Professional Documents
Culture Documents
Construction
Construction
GABRIEL
" 5 minutes pa, ya. " Bigla niya kong pinalo sa pwet, pagkasabi ko nun.
"O siya, bilisan mo ha." Sabi ni yaya habang paalis ng kwarto ko.
"Yes., ya! Love you!!" Natawa naman si nanay sa sinabi ko.
"Ok sir."
Dahil maaga pa naman at malapit lang ang set, trip ko ngayong araw
na magbike. Nilabas ko ang phone ko at naglagay ng earphones. Napangiti
ako sa kanta. Unang nagplay sa playlist ko ang " One and Only You" ng
Parokya ni Edgar. Sabay padyak sa pedal.
"Oo nga pala. " Tumayo siya at luminga-linga na tila may hinahanap
siya.
"Wow. Ako nga ang dapat magtanong sayo niyan? Sino ka ba? Anong
ginagawa mo dito sa bahay ko? Anong bata ang sinasabi mo? Walang bata
dito."
"Ha?" Biglang lumapit yung babae at tinignan ako. Ang weird niya at
hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya.
"O-oo. B-bakit?"
"Grabe!.. kung ganun, ang haba pala ng naitulog ko." Bulong niya.
Nawiwirdohan ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya ko
kilala. Matapos yun, tumingin siya sakin at ngumiti siya. Nanakit yung dibdib
ko nung ngumiti siya, tila nakakita ako ng anghel sa katauhan niya.
Para akong nawala sa sarili ko nung mga oras na yun. Nawala sa isip ko
na may trauma pa din ako sa pagpapatakbo ng sasakyan. Nagulat na lang
ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Natulala na lang ako sa loob ng kotse.
Hindi ako makagalaw tila naparalisa ang buong katawan ko. Nakita ko ang
mga kamay ko na nanginginig habang nakahawak sa manibela. Di umano'y
biglang tumakbo ang kotse at pabilis ng pabilis ang takbo nito. Pinagpawisan
ako ng malamig at nahirapan akong huminga. Wala akong magawa. Hindi ko
alam kung ano ang gagawin ko. Napasigaw na lang ako sa takot at napapikit.
Tapos paggising ko, nakita kong hawak-hawak ni Yaya Felly ang mga
kamay ko. Alalang-ala daw siya na baka binabangungot na ko, kaya naman
laking tuwa niya na nagising ako. Nagpasalamat ako kay Yaya at gusto ko din
sanang magpasalamat sa babaeng naka-purple dress kaya hiniling ko na
sana makita ko ulit siya sa panaginip ko.
"Brother!"
Lumapit naman agad sakin ang P.A. ko para iaabot ang outfits na
isusuot ko sa photoshoot. Ang Honeybunch and Cupcake's Book Collection
(HCBC) nga pala ang i-eendorse namin ngayon kaya naman pala may pagka-
nerdy ang look ko ngayon. Malapit na kasing magpasukan ulit. Naalala ko
tuloy noong unang beses akong magendorse ng products, 16 years old pa
lang ako nun. HCBC din ang una kong inendorse.
"bakit ba?,."
Nasa sala ang unang setting nun. Nag-iinat daw ako nang dumating si
Yaya Felly na may dala-dalang panlinis.
"Oh? Gabby! May gagawin tayo ngayon. Ta da!! Magic crayons! "
Pinakita niya agad sakin ang crayons niya. " Kahit anong iguhit mo gamit
yan magkakatotoo. Magkakaron sila ng buhay." Sabay ngiti na abot
hanggang tenga. Mukhang masayang-masaya siya sa ginagawa niya. Sa
panaginip mo lang magagawa ang lahat ng bagay na hindi mo magagawa sa
totoong buhay. Lahat ng imposible, dito nagiging posible.
" Ito ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon? Aish.. para kang bata. "
Sabay pitik sa noo niya.
"Yah!! Oi! Lavie! Hindi nakakatuwang biro yan ha! " Napaatras ako
bigla at nagsimulang tumakbo. Tawa lang ng tawa si Lavie sa kalokohan
niya.
