Kaugnayan NG PQF Sa AmBisyon 2040 - Final Paper

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

1BALANGKAS NG DE KALIDAD NA EDUKASYON TUNGO SA

2PAGSASAKATUPARAN NG AMBISYON NATIN 2040

3ni Kristine Mae N. Cabales

5Panimula

6 Ang pamahalaan ng isang bansa ay binubuo ng mga mamamayan at mga taong

7namumuno rito. Sa isang demokratikong bansa, masa ang pumipili at nagtatakda ng

8politikong kanilang pagkakatiwalaan tungo sa pagpapaunlad ng kanilang bayan at ng

9kanilang mga sarili. Sa sitwasyon ng Pilipinas, ang kasaluyang pangulo na si Rodrigo

10Roa Duterte ang panlabing-anim na namuno sa bansa at isa rin sa naging

11pinakakontrobersyal dahil na rin sa ibat ibang aspekto ng kanyang pamumuno. Naging

12maingay ang kanyang pangalan dahil sa kanyang pagiging bukas para sa malawakang

13pagbabago sa bansa. Makikita sa kanyang mga programa at isinusulong na plataporma

14ang malaking rebolusyon tungo sa mas maunlad na Pilipinas.

15 Gaya ng paniniwala ng mga naunang pangulo ng bansa, ang edukasyon ay isa

16sa mga sangay na tinututukan upang makapagsilang ng mga maunlad na produkto ng

17paggawa. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may malaking bahagdan ng

18pinagmumulan ng lakas-paggawa, hindi lamang abilidad sa naturang paggawa kundi

19lalong higit sa kakayahan sa pag-iisip ng mga makabagong pag-aaral na may tunguhin

20sa pag-unlad.

21 Ang AmBisyon Natin 2040 at ang Philippine Quality Framework ay kapwa

22nakaayon sa tunguhin na bigyang-kasagutan ang nakikitang kakulangan sa bansa at

11 | M A F 4 0 2 Pagtuturo ng Filipino sa Hindi mga Pilipino


23mga suliranin na kinakaharap nito na may kinalaman sa edukasyon. Ang mga

24nagsisipagtapos ng apat na taong kurso ay malimit na hindi nakakukuha ng trabaho na

25aakma sa kanilang kursong natapos o job mismatch. Nakikita ng pamahalaan na

26maaaring matugunan ang ganitong klase ng suliranin sa pamamagitan ng pag-aaral at

27pagpapaunlad ng panibagong balangkas ng edukasyon na kanilang gagamiting

28tuntungan para sa mas malawak na kaalaman, nang sa gayon ay mapunan rin nila ang

29kahingian sa mga trabahong napapanahon at nangangailangan ng utak at lakas-

30paggawa.

31Ang Philippine Quality Framework (PQF): Ilusyon o Ambisyon

32 Ang mga ahesya ng pamahalaan gaya ng DoLE, CHED, TESDA at DepEd ay

33nagtulong-tulong upang bumuo ng isang balangkas (framework) na gagawing salalayan

34tungo sa pangkalahatang pag-unlad at upang resolbahin ang mga nakikitang suliranin

35at kakulangan sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ang Philippine Quality Framework o

36PQF ay balangkas na nakaayon sa kasaluyang kurikulum ng bansa ang programang

37K-12. Ipinakikita rito ang ibat ibang antas ng edukasyon na dapat matamo sa isang

38ispesipikong taon/baitang, nakasaad din rito ang mga inaasahang kakanyahan na

39maipamumulat sa bawat antas na ito. Tiyak din sa balangkas na ito ang mga

40pamantayan na inihain ayon sa kahingian ng bawat antas. Ang PQF ay competency-

41based at labor market driven na programa, nangangahulugan lamang ito na mas

42pinauunlad ang kakayahan o skill ng indibidwal na mag-aaral tungo sa pagkakamit niya

43ng kahusayan o mas lalong higit ng kadalubhasaan sa isang partikular na larang.

44Sinusukat ang kasapatan ng pagkatuto sa bawat antas base sa kanilang performance

45at sa magiging resulta ng kanilang practical assessment.

22 | M A F 4 0 2 Pagtuturo ng Filipino sa Hindi mga Pilipino


46 Makikita sa paradimo sa ibaba ang balangkas konseptwal ng PQF.

47

48

49

50

51

52

53

54

55

56 (Larawan mula sa Powerpoint Presentation ng Outline ng PQF)

57 Ang nilalaman ng balangkas konseptwal na ito ay ang ideya at ang inaasahang

58maging bunga ng mga ito. Sa input pa lamang ay makikita na ang pangkabuuang

59layunin ng PQF, ang paigtingin ang pag-aaral at pagpapaunlad ng sistema ng

60pagbibigay edukasyon sa ating mga mag-aaral, na ang tunguhin ay upang makamit ang

61output. Kung susuriing maigi, international alignment at global competence ang target

62ng balangkas na ito. Ang makapagsilbi nang may kahusay ang mga Pilipino sa ibang

63bansa. At ito naman ang nakikitang kamalian ng isa sa mga propesor sa PUP at

64aktibong miyembro ng Tanggol Wika na si Prop. Marvin Lai, ayon sa kanyang

65pananalita sa isang seminar ukol sa pagbabago ng kurikulum, ang mga tech-voc track

33 | M A F 4 0 2 Pagtuturo ng Filipino sa Hindi mga Pilipino


66na bahagi ng programang K-12 ay may layunin ng paninilbihan, lalo na sa ibang bansa.

