Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LAS PIAS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL DOA JOSEFA

CAMPUS

Doa Josefa Avenue Almanza Uno, Las Pias City

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT

Tinatangkilik na Babasahin ng mga Piling Estudyante ng ABM-3: Filipino o Ingles

Ipinasa Nina:

Lester James Alfaro

Jecil Mae Baligasa

Judy Ann Casqiuo

Sheila Mae Gonzaga

John Mark Sioco

Juviel Villalba

Ipinasa Kay:

Bb. Sylvia Lasala


KABANATA V

PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Paglalagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magtalakay at magbahagi ng mga

impormasyon tungkol sa kinahihiligang babasahin ng mga estudyante. Tinukoy dito na

ang pagbabasa ay isa sa mga susi sa edukasyon ng isang indibidwal, mahalaga ang

pagbabasa dahil dito nag-uumpisang matuto ang isang tao at ito ang isa sa pinaka

importanteng matutunan ng isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan

sa kanyang bansa. Mahalaga rin para sa atin kung ano ang nararapat na unang

payabungin na salita bagkus dito natin madaling malaman ang kahalagahan nito.

Nararapat rin na maisakatuparan ang hilig natin dahil dito nakasalalay ang umpisa ng

madaliang pagkatuto natin at sa ganoong paraan mas dadagdag ito ng maganda at

mayabong na resulta para sa atin. Sa aming pananaliksik, kami ay naka pokus kung

ano ang mas tinatangkilik na babasahin ng mga estudyante ng ABM-3, at kung ano ang

pananaw nila tungkol sa pagbabasa. Tinalakay din namin sa aming pag aaral ang

kahalagahan ng pagbabasa para sa mga estudyante at kung ano ang dulot nito sa

kanila. Mapapansin natin na halos magkakatugma ang kanilang mga sagot, siguro'y ito

ay dahil sa kanilang mga kasarian o napapanahong gawain ng mga tao.

Natuklasan
Sa aming pag aaral na ginawa, natuklasan namin na mahalaga talaga ang

pagbabasa sa mga estudyaante dahil tumutulong ito sa paghubog ng kanilang isip at

pang unawa, at ayon sa aming nainterbyu may mga nagsabi na ang mga kabataan ang

hindi na nahihilig sa pagbabasa at iyon ay nakakalungkot para sa amin dahil ang mga

kabataan ay mas nahuhumaling sa paglalaro at paggamit ng teknolohiya higit sa

pagbabasa ng mga teksto. At kung mayroon man, ito ay may kaugnayan sa internet at

mga modernong kagamitan tulad na lamang ng teknolohiya na nabanggit kanina

lamang.

Kongklusyon

Sa bahaging ito inilahad ang mga kongklusyong nabuo sa mga datos na nakalap

sa mga sagot na ibinigay ng mga respondente sa isinagawang pakikipanayam. Base sa

aming nakalap na datos, halos lahat ng aming mga respondente ay kinahihiligan ang

pagbabasa dahil mayroon silang iba't-ibang nakukuhang impormasyon dito. Ang

kadalasang binabasa nila ay ang wattpad, komiks, at nobela. Ang iilan sa kanila ay may

angking bilis sa pag-unawa ng kanilang binabasa at kadalasang antas na kanilang

ginagamit ay skimming. Batay sa kanilang mga kasagutan, wala ni isa man sa kanila

ang hindi nakakapagbasa sa loob ng isang buwan at maraming may sumagot ng mas

tinatangkilik nila ang wikang Filipino na babasahin dahil ito ang mas madaling

maunawan o hindi mahirap intindihin. Sinabi din nila na ang pagbabasa ay isang pag-

aaral na nakakapagpalawak ng ating imahinasyon at nahahasa ang ating pang-unawa.

Ito daw ay nakakatulong sa pag-aaral sapagkat nae-ensayo ang sarili sa pagbabasa.

Ipinaliwanag din nila na mas mahilig magbasa ang mga kabataan ngayon dahil sa mga
bagong umuusbong na mga "application" na tinatawag na wattpad kung kaya't mas

naeengganyo na ang mga bata.

Rekomendasyon

Sa bahaging ito inilahad ang mga rekomendasyong nabuo mula sa konklusyon

ng mga nakalap na impormasyon. Ang bawat isa ay mga hakbang upang makatulong

sa mga magkakamit ng benepisyo sa pag-aaral na ito.

Pahalagahan natin ang pagbabasa. Patuloy tayong magbasa para sa

ikauunlad ng ating isipan at kaunawaan dahil mayroon tayong iba't-ibang

impormasyong dito lang natin makikita at impormasyong dito tayo malilinawan.

Piliin natin ang angkop at komportable para atin. Kung mahusay ka sa Ingles

at mahina sa Filipino, unahin mo muna ang Ingles bago ang Filipino. Ganun din

naman sa kabaliktaran nito, kung mahusay ka sa Filipino at mahina ka naman sa

ingles, unahin mo ito bago ang isa. Ang lahat ng bagay ay napagaaralan, sa

katagalan ay gagaling at gagaling ka dito dahil ito ay isang paunang hakbang sa

iyong pag-eensayo.

Magkaroon tayo ng oras sa pagbabasa kahit na isang beses sa isang linggo

dahil lalawak ang ating utak.

Maging maingat sa ating binabasa dahil kung minsan ay nahahaluan na

ito ng mga hindi karapat dapat sa atin. Mayroong iba't-ibang babasahin na

mas kinapapalooban ng maganda at maayos na impormasyon para sa atin tulad ng


mga dyaryo, komiks, diksyunaryo, Bibliya, librong pang-eskwelahan, editorial,

artikulo, journals at marami pang iba.

Sanggunian:

Nixon, G. (2014, July 1). Benefits of Reading: Strong Reading Skills Are An Essential
Life Skill. Retrieved from Gemm Learning: http://www.gemmlearning.com

Kimberly D. Pestijo, R. M. (2015, August 29). TANGKILIKIN.BASAHIN.PAGYAMANIN.


Retrieved from
http://komakadscheme2.blogspot.com/2015_08_01_archive.html

Kahalagahan, Kabutihan at Kagandahan ng Pagbabasa. (n.d.). Retrieved from


https://alaminmokasi.wordpress.com/2013/12/10/kahalagahan-kabutihan
-at-kagandahan-ng-pagbabasa/

Sanchez, L. J. (2015, February 23). Pagkalusaw ng Isang Disiplina. Retrieved from


https://louiejonasanchez.com:https://louiejonasanchez.com/2015/02/23/pagkalus
aw-ng-isang-disiplina/comment-page-1/

Castillo, S. D. (2014, March 8). Itaguyod ang kultura ng pagbabasa. Retrieved from
http://www.abante-tonite.com

Burce, J. (2013, Marso 27). PAGBABASA: IWAS BAGOT SA BAKASYON. Retrieved


from https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/03/27/mga-maaaring-
gawin-ngayong-bakasyon/

You might also like