Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos
siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas
na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad
ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng
ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang
masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng


mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan
noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot
siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan,
hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang Mi Ultimo Adios (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang
magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa
Calamba, Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang
negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang
pangalan ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kayat kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng
diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria
kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at
pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay
palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa
siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni
Gob. Claveria noong 1849 at itoy hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.

Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat
ng buto.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at
napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng
ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng ibat ibang karunungan.

Nang siyay siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre
Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng
nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng
kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng
asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang
pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa
pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa
nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito
noong 1884 at 1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang
ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil
naghahanda siya sa paglalakbay sa ibat ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-
aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-
aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa
kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong
magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa
Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang
nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.

Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na
itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis
sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila
noong ika-26 ng Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang
maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang
mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon
na kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa
paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham
si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas.
Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siyay hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay
nahatulang barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang
kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.

Si Dr. Jos Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861 30 Disyembre 1896)
ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani
at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
[2]

Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang


anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma
sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at
nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina.
Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-
ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang
nobela ng Noli Me Tngere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa ring poliglota si Rizal,
na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika. [note 2][note 3][4][5]
Itinatag ni Jos Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan ni Andrs Bonifacio,[note 4], isang lihim na samahan na nagpasimula
ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa
ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong
pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang
ang karahasan bilang huling dulugan.[7] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya
sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga
mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging
maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni
Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.
Ang Bahay ni Rizal sa Calamba,Laguna

Mga nilalaman
[itago]

1Ang pamilya ni Jos Rizal

2Pag-aaral

3Personal na Buhay

o 3.1Leonor Rivera

o 3.2Josephine Bracken

4Sa Bruselas at Espanya (1890 - 1892)

5Pagbabalik sa Pilipinas (1892-1896)

o 5.1Pagpapatapon sa Dapitan

o 5.2Pagbaril sa Bagumbayan

6Mga Katha

7Mga Pamanang-lahi

8Mga sanggunian

9Ugnay panlabas

Ang pamilya ni Jos Rizal


Si Francisco Rizal Mercado (18181897)

Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (18181897) [9] at ni Teodora Morales Alonzo y Quintos
(1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"), [10] na
parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat nitong
palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labing-isang mangkakapatid si Rizal: sina Saturnina
(Neneng) (18501913), Paciano (18511930), Narcisa (Sisa) (18521939), Olympia (18551887),
Lucia (18571919), Mara (Biang) (18591945), Jos Protasio (18611896), Concepcin (Concha)
(18621865), Josefa (Panggoy) (18651945), Trinidad (Trining) (18681951) at Soledad (Choleng)
(18701929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-17
dantaon.[11] Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangley ng Luzon.[12]

Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. Jos Rizal

Mayroon din lahing Kastila at Hapones si Jos Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay
kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo. [13] Ang kanyang lolo
sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay
tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian,
Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang
nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Noong
nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan
na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano Rizal at ng
pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio Rizal". Dahil dito,
minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak". [14] Ginawa ang pagbabagong
ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang kaniyang koneksyon sa kaniyang
kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza. Mula pagkabata ay nakakarinig na si
Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga kaisipang pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang
pantao na kinagagalit ng pamahalaan.[note 6][note 7] Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan,
naging kilala din si Jose bilang "Rizal" sa mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang
kaniyang mga guro sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa
pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga Kastila ukol sa sinaunang
lipunang Pilipino.