67Nakikita niya ito bilang konsepto ng pagyakap sa kaapihan nating mga Pilipino. Naririto

68tayo sa panahon na ang mga Pilipino ay kayang makipagsabayan sa kagalingan ng

69mga dayuhan ngunit hindi pa rin maialis sa atin ang ideya na tayo ay para sa

70paglilingkod lamang at hindi para maging amo o tagapamahala ng isang kompanya.

71 Sa usapin ng mga stakeholder, ang mag-aaral, magulang, guro, institusyon at

72mga kompanyang handang tumulong upang magkaroon ng agarang trabaho ang mga

73nagsipagtapos ay sadyang naririyan, ang kaso gaano kahanda ang mga indibidwal na

74ito upang kaharapin ang hamong ito. Limang taon na ang nakalipas simula nang

75baguhin ang kurikulum, marami ang nagsipagtapos ng Grade 10 at hindi na nagpatuloy

76sa Grade 11, sa kadahilanang hindi pasok sa budget ng pamilyang Pilipino ang dagdag

77na dalawang taon. May ilan naman na nakita itong oportunidad, na sa batang gulang ay

78makapaghanap ng teknikal na trabaho sapagkat nakatanggap na sila ng sertipiko bilang

79Grade 10 Completers.

80 Lumalabas lamang na ang layunin ng PQF ay kayang-kayang tugunan ng mga

81Pilipino, katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan. Ngunit sapat na ba ang

82kagustuhan natin na maging magaling para sa kabutihan ng ibang bansa? Hindi ba

83dapat na mas inuuna natin ang pag-unlad ng sarili nating bayan? Hindi ba dapat ang

84pinagsama-samang talino ng mga Pilipino ay makabuo muna ng isang proyektong

85makatutulong sa adbentahe ng laksang mamamayang Pilipino? Hindi ba dapat Pilipinas

86muna? Kung ang PQF ay isang ambisyon, hindi ba dapat itoy Ambisyong Maka-

87Pilipino.

88

44 | M A F 4 0 2 Pagtuturo ng Filipino sa Hindi mga Pilipino


89AmBisyon Natin 2040: Dalawamput Limang Taon ng Pangarap

90 Ang EO No. 05 o atas ng pangulo na pinamagatang Approving and Adopting the

91Twenty-Five-Year Long Term Vision Entitled Ambisyon Natin 2040 as Guide for

92Development Planning ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte Oktubre 11 taong

932016. Kaugnay ng unang pagtalakay sa PQF, ang Ambisyon Natin 2040 ay pagtingin

94naman sa kalagayan ng Pilipinas at ng mga Pilipino pagkatapos ng dalawamput limang

95taon ng pagpapaunlad dito. Binibigyang ng kanya-kanyang atas ang bawat sangay ng

96pamahalaan na pag-isipan at trabahuin ang pagpapayabong ng sosyo-ekonomik na

97programa at gawain nang sa gayon ay makasabay ang bansa sa pag-usad ng iba pang

98bansa sa Asya.

99 Sa taong 2050, tinitingnan ng nakararami na ang Asya ang magiging sentro ng

100ekonomiya ng buong mundo. At dahil ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-Silangang Asya

101kinakailangan na nating magsagawa ng malawak programa at plano para sa hinaharap

102upang makasabay sa pagbabagong ito. Hindi bago sa atin na tayoy kabilang sa Third-

103World Country, ngunit hindi ibig sabihin nito ay kailangan nating itong yakapin nang

104panghabambuhay. Nilinaw naman sa atas na ito na ang magiging sentro ng

105pagpapaunlad na ito ay ang mga Pilipino. Para sa adbentahe ng kapwa Pilipino ang

106pagpapaunlad na ito, ngunit kung babalikan ang tinatahak na balangkas ng PQF, saan

107makikita ang maka-Pilipino adbentahe kung pagpapaalipin at paninilbihan ang tungihin

108ng ating edukasyon?