"FIRE!"
" Wow.. the best ka talaga, ya. Ya, naalala mo ba ang lagi kong
kinukwento sayo si Purple-dress-girl? "
" Yaya! Hugot?" banat ni Eron na bigla na lang sumulpot sabay kuha ng
plato at nakikain.
" Aish! panira ka ng mood! "
"Ayoko nga."
" Yaya, magkano ibinabayad nila sayo? Dodoblehin ko. " Natawa naman
si yaya sa Sinabi niya.
DREAM:
" Ewan ko. Hindi ko din alam. Kadidilat ko nga lang eh."
" Aishh.. Kanino bang panaginip to?" (haist ang cute!)- ang nasa isip
ko.
"AAhh! Meron nga pala akong gustong ipakita sayo. Madami tayong
pupuntahan. Ok?"
"Sige! 'LIKE' " Nagthumbs-up din siya. "Tama ba to? Ganito nga yun?"
" Wow!. hoy, kaya mo ba ko dinala dito dahil bata ang tingin mo
sakin?"
" oi, ikaw ang nagsabi niyan. Hindi lang naman mga bata ang
nagpupunta dito eh."
" Pero alam mo ba, yung totoo mas matanda ako sayo. Sobrang laki ng
age gap natin. Super! As in! "
" Tara na nga!" Sabay akbay sa may leeg niya. " kung anu-ano na ang
pinagsasabi mo dyan. Pinagttripan mo na naman ako eh."
" Okay ka lang? " Biglang napatawa. " Anlakas ng loob mo ah. 'LIKE!' "
" Compliment ba yon o pang-aasar? Aww. Umiikot pa din paningin ko. "
" Saglit. Bibili lang ako ng ice cream para gumaan na ang pakiramdam
mo! Diyan ka lang. "
"LAVENDER!"
" Para kong mababaliw kanina. Huwag mo na ulit gagawin yun. Hindi
mo na kailangang bumili ng ice cream para mawala ang pagkahilo ko.
Umupo ka lang sa tabi ko, sapat na. Basta huwag ka na ulit aalis. " bulong ko
sa kanya. Pakiramdam ko nun simisinghot siya tapos bigla siyang nagsalita.
" Aah yung ice cream natin.. mukhang matutunaw na. "
" Oo nga pala. " bumitiw na ko sa kanya. Kinuha ko ang isang ice
cream at hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.
"Oh? Anong nangyari sa suot ko? School Uniform? Wow.. Bakit ngayon
mo lang naisip na palitan ang damit ko? "
"Ito ang dati kong school. Hmm.. marami akong naging memories na
naiwan dito. At ang isang ala-alang hindi ko makakalimutan, ay dun sa
punong yon. " Naglakad-lakad kami hanggang marating ang favorite spot ko
sa school na to.
"Dito ko ginuguhit ang mukha ng first love ko. "
"Eh? Talaga? Sino siya? Bakit ngayon mo lang kinuwento sakin? Aishh
binata ka na ah.."
"Aishhh..! Bata ba ang tingin mo sakin?? Haist. Bakit ba ang slow mo?"
" Naging kayo ba? " Parang hindi niya ko narinig dirediretso lang siya
sa pagtatanong.
"Hindi pa rin kami. Sixteen years old ako nang mainlove ako sa kanya.
Twenty two years old na ko hindi pa rin niya alam. Pakiramdam ko kami pero
gusto kong maging totohanan ang lahat. It's complicated ang status namin
at medyo imposibleng maging kami. " Napatingin ako sa kanya nakita kong
nalungkot siya. " Oh? Bakit ganyan itsura mo? Selos ka na ba?"
"Baliw! Hindi no. Nakakaawa ka naman. " Bigla siyang nagbilang. " Six
years mo siyang gusto tapos hindi mo man lang sinasabi sa kanya."
"Kaya nga eh. Pero balak ko nang sabihin sa kanya ngayon. Hmm.
Kakantahan ko siya tapos may ibibigay ako sa kanya. Tapos ipapakita ko na
din sa kanya ang sketch na ginawa ko para sa kanya. Ano sa tingin mo?"
