Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Maikling kwento- ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang

pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o


impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan

Halimbawa:

Bagong Kaibigan

(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon
na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang
binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang
naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat.
Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah
alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko
ang ibat-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang
ako sa amin.

Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit.
Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at
pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na
bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian
at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap,
ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro
kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa
kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na
ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.

Gising na anak, may pasok ka ngayon

Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!

Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.
Nobela- ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang
kabanata.

Halimbawa:

Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo. Inilarawan sa nobela ang Canal de la


Reina mula sa mga karanasan at isipan ng mga tauhang naging bahagi niyon.

Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez. Himagsikan, at ang walang


kamatayang usapin sa repormang agraryo na mainit na pinagtatalunan noong
dekada 1950, ang tampok sa akdang ito.

Madaling Araw ni Iigo Ed. Regalado. Paghihimagsik ni Juan Galit laban sa mga
Amerikano ang tuon ng nobela, na ang sukdulan ay pagpatay kay Kabisang Leon na
tuta ng imperyalista.

Banaag at Sikat ni Lope K. Santos. Kauna-unahang nobelang Tagalog na nagpasok


ng diwaing sosyalista, at tumalakay sa malagim na pangyayari hinggil sa lakas-
paggawa noong panahon ng Amerikano. Lumihis din ito sa linyang Katipunismo nina
Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.

Lalaki sa Dilim ni Benjamin M. Pascual. Gahasa at ang madilim na pangyayari


hinggil sa buhay ng babae sa pananaw ng lipunang patriyarkal ang itinampok nang
walang bahid ng kabastusan. Manapa'y inilahad iyon sa banayad, madulas na
salitaan.

Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes. Ang nobelang isinalin sa pelikula


ni Lino Brocka, at nagtatampok sa paghahanap ng pag-ibig at pagkatao sa bituka ng
Maynila.

Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sikat. Inilahad dito ang paghahalo ng mga


mito at realidad sa kanayunan, at ang pagsisikap ng mga busabos sa buhay.

Ang Ginto sa Makiling ni Macario Pineda. Umiinog ang nobela hinggil sa


maalamat na Makiling, atang paghahanap ng yaman ng tao upang makaraos sa
hirap at magkamit ng kapangyarihang pangkaisipan, pangkatawan, at
pangkalooban.

Pinaglahuan ni Faustino S. Aguilar. Pagbubunyag ng Amerikanong imperyalismo,


at ang pagsalungat sa lumalaganap na materyalismong pinauso ng mga
mananakop, ang itinampok sa pamamagitan ng pananaw ng mga tauhan.
Maganda pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco. Usapin sa repormang agraryo at
panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at
karimlan ng paligid.

Ang mga nobelang ito ay mabibili sa mga publikasyong gaya ng Ateneo de Manila
University Press, Anvil Publishing House, at University of the Philippines Press.
Mababasa naman sa internet ang mga 100 nobelang Tagalog na binuo ng
Filipiniana.net, at maaaring balikan ng mga guro at estudyanteng naghahanap ng
mga pambihirang akda

https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/10_Nobelang_Filipino_na_Dapat_Basahin_sa_Hay
-iskul

https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela

You might also like