at ang HUMMS o Humanities and Social Sciences . kasama na rin ang
technical- vocational tracks. Arts and design at sports tracks.

Malaki ang maitutulong ng pag papatupad ng k-12 sa mga mag aaral na nag papakita ng gilas sa ibang
larangan gaya ng sa isports na kung ikaw ay na ka pag tapos ng sports tracks sa senior high school maari ka nang
maging isang propesyunal na atleta o makapaghanap ng kaugnay na trabaho. Maaari ka rin mag patuloy sa kolehiyo
sap ag kuha ng medyor na Physical education.

You might also like