Pag-aaral
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong
ikadalawampu ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng
mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya
natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang
kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang
kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap
ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral,
nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa
ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang
sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at
nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo
siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na
nakaaalam
ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuge
s, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Personal na Buhay
Marahil ang buhay ni Rizal ang pinakadokumentado sa mga Pilipinong nabuhay noong ika-19 siglo
dahil sa maraming mga talang isinulat niya at ukol sa kaniya.[16] Halos bawat detalye sa kaniyang
buhay ay naitala, dahil sa kaniyang regular na tagasulat ng kaniyang talaarawan at dahil din sa
kaniyang pagiging manunulat, at karamihan sa mga materyales na ito ay nananatili pa rin. Naging
mahirap sa mga biograpo ang pagsasalin ng kaniyang mga likha dahil sa ugali ni Rizal na pagpapalit
ng wika.
Kabilang sa mga nilalalaman ng mga tala ni Rizal ang pananaw ng isang Asyano na nakarating sa
Kanluran sa unang pagkakataon. Kabilang dito ang kaniyang mga lakbayin sa Europa, Hapon at
Estados Unidos, at maging sa kaniyang pananatili sa Hong Kong.
Matapos siyang makapagtapos mula sa Ateneo Municipal de Manila, bumisita si Rizal at ang isang
kaibigang si Mariano Katigbak upang bisitahin ang lola ni Rizal sa ina na naninirahan sa Tondo,
Maynila. Sinama ni Mariano ang kaniyang kapatid na si Segunda Katigbak, isang 14-taong
Batanguea mula Lipa, Batangas. Karamihan sa mga panauhin ng lola ni Rizal ay mga mag-aaral
sa kolehiyo, at alam nila na magaling sa pagpipinta si Rizal. Pinakiusapan siya na gumawa siya ng
larawan ni Segunda. Bagaman tumanggi si Rizal noong una, ginawan din niya ng guhit si Segunda.
Sa kasamaang palad, may kasintahan na si Katigbak na ang pangalan ay Manuel Luz. [17]
Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo 1892, nanirahan si Rizal at kaniyang mga pamilya sa Blng
2 ng Rednaxela Terrace, sa isla ng Hong Kong. Nangupahan si Rizal sa 5 kalye D'Aguilar,
Distritong Central, Isla ng Hong Kong bilang kaniyang klinika sa mata mula 2 ng hapon hanggang
6 ng gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi nito ng kaniyang buhay ay ang kaniyang mga
pagkahanga na kung saan siyam ang nakilala. Sila ay sina Gertrue Beckett, na taga Londres, Nelly
Boustead na nagmula sa pamilyang mangangalakal galing Inglatera at Iberia, Seiko Usui (na
tinatawag ding O-Sei-san) na kabilang sa lahi ng maharlikang Hapon, ang kaniyang naunang mga
pagkakaibigang sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, at ang kaniyang panliligaw sa kaniyang
malayong pinsan na si Leonor Rivera, na sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria
Clara ng Noli Me Tangere.

