Professional Documents
Culture Documents
Gaano Ba Kahalaga Ang Kaalaman
Gaano Ba Kahalaga Ang Kaalaman
Qalla Rasul Allah (saw) : "talabul 'ilmifaridatun 'ala kulli muslimin "
ang ibig sabihn sa malapit na salin ay: Sinabi ng Propeta ng Allah (saw) : Ang
Paghahanap ng kaalaman ay obligado sa bawat muslim lalaki man at babae."
1. Ang BUHAY bago dumating ang iyong KAMATAYAN. 2. Ang iyong KALUSUGAN bago
dumating ang iyong KARAMDAMAN. 3. Ang iyong PANAHONG walang ginagawa bago
dumating ang iyongPAGKAKAABALAHAN . 4. Ang iyong KABATAAN bago dumating
ang iyong KATANDAAN. 5. Ang iyong YAMAN bago dumating ang iyong KAHIRAPAN.
Ito ay kinuha natin sa isang Hadeeth ng Rasul (saw) kaya bago pa man dumating
ang limang ito sa atin SUBHANA ALLAH!! mga kapatid ko sa pananampalataya
nararapat na ang PAGHAHANAP sa atin ng KAALAMAN ay maging una bago ang
lahat...inshaa' Allah
At ang Allah ang nagpaluwal sa inyo mula sa sinapupunan ng inyong mga ina
habang wala pa kayong nalalaman. At binigyan Niya kayo ng pandinig, at paningin,
at puso upang kayo ay magpasalamat.
Al-Nahl 16:78
Hindi! Sinasabi nila: Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa
isang relihiyon, at pinapatnubayan namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng
kanilang mga yapak. At sa magkatulad na kaganapan, hindi Kami nagpadala ng
isang tagapagbabala sa alinmang bayan maliban ang mayayaman sa kanila ay
nagsabi: Natagpuan namin ang aming mga ninuno nasumusunod sa isang
pamamaraan at relihiyon, at
tunay na kami ay susunod sa kanilang mga yapak. Ang tagapagbabala ay nagsabi:
Kahit ba magdadala ako sa inyo ng higit na mahusay na patnubay kaysa sa
natagpuan ninyong sinusunod ng inyong mga ninuno? Silay nagsabi:
Katotohanan, hindi kami maniniwala sa ipinadala sa iyo.Az-Zukhruf 43:22-24
Ganito ang habag ng Allah (swt), na kapag ang tao ay lumihis sa tamang landas,
Siya ay nagpapadala ng mga Sugo upang turuan at patnubayan sila. Ang mga
sumusunod lamang sa ipinahayag na katuruan ay yaong naniniwala rito, at sila
yaong magtatagumpay. Nang ang buong mundo ay nasa kadiliman ng
kamangmangan, ipinadala ng Allah (swt) ang huling Sugo na si Muhammad (saws),
upang ituro sa kanila ang tamang landas tungo sa paniniwala sa Allah (swt) at sa
pagsamba lamang sa Kanya. Ang unang ipinahayag na talata na nasusulat sa Banal
na Quran:
Basahin! Sa Ngalan ng iyong Panginoon na lumikha, na lumikha sa tao mula sa
namumuong bagay. Basahin! At ang iyong Panginoon ay Ang Mapagbigay. Siya na
nagturo (sa paggamit) ng panulat, na nagturo sa tao sa hindi niya nalalaman. Al-
Alaq 96:1-5
, " :
( ")
Si Abu Hurayrah(Raa) ay nag-ulat;
Katotohanan,ang Sugo (() ay nagsabi:[Ang
sinuman ang tumahak ng daan sa paghahanap ng
kaalaman ay pagagaanin ng Allah sa kanya ang
daan papuntang paraiso]. Isinalaysay ni Muslim.
KUNG MAY PAGKAKAMALI MAN AKONG NASABI ,NAWAY PATAWARIN AKO NG MAHAL
NA ALLAH AT HINIHINGI KO PO ANG INYONG PATNUBAY NA ITAMA KONG ANO MAN
ANG AKING PAGKUKULANG.
Rabbana taqabbal minna innaka antas Sameeaul Aleem Allahumna Inna as aluka
ilman naafian Wa ridzkan halalan Wa amalan mutakabbalan Rabbana aatina fid
dunya hasanah Wa fil akhirati hasanah. Allamumma takabbal mina innaka antal
alemul Hakim. Wasalamu alaikum warahmatullahi wabarakatuhu