Professional Documents
Culture Documents
Ibong Adarna
Ibong Adarna
Scene 1.
Narrator: Ang makisig at butihin na si Haring Fernando at ang kanyang
minamahal na may bahay na si Donya Valeriana na ang kagandahay sobra-sobra,
walang kapalit ang kabaitan at itoy uliran pa. Silang mag-asawa ay nag mamahalan
ng sobra, sila rin ang namumuno sa isang malawak, maganda at mapayapang
kaharian ito ay ang kahariang berbanya, silang mag-asawa ay may tatlong
makikisig na anak at sila ay sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Si Don Perdo
ay ang panganay na anak sa pamilya ito ang pinaka mapag mataas sa lahat,
mayabang kung tawagin ng iba. Si Don Diego naman ay ang pangalawang anak sa
pamilya ito ay makisig, may kakaunting kabutihan ngunit may tinatagong kasamaan
at ang bunso sa mag-kakapatid ay si Don Juan, ang pinaka makisig, mabuti at ang
responsableng anak sa pamilya.
Haring Fernando: Magandang umaga sa iyo mahal kong asawa, halika nat mag
pahanda sa ating mga taga silbi ng ating agahan.
Reyna Valeriana: Sige aking minamahal. Mga taga silbi, ihanda niyo na ang aming
agahan, at tawagin niyo na ang aming mga anak.
Tiga-silbi: Opo masusunod mahal na reyna.
(Pagkatapos kumain ng pamilya, inanyayahan ni Haring Fernando ang mga prinsipe
upang magsanay sa tamang paggamit ng espada.)
Chapter 2.
Scene 1.
Haring Fernando: Mahal kong mga anak Pedro, Diego at Juan, hayaan niyo akong
ipaalam sa inyo kung gaano ka importante at kahalaga ang paggamit ng espada sa
ating pamilya, lalo na sa sususnod na magiging hari. Nararapat na matuto kayo nito
upang inyong maipagtanggol ang inyong mga sarili.
Don Juan: Tama si Ama, kuya Pero at kuya Diego.
Don Pedro: Tigilan mo ako Juan, alam naman namin ni Diego na hindi mo kayang
ipagtanggol ang iyong sarili.
Don Diego: Juan napakahina mo talaga, isa kang talunan.
Don Pedro at Diego: hahahahaha
Don Juan: Tama na aking mga kapatid, gusto ko lang naman sundin ang ating Ama.
(malungkot na sabi)
Haring Fernando: Magsitigil kayo Pedro at Diego. Hinid ninyo dapat yan sabihin
kay Juan, kayo ay magkakapatid, sa oras ng kagipitan dapat kayo ay magtulungan,
halina kayo rito at sisimulan ko ang pagtuturo sa inyo.
Scene 2.
Narrator: Mahimbing na natutulog si Reyna Valeriana, ngunit si Haring Fernando
ay
Haring Fernando: Juan lumaban ka !lumaban ka! (Magigising)
Reyna Valeriana: (Napabangon dahil sa narinig na sigaw ng Hari) Ano ang
nangyari mahal kong asawa, tila may napanaginipan kang hindi maganda.
Haring Fernando: Hindi nga talaga maganda ang aking panaginip, napanaginipan
ko si Juan na nahulog sa bangin. Hinulog siya ng dalawang lalaki, hindi ko naaninag
sa aking panaginip ang katauhan ng dalawang lalaki.
Scene 3.
Narrator: Lumipas ang mga araw, tila nasa hindi mabuting kalagayan ang mahal
na hari.
Reyna Valeriana: Mahal kong asawa, ikaw ba ay may nararamdamang kakaiba?
Haring Fernando: Tila ako ay nanghihina, masama ang aking pakiramdam.
(Umuubo)
Reyna Valeriana: Kung ganun mahal kong asawa ako ay mag papatawag ng mga
magagaling na manggagamot upang ikaw ay gamutin. (malungkot na sinasabi)
: Mga tiga silbi tumawag kayo ng manggagamot, mag-madali kayo!
Tiga silbi: Masusunod po mahal na reyna.
Scene 3
Props needed: upuan na susuporta sa ibong adarna *dapat nasa likod ito ng puno
Kurtina* ito ay ipapatong kay Don Pedro nang siyay maging bato
Narrator: Masayang nilakad ni Don Pedro ang bundok ng Tabor (tatakbo si Don
Pedro at hihinto), ngunit isang puno ang nakakuha ng kanyang atensiyon (titingnan
ang puno ng Piedras) Ang puno ng Piedras Platas)
Don Pedro: Napakaganda.. Tila mga dyamanteng kumikinang! Ito na kaya ang
tirahan ng Adarnang aking pakay? (titingala sa puno) Ang punong itoy napakalago,
bakit ito lamang ang punong walang ibon? (titingala sa langit) Naku, gabi na pala,
hindi ko man lang napansin ang oras. (kunwariy may hinahanap sa kagubatan)
Wala naman ang ibong aking hinahanap, magpapahinga na lamang ako sa gabi.
(hihiga sa baba ng puno)
Narrator: Sa pagod niya ay hindi namalayan ang namayagpag na ibong adarna.
Ibong Adarna: (papagaspasin ang pakpak at magsisimulang kumanta)
Don Pedro: (unti-unting aantukin sa kanta ng ibong adarna)
*isang kanta lamang ang kakantahin ng ibong adarna
Narrator: (magsasalita lamang pagkatapos kumanta ng ibong adarna) Ang ibong
adarna ay umawit ng pitong kanta. Nakatulog naman ng mahimbing ang prisipe at
hindi naiwasan ang pagbabawas ng adarna. Wala na si Don Pedro na sa Tabor ay
naging bato, at sa di pagdating nito, ang berbanyay nagkagulo
Scene 2
Narrator/Script Writer:
Props needed: tinapay at tubig sa bote
Characters: Don Juan, Ermitanyo
Setting: Kagubatan
Positions: Naglalakad si Don Juan at nasa kanya ang kabayo niya- Nasa dulo ng
stage ang Ermitanyo habang nakaupo
Narrator: Naglakbay na si Prinsipe Juan patungo sa bundok ng tabor, sa gitna ng
paglalakbay (babagsak ang kabayo) namatay rin ang kanyang kabayo (luluhod sa
kanyang kabayo at aalis) at walang nagawa kung hindi maglakad bitbit ang limang
tinapay at baong maiinom.
Don Juan: (habang naglalakad, mapapaluhod sa pagod) Akoy iyong kahabagan,
Birheng kalinis-linisan nang akin ding matagalan itong matarik na daan. (tatayo at
lalakad muli pero magugulat sa Ermitaryo)
Ermitanyo: Maginoo, maawa ka, kung may baon kayong dala ako po ay limusan
na. Patang habag na ng Diyos tulungan na ang may lunos, kung sa sakit koy
matubos ako namay maglilingkod.
Don Juan: Ako nga po ay may taglay na natitirang isang tinapay na baon sa
paglalakbay.(Inilabas ang nag iisang tinapay at tubig)
Ermitanyo: (ngingiti) Huwag mag alinlangan, ano po ang inyong pakay? Ako po ay
pagtapatan baka kayo ay matulungan.
Don Juan: Kung gayon po ay salamat ako po si Don Juan, andito po ako dahil
hinahanap ko ang panlunas sa sakit ng aking ama. Ang ama ko po ay nakaratay sa
malubhang karamdaman, ibong adarna nga lamang ang mabisang kagamutan.
Bukod dito may isa pa, ngayon po ay tatlong taon na, ang kapatid kong dalaway
nawawalat di Makita.
Ermitanyo: Aba naku, O don Juan ! Malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan.