Leonor Rivera
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng
If Dreams Must Die at The Love of Leonor Rivera ni Severino Montana. Kung saan kapwa
nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na
naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.
Sinasabing inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera para sa kaniyang tauhan na Maria Clara sa Noli
me Tangere at El FIlibusterismo.[18] Unang nagkita si Rizal at Rivera sa Maynila noong 14 taong
gulang pa lang si Rivera. Noong lumuwas si Rizal sa Europa nong 3 Mayo 1882, si Rivera ay 16
taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanilang pagtatalastasan noong nag-iwan si Rizal ng tula
para kay Rivera na namamaalam.[19]
Nananatiling nakatuon si Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa kaniyang
pakikipagtalastasan kay Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni Rivera si Rizal ay gumagamit sila ng
kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27 Hunyo 1884,
binanggit si Rivera bilang "katipan" ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak si Rivera bilang lubhang apektado
sa paglisan ni Rizal, na palaging maysakit dahil sa insomnia.
Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong 5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at kaniyang pamilya
sa Dagupan, Pangasinan. Pinagbawalan si Rizal ng kaniyang amang si Francisco Mercado na
makipagkita kay Rivera upang huwag mailagay ang pamilyang Rivera sa panganib, dahil sa mga
araw na iyon binansagan na si Rizal ng pamahalaang Kastila bilang filibustero o
mapanghimagsik[19] dahil sa kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Nais pakasalan ni Rizal si Rivera
habang siya'y nasa Pilipinas pa dahil sa lubusang katapatan ni Rivera. Muli, pinakiusapan ni Rizal
ang kaniyang ama bago ang kaniyang muling paglisan sa Pilipinas. Ngunit hindi naganap ang
pagkikita. Noong 1888, hindi na pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay Rivera ng isang taon, sa
kabila ng patuloy na pagpapadala ni Rizal ng liham sa kaniya. Ang dahilan ng pananahimik ni Rivera
ay dahil sa kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang Ingles na nagngangalang Henry Kipping, isang
inhenyero sa daangbakal na nabighani kay Rivera at mas sinasang-ayunan ng ina ni Rivera. [19]
[20]
Lubusang nasaktan si Rizal noong nabalitaan niyang nagpakasal na si Rivera kay Kipping.
Itinabi ng mga kaibigan ni Rizal ang halos lahat ng mga bagay na binigay niya, kabilang ang mga
guhit sa mga piraso ng papel. Ang ilan sa mga bagay na ito ay mga ohales at panyo na may guhit at
sulatin na binigay sa mga Blumentritt, na kinalaunan ay binigay din sa pamilyang Rizal.
Kabilang sa mga namangha kay Rizal ay ang anak ng isang liberal na Kastila na si Pedro Ortiga y
Perez; at maging si Dr. Reinhold Rost ng Museong Britanya kung saan siya naging regular na
panauhin sa kaniyang tahanan habang siya'y nagsasaliksik sa mga sulat ni Morga sa Londres, kung
saan binansagan siya bilang "hiyas ng isang tao".[16][note 8]
Josephine Bracken
Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang
bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang
mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang
Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa
paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine Bracken.
Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay
Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya
iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal
na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay
isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose
Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mata Hari, Kitty OShea,
Sadie Thompson, at Joan of Arc.
Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga
kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni
Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni
Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa
pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.
Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of
Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni
Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29 Disyembre. Kasama
niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay
General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa
Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito.
Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa Battles of Silang st Battle of Dasmarias
noong 27 Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang
panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo
ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan
papuntang Maynila.
Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang
kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa
Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya
noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng
mahabang panahon.
Noong Pebrero 1895 nagkita si Rizal kay Josephine Bracken isang babaeng Irlandes mula Hong
Kong, noong sinamahan niya ang kaniyang bulag na amang si George Taufer upang ipasuri ang
kaniyang mga mata kay Rizal.[21] Matapos ang ilang mga pagbisita, nakipag-ibigan si Rizal at
Bracken sa isa't isa. Nais nilang magpakasal, ngunit dahil sa reputasyon ni Rizal dahil sa kaniyang
mga sinulat at pananaw pampulitika, tumanggi ang lokal na kura na si Padre Obach na ikasal sila
liban na lang kung makakakuha si Rizal ng pahintulot mula sa Arsobispo ng Cebu. Hindi sila
makapagkasal sa simbahan dahil tumangging bumalik si Rizal sa Katolisismo. [22]
Matapos samahan ang kaniyang ama sa Maynila upang bumalik sa Hong Kong, at bago siya
bumalik sa Dapitan upang tumira kay Rizal, pinakilala ni Josephine ang kaniyang sarili sa pamilya ni
Rizal sa Maynila. Minungkahi ng ina ni Rizal na magdaos sila ng kasalang sibil, upang hindi
mabagabag ang konsensya ni Rizal ukol sa kaniyang politikal na pananaw upang makakuha ng
pahintulot mula sa isang Obispo.[23] Naikasal si Rizal at Josephine sa pamamagitan ng kasalang sibil
sa Talisay sa Dapitan. Sinasabing nagkaroon sila ng isang anak na nagngangalang Francisco, na
namatay din agad pagkasilang.[24]
Sa Bruselas at Espanya (1890 - 1892)
Noong 1890, lumisan si Rizal sa Paris patungong Bruselas habang naghahanda sa paglilimbag ng
kaniyang mga anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga. Nanirahan siya sa
isang pangupahang bahay ng magkapatid na Jacoby, sina Catherina at Suzanna, na mayroong
pamangking nagngangalang Suzanna ("Thil") na may edad 16. Ayon sa historyador na si Gregorio F.
Zaide, umibig si Rizal kay Suzanne Jacoby, 45 taong gulang, ngunit naniniwala ang Belgang si Pros
Slachmuylders na umibig si Rizal sa 17 taong gulang na pamangking si Suzanna Thil. [25] Nakita niya
ang mga talang nagbibigay linaw sa kanilang mga pangalan at edad.
Saglit lang nanirahan si Rizal sa Bruselas; pagkatapos noon ay lumuwas siya patungong Madrid.
Binigyan niya si Suzanna ng isang kahon ng tsokolate. Lumiham si Suzanna kay Rizal sa wikang
Pranses, na sinasabing hindi siya kumuha ng ni isang piraso ng tsokolate, at halos mapudpod na
ang kaniyang sapatos sa pagbabalik-panaog sa hulugan ng sulat upang tignan kung may liham
galing sa kaniya, at hinihintay ang kaniyang muling pagbabalik. [25] Noong 2007, nilalakad na ng
pangkat ni Slachmuylder na lagyan ng makasaysayang tanda upang magbigay-pugay sa pananatili
ni Rizal sa nasabing tahanan.[25]
Nagbago ang mga nilalaman ng mga sinulat ni Rizal sa kaniyang dalawang obra, ang "Noli Me
Tangere", na nilimbag sa Berlin noong 1887, at "El Filibusterismo", na nilimbag sa Ghent noong
1891. Para magkaroon ng pondo upang mailimbag ang huli ay nangutang si Rizal sa kaniyang mga
kaibigan. Maraming mga Kastila at mga edukadong Pilipino ang nagalit sa kaniyang mga sinulat
dahil sa mga simbolismong pinapakita dito. Kritikal ang mga nobelang ito sa mga prayleng Kastila at
sa kapangyarihan ng simbahan. Ayon sa sulat ng kaibigan ni Rizal na si Ferdinand Blumentritt, na
isang propesor at historyador, ang mga karakter sa mga nobelang ito ay hango sa totoong buhay at
ang bawat mga pangyayari dito ay maaaring mangyari sa anumang araw sa Pilipinas. [26]
Bagaman si Blumentritt ay apo ng Ingat-yaman ng Imperyo sa Vienna at matibay na tagapagtanggol
ng pananampalatayang Katoliko, sinulat pa rin niya ang panimulang salita ng El
Filibusterismo matapos niyang isalin ang Noli Me Tangere sa wikang Aleman. Gaya ng binabala ni
Blumentritt, naging dahilan ang mga nobelang ito upang usigin si Rizal bilang tagapanimula ng
himagsikan. Kinalaunan ay nilitis si Rizal ng militar at tuluyang binitay. Ngunit ang kaniyang mga
nobela ang nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino upang maglunsad ng Himagsikang Pilipino noong
1896.
Bilang pinuno ng kilusang propaganda ng mga Pilipino sa Espanya, nagsulat si Rizal ng mga
sanaysay, tula at editoryal sa pahayagang La Solidaridad sa Barcelona, kung saan ginamit niya ang
sagisag-panulat na "Dimasalang". Ang karaniwang tema ng kaniyang mga likha ay sumesentro sa
liberal at progresibong kaisipan ng karapatang pang-indibidwal at kalayaan, lalu na para sa mga
mamamayang Pilipino. Pareho ang kaniyang pananaw sa ibang mga kasapi ng kilusan, na ang
Pilipinas ay humaharap sa, ayon sa mismong salita ni Rizal, na "Goliath na may dalawang mukha"
mga tiwaling prayle at masamang pamahalaan. Paulit-ulit na kaniyang binabanggit sa kaniyang
komentaryo ang mga adyenda gaya ng mga sumusunod:[note 9]

