Impeng Negro Ni Rogelio Sikat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Impeng Negro ni Rogelio Sikat

"Sa matinding sikat ng araw, tila siya mandirigmang sugatan,


ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan."

Mga Tauhan:

Impen- 16 taong gulang, maitim ang kulay ng balat, may mga kapatid sa ibang ama, isang
agwador o taga-igib ng tubig
Ina ni Impen- iniwan ng huling asawa habang kanyang ipinagbubuntis ang bunsong anak
Mga Kapatid ni Impen na sina Kano, Boyet, Diding
Taba- tinderang uutangan ng gatas para sa bunsong kapatid ni Impen
Ogor- matipunong agwador na laging nanunukso at nang-aapi kay Impen
Mga Agwador

Banghay:

Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina.
Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.

Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang
ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa
pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang
pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa
agwador na si Ogor.

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may
sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-
igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo.
Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na
salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang
makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.

Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan
niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak,
pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si
Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat
ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang
paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang
nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.
Ask for Translation Quote
Translation and Localization Worldwide professional service
www.sentrodil.com
Blanco y negro apartments
Book Now and Save $'s On Blanco Y Negro Apartments!
Bago niyo basahin ang istoryang ito, nais kong imbitahan kayong bisitahin ang FACTS.
Gayundin ang InfoBlog. Madami kayong matututunan sa mga website na ito kaya daan na!
Maligayang pagbabasa mga kaibigan!

Nag-iisang anak. Putok sa Buho. Buong buhay ni Impen dala-dala ang kalungkutang nakakapit
sa balat niya. Pinagtatawanan siya dahil sa kanyang kulay. Isa siyang negro. Wala siyang
kaibigan, pero maraming kaaway. Lagi siyang pinagkakatuwaan ng mga batang kapitbahay sa
squatter area. Pinakamatinding kalaban niya si Ogor.

***

Humithit si Impen mula sa kinakapa-kapang sigarilyo. Kasalukyan niyang sinasamahan si April


Boy patungo sa pupuntahang Boss. Inaalala niya ang lahat ng paghihirap niyang pinagdaanan
bago marating ang sinwerteng pagkakataong maging bahagi ng kasamahang kinabibilangan niya
ngayon. Hindi niya magawang sabihin ito kay April Boy: Magkatulad tayo, April. Pareho
tayong Pinipigilan ng mga taong naiinggit sa atin. Bumuga siya ng usok.

***

Nagawa ni Impen ang inaakala niyang hindi maaari: Nagapi niya si Ogor. Paulit niyang
pinagdadadagok ang kalaban. Dagok. Dagok. Dagok. Sumusuka na ng dugo ang batang
nakahilata habang walang tigil na nagpapatuloy si Impen. Napansin ng batang dumadagok ang
pambihirang paglaki ng kamao niya. Nag-umpisang magsigawan ang mga manonood na
nagpipila-balde. Nawalan si Ogor ng hininga. Pinuksa ni Impen ang walang kalaban-labang bata.
Naisipan ni Impen ang pagtakas.. Tumakbo siya. Tumakbo siya nang tumakbo hanggat sa halos
hindi na siya makahinga. Tumigil siya sa isang madilim na eskinita. Hindi niya napansin ang
palapit na paglubog ng araw. Tumigil sa tabi niya ang isang itim na limousine. Misteryosong
lalaki ang lumabas mula sa pintuan nito. Pormal na amerikana ang suot niya. Puting-puti ito.
Impen, sa wakas nagkatagpo rin tayo. Hinihingal na sumagot si Impen, Si-sino ka?

Ako si Ginoong Snow.

Pano mo ako nakilala? Paunti-unting bumagabagal ang paghinga ni Impen.

***
Malayo na ang narating ni Impen mula sa araw na iyon. Tadhana ang naiisip niya tuwing inaalala
ang kanyang nakaraan. Tagumpay para sa kanya ang maging natatanging miyembro ng
Sikretong Samahan

You might also like