Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BILANG BAHAGI NG KATUPARAN SA

FILIPINO 241: FILIPINO FOLKLORE AND POETRY

PAGSUS
URI SA
PILING
KWENTO
NG-
BAYAN,
EPIKO
IPINASA NI:
AT
Bb. MARIA MYRMA B. REYES
MAED-FILIPINO
ALAMAT

IPINASA KAY:
G. WILLIE DELA CRUZ
Propesor
KWENTONG-BAYAN

ANG BUWAN AT ARAW

TAUHAN:

Araw-pala-utos kay buwan na kanyang asawa at naghahari-harian sa asawang si


buwan

Buwan-mabait bilang asawa kay araw at sunud-sunuran sa asawa

Bituin- anak nina araw at buwan

TAGPUAN:

Kalawakan- inilarawan na wala pang gabi at pawing kaliwanagan lamang ang


pumapalibot dito.

KABABALAGHAN:

Pagkalaglag ng anak sa kalawakan na naging isang bituin


Pagpuno ng nilagang dahon ng gabi sa palayok

KASUKDULAN:

Nagkaroon ng sumbatan ang mag-asawa tungkol sa kani-kanilang gampanin at


responsibilidad sa anak at tungkulin sa bawat isa bilang asawa .

KAKALASAN:

Pagkatapos ng kanilang mainit na pag-uusap ay hinihintay pa rin ni Araw ang


kanyang mga asawa na makabalik upang hanapin ang anak na nalaglag sa kalawakan.

KAWAKASAN:

Winakasan ang alamat sa pamamagitan ng paglalantad ng naging bunga ng


pag-aaway ng mag-asawang buwan at araw tungkol sa kani-kanilang tungkulin at
karapatan.

IMPLIKASYON:

Paglapastangan at pang-aabuso sa karapatan ng tao.


Sunud-sunuran sa maling pamamalakad ng gobyerno, sa trabaho, sa asawa at
kapwa upang matugunan ang pansariling kagustuhan.
Pagsusumbatan sa relasyon at kapwa kapag nag-aaway o hindi
pagkakaunawaan
GINTONG-ARAL:

Huwag lapastanganin ang karapatan ng isang tao.


Nagbubunga ng hindi maganda sa pag-uusap ang kawalan ng pagkakaunawaan
sa isat-isa.

KWENTONG-BAYAN

KUWENTO HINGGIL SA PINAGMULAN NG TAO

TAUHAN:

Nu Wa-Diyosang may katawang tao at buntot ng dragon.


Tao-Nilikha na nilalang ni Nu Wa at inuri niya ito sa lalaki at babae.

TAGPUAN:

Ilog ng Huanghe
Mundo-nakatira ang mga nilikhang tao ni Nu Wa

KABABALAGHAN:

Lumikha ng tao ayon sa sarili niyang itsura. Naghuhulma ng mga pigura sa


pamamagitan ng luad. Halos magkapareho ang hitsura ng pigura at ang kanyang sarili
at ang tanging pagkakaiba ay ang buntot ng dragon ay pinalitan ng mga kamay at paa.
Pagkatapos hinipan niya ang mga pigurang iyon ng hangin at agad na naging buhay
sila.

KASUKDULAN:

Nilikha ni Nu Wa ang tao gamit ang luwad at pinagbatayan ang sariling itsura
ngunit iniba niya ang parting buntot ng dragon at pinalitan ito ng kamay at paa. Binigyan
niya ng buhay ang kanyang nilikha sa pamamagitan ng pag-ihip gamit ang hangin sa
mga pigurang ginawa.

KAKALASAN:

Sa pagkakalikha ni Nuwa ng tao ay binusugan niya ng elementong lalaki at ang


iba nama'y ng elementong babae.

KAWAKASAN:

May tao na nga sa mundo, nguni't mamamatay ang tao. May paraan si Nu Wa.
Ipinareha niya ang mga lalaki sa mga babae at ipinaubaya niya dito na sila ang
magparami.
IMPLIKASYON:

Ang pagsilang sa mga sanggol ay biyaya mula sa Diyos.

GINTONG-ARAL:

Bawat nilikha ng Diyos ay may halaga at responsibilidad na dapat


gampanan sa mundo.