Kaya ngayon ang bilin ko ay itanim sa puso mo, mag-iingat kang totoo at nang di ka
maging bato. Sa pook matatanaw ay may kahoy kang daratnan, dikit ay di ano
lamang kawili-wiling titigan. Dooy huwag kang titigil at sa ganday mahumaling,
sapagkat ang mararating ng buhay mo ay magmaliw. Sa ibaba ay tumanaw ka may
bahay na makikita, ang naroong taoy siyang magtuturo sa Adarna. Itong limos
tinapay dalhin mo na(tila binigay yung tinapay) O Don Juan nang mabaon mo sa
daan malayo ang paroroonan.
Don Juan: Maginoo, bakit po bat iyay ibabalik mo pa gayong naibigay ko na. ugali
kong pag kabata na maglimos sa kawawa, ang naipagkawanggawa bawiin pay di
magawa. (Hindi kinuha ni Juan ang tinapay at nag paalam na sa ermitanyo)
Maraming salamat po ulit at ako ay aalis na, kayo ay palaging mag iingat.
Chapter 8
Narrator/Script Writer:
Scene 1
Props needed: kulungan at peke at magandang ibon
Characters: Ang tatlong prinsipe
Setting: Kagubatan
Position: Magkakasama ang tatlong prinsipe nasa harap sina Don Pedro at Don
Juan na hawak hawak ang ibong adarna, nasa likuran naman si Don Diego.
Scene 3
Props needed: peke at pangit na ibon sa isang kulungan
Characters: Don Juan, Don Pedro, Haring Fernando at Reyna Valeriana
Setting: Kwarto ni Haring Fernando
Positions: Nakahiga si haring Fernando, nakaupo at nakayuko si Reyna Valeriana sa
tabi ni haring Fernnando saka papasok ang dalawa
Don Diego: Ama!
Don Pedro: Ama! Ang Adarnay dala namin!
Haring Fernando: Magaling mga anak! (ngingiti at titingin sa likuran ng dalawa)
Nasaan ang iyong (uubo) kapatid?
Don Pedro: uhh, (magtitinginan sila ni Don Diego) hindi po namin-
Don Diego: hindi po namin alam
Haring Fernando: (titingin sa ibaba, sabay titingin sa ibong adarna at magtataka)
Ito ba ang ibong adarna? Bakit naglalagas ang kanyang pakpak, napakapangit!
Kung ito raw ay kumanta, may sakit ay giginhawa, bakit ngayoy para bang tinitikis
yaring dusa? Bakit kaya napakatamlay niyan, kung lagi yang ganyan, mas lalo ko pa
ata ikamamatay.
Narrator: tumulo ang luha, ng haring malungkot, sa memorya ng anak, kanyang
nooy kumunot. Hindi kumanta ang adarna sapagkat gusto niya na pag siyay
kumanta, ang naka kuha sakanyay mapariringan ito. Labis ang kanyang pag-asa,
ang prinsipey buhay pa, kung tunay mang nasa dusa, gagaling ding walang sala.
Uuwi sa kaharian, sap ag-ibig ng magulang, may araw ring malalaman, ang
nangyaring kataksilan
Script writer:
Scene: Sa Damuhan
Ermitanyo: Hari, iyo pong alamin na si Don Juan ay nagtiis ding palad niya ay
hiwain nang gabiy akoy hulihin.
Narrator: Pitong malalim na sugat na pinigan pa ng dayap, nang humapdi, o kay-
antak lamay parang kinagat.
Ermitanyo: Dusang ito tiniis nang dahil sa kanyang nais na ang taglay mo pong
sakit ay huwag pong pakalawig.
Narrator: Nanahimik ang Adarna nagbihis ito ng ikalimang balahibong tinumbaga
at ang sabi sa monarko:
Ermitanyo: nang pauwi silang tatlo ditto sa reyno, nagbilin ang ermitanyong
huwag nawang magtaksil.Masasaya sa lakaran kung may sukat ikalumbay ito ay sa
kainipan sa haba ng nilalakbay, patuloy ang saya nila ngunit noong sumapit na sa
bundok na pangalaway nagbago ang pagsasama.Sa apoy ng kaiingitan nitong anak
mong panganay nagbuko ng kataksilan na patayin ang anak niyong bunso.
(Paliwanag na salita ni Ermitanyo)
Ermitanyo: Salamat at napigil ni don diego yaong nasa at kung hindi ang kawawa
mong bunsong anak ay nawala. Nasansala ang pagpatay ngunit silat
nagbubulungan nang malayoy may kindatang babala ng kasawian.
Narrator: Umawit ang iboy pinatid muling nagbihis ng ika-anim, ito pa ay lalong
mas maganda kaysa sa limang naipamasid.
(magbibihis ng ika-anim ang ibong Adarna)
Ermitanyo: o kay lupit!Haring mahal, ng nangyari sa kindatan, pagdakay
pinagtulungang bugbugin si Don juan, Bunso mo poy humihibik ng tigilan ang sakit.
Sa suntok at tadyak, Si don Juan kulang palad ay kawawang napasigaw. Kaya
lamang natigilan dahil nanghina at iniwanan ito, laking galak ng dalawa nang ako
po ay maagaw na, habang daay anong sigla na pagtawa.
Narrator: Ikapitong katapusang awit, Bago sinimulan sa tayoy nagpakahusay,
balahibong inilabas ay sobra sa tigas kayat lalong nanggilas ang tanang dooy
kaharap
Ibong Adarna: Tatapusin ko ang awit para sa bunsong anak niyo Hariy makinig
nang lubusan mong mabatid.
(Kakanta ang Ibong Adarna sa Ikapitong
Awit)
Narrator: Nang matapos ang kanta, hari ay tila parang nanaginip nagbalikwas na
sa higaan parang walang sakit. Ang Adarna ay lalalpit sa Prinsipe Juan ibot anak ay
hinagkan sa laki ng katuwaan
(yayakapin ng ibong Adarna si Don
Juan)
Narrator: Gayon na lamang ang poot, Sa dalawang nagtaksil. Ang hari ay inilagda
ang parusang ipatapon ang dalawa. Itapon at bawiin ang karapatan, Upang hindi
pamarisan ng pinunot mamayan. Ang hatol ni Don Juan ay Nahabag sa ama agad
humarap at humingi ng tawad.
Don Juan: (Lumuluhang sabihin sa ama) o ama kong mahal, ang puso mong
mapagmahal sa kanilay buksan mo din. Malaki man ang sala ginawa nila saakin.
Yuon po ay tappos na. ako naman ay nandito kasama mo parin wala naman
nagbago sa samahan naming tatlo. Sila ang aking mahal karugtong na aking buhay.
Hindi Ko po matiis sa akiy malayo pa sila, Kaya po ibigay niyo na ang tawad sa
kanila.
Narrator: Haring Fernando na may galit nagbagbagan din ng dibdib ang dalwang
nakakulong ay pinalaya din.
Haring Fernando: Kayo ngayon ay lalaya, Sa pangakong pagtatanda. Sa araw na
magkarooon ulit kayo ng sala kahit munti ay hindi ko kayo patawarin, Kaya nga
pagingatan niyo ito. Tandaan! Magkasalay minsan lamang pag umulit ay
kamatayan.
Narrator/Script Writer:
Scene 1
Characters: Reyna Valeriana, Haring Fernando, Don Pedro, Don Diego, Don Juan,
Ibong Adarna
Setting: Kwarto ng Hari
Reyna Valeriana: Mahal kong asawa ang iyong ngiti ay muling nanumbalik.
Scene 2
Narrator: Ang tatlong prinsipey natalaga upang bantayan ang hawla ng munting
adarna, tig tatlong oras sa magdamag ang kanilang hati
Don Pedro: Diego! Halikat akoy may pinaplano, maaaring ito rin ay ikatuwa mo!
Don Diego: (lalapit kay Don Pedro) ano ang iyong binabalak
Don Diego: Sasabay ako ngayon? Sino kung gayon ang magbabantay sa adarna
mamaya?