109 Sa ngayon, mahirap pang isipin ngunit ang Ambisyon Natin 2040 ay mabigat na

110ambisyon ng lahat ng Pilipino, ayon sa NEDA na nakabase sa kanilang isinagawa

111sarbey ay bisyon ng mga Pilipino para sa kanilang sarili ay:

55 | M A F 4 0 2 Pagtuturo ng Filipino sa Hindi mga Pilipino


112 In 2040, we will all enjoy a stable and comfortable lifestyle, secure in the

113knowledge that we have enough for our daily needs and unexpected expenses that we

114can plan and prepare for our own and our childrens future. Our family lives together in

115a place of our own, and we have the freedom to where we desire, protected and

116enabled by a clean, efficient and fair government.

117 Kung tutuusin, napakapayak lamang ng ambisyon o pangarap ng isang

118ordinaryong Pilipino para sa kanilang sarili at para sa kanilang pamilya ngunit bakit

119kailangan pang tumagal ng dalawamput limang taon ang pangangarap para rito?

120Ganoon ba talaga kahirap tustusan ang simpleng pamumuhay?

121 Ito naman ang pangako ng gobyerno sa pagpapatupad nila ng atas na ito:

122 By 2040, the Philippines shall be a prosperous, predominantly middle-class

123society where no one is poor; our people shall love long ad healthy lives, be smart and

124innovative, and shall live in a high-trust society.

125 Sang-ayon sa pangarap ng ordinaryong mamamayan ang pangkalahatang

126layunin ng pamahalaan. Ninanais nilang bigyan ng katugunan ang kakulangan sa

127basikong pangangailangan ng bawat mamamayan. Basiko, dahil hindi naman

128maikokonsiderang luho ang paghahangad ng maayos na kinabukasan para sa kanilang

129buong pamilya.

130 Gaya ng unang nabanggit, rebolusyon ang pagkakaluklok sa bagong pangulo.

131Itoy paghahangad ng malawakang pagbabago. Hindi masama ang maghangad, hindi

132lang dalawamput limang taon ang pangangarap natin para sa isang maayos at

133maginhawang buhay, panghabambuhay na natin itong ninanais.

66 | M A F 4 0 2 Pagtuturo ng Filipino sa Hindi mga Pilipino


134Kongklusyon

135 Bilang paglalahat, makikita sa pagtalakay ang dalawang atas, layunin o

136balangkas na binuo ng pamahalaan upang mapag-ibayo ang pamumuhay ng mga

137mamamayan. Kapwa ito umuugat sa personal na kagustuhan ng mga ordinaryong mga

138mamamayan. Bukod dito, ninanais din ng pamahalaan na maabot ang matagal nang

139pinapangarap ng mga nagdaang pinuno ng bansa ang maiangat ang Pilipinas mula

140sa lebel ng pagiging third-world country.

141 Ang dalawang atas na ito ay ipinatupad ng dalawang magkaibang pangulo, hindi

142kataka-takang nag-uungusan ang dalawang layunin na ito. Hindi masama, sa usapin ng

143parehong pag-unlad ngunit naiiwan pa rin ang tanong, alin sa dalawa ang mas

144makatotohanan? Sa kasalukuyan ay niyayakap na natin ang pagbabagong dala ng

145pagsunod sa PQF, ngunit hindi pa rin ito mapatutunayang matagumpay sapagkat wala

146pang nakapagtatapos ng Grade 12, hanggang sa ngayon itoy isang teorya pa rin na

147pinananaligan nating magiging matagumpay balang araw. Samantalang ang Ambisyong

148Natin 2040 ay lantarang naghahangad ng isang layon, na sa loob ng dalawamput

149limang taon ay inaasahang matupad, katuwang ang mga programa ng pagpapaunlad

150na nakakabit dito.

151 Oo ngat ang dalawang itoy magkaugnay at para sa pag-unlad, ngunit paano

152naman mapagtutuunan ang inaakala nilang maliliit na bagay ngunit may malaking

153ambag din sa pag-unlad ng isang pamayanan (hal. Ang wika). Walang tiyak na layunin

154at gampanin ang wika sa pagpapaunlad na ito, batay na rin sa tinalakay sa dalawang

155atas. Ngunit kung susuriin, ang wika ay siyang kakabit at pundasyon ng linggwistikong

77 | M A F 4 0 2 Pagtuturo ng Filipino sa Hindi mga Pilipino


156komunidad. Ito ay katotohanan na hindi natin maaaring itatwa, at dapat din pagtuunan

157ng pansin nang sa gayoy mabigyang ng kasagutan at kasapatan.

158 Isa itong patunay na bagaman pag-unlad ang pangkabuuang layon ng

159pamahalaan, hindi ganoon kasidhi ang kanilang pagnanais na maiangkla ang sariling

160wika sa pag-unlad ng ating bansa. At ito ang malungkot na katotohanan.

161

162-FIN

88 | M A F 4 0 2 Pagtuturo ng Filipino sa Hindi mga Pilipino

You might also like