There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'bout the way life plays out...
[Chorus:]
I take one step away
then I find myself coming back to you
My one and only, one and only you...ooh...
" Ang totoo kinakabahan ako. First time ko tong ginawa sa buong
buhay ko."
Umiling na lang ako. Tapos kinuha ko ang sketch pad mula sa likod ko
tapos ipinakita ko sa kanya ang sketch ng first love ko. Nang makita yon ni
Purple-dress-girl, nagsimula nang pumatak ang mga luha niya.
" Siguro naman gets mo na ngayon kung sino ang tinutukoy ko. Yung
totoo, hindi pa rin tapos ang sketch na yan dahil hindi ko maiguhit ang
mukha niya dahil sa tuwing gigising ako blurred na mukha niya sa ala-ala ko.
Mabuti naman dito sa panaginip ko tapos na yan. Meron pa kong ibibigay. "
Inilabas ko ang isang maliit na box at iniabot sa kanya.
"Baliw ka talaga. " Sinabi niya yun nang mabuksan niya ang box na
ibinigay ko.
Lalong umiyak si Lavender dahil dun. Hindi ko alam kung bakit ganun
siya after kong magconfess.
"Salamat dahil sinabi mo sakin yan. Pero may hihilingin sana ko sayo,
sana gawin mo na lang ang lahat ng to sa taong nakatadhana para sayo.
Isang taong hindi lang sa panaginip nakikita, yung taong madadamayan ka
kapag kelangan mo siya. At sabihin mo sa kanya ang tatlong salitang
kelangan niyang marinig. Mahalin mo siya ng buong puso at pasayahin mo
siya araw-araw. Maging masaya ka kasama niya. Gusto kong maging masaya
ka. Pwede mo bang gawin yun?"
April 5, 2016, tinandaan ko ang araw na iniwan ako ni Lavender. Ito rin
ang araw na nawala na ang dating si Gabriel Ramirez.
If there's a good thing that happened after that grim years, it is when I
already forgot the fears I had with cars. Finally, I overcome the trauma I
aqcuired when my mother died. However, life is full of sarcasm. I'm suffering
from a new fear now, the fear of being left behind by someone you utterly
love. Then, I've decided to close my foolish heart.
I dreamt of her again. Though against my will, the dream that broke my
heart is flashing over again. Until I woke up screaming her name. I saw my
reflection on the mirror above my head. My face is soaking wet and my eyes
are swollen. Man! You look miserable.
Pagdilat ng mga mata ko, nasilaw ako sa isang liwanag. Hindi pamilyar
ang paligid. Nasa isang kwarto ko na may mga pagkain sa gilid ng kama ko
at dextrose sa tabi ko, nakakonekta ito sa kamay ko. Nakita ko din na
nakasabit ang kaliwang paa ko at balot ito ng tela at semento. Gumalaw lang
ako ng konti, nanakit agad ang buo kong katawan. Mukhang naaksidente
ako.
One month akong leave sa trabaho dahil dun. Yung totoo magaling na
ko but I insist na hindi pa rin ako okay. Gusto ko munang magpahinga.
Nawalan na kasi ako ng ganang magtrabaho. Sixteen years old pa lang ako
nagtrabaho na ko. 12 years na ko sa industry ng modeling at 6 months sa
company. Nakakapagod din pala.
"Gabby, may bisita ka. " Sabi ni yaya Felly sabay ngiti.
"Brother!! "
"O? "
"Grabe!!! Dude!!!! I saw her again! I found out na siya pala ang
nagdedeliver ng mga outfits ng models natin. Naeexcite ako brother kaya
magpagaling ka na agad para maipakilala ko siya sayo! Actually meron
akong stolen niya. " Kinuha niya ang phone niya tapos hinanap niya sa
gallery niya yung pic. Iaabot na sana niya ang phone niya sakin nang biglang
may tumawag sa kanya.
"Aishh.. Tumatawag yung witch. " (witch-- step mom niya) Sinagot niya
agad ang tawag sa kanya at mukhang sa tono ng pakikipag-usap niya
mukhang may emergency siya.