Don Pedro: Gisingin mo si Juan, pag dating ritoy iwan at wag nang palitan.
Don Diego: Ating pakawalan nang wala nang babantayan, Si Juan na lamang ang
ating sisihin
Narrator: Pinakawalan nga ng dalawa ang munting ibong adarna. Nang si Juan ay
nagising at nabigla ng wala sa hawla ang ibong adarna.
Don Juan: Nasaan ang ibong adarna?! Kung akoy mapapahamak, mga kapatid ko
lang ang salarin! Dapat kong mahanap ang ibong adarna! (tatakbo paalis)
Don Pedro: (tatakbo kasama ni Don Diego papasok ng kwarto ng hari) Ano pong
nangyari ama?!
Haring Fernando: Walang kabuluhan! Hanapin ninyo ang inyong kapatid! Hanapin
ninyo si Juan!
Scene: Kagubatan
Don Pedro: Paano kung isasama natin si Juan pabalik sa palasyo, tiyak na
malalaman ni Ama ang totoong nangyari!
Don Juan: Kuya Diego, Kuya Pedro bakit po kayo nandito (takot na sabi).
Don Juan: Pasensya na kuya (sabay yuko) Hindi ko talaga pinakawalan ang Ibong
Adarna.
Don Diego: (hahawakan ang dibdib ng dalawang kapatid upang pigilan ang pag-
aaway) Huwag na tayong magsisihan sa problemang iyan, bakit di na lang natin
takbuhan?
Don Diego: Dito na lamang tayo manirahan, sa lugar na maganda naman, dito
natin mahahanap ang kaligayahan, labas sa sakal ng kaharian
Don Pedro: tingnan mo ang kagubatang ito, napakalaki at parang wala nang
hanggan.
Don Diego: oo nga ehh, at tila akoy masusunog sa init dito
Don Juan: teka mga kapatid, ano iyon? (tuturo ang balon at sabay titigil, titigil
silang lahat)
Don Pedro: Balon yata iyan, teka, ano namang gagawin ng isang balon sa gitna ng
kagubatang pagkalaki-laki?
Don Diego: malamang nakadisplay (tatawa sila ni Don Pedro) Pero seryoso,
(titingin sa paligid) wala naming bahay sa paligid. Ano kaya ang misteryo ng balon
na ito?
Don Juan: Alamin natin ang sagot, pasukin natin ang Balon (sasabihin habang
kinukuha ang tali sa baywang, ipapakita ang mga ito sa kapatid) Ibaba ninyo ako sa
pamamagitan ng lubid na ito, hilain ninyo lamang ang lubid kung hinatak ko na ito.
Don Diego: Hindi maaari Juan, mas matanda ako sa iyo, ako dapat ang bumaba.
Don Pedro: Wala kayong katapatan, ako ang panganay at ako ang nararapat na
bumaba.
Don Diego: Kung gayon, ikaw na lamang ang mauna, aantayin naming kung ano
man ang malalaman mo.
Scene 2
Props needed: lubid (dapat itoy nakatali sa itaas)
Characters: Don Pedro
Setting: Itim (maaaring kurtina na magsisilbing katawan ng balon)
Positions: nakatayo lamang si Don Pedro at hawak ang lubid, magmumukha siyang
bumababa
Don Pedro: hmm. Hindi naman masama ito. (titingin sa paligid) Huh?! Ano
iyon???!!! Ayoko na!!! (hahatakin ang lubid)
Narrator: Ilang dipa pa lamang ang inabot ni Don Pedro, ngunit siya ay natakot na
agad.
Scene 3
Props needed: itaas ng balon
Characters: Don Pedro, Don Diego at Don Juan
Setting: Kagubatan
Positions: tila hinihila ng dalawa ang lubid saka lalabas si Don Pedro
Scene 4
Props needed: lubid (dapat itoy nakatali sa itaas)
Characters: Don Diego
Setting: Itim (maaaring kurtina na magsisilbing katawan ng balon)
Positions: nakatayo lamang si Don Juan at hawak ang lubid, magmumukha siyang
bumababa
Don Diego: Napakaduwag talaga ng aking kapatid, tss. Dumidilim na (unti-unting
matatakot) Ayoko na!!!
Scene 5
Props needed: itaas ng balon
Characters: Don Pedro, Don Diego at Don Juan
Setting: Kagubatan
Positions: tila hinihila ng dalawa ang lubid saka lalabas si Don Pedro
Don Pedro: Anong nakita mo?
Don Juan: Kamusta?
Don Diego: Ewan kowala, wala. Nakakamatay ang walang hanggang dilim at
lalim ng balong iyan
Don Juan: (Di mapapakali at papasilip-silip sa balon) Ako na rin ay sasabak, akoy
inyong ibaba. (sasang-ayon ang dalawa)
Scene 6
Props needed: lubid (dapat itoy nakatali sa itaas)
Characters: Don Diego
Setting: Itim (maaaring kurtina na magsisilbing katawan ng balon)
Positions: nakatayo lamang si Don Juan at hawak ang lubid, magmumukha siyang
bumababa
Narrator: Bumaba si Don Juan na walang takot, nilalakasan lalo ang kanyang
pananalig. Unti- unti, dilim ay bumabalot, at pilit na nilalabanan ni Don Juan ang
kanyang takot.
Don Juan: Ano pa ang bisa ng aking pagnanasa na tuklasin ang hiwaga kung hindi
naman magagawa? Ano man ang kasasapitan, itoy di ko uurungan, ang malaking
kabiguan, ay bunga ng karuwagan. Nasimulan nang gawin ang mararapat ay
tapusin, sa gawing pabinbin-binbin, wala tayong mararating
Scriptwriter:
Narrator: Nakita ni Don Juan si Donya Juana at biglang sumulpot ang higante sa
harapan ni Don Juan.
Don Juan:(kinuha ang espada) Sige ba, gagawin ko ang lahat para mailigtas ko
si Donya Juana.
Narrator: Nakita ni Don Juan si Donya Leonora pero biglang humarang ang
serpiyente.
Serpiyente: Ano ang ginagawa mo dito? (pasigaw na sabi)
Don Juan: Ililigtas ko si Donya Leonora.
Serpiyente: Kung matatalo mo ako sa paglalaban natin.
Don Juan: Sige ba, simulan na natin ang laban (sabay hugot sa espada).
Donya Leonora: Don Juan mag-iingat ka!
Narrator: Nagsimula na ang laban at makaraan ng ilang minuto ay natalo ni Don
Juan ang Serpiyente.
Donya Leonora: Maraming salamat Don Juan! (sabay yakap kay Juan).
Donya Juana: Leonora, ayos ka lang ba, nasugatan ka ba? (natatarantang sabi).
Donya Leonora: Hindi naman ako nasugatan at nasaktan aking kapatid.
Donya Juana: Akala ko kung anong ang nangyari sayo.
Don Juan: Donya Juana, Donya Leonora halika na umalis na tayo dito.
Narrator: Dahil sa kakamadali ni Donya Leonora, ang kanyang singsing na
diamante ay naiwan sa loob ng palasyo at nadala niya lang ang alaga niyang lobo.
Don Juan: Donya Juana, Donya Leonora ito na ang lubid at itatali ko ito sa inyo para
makaakyat na tayo mula sa balon.
Narrator: Hinila nila Don Pedro at Don Diego sina Don Juan, Donya Juana at Donya
Leonora mula sa balon.
Scene 1
Characters: Donya Leonora, Donya Juana, Haring Fernando, Don Pedro at Don
Diego
Setting: Kagubatan
Narrator: Sa Kaharian ng Berbanya nagtungo sila Don Diego, Don Pedro, Donya
Juana at Donya Leonora, Wala pa din ang nakakaalam kung ano na ang kalagayan ni
Don Juan nang inilagay siya sa panganib ng kanyang kapatid.