Na ang Pilipinas ay gawing probinsya ng Espanya

May pagkakatawan sa Cortes

Mga Pilipinong pari sa halip na mga prayleng Kastila

Kalayaan sa pagtitipon at pananalita

Pantay-pantay na karapatan sa ilalim na batas sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila


Tumutol ang mga mananakop sa Pilipinas sa mga repormang ito. Hindi rin ito inendorso ng ilang
mga intelektwal na Kastila tulad nina Morayta, Umamuno, Pi y Margall at iba pa.
GUmanti si Wenceslao Retana, isang politikal na komentador sa Espanya, sa pamamagitan ng
pagsulat ng artikulo sa La Epoca, isang pahayagan sa Madrid, na umiinsulot kay Rizal. Kinuwento
niya ang ukol sa pagpapalayas ng pamilya ni Rizal mula sa kanilang lupa sa Calamba dahil sa hindi
pagbabayad ng upa. Nag-ugat ang insidenteng ito mula sa pagkakakulong sa ina ni Rizal na si
Teodora noong bata pa si Rizal, dahil sa bintang na pagtangkang paglason sa kaniyang hipag. Dahil
sa pakikisabwatan ng mga prayle ay kinulong siya ng wala man lang paglilitis. Pinaglakad din siya
ng sampung milya (16 km) mula Calamba. Pinalaya din siya matapos ang dalawa at kalahating
taong pakikipag-apela sa Kataas-taasang Hukuman. [27] Noong 1887, sumulat ng petisyon si Rizal sa
ngalan ng mga nangungupahan sa Calamba, at noong taon ding iyon ay hinimok sila na magsalita
laban sa tangka ng mga prayle na taasan ang upa. Humantong ito sa paglilitis na nauwi sa
pagpapalayas ng mga Dominiko sa mga nangungupahan mula sa kanilang mga tahanan, kabilang
dito ang pamilya ni Rizal. Pinamunuan ni Heneral Valeriano Weyler ang paggiba sa mga gusali ng
sakahan.
Pagkabasa ng artikulo, nagpadala si Rizal ng kinatawan upang hamunin si Retana sa duwelo.
Humingi ng tawad si Retana sa publiko at kinalauna'y naging isa sa mga pinakamalaking tagahanga
ni Rizal, na sumulat din ng isa sa pinakamahalagang talambuhay ni Rizal, ang Vida y Escritos del
Jose Rizal (Mga buhay at kasulatan ni Jose Rizal).[28]

Pagbabalik sa Pilipinas (1892-1896)


Pagpapatapon sa Dapitan
Pagbalik sa Maynila noong 1892, binuo ni Rizal ang isang samahang La Liga Filipina. Isinusulong
ng samahang ito ang pagkakaroon ng reporma sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, ngunit
ito'y binuwag ng gobernador. Sa mga panahong iyon, tinuturing na siya bilang kalaban ng estado ng
pamahalaang Kastila dahil sa kaniyang mga nobela.
Nasangkot si Rizal sa mga gawaing rebelyon at noong Hulyo 1892 ay pinatapon siya sa Dapitan sa
probinsya ng Zamboanga.[29] Habang nasa Dapitan ay nagtayo siya ng isang paaralan, ospital at
isang sistema ng suplay ng tubig, at nagturo din ng pagsasaka.
Nagtayo si Rizal ng paaralan para sa mga batang lalaki. Sa paaralang ito, wikang Kastila ang
ginagamit sa pagtuturo, at nagtuturo din ito ng Ingles bilang wikang banyaga. Ang layunin ng
paaralang ito ay upang turuan ang mga mag-aaral ng pagiging maparaan sa buhay.[kailangan ng
sanggunian]
Ang ilan sa mga mag-aaral ay naging matagumpay bilang mga magsasaka at tapat na
opisyal ng pamahalaan. Isang Muslim ang naging datu, at isa pa, si Jose Aseniero, ay naging
gobernador ng Zamboanga.
Nagkaroon ng misyon ang mga Heswita na pabalikin si Rizal mula sa Dapitan sa pamumuno ni
Padre Sanchez, na dati niyang guro, ngunit nauwi ito sa kabiguan. Muli itong tinangka ni Padre
Pastelles, na kilalang bahagi ng Orden.
Naging tagapamagitan ang kaniyang matalik na kaibigang si Ferdinand Blumentritt sa kaniyang mga
kaibigan sa Europa, at patuloy ang kaniyang pakikipagtalastasan sa kanila na siyang patuloy na
nagpapadala ng mga liham na nakasulat sa mga wikang Olandes, Pranses, Aleman at Ingles na
lumito sa mga sensura, kaya naantala ang kanilang mga pagpapadala. Sa pananatili ni Rizal sa
Dapitan sa loob ng apat na taon ay umti-unti ding umusbong ang Rebolusyong Pilipino na
kinalaunan ay nagpahamak sa kaniya. Bagaman tutol siya sa himagsikan, ginawa siyang pandangal
na pangulo ng mga kasapi ng Katipunan at ginamit din ang kaniyang pangalan bilang sigaw sa
digmaan, pakikipag-isa at kalayaan.[30]

Pagbaril sa Bagumbayan
Isang litrato ng pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan.

Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila,
habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda upang barilin
ang sinuman sa kanila na susuway.[31] Kinunan ng manggagamot ng Hukbong Kastila ang pulso ni
Rizal at ito'y normal. Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo noong nagsimula na silang
sumigaw ng "Viva" at iba pang mga katagang pabor sa Kastila kasama ang mga manonood na
karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisong Kastila. Ang kaniyang huling salita ay isa sa mga
huling salita ni Jesucristo: "Consummatum est"natapos na.[4][32][note 10]
Lihim siyang nilibing sa Libingang Paco sa Maynila ng wala man lang tanda sa libingan. Nilibot ng
kaniyang kapatid na si Narcisa ang lahat ng maaaring libingan at natagpuan ang bagong baong lupa
sa isang libingan na may mga bantay sa tarangkahan. Sa kaniyang paniwala na maaaring ito nga
ang pinaglibingan, at wala pang ibang mga nilibing, nagbigay siya ng regalo sa taga-ingat upang
lagyan ng tanda ang nasabing lugar na "RPJ" - mga inisyal ni Rizal na pabaliktad.
Nakatago naman sa lampara ang kaniyang tulang Mi ultimo adios na pinaniniwalaang sinulat ilang
araw bago ang kaniyang pagbitay, at binigay ito sa kaniyang pamilya kasama ang ilan niyang mga
natirang pag-aari, kabilang na ang kaniyang mga huling liham at huling habilin. [33]:91 Sa kanilang
pagbisita, pinaalalahanan ni Rizal ang kaniyang mga kapatid sa wikang Ingles na mayroong isang
bagay sa loob ng lamparang binigay ni Pardo de Taveras na ibabalik din pagkabitay, upang bigyang
diin ang kalahagahan ng tula. Ang sumunod na habilin ay. "Tingnan din ang aking sapatos", kung
saan isa pang bagay ang nakasuksok. Noong hinukay ang kaniyang labi noong Agosto 1898, sa
panahon na ng pananakop ng mga Amerikano, nalaman na hindi siya isinilid sa ataul, at nilibing siya
hindi sa 'lupa ng mga banal', at anuman ang nakasiksik sa kaniyang sapatos ay nalusaw.[27]
Sa kaniyang liham sa kaniyang pamilya ay kaniyang isinulat: "Turingan ang may-edad nating
magulang kagaya ng gusto niyong maturingan... Mahalin silang lubos sa aking alaala... 30
Disyembre, 1896."[16] Nagbigay siya ng habilin sa kaniyang pamilya ukol sa kaniyang libing: "Ilibing
ninyo ako sa lupa. Maglagay ng bato at krus sa ibabaw. Pangalan ko, petsa ng kapanganakan ko at
kamatayan ko. Wala nang iba. Kung nais niyong bakuran ang aking libingan maaari niyong gawin.
Walang paggunita."[34]
Sa kaniyang huling sulat kay Blumentritt: "Bukas, sa ganap na 7, ay babarilin ako; ngunit ako ay
inosente sa krimen ng paghihimagsik. Mamamatay ako ng may tahimik na
konsiyensiya."[16] Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay dahil
sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay matagumpay
niyang natibag ang moral na pamumuno ng Espanya. Nagbigay din siya ng isang aklat sa
isang matalik at minamahal na kaibigan. Noong natanggap ito ni Blumentritt sa Leimeritz siya ay
umiyak.

Mga Katha
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag
sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa
Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El
Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na
pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango
sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang
magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.

Mga Pamanang-lahi
Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya
at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago
ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin
sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:

1. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;

2. na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);

3. na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;

4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;

5. pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.


Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat
nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa
Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga
Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del Norte/Zamboanga
noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito,
nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang anak ng lahing
kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos.

Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo
Realonda Quintos.

Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng
luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral Claveria noong ika-27 ng
Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang
nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casaas ang kanyang naging ninong.
Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang
siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Bian at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino
Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng
kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso,
1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang
pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882.
Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya
nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.

Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula
ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na
bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me
Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa
na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng
tatlong daang piso.

Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas
siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong 1891 ipinalimbag sa Grante
Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag
ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng
pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa
Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral
Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay Rizal. Pagkatapos ng walong
araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang
nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa
Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang
1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating
sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal nang siyay dumating sa
Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-
30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay
niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.

