Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Si Miss Yeyeng ay isang dalagang punong-puno ng kolorete ang mukha.

Sabi
nila ang mga magulang niyay tubo sa isang sulok ng Pampanga, isang maliit na
lugar sa lalawigang kinatitirikan nito. Dahil sa si Miss Yeyeng ay Filipina mula paa
hanggang ulo at hanggang sa dulo ng buhok ay Kapampangang-Kapampangan.
Dahil mahirap lamang sila, ang kanilang ikinabubuhay ay paglalako; at si Miss
Yeyeng at madalas makitang nagsusunong ng ginataan o kaya ng bitso-bitso na
puntuk-puntuk niya sa ulo at pumupunta kung saan may pasugalan. Tila di pa
dumating ang pagkataong para magbago ang buhay ng Miss.
Hanggang sa nagwakas ang himagsikan. Nagbukas ng mga paaralan ang
pamahalaang military ng Amerikano at naghikayat sa ilang sundalo ng magturo rito
sa Pilipinas. Si Miss Yeyeng, Yeyeng pa siya noon, wala pang Miss, ay nagkaroon ng
suki sa mga sundalo o sa mga gurong sndalo. Pinilit siya ng kanyang suking gurong
sundalo na mag-aral sa pinagtuturuan nitong paaralan, nang silay magkaunawaan;
dahil kapag nag-uusap sila ang sundaloy nag-iingles at si Yeyeng ay Kapampangan
naman; kaya pinag-igihan din ni Yeyeng ang kanyang pag-aaral.
Ilan buwan ang nagdaan, si Miss Yeyeng ay nagsasalita na ng Ingles at nang
umabot nan g walong buwan, sa pamamagitan ng gurong sundalo, inihatid siya sa
isang lalawigan para magturo roon. Nang doon na si Yeyeng nagtuturo, tinitingala
siya ng tagaroon dahil nakikita nilang marunong siyang mag-Ingles.
Ganyan dumaan ang panahon: si Miss Yeyeng lubosnang hindi nagsasalita ng
Kapampangan, dahil ayon sa kanya nakalmutan na niya ito. Ang Kapampangan daw
ay matigas at nasisilo ang dila niya, kaya kailanmay hindi na tuwid at garil na ito.
Yung ilan na nakakakilala sa kanya, sa tuwing nakaririnig sa kanya, ay agad
na nagkakalabitan. Sa kalaunay pinalitan nila ang kanyang pangalan at ang
pinangalan sa kanyay itong matunog at maalingasngas na Miss Phathupats,
isang pangalang nagbuhat sa malapad niyang balakang na pilit niyang iniipit sa
corset na ubod ng higpit, kaya wala siyang iniwan sa patupat, o suman na mahigpit
ang pagkakabidbid.
Mula noon ang pangalang ito ang nagging tawag na sa kanya at tuluyang
nakalimutan ang pangalang Yeyeng na malambot niyang palayaw. Nakasanayan na
ng karamihan Ang Miss Phathupats.
Hindi nagtagal, inilunsad ang lng Emangabiran, isang pahayagang
Kampangan ng Bacolor. Habang may pista sa bayan X, nadoon si Miss Phathupats,
nakita niya ang pahayagang nasa Kapampangan, sumimangot siya, iniling ang ulo
bilang pagpapakita ng di-pagsang-ayon at nagwika: Mi no entiende
Kapampangan.
Mi no entiende ese Castellano, Miss, tugon ng isang pilyong tao.
Ginaya niya ang himig ng boses.
Ngumiti ang mga nakapaligid sa kanila; dahil silay mga pinagpipitaganan
itinago nila ang kanilang tawa sa magandang Miss. Kahit na alam niyang
pinagtatawanan siya, nagkibit-balikat at nagwikang:
Sa totoo lang, nahirapan akong magsalita ng Kapampangan, at lalo na sa
pagbasa nito.
Sa munting talumpating ibinigay nito, ang himig niyay parang himig ng
asawa na nagtitinda ng isda, nagsasalita ng magkakahalo at pabahagdang Ingles,
Kastila at Tagalog. Hindi na nakakayanan ng mga nakikinig at silay bumulalas na ng
tawa.
Nagalit si Miss Phathupats, hinarap ang mga humahalakhak at nagtanong:
Porque reir?
Por el champurao, Miss, tugon ng taong mahilig mang-inis sa kanya.
Lalong lumakas ang pagtawa ng mga nakikinig at ang temperature ni Miss
Phathupats ay nagsimulang tumaas.
Isa sa mga nandoroon ay angsalita:
Huwag kayong magtaka na ang Miss ay hindi marunong ng Kapampangan:
una, dahil matagal siyang nakihalubilo sa mga sundalong Amerikano at pangalawa,
hindi na siya Kapampangan. Ang patunay nitoy ang ngalan niyang Miss
Phathupats.
At ang lahat ay tumawa nang tumawa. Napakalakas ng pagsabog na ang
kawa ni Miss Phathupats ay sumambulat at mula sa kanyang bibig ay dumaloy ang
nagbabagang lava ng Vesuvius, o sa ibang pananalita, isang malakas na agos ng
pagmumura sa Kapampangan ang bumugso mula sa kanyang umaapoy na bibig.
Walang hiyang mga tao! Magnanakaw! Mga manunuba!
Mga anak ng ______! lahat ibinuga sa Kapampangan
Aba! Kapampangan pala siya! wika ng isang nakakakilala sa kanya.
Anak siya ng matandang Gading, mayabang na kakabaryo ko.
Napahalakhak nang malakas ang mga nandoon. Napaiyak si Miss Phathupats,
at sa kanyang pagpunas-punas ng luha natuklap ang makapal niyang make-up.
Lumitaw ang tunay na kulay ng kanyang pisngi. Kaya nang mamasdan ng mga
nanonood, lalo silang napatawat nagsabi:
Aba! Maitim pala siya.
Oo, negrang Amerikana siya!
Hiyawan, palakpakan, halakhakan ang maririnig sa paligid.
Hindi matiis ni Miss Phathupats. Lumabas siya at nagsabing:
Mi no vuelve en esta casa.
Adios, Miss na hindi marunong mag-Kpampangan!
Adios, Miss Roosevelt!
Adios, Miss Phathupats!
Pinag tulungan siya ng lahat. Ang Kaawa-awang Miss Yeyeng ay umalis na
bumubulong ng: con el rabum inter pernarum
Napakaraming Miss Phathupats ngayon, hindi marunong mag-Kapampangan
o ikinahihiya nila ang Kapampangan dahil nakapagsasalita na sila ng Ingles na
champurao.

You might also like