Habang naglalakad sina Donya Leonora at Donya Juana, hindi mapakali si Donya
Leonora. Sa pagtataka ni Donya Juana, kanyang tinanong ang kapatid kung bakit
ganoon ang kanyang inaasal.
Donya Leonora: Nag-aalala ako kay Don Juan, siyay nasa panganib. (yuyuko)
Hindi ko kakayanin kung siyay mawawala o hindi makababalik sa Berbanya.
Don Pedro: (lalapit sa dalawa) Donya Leonora, ikaw sanay mapasaakin, hindi kita
tutuksuhin, ngunit ikayy mamahalin. Ako na ay iyong aalipinin, iyong puso lang
mapasaakin. O prinsesa, aking pangako, hindi kita iiwan kahit ako pa man ay ipako.
Don Pedro: (lalapit kay Donya Leonora ngunit siyay lalayo) Andito ako upang
patunayan na ako ang karapatdapat na iyong maging asawa at hindi si Juan. Wala
na siya at nandito naman ako (lalapit pa lalo)
Donya Leonora: Hmph! (Tatarayan si Don Juan at hihilahin si Donya Juana palayo)
Narrator: Hindi na natiis ni Donya Leonora si Don Pedro kaya hinila niya si Donya
Juana papalayo sa prinsipe. Kitang-kita ang pagkairita ni Donya Leonora sa mga
sinabi ng prinsipe. Tanging si Don Juan lamang ang bumihag sa kanyang puso, at
walang iba.
Scene 2
Characters: Don Pedro, Don Diego, Don Leonora, Donya Juana at Haring Fernando
Don Diego: Aming hinanapan bundok, burol ilog at sapa, ngunit anak na inyong
minamahal ay wala talaga ni isang balahibo ng IbongAdarna
Don Pedro: Ang amin lang natagpuan ay mga prinsesang nagsisigandahan. Silay
nakita sa balong enkantada, Mayroong Syerpente at Higanteng dambohala. Nang
aming matalo ang mga prinsesay dinala, nais naming pakasalan, mga anghel na
pinagpala.
Don Pedro: Amin pong hinihiling ang inyong kasagutan, amin pong gagalangin ang
inyong kalooban. Kung ako po ay Tatanungin, Si Leonora na ay akin, Si Diegoy
ikakasal rin, kay Don Juanang butihin. (magugulat si Leonora at mahihiya si Donya
Juana kay Don Diegong nakatingin lang sa kanya)
Haring Fernando: Mabuti nat ikasal ang aking mga anak na mahal
Scene 3
Props needed: mga upuan na nakaayos na tilmay kinakasal at belo para kay
Donya Juana
Chapter 18
Script Writer:
Narrator:
Scene 1
Props needed: bote ng gamot na walang laman
Characters: Don Juan at Lobo
Setting: Kaharian sa ilalim ng mahiwagag balon
Positions: Si Don Juan ay nakahiga at duguan nang siyay mahulog saka papasok
ang Lobo
Narrator: Dumating ang Lobo at nakitang sugatan si Don Juan. Ang kanyang uloy
dumudugo, kanyang butoy durog durog at ang kanyang katawan ay nanghihina.
Inihiga niya si Don Juan upang maging comportable saka naman kumuha ng bote
(kukunin ang bote) at nagtungo sa Ilog Jordan upang makakuha ng tubig na
gagamot kay Don Juan (aalis ang lobo). Sa kanyang pagbabalik, kanyang pinahid
ang tubig kay Don Juan, sa bawat pasa, malala man o hindi. Ang kanyang mga
sugat ay naghilom at ang kanyang kalakasan ay nagbalik.
Don Juan: Salamat munting kaibigan. (hahawakan ang ulo ng lobo)
Lobo: (uupo sa tabi ni Don Juan, gagawa ng tunog ng isang lobo)
Don Juan: Ako ata ay masyadong nalilibang, tara nat umakyat at tumungo sa
ibabaw ng balong ito. (sasang-ayon ang lobo)
Scene 2
Props needed: lubid
Characters: Don Juan at ang lobo
Setting: Kagubatan
Positions: Hila-hila ng lobo ang tali mula sa balon saka lalabas si Don Juan
Don Juan: Maraming salamat muntingkaibigan, paalam na (kakaway)
Lobo: (yuyuko bilang simbolo ng pagpapaalam saka lilisan)
Script writer:
Scene: Kagubatan
Props Needed: Ibong Adarna, malakin puno kung saan nakadapo ang Ibong
Adarna, costume of Don Juan.
Narrator: Nang dumapo ang Ibong Adarna sa puno ay nagsimula na sabihin ang
payo para kay Don Juan.
Don Juan: (nakatingin sa Ibong Adarna) A-adarna? Anong ginagaw- Teka, sinabi
mo bang Leonora??!! Nasaan sila!
Don Juan: Pupuntahan ko ngayon si Donya Maria sa Reyno De los Cristales para
siya ay makita ko.
Chapter 20: Ang Panaghoy ni Donya Leonora
Characters: Don Juan Donya Leonora,
Props:
Narrator/Scripwriter:
Scene 1.
Narrator: Habang si Don Juan ay papunta sa kaharian ng Cristal, Si Donya
Leonorang mahinhin araw gabiy nalulungkot at umiiyak sa kanyang silid, walang
masabi kundi si Don Juan ang kanyang iniibig.
Donya Leonora:( Umiiyak na salita) O, Kasi ng aking buhay lunas nitong dusat
lumbay, Anot di ka dumuratal. Walang gabi at umagang ikay wala sa isip. Anot
iyong natiis ako sa ganitong sakit, Diba tunay, aking giliw pangako mong wagas.
Ako ay iyong mamahalin ano ngayot di mo tupadin. Pitong tao pagiisa hiningi sa
iyong ama. Pagkat di ko matanggap makasal sa hindi ko mahal.
(Mangiyak-iyak na sabi ni Donya Leonora sa kanyang sarili)
Donya Leonora: Kung narito ka Don Juan. Makkita moa ng aking lagay. Ang dibdib
mo kahit ay bakal ay madudurog din sa lungkot. Bakit nga Ba hindi, Irog? Ayaw ko
bigyang laya munting akoy mapayapa, Panabay iwang kasakit-sakit kumundag na
pumapatay sa buhay kong bigo. Pagkat di ka binuhay ng aking Lobo pinakawalan
kaluluwa mo man lamang sana akiy dumalaw.
Narrator: Pagiyak ni Donya Leonora pa nong marinig baga. Si Don Juan malayo na
ay hindi na siya maalala pa.
Chapter 21
Script Writer:
Scene 1
Props needed: lalagyan ng tubig, pekeng tinapay, piraso ng tela (baro)
Characters: Don Juan at Ermitaryo
Setting: Kagubatan
Positions: Naglalakad si Don Juan at may makikita siyang matanda
Narrator: Tatlong taong naglakad si Don Juan sa kagubatan upang mahanap ang
sinasabing pinakamarikit na babaeng si Donya Maria Blanca. Bawat hakbang at
lakad, tila papalayo sa sinsabing Reyno ng mga Cristal. Kanyang pananalig sa Diyos
ay di pumapanaw kahit ganito na ang kanyang lagay.
Don Juan: (manghihina ngunit magugulat sa Ermitaryo) Ginoo paumanhin po, ako
lamang poy limusan ng kahit kakaunting pagkain, ako po kasiy wala pang kain
ilang araw nang mahigit, kahit po kakaunti lamang akin pong tatanggapin.
Ermitanyo: Ganoon ba bunso? Ito tinapay, iyo nang kainin, itoy medyo luma
ngunit iyong gutom namany mapapawi.
Don Juan: Salamat po ginoo (kakainin ang tinapay)
Narrator: Laking pagtataka ni Don Juan, ang tinapay na lumay lasang bagong luto!
Don Juan: Ginoo, kayo po bay may tubig na maaari kong inumin, akin pong
lalamunan ay tila nananakal sa sakit.
