Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Filipino Tisis

Mga Kadahilanan ng Pagkahinto Ng Isang Mag-aaral

KABANATA -l
Panimula
Ang unang sandata ng pagkamit ng pangarap sa buhay ay
edukasyon ngunit kailaman ang mahihirap ay walang puwang na
makamit nito. Ayon sa inilabas ng website ng Kagawaran ng
Edukasyon. Anim pong (60) mag-aaral na mula sa unang baitang
pagdating ng ika-anim na baitang ay 25-40 lamang ang
nagsisipagtapos nito. Pagdating sa Highskol ganon parin raw
kong sa loob ng klasi ay 60 na mag-aaral paggraduate nito
25-35 ang mabibigyan ng diploma karamihan raw dito ay nag-
asawa na o kaya nagtatrabaho na kahit di pa sakto sa edad.
Samantala sa kolihiyo raw ang pinkamalaking porsinto ng mag-
aaral ang di makapagtapos sa pag-aaral ayon sa surbey kong sa
loob ng kasi ay mayron 60 mag-aaral swerte lang daw nito kong
mayroon 20 mabigyan. ng diploma.
Sa kabila ng pamumudmod ng ilang bilyong pisong
Additional Cash Transfer (CCT) mga programang
naglalayong mabawasan ang kahirapan sa
pamamagitan ng paggawa ng mga programa ng welfare
kondisyon sa mga pagkilos ng tagatanggap sa pamilyang
mahihirap, patuloy na tumaas ang bilang ng kabataan
na hindi nag-aaral simula nang manungkulan si
Pangulong Benigno Aquino III.
Dahil dito, labis na naalarma ang ating mga gobyerno
matapos malaman sa 2010 Annual Poverty Indicator
Survey (APIS) ng National Statistics Office (NSO), na
6.24 milyon mula sa 39 milyong Filipino na may edad
labindalawa hanggang labingwalong out of school youth
(OSY). Lubhang mataas ito kumpara sa 4.84 milyong
OSY noong 2002.
Ayon sa balita nagsaad ng isang programa an gating
gobyerno na kung saan mapigilan angpagtaas ng bilang
ng mga estudyanteng Out of School Youth dito sa ating
bansa.
Sa kabilang banda, maraming pamilya nag
namomoblema kung paano ang kanilang mga anak
makakapag-aral sa eskwelahan. Ano ang reaksyon ng
karamihan dito? Masasabi ba natin na hindi na ito
masosolusyunan?
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pamanahonang papel na ito ay nabigyan ng impormasyon
tungkol sa pagkahinto ng mga mag-aaral at layunin
na mabigyan ito ng solusyon upang maging gabay ng mag-
aaral upang sila ay makapagtapos sa pag-aaral sumasagot sa
susunod na katanongan:
1.Ano nga ba ang dahilan bakit nahinto sa pag-aaral ang
isang mag-aaral?
2.Sino ba ang dapat sisihin ng kanilang pagkahinto kanilang
bang magulang o kanilang sarili?
3. Ano ba ang nararapat natin gawin para mabigyan solusyon
ang pagdami ng nahinto sa pag-aaral?
Saklaw at Limtasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng
damdamin ng mag-aaral sa kanilang paghinto sa pag-aral.
Walang pinagbabatayan gulang na sino man sasagot sa aming
katanungan lalaki man o babae. At kahit saan Barangay dito
sa Munisipalidad ng Malita. Elementarya man o Sekondarya
nahinto sa pag-aaral.
Depenisyon ng mga Terminolohiya
Internet- ay ang mga magkakabit na mga computer
network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.
Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet
switching na gamit ang inayunang pamantayan na Internet
Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado,
pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga
network na may lokal hanggang malawakang saklaw at
pinagka-kaugnay sa pamamagitan ng mga kawad na tanso,
kawad na fiber-optic, wireless na koneksiyon at iba pang
teknolohiya. Dinadala nito ang mga iba't ibang impormasyon
at serbisyo, katulad ng electronic mail , online chat , at
magka-kaugnay na mga pahina ng web ng World Wide Web.
Dahil ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na internet (sa
maliit na titik i ) sa buong mundo, tinawag ito na ang Internet
(sa malaking titik I ) [ kailangan ng sanggunian ] .
Ang Kagawaran ng Edukasyon- ay ang departamentong
tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable
sa pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas . Ito ang pangunahing tagaisip ng mga
polisiyang pang-edukasyon at responsable sa sistemang
pang elementarya at pang-sekondarya dito sa Pilipinas .
Edukasyon -ay kinakabilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng
isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong
nadadama ngunit higit na malalim. Ang pagbahagi ng
kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga
pangunahing layunin ng edukasyon ang maipahayag ang
kultura sa mga sumusunod na salinlahi. Ang edukasyon ay
isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na
bansa upang maging produktibo ang bawat isa sa
pagpapataas ng ekonomiya.
Ang kahirapan -ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng
isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring
materyal o salapi .Ang absolutong kahirapan ang
kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o
pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon
ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad
ng malinis na tubig o naiinom na tubig , nutrisyon ,
pangangalagang pangkalusugan , kasuotan, at tirahan
Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon
ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting
kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o
bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa
buong mundo. Ang suplay ng mga basikong
pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga
limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng
korupsiyon , ilegal na paglisan ng kapital, mga
kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga
propesyonal na pang-edukasyon at pangkalausugan.
# DAGDAGAN pa ito
KABANATA =II
Mga Kaugnayan Sa Pag-aaral At Literatura
Maraming mga mag-aaral na nahinto sa kanilang pag-aaral ayon
sa ibat-ibang resulta ng pananaliksik. Ayon sa inilabas ng surbey
ng Kagawaran ng Edukasyon ng simula bumaba ang
nasisipagtapos sa pag-aaral noon taon 2000 hanggang sa
kasalukuyang taon. Pangunahing raw dahilan kong bakit
maraming mag-aaral ang di na pumapasok sa eskwela dahil sa
kahirapan
# DAGDAGAN pa.....
https://www.facebook.com/permalink.php?
story_fbid=391014084414846&id=205546536294936

Benigno Tabialan Jr. added 16 new photos.

March 12, 2015

Ang Alternative Learning System (ALS) ay ang sangay ng Department of Education


na naglalayong paglingkuran ang mga sektor na hindi kayang abutin ng tradisyunal
na sistema ng edukasyon. Isa sa mga sektor na ito ay ang mga out-of school youth
(OSY) sa ating bansa.
Bukod sa mga OSY, kasama rin ang mga katutubo, mga may edad na hindi
nakapag-aral, at mga komunidad na wala pang mga paaralan sa mga sektor ng
lipunana na patuloy na pinaglilingkuran ng ALS.
Katuwang ang ALS ng ating pamahalaan upang mapabilis ang pag-abot nito ng
kanyang target na Education for All (EFA) sa 2015. Ang EFA ay isa sa walong
Millenium Development Goals (MDGs) na pinirmahan ng 192 bansa noong taong
2000, kabilang na ang Pilipinas.
Para sa akin,ang ALS ay isa sa pinaka-magandang proyekto ng ating pamahalaan.
Hindi maikakaila ninuman na malaki ang papel na gagampanan nito tungo sa pag-
unlad ng ating bayan.

You might also like