Jose Rizal

Ipinanganak si Jose Protacio Rizal sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang mga magulang ni
Rizal ay sina Don Francisco Mercado at Dona Teodoro Alonso. Sila ay nangmula sa isang kilalang
pamilya sa Binan. And naging asawa ni Rizal ay si Josephine Bracken, isang mestisang Ingles mula sa
HongKong.
Ginamit ang apelyidong Rizal ayon sa kautusan ng kastilang Gobernador Heneral Narciso Claveria y
Zaldua na naglayong isapamantayan ang talaan ng mga pangalan a apelyido ng mga Pilipino.

Edukasyon

Si Rizal ay natuto ng alpabeto sa murang edad na tatlo, nakabasa ng bibliya sa gulang na lima at
natuto ng pagbasa, pagsusulat at panimulang saligang Latin mula sa pribadong guro. Ipinagpatuloy
ang pag aaral sa ilalim ng isang istriktong guro sa Binan sa gulang na siyam.

Nag aral ng batsiler ng sining sa Ateneo Municipal de Manila, taong 1876 at nakakuha ng markang
sobresaliente. Kumuha ng kursong medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas at ipininagpatuloy ang
degree ng Medisina. Espesyalista sa mata at Pilosopiya sa Unibersidad ng Madrid, Espanya, taong
1885. At nag aral ng pagkadalubhasa sa Paris, Pransya a Heidelberg, Alemanya.

Buhay at Propespyon

Habang nasa Europa, patuloy sa pag tuligsa sa mga kalabisan ng mga kastila sa mga Pilipino at
humihingi ng pagbabagong pampulitika sa Pilipinas. Isa sa ginamit niyang paraan ay ang pagsusulat
ng nobelang Noli Me Tangere, inilathala sa Berlin noong 1887 at El Filibusterismo na ininprenta sa
Ghent, Belgium noong 1891. Ang mga ilan pa sa kanyang isinulat ay ang mga La Indolencia delos
Filipinos (Ang Katamaran ng mga Filipino), Estudios Sobre la Lengua Tagala (Mga Pag aaral sa Wikang
Tagalog) at Filipinas Dentro de Cien A0s (Ang Pilipinas sa loob ng Isang Milenyo).

Nag ambag ng isang artikulo sa La Solidaridad, ang pahayagan ng Kilusang Propaganda, sa ilalim ng
mga taguring Dimas Alang at Laong Laan. Itinatag ang La Liga Filipina, isang samahang pansibiko na
humihingi ng pagbabago sa Pilipinas noong ika-3 ng Hulyo 1892 sa Kalye Ilaya, Tondo, Maynila.

Ikinulong si Jose Rizal noong ika-7 ng Hulyo 1892 sa Fort Santiago sa bintang na panunulsol at
paghihimagsik sa pamahalaang kastila. Ipinatapon sa Dapitan noong ika-15 ng Hulyo 1892 at doon
nakilala at umibig sa kanyang asawa na si Josephine Bracken subalit nagsilang ng isang patay na
sanggol at pinangalanang Francisco.
Pinabalik sa Cuba kung saan nanilbihang doktor. Dagling pinabalik sa Maynila at piniit sa Fort Santiago
noong Agosto 1896. Nilitis noong ika 26 ng Disyembre 1896 sa Hukumang Militar sa Espana.
Napatunayang nagkasala ng panunulsol at paghihimagsik sa pamahalaang kastila. Nahatulan ng
kamatayan sa pakunwaring paglilitis.

Bago ang isasagawa sa kanyang pagpatay, isinulat niya ang obra maestrong tula, Mi Ultimo Adios (Ang
Aking Huling Paalam) sa piitan ng Fort Santiago. Noong ika 30 ng Disyembre 1896 binaril sa
Bagumbayan (ngayon ay Rizal Park). Mula sa libingan ng Paco, inilipat ang kanyang labi sa bahay ng
kanyang mga kapatid na babaeng sina Josefa at Trinidad. At noong Disyembre taong 1912, inilibing
ang unang kinapalooban ng kanyan mga buto at ilang alaala sa kanyang monumento sa Rizal Park.

You might also like