Ermitaryo: Diyan sa bumbong tubig ay masasalok, ingatan lang na tumapon upang
ako pa ay may maibaon.
Narrator: Dakutin ay kay bilis sa uhaw ay nagpaalis. Ang tubig ay nagustuhang
lubos di naiwasang maubos.
Don Juan: Ako po sanay mapatawad sa- huh? B-bakit itoy puno pa rin?
Ermitaryo: Ano iyon iho?
Don Juan: W-wala po ginoo (ngingiti na parang bata) Ginoo, ako poy lubos na
nagpapasalamat sa inyong awa, ako lang poy may itatanong, alam niyo po ba ang
Reyno De Los Cristales na aking tinatahak?
Ermitaryo: Sa mga taong aking paglalakbay, lugar na yay di ko alam, ngunit
akoy may kilala, ermitaryong anim na daang taon na maaring alam ang tinatanong
na pook. Itong piraso ng Baro ay ibigay mo, kung nagtanong kung saan galing
sabihin mong sa matandang sugatin po. Kaya ikay humayo na, sa Reyno ng mga
Cristal.
Don Juan: Maraming salamat pong muli sa pagpapasaya sa akin kahit sa isa
lamang na sandali. (aalis)
Scene 2
Props needed: upuan at harang
Characters: Don Pedro at Donya Leonora
Setting: Loob ng palasyo
Positions: Nakaupo ang dalawa, nakasa magkatalikod na upuan na mag harang sa
gitna
Narrator: Sa Bebanyay nagdurusa si Donya Leonora, maliban sa pagkaulila, kay
Don Pedro pay naiirita. Si Don Pedro namay walang tigil sa pagmamahal, naninikip
ang dibdib kung si Leonoray lumuluha. Alam niyang hindi siya mahal at siyay
umaasa lamang, ngunit si Don Juay wala nang posibilidad na lumaki pa. Kanyang
pinupunan ang pusong bato ni Leonora, kahit siyay nasasaktan, tinitiis para sa
mahal. Kadalasay maririnig ang sa kanilang pag-uusap ang mga salitang ito:
Don Pedro: (bahagyang itataas ang ulo) Leonorang hinahangad ko, hindi na ba
magbabago ang tila bato mong puso?
Donya Leonora: (hahawak sa dibdib at titingala) Si Don Juan ang hinahangad, siya
lamang ang sinisinta, malagot man ang hininga, siya pa rin at siya lamang.
Don Pedro: (haharap kay Leonora ng onti) Leonora kong minamahal pawiin na ang
kalumbayan, hindi kita pababayaan, pag-ibig koy (itataas ang kamay paharap)
walang hanggan.
Donya Leonora: (mapapatayo sa galit) Siya nga ang aking mahal, bakit ka ba
mapilit?! Siyay pingtaksilan, masasabi lamang na ikay isang lapastangan!
(hahawak sa dibdib at titingala) O Don Juang aking mahal, bakit kaya ikay wala pa,
akoy nangungulila, sa pagmamahal mo o sinta. Tatlong taon na pag-aantay, tatlong
taon na nagtiis, nararapat ba na akoy ikasal sa hindi naman inibig?
Don Pedro: Tatlong taong pag-aantay sa kamay ng minamahal, ngunit hanggat
may pag-asa, ako pa rin ay magpapagal. (tatayo at titingala)
Chapter 23
Narrator/Script Writer:
Scene 1
Props needed: Wala
Characters: Don Juan at ang ibong adarna
Setting: Kagubatan
Positions: Nakasunod ang ibong adarna kay Don Juan (pinapagaspas ang pakpak
na tila lumilipad)
Agila: Ang prinsesang iyong hinahanap ay darating na Ikaapat ng oras. Ang mga
prinsesay tatlo at pareparehas ng kagandahan, ngunit ang pinakamaganda sa
kanila ay si Donya Maria. Pariritot maliligo, ugali nang katutubo, upang hindi ka
mabigo, mag-ingat sa pagtagpo. Sila ay may sarisariling paliguan. Silang tatloy
nakagayak tila tulad ng kalapating binusilak, iyan sa puno ng piedras ay darapong
buong gilas. Tibayan mo ang loob mo at alalahanin ang aking mga bilin.
Scene 2
Props needed: Harang ng prinsesa, isa pang damit na kahawig sa suot ni Donya
Juana
Characters: Don Juan at si Donyang Maria
Setting: Kagubatan
Positions: Magtatago si Don Juan sa tabi ng paliguan saka papasok si Donya Juana
Narrator: siyay nagtago kahit isip ay gulong-gulo. Isip ay nababagabag ngunit
napagpasiyahan niyang mag-antay na lamang magdamag. Sa gitna ng pananabik,
(papasok si Donya Maria) laking tuwat pusoy nabihag sa ganda ni Donya Maria.
Don Juan: (bahagyang itataas ang ulot maaakit kay Donya Maria) Kay ganda.
Akoy pumikit man, ako pa rin ay nabibihag, di ko mapigilan ang aking puso
(sasandal sa taguan at unti-unting mahuhulog)
Donya Maria: (papasok at ilalagay ang damit sa pinto upang magmukha na siyay
naghubad)
Don Juan: kanyang ganday walang kapantay, tila siyay gusto pang masilayan.
(titingin mula sa isang butas at biglang titingin pabalik) H-hindi m-maaari siyay
walang kasuotan! (titingin muli at pipigilan ang sarili at pipikit, titingin muli)
Donya Maria: (yuyuko at hindi na makikita sa labas)
Don Juan: siyay lumusong sa paliguan na parang sirena. Tila akoy nasa langit,
langit ng perlas, perlas ng dagat ng pagmamahal
Narrator: Nakoy umiibig ng tunay, si Don Juang nag-aantay, nagtitimpi at sa
kanyang pagka-inip, kanyang kinuha ang kasuotan ng prinsesa. (kukunin ni Don
Juan ang damit ni Donya Maria)Alam niyang mali at handa siyang maparusahan,
mahal niya ang prinsesat wala siyang maggawa. Sinuri niya ang damit ngunit
kanyang oras ng kasiyahan ay naubos pagkat kanyang pantasyay nabulabog ng
magandang tinig.
Donya Maria: (Ilalabas ang ulo at magagalit) Sino kayang lapastangan ang
naparitot nagnakaw?! Itoy di dapat gawin lalo pat kung saakin, maging hamak at
alipin sa tingin koy magaling. Ako na lang ay magpapaiwan, hayaan nang mga
kapatid mauna.
Narrator: (Si Don Juan ay natatakot at si Donya Maria ay magkukunwaring may
hinahanap) Mahigit isang oras nang naghahanap ang prinsesa habang nag-
aalinlangan naman si Don Juan. Kanyang galit ay di napapawi at si Don Juan ay
sumulpot ng nakaluhod. Daop-palad ang kamay at mahinahong nakiusap.
Don Juan: O marikit na prinsesa, ako poy pakinggan, ilaan inyong awa, sa palad
kong abang-aba. Aba, marikit na fenix, buwang pagkasakdal-lamig, sa abang
tatangis-tangis ang mata mo ay ititig. Wag ko pong maging sala ang sa damit moy
pagkuha, ugali ng may pagsintang maging pangahas sa pita. Mahal na prinsesa,
kung ako poy nagkasala, handa po sa parusa, pagkat ikay sinisinta.
Narrator: Prinsesay napaisip sa pahayag ni Don Juan, galit niyang malaki, ngunit
habag ang humalili
Donya Juana: gali may nag-aalab, sa iyong sitwasyoy biglang naawa. Anong lakas
man ng batas, ang kasalanang di mabigat, kapatawaran ay narapat. Kahit apoy na
mainit napapawi rin ng malamig na tubig. Galit koy nawala ng makita ang iyong
luha, ngayon sabihin mo nga, saang kaharian ka nagmula?