"Pagaling ka na!! amboring kasi sa studio eh! Bye! " Pahabol pa niya.
Masaya ko para sa kaibigan ko. Mukhang na love-at-first-sight ang
mokong. Kahit andami na niyang naging gilfriend ngayon lang siya
nagkwento tukol sa babae. Mabibigyan ko ng award ang babaeng yon.
Ki-nlik ko ang message niya at bumungad agad sakin ang stolen shot
ng isang babaeng nakasuot ng purple dress, kulot ang buhok niya, at ang
ganda ng ngiti niya.
Natigilan ako bigla. Hindi ako nakakurap nang makita ko ang lawarang
yon. Sa oras na yon, binigyan niyang linaw ang mukha ni Lavender sa isip ko.
Bumigat bigla ang dibdib ko at unti-unti kong naramdaman ang init sa mga
mata ko.
Kaagad akong tumayo sa wheel chair ko. Bumagsak ako nung una pero
nagawa ko pa ring makatayo at nagmadaling umalis. Nagulat sina Yaya sa
naging kilos ko pero tila wala akong naririnig sa paligid ko tanging isip ko
lang ang naririnig ko.
Alam kong siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Malakas ang kutob
ko. Kailangan ko siyang makita.
THE DREAMCATCHER_II
JAIRA
Hindi mapakali ang bestfriend kong si Tracy dahil kahit anong oras
pwedeng may tumawag na employer sa kanya kaya naman, napagtripan
niya kong bigyan ng make-over para kumalma siya. Usually, hindi talaga ko
nagmamake-up at nakapony tail lang parati ang buhok ko. Kaya naman
nagulat ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Nakakita ko nang isang
magandang babae.
"Ako ba to? Ang husay mo pala, bestie." Simple lang ang make-up
hindi halata na may make-up at all. Tapos ang ganda ng pagkacurl ng buhok
ko. The best talaga si Bestie.
"Awww. Ganda mo, sis! Naconfuse tuloy ako kung babae ba talaga ko."
"Sira." Sabay hampas ng unan sa ulo niya. Tumawa naman agad siya
ng malakas.
"Ya! Alam ko ang ngiti mong yan! Alam kong may binabalak ka!"
"Ta Dah!!!" inilabas niya ang isang simple pero eleganteng purple
dress.
Aishh.. Hindi ko talaga matiis si Tracy. In the end, napapayag din niya
ko. Napansin ko na marami ang lumilingon sakin nang lumabas ako ng
apartment namin. Nagulat din ang coworkers ko sa naging look ko. Bigla
tuloy akong nakaramdam ng awkwardness sa tuwing pinupuna nila ko. Wala
akong magawa kundi ang ngumiti na lang. Hindi kasi ako sanay.
"Aaaaww. Mean girl. Ako yung pinagkamalan mong holdaper. One week
akong hindi nakapasok nang ginulpi mo ko. Naaalala mo na?" Medyo tumaas
ang boses niya nang sinabi niya yun, pinagtinginan tuloy kami. Napatitig na
lang ako sa mukha niya, pilit kong inaalala ang sinabi niya. Tapos nanlaki ang
mga mata ko at napahawak na lang ako sa bibig ko.
"I-Ikaw yun???"
"Yes! naalala din niya. Grabe, dude, sakit nun ahh! Sa pogi kong to?
Pinagkamalan mo ko?"
"Aisshh.."
"Haist. I have to go." Paalis na sana siya pero may pahabol pa siyang
sinabi.
"By the way. I'm Eron and you owe me something! Please remember
me and dream of me!" Sabi niya habang paalis tapos ngumiti na naman ng
nakakaloko.
"O?"
"I miss you." Another weird guy. Kinabahan ako nang marinig ko yun.
Hindi ko maisip kung sino siya.
"I-I'm sorry." Bulong niya sabay alis. Nakatingin pa rin siya sakin
habang umaalis siya tila naguguluhan siya.
One week after matanggap si tracy sa New Trend, naging mas masaya
ako sa trabahao dahil magkasama na kaming dalawa.