Don Juan: O kagandahang maladiyosa, akoy nagmula sa Berbanya, kahariang
aywan ko ba, kung muli ko pang makikita. Sinadya ko po ang inyong kaharian,
agilang magilas ang akin pong sinakyan. Dito sadyanghinahanap ang matagal ko
nang pinapangarap, (tatayo) sa puso koy bumabagabag, isang talang sakdal-dilag.
(ituturo ang prinsesa at mapapatingin sa ibang direksyon) I-ito na po ang i-inyong
kasuotan (tatakpan ang mukha pagkakuha ng prinsesa)
Donya Juana: (yuyuko at itataas ang damit na tila siyay nagbibihis saka lalabas at
haharapin si Don Juan na may matamis na ngiti) Hawakan mo ang aking kanang
kamay, itoy magsisimbulong walang-kupas at matapat kong pagsinta. (mabibigla si
Don Juan ngunit hahawakan ang kamay ni Donya Maria)
Narrator: Natindig si Don Juan at masuyong hinawakan yaong marangal na kamay
ng prinsesang kanyang mahal.
Scene 3
Props needed: Light effects (maaaring flashlight na pinatungan ng cellophane),
mga upuan na papatungan ng kurtina upang mukhang bato
Characters: Donya Maria at Don Juan
Setting: Kagubatan
Positions: Magkahawak ang kamay ng dalawa habang naglalakad saka uupo sa
bato
Donya Maria: Hindi dapat ipaglihim ang ating pagmamahalan, pagkat ang
paglilihim ay kataksilan. Kaya ikaw ay makinig sa aking paguulit, magmalas ka sa
paligid, ng palasyong sakdal-dikit. Iyang iyong natatanaw mga batong nakahanay,
ang lahat nay taong tunay na parang naparusahan.
Script writer:
Props Needed: prasko na may 12 negrito, costume of Donya Maria, Don Juan,
Haring Salermo and kawal, tinapay, lamesa, bundok
Don Juan: Ako naman po si Don Juan, galling sa kaharian ng Berbanya. (ngiti)
Haring Salermo: Kung gusto mong makuha ang kamay sa isa sa aking mga anak,
halika pumanik ka sa palasyo.
Haring Salermo: (huminga ng malalim) Kung yan ang gusto mo, sige bibigyan
kita ng mahigpit na pagsubok.
Don Juan: Gagawin ko po ang lahat para makuha ko ang isa sa kamay ng iyong
mga anak.
Narrator: Pagkakuha ni Don Juan ng trigo ay agad siyang umuwi at hinintay nin
Donya Maria na makatulog ng mahimbing ang lahat. Nagtungo siya sa bahay ng
potrero na siyang pook tinapan nila ni Don Juan. Kaagad na sinabi ni Juan kay Maria
ang ipinagagawa ng hari. At gaya nga ng ipinangako ni Donya Maria kay Don Juan
na siya na ang bahala sa lahat ng iuutos ng kanyang ama, agad naming
naisakatuparan ang hiling ni Haring Salermo.
..
Haring Salermo: (nagulat) Nandito nap ala ang mainit na tinapay. (tumingin sa
kanyang kawal) Kawal, , maaari mo bang tawagin si Juan?
Don Juan: (tinignan ang mga negrito) Alam kong tutulungan ako ni Donya Maria
para malagpasan ang pagsubok na ito.
Don Juan: Ang mga negrito ay pinakawalan ng iyong ama dito sa karagatan
(sabay turo sa mga nagrito). Kailangan ko daw silang ibalik sa loob ng prasko.
Donya Maria: Don Juan, ako na ang bahala dito (mahinhin na sabi). (tumingin
sa karagatan) Mga negrito magbalik na kayo sa loob ng prasko.
Haring Salermo: (nakatingin sa kastilyo) Saan kaya kinuha ni Don Juan ang
kanyang kapangyarihan? Ngayon lamang ako natalo.
Chapter 26
Scene 1
Props Needed: wala
Characters: Don Juan,
Setting: Loob ng palasyo
Positions: Nakatalikod at nakayuko si Don Juan (nagdurusa) saka papasok ang
isang alipin
Narrator: kung datiy araw-araw ay nagmamahalan at nagkakasiyahan, ngayon
namay di magkasama. Si Donya Mariay dapat alagaan ang kanyang ama. Si Don
Juay nagdurusa sa kanyang pagkawala. Si Don Juay di nakatulog sa pag-aala sa
desisyon ng hari, mayroong posibilidad na hindi na niya muling makikita ang
kanyang minamahal. Mahirap malaman kung anong mangyayari kinabukasan,
inabot pa sa umaga ang gulo sa kanyang kaisipan.
Alipin: Bati ko po kamahalan, sa palasyoy hinihintay ng magandang kapalaran.
Bilin po ng Hari na kayo poy magmadali, pagkat bago mananghali, idaraos ang
pagpili
Don Juan: Pagpili? Anong pagpili?
Alipin: Hindi ko po alam, ako poy inutusan laang.
Don Juan: Ako yatay iyong binibiro
Alipin: Akin pong sinasabiy totoo
Don Juan: Siget tayoy umalis na, kung ang hariy nag-aantay pa.
Scene 2
Props needed: trono ng hari
Characters: Haring Salermo, Don Juan at mga extra na gaganap na mga bisita
Setting: loob ng palasyo
Positions: Nakaupo sa Trono si Haring Salermo, mga tao ay nagtitipon at
nagkakasiyahan saka papasok si Don Juan at tatahimik ang lahat.
Don Juan: Haring makapangyarihan, handog ko po ay paggalang, sa utos ay
nakalaan.
Haring Salermo: Handog ko ay kasiyahan kahit uloy may kabigatat katawan may
kasakitan. Ako sanay patawarin sa pagtanggap na di magalang. Akoy naghanda
pabawi sa iyong paglingkod, aking paghingi ng tawad iyo sanay ikalugod. Ikay
naririto upang piliin ang iyong minamahal sa tatlong kwarto, tatlong prinsesa, isay
pakakasalan. Tayo nat pumili. (tatayo at ihaharap si Don Juan sa tatlong silid saka
sila parehong lalakad)
Scene 3
Props needed: trono
Characters: Haring Salermo, Don Juan at Donya Maria
Setting: Loob ng Palasyo
Positions: Nakaupo sa trono si Haring Salermo habang nakatayo sina Donya Maria at
Don Juan sa harap niya.
Narrator: Si Haring Salermoy inilihim ang prinsesang mahal sa mga kwartong may
butas. Daliri lamang ang makikita ni Don Juan, ngunit kanyang minabuti ang
kanyang pagpili. Dalawang kwartoy nilagpasan, prinsesang mahal kanyang
natagpuan. Kanyang pinaalam sa hari na kanyang natagpuan ang kanyang tunay na
mahal, lumabas na ang prinsesa sabay niyakap siya, si Haring salermoy di rin
makapaniwala.
Haring Salermo: BilangPagtupad sa aking... Pangako, iyo na ang aking
minamahal na anak, kayoy magsama na. Aking anak ay iyong alagaan. Maaari na
kayong lumisan.
(aalis ang dalawa nang Masaya, hawak hawak ng prinsesa ang kamay ni Don Juan)
Narrator: Ang hariy napaisip, kanyang anak ay nawalay na sa kanya, ngunit kaya
pa niya itong makuha.
Haring Salermo: Kung ipalisan ko kaya si Don Juan sa Inglaterat ipakasal sa aking
kapatid, hindi na niya makukuha ang aking mahal na anak kung gayon! Ngunit,
maaaring hindi sila magka-ibigan! Grrr! Handa ko ipapatay kung sinuman, aking
mahal na anak ay saakin lamang!
Narrator: Masamang balak ang lumason sa isipan ng hari buong maghapon, kanya
nang ipapapatay si Don Juan. Nang gabing iyon, si Donya Mariay dumating upang
magpasalamat sa kanyang ama, ngunit siyay nagimbala sa kanyang mga narinig
Donya Maria: (lalakad ng onti habang nakangiti)
Haring Salermo: Mga kawal!
Donya Maria: (mapapatigil ngunit nakangiti pa rin)
Kawal 1 & 2: (papasok) Mahal na hari, ano pong aming paipaglilingkod?
Haring Salermo: Inyong patayin ang dagang Don Juan na iyan!
Donya Maria: (mawawala ang ngiti at mapapahawak sa bibig ng magulat)
Kawal 1: Ngunit-
Haring Salermo: Walang ngunit-ngunit! Walang pero-pero, ang gusto koy si Don
Juan ay mamatay upang mapasaakin ang anak kong mahal!
Donya Maria: (aatras at tuluyang aalis)
Kawal 1 & Kawal 2: Masusunod po kamahalan.
Scene 4
Props needed: Wala
Characters: Haring Salermo, Mga kawal (5), Donya Maria at Don Juan
Setting: Gubat
Positions: tatakbo si Donya Maria at hihingalin habang si Don Juan ay nakatalikod
lamang sa kanya
Donya Maria: Aking amay nagpaplano ng masama, Aking mahal ay nasa
panganib. Sino- Ano ang aking gagawin? Nararapat ko lamang iligtas ang aking
mahal, mahal kong si Don Juan. (makikita si Don Juan at yayakapin niya mula sa
likod) Aking mahal! Tayoy lumisan na, aking amay may binabalak!
Don Juan: T-tanan? Ngunit akoy pinaya-
Donya Maria: Ikay kanyang ipinapapatay! Tara nat lumisan!
Haring Salermo: Aking anak! Maria! Dumito ka sa iyong ama, ang lapstangang
iyan ay hindi makakabuti sa iyong kinabukasan!
Donya Maria: Ama Ayoko po
Haring Salermo: Sumunod ka saakin at iwanan ang dagang iyan!
Donya Maria: Mahal ko po siya!
Haring Salermo: (matatahimik ngunit hihilahin ang braso ni Donya Maria) Dito ka
lamang sa akin!
Donya Maria: (magpupumiglas) Ayoko po! Juan tumakbo ka na! (tatakbo si Don
Juan at makakawala si Donya Maria habang may luha na)
Haring Salermo: Aking anak, bakit ka ganito? Ikay minahal at pinalaki ko
(mapapaiyak na si Donya Maria) , ganito lamang ang iyong igaganti?!
Donya Maria: Mahal ko po siya ama! Bakit hindi na lamang kayo maging Masaya
sa amin?!
Haring Salermo: (bibitawan si Donya Maria at tatakbo ng kaunti) Maria!
Hahahahahahaha!!!(mapapatigil at mapapatingin) Akoy iyong iwanan, anak kong
suwail, makakaalala ka rin sa ginawa mo saakin! Nang sinisintay makasapit sa
Berbanyang lugar, malilimutan kat ikay mag-iisat naluluha! Ikay malilimot at
siyay sa iba ipakakasl! Ikay magdurusa, O panginoon inyo pong dinggin, parusa sa
kataksilan ng suwail! (maiiyak si Maria ngunit tatakbo na rin)
Narrator: Nagtanan nga ang dalawa, ngunit may dinaramdam ang isa. Hindi ito
ipinaalam sa kanyang mahal at dinalang mag-isa sa Berbanya. Nagdurusa ng lubos
ang mag-ama, amay sa pagkawala ng anak, anak ay sa maaaring pagkawala ng
kayang mahal. Si Donya Maria at Si Don Juan ay nanirahan ng pansamantala sa
harap ng Berbanya, pag-iingat ni Donya Mariay lubos lubos pagkat maaaring
mawala ang kanyang mahal sa isang iglap lang.
Scene 2
Props needed: Mga upuan (tema ng simbahan at siyam sa harap), scroll
(paglalagyan ng script ng babaeng ita)
Characters: Don Diego, Donya Juana, Don Pedro, Reyna Valeriana, Haring
Fernando, Donya Leonora, Don Juan, Donya Maria, Pari at mga extra
Setting: Simbahan
Positions: Si Don Diego at si Donya Juana ay magkatabi, Si Donya Leonora at si
Don Juan ay magkatabi at nakatayo sa harap ng pari, nakaupo naman si Don Pedro
katabi nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Pari: Narito tayo ngayon, upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Donya
Leonora at Don Ju- (mapipigil ng makita si Donya Maria)
Donya Maria: (maglalakad papasok ng simbahan saka hihinto sa harap ng hari at
reyna)
Narrator: Lahat ay nabighani sa malaanghel na kagandahan ni Donya Maria.
Natigil ang kasal at ang atensyon ay napunta sa kanya. Siyay tila emperatris.
Donya Maria: Ako poy nagagalak na dumalo. Haring Fernando (bow) Reyna
Valeriana (bow)
Haring Fernando: Mabutihing emperatris, ano po an gaming maipaglilingkod?
Kayo po bay may nais sabihin, kung mayroon man ay magsalita na upang kasal nila
(ituturo sina Don Juan) ay maituloy na.
Donya Maria: (mapapatingin kay Don Juan at malulungkot) A-Ako po ay naghanda,
ng pampasaya, sa kasalang ito na magpapasigla.
Haring Fernando: Kung gayon ay ating tingnan, ang regalong ito sa inyong
kasalan.
(uupo sina Don Juan at Donya Leonora at mapapatingin si Donya Maria sa kanila at
malulungkot)
Narrator: Mga Ita nagsilabasan, nagsimula rin ang tugtugan, lahat ay natuwa n
gang dalawang itay nagsayawan. Si Donya Maria ay umupo at nasilayan sina Don
Pedro at Donya Leonora. Kahit pay nagtutugtugan, atensiyon ni Don Juan ay kay
Donya Leonora pa rin. Siyay nainis at inutusan ang dalawang ita na simulan ang
dula.
Itang babae: Ako ngay sagutin mo, bakit ba si Donya Maria naririto?
Itang lalaki: Hindi ko alam kung sino ang iyong tinutukoy, wala akong kilalang
prinseang Maria, Hindi ko nga alam kung saang bayan siya nagmula.
Negrita: Hindi nga Don Juan, iyong babaeng pinakamamahal ay iyong
nakalimutan? Inyong sumpaan ng pag-ibig na walang hanggan, sa hirap man at
dusa kayo pa rin ay magsasama? Alalahanin mo Don Juan ang kanyang mga
sakripisyo. Lahat ng pghihirap kanyang dinanas, para sa iyo Don Juang kanyang
minamahal. Sa mga pagsubok ng haring kanyang ama, sinong tumulong, diba siya?
Sino ang naghirap nang bundok ay inakyat, hindi ba ang prinsesa? Ang gumawa ng
tinapay upang ikay may makain, hindi ba siya? Ung limot mo na nga talagat
gunitay wala na, yaring hawak kong suplina ang magpapaalala.
Negrito: (papaluin si Don Juan)
Don Juan: Aray! Sinong pumalo saakin???!!! (titingin sa kanan at kaliwa)
Donya Maria: Ulitin ninyo ang sayaw ang musikoy magtugtugat nang makaaliw
sa lumbay!
Narrator: Muling simayaw ang negritot negrita at muling mga tao ay nalugod.
(sasayaw ang negritotnegrita)
Donya Maria: (pagkatpos ng sayaw) Ang musikay itahimik at dula ang ipalit
Negrita:Sasariwain kong lahat kung libot mo na sa hagap, ikaw yaong inutusan ni
Haring Salermong mahal, hulihin sa karagatan ang negritong pinawalan. Si Donya
Maria nanaman ang nagpakahirap upang silay kunin, nagbigay kay Haring Salermo
ay siya din.
Negrito: Hindi ko alam ang iyong pinagsasabi, hindi mo na rin ata alam ang iyong
sinasabi, baka kailangan mo lang matulog ngayong gabi. (muling papaluin si Don
Juan)
Don Juan: Aray! Sino ba iyon?! (mapapatayo at titingin sa kanyang paligid)
Narrator: Nagtugtugan muli at nagkasiyahan, mahigit kalahating oras ang
sayawan. (sasayaw silang muuli)
Donya Maria: Itigil ang tugtugan at dula ay ipalisan.
Negrita: Hindi mo ba talaga siya nakikilala? Huwag ka magbiro sana..
Negrito: Sa iyoy sinabi ko na, kayrami ng tanong mo pa!
Negrita: Kung gayon ay makinig, bubuhayin ko iyong isip, Kung limot moy sariwa
pa sa akin ngang alaala, ang hiniling ng monarka, prinsesa ang gumawa. Yaong
bundok na mataas na ligid ng isang dagat, sa Monarkang paghahangad sa may
palasyoy nalipat. Sa tapat ng durungawan hinihiling niyang malagay, upang kung
may alinsangay hangin doon ay makamtan. Kahilingan ay naganap pagkatapos ay
hiningad bundok ay muling mapatag mapagitna na ang dagat. Hininging maging
tunggulan matibay na kaharian, may mga kanyon at kawal sadyang handa sa
digmaan. Lahat na ng paghihirap kanya nang dinanas, mula sa iyong pagtadtad at
daliriy nawala hanggang kay Haring Solermong paglinang. Iyong nahanap ang
singsing na sinisid, kapalit ang dulo ng kanyang daliri. Iyong gantimpala sa mga
pasubok, ang prinsesang a iyong pusoy nagpatibok. Kayoy nakatakas mula sa
Monarka, dahil muli kay Donya Maria.
Negrito: Alam mong lahat ng yan? Wala akong nalalaman, malay ko ba kung sino
iyan, wala akon kinalaman. (mulin papaluin si Don Juan)
Don Juan: Aray! Sino ba iyon?! (lilingon muli)
Narrator: Muling nagsimula ang tugtugan at sayawan. (sasayaw muli at sasali na
rin ang mga tao) Mga taoy natuksot sumayaw na rin. Si Donya Mariang umaasa sa
mahal niya, mahal niyang kay Donya Leonoray sumasaya. Kanyang pagtingin, hindi
na maalala, utak ni Don Juay na kay Leonora.
Donya Maria: Itigil na ang patugtog, Hayo ng negritong irog salitaan na ang
isunod.
Negrita: Naputol kong pagbabadya, ngayoy durugtungan ko na, Don Juan makinig
sana. Nang kayoy magtanan, Monarkay naghabol, ngunit iniwan ni Maria ang ama
para sayong kanyang mahal. Hariy sinupa ang kanyang sariling anak. Nang pabalik
sa Berbanya, siyay pinaiwan, nagbilin pa sayo na huwag kumausap ng babae
pagkat ikay makakalimot. Ngayon ngang nalimutan, ikay nagsasaya. Iyong
layuning kaharian ay pumatag, ngunit siyay nakalimutat iniwan, luhay
pumapatak. Sa galit ng ama, isinumpa ang prinsesa na ang prinsipeng ginigiliw,
anak niyay lilimutin. Prinsipey pakakasal sa ibang prinsesa naman,, anak niyay
gumagapang sa malaking kahirapan. Wala ka ba talagang maalala?
Negrito: Wala nga! Wala nga sa aking irip! Akoy walang masabi pilitin mo mang
mabuti, sa totoo ang sarili ay mangmang sa pangyayari. (papaluin uli si Don Juan)
Narrator: Nasaktan man, wala pa ring pansin kay Donya Mariang umaasa, Si
Donya Leonora pa rin ang nasa mata.
Negrita: Yamang limot na ang lahat, ikaw ngayoy mauutas!
Narrator: Palabas ay natapos na saka naglaho ng parang bula ang negritot
negrita. Tanging naiwan sa hapag ang praskong balot ng pilak, lamang tubig sa
pangmalas ay may lihim na kamandag. Nagdusa at nagluksa ang nabasag na puso
ng prinsesa. Tinitigan si Don Juan titig na makahulugan, nang hindi rin
makaramdam ang prasko ay hinawakan.
Chapter 29
Props needed: Trono ng hari
Characters: Don Diego, Donya Juana, Don Pedro, Reyna Valeriana, Haring
Fernando, Donya Leonora, Don Juan, Donya Maria, Pari at mga extra (all of 7-A
except for narrator)
Setting: Loob ng Palasyo
Positions: Last positions
Narrator: Nawalan na ng pag-asa si Donya Maria, hindi na makaya ang sakit na
nadarama, Sa kalagitnaan ng kasiyahat pag-uusap, siyay nagpasiya at tumayo
lamang.
Donya Maria: Magsitahimik ang lahat! Amang Hari ng Berbanya, ako poy
patawarin kung oras niyoy nasayang. Akin pong tunay na pakay, ang prinsipeng
minamahal, kayrami nang pinagdaanan nalagpasan sa pagmamahalan, Don Juan
aking mahal, akoy tunay na di maalala (maiiyak), akoy wala nang pag-asa, aalis na
lamang sinta (Yayakapin ng buong-buo si Don Juan bago tatalikod at
maglalakad paalis)
Don Juan: (tila sasakit ang ulo at nahihilo) M-Maria? Naaalala ko na ang lahat!
(hahabulin si Maria at yayakapin mula sa likuran) Maria! Aking minamahal!
Donya Maria: Juan? Akoy- (maiiyak ng todo sa saya) Iyo nang naaalala?!
(yayakapin si Don Juan) Aking mahal!
Haring Fernando: Tunay na pag-ibig, damang-dama sa paligid, kayoy tunay na
magkasintahat ipakasal na ngayon din!
Don Pedro: Papaano po si Leonora?! Ganon ganon na lamang maiiwan sa ere?!
Ilang taon inantay si Don Juan (mapapatingin kay Leonorang nakatingin rin sa kanya
at naluluha na) at-
Donya Leonora: P-Pedro. B-bakit?? Bakit kahit ilang beses na kitang itinaboy,
pinipili mo pa rin na akoy pasasayahin? Ipaglaban ang aking mga nararamdaman,
kahit ikay aking saktan. Alam mo Ikay tama, akin siyang hinantay at
sinabing minahal, ngunit di pa naming kilalang lubos ang isat isa, habang ikaw
(lalapit kay Don Pedro).. Ikaw ang pilit na nagpapasaya saakin, pilit na
nagpoprotekta saakin at pilit na nagmamahal saakin kahit ikay tinaboy,
(hahawakan ang mga kamay ni Don Pedro) Don Pedro, tunay na nga ba ang iyong
pag-ibig? Don Pedro kung gayon, ikay aking minamahal, hindi ko man napansin ang
aking damdamin, ngunit akoy napaibig na rin (yayakapin si Don Pedro)
Haring Fernando: Akoy nagagalak pag-ibig sa paligid ay nadarama ng lahat.
Reyna Valeriana: Ang laki na ng aking mga anak! Mahal ko, sa tingin ko na
nararapat lang na doblehin na natin ang ipinagdiriwang natin! Ating mga anak lahat
nagkakasiyahn, nahanap na nila ang sari-sarili nilang prinsesa, Padre, atin na pong
ituloy ang kanilang MGA kasalan!
Narrator: Nagkasiyahan ang buong Berbanya, Pistat mga kasalan ay naganap na.
Lahat ay Masaya, sigla ng bayan nagbalik na, Kasiyahay walang hanggan, dito sa
Librong Ibong Adarna
GOOD LUCK!
Narrator/Scriptwritter:
Rosielle
Arabella
Zhen