ALAMAT

ALAMAT NG PARU-PARO

TAUHAN:

Diwata- may pangit na mukha, pang-matanda ang kasuotan, pilay kung maglakad
Ligaya at Malakas- parehas dukha na lumisan ng kanilang tahanan at hindi pumapasok
sa paaralan. Naging palaboy at nagpapakahirap gumawa ng paraan upang may
makain. Parehas na kuntento sa buhay at binibigyang halaga ang kalikasan. Simple
lang ang kanilang gusto, ang magkaroon ng titirahan at perang pantustos sa kanilang
pangangailangan.

TAGPUAN:

Bahay na malapit sa dalampasigan- inilarawan ito na katangi-tangi sa lahat ng


bahay sapagkat ang kulay nitoy bahaghari, may mga halamang namumulaklak. Ang
mga taong napaparaan ditoy namamangha sa kagandahan ng bahay na ito.

KABABALAGHAN:

Ginawang paru-paro ni Diwata si Ligaya at Malakas


Ang pangit na diwata ay naging isang magandang diwata

KASUKDULAN:

Nagalit si Diwata sa panghihimasok ni Ligaya at Malakas sa kanyang tahanan at


namutol ng bulaklak at nangain ng bunga ng walang paalam.
KAKALASAN:
Sa kanilang ginawa ay pinarusahan sila at ginawang paru-paro ni Diwata.

KAWAKASAN:
Naging masaya naman sina Ligaya at Malakas sa naging hatol sa kanila ni
Diwata.
Narito ang binanggit ni Malakas kay Ligaya:
Sa halamang ito tayoy mabubuhay ng mahabang panahon!
Sapagkat tayo ngayoy mga paru-paro ng diwata.

IMPLIKASYON:

Kaluhuan ng isang tao.


Panghihimasok sa buhay ng tao
Pagbibigay halaga sa kalikasan

GINTONG-ARAL:

Makuntento sa mga bagay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos at


ipagpasalamat ang mga biyayang natatamasa.
Huwag kumuha o mangialam ng mga bagay na pag-aari ng iba.
Bawat kamaliang nagawa ay may karampatang hatol o parusa.

ALAMAT

ALAMAT NG ROSAS

TAUHAN:
Rosa- magandang dalaga na nagmula sa bayan ng Tarlac
Mario- ang pakakasalan ni Rosa. Siya ay may malubhang sakit

TAGPUAN:
Tarlac- malayong bayan na tinitirhan ni Rosa

KABABALAGHAN:

May tumubong magandang bulaklak sa puntod ni Rosa. Hiniling ng dalaga nasa


tabi ni Mario siya ilibing. Kinalaunan tinawag ang bulaklak na ito na rosas.
KASUKDULAN:
Nakatakda nang ikasal ang sina Rosa at Mario ngunit natuklasang may
karamdaman si Mario. Hindi pumayag si Mario na maikasal sila dahil sa malapit na rin
lamang siya mamatay pero binanggit niya kay Rosa na sapat nang baunin niya ang
pag-ibig nito hanggang sa kabilang buhay.

KAKALASAN:
Gayunpaman pinili pa rin ni Rosa na paglingkuran si Mario hanggang sa huling
sandali ng buhay nito. Bago mamatay si Mario hanggang sa malibing ito ay hindi pa rin
naalis ang ngiti ni Rosa sapagkat naniniwala si Rosa na kung asan man si Mario siya
lamang ang babaeng minahal nito.

KAWAKASAN:
Hiniling ni Rosa na ilibing siya sa tabi ng puntod ni Mario hanggang sa isang
araw may halaman na tumubo sa kanyang puntod kay ganda ng mga bulaklak. Tinawag
nila itong rosas bilang simbolo ng tunay nap ag-ibig.

IMPLIKASYON:
Wagas na pagmamahal ng magkasintahan

GINTONG-ARAL:
Ang tunay na pagmamahal ay mananatili kailanman hanggang sa wakas g
inyong buhay.

EPIKO

EPIKO NG MGA IPUGAW

HUDHUD

TAUHAN:

Aliguyon matapang at bihasa sa pakikipaglaban


Dinoyagan/Pumbakhayon - matapang at bihasa sa pakikipaglaban
Antalan ama ni Aliguyon
Panga-iwan ama ni Dinoyagan
Bugan naging asawa ni Aliguyon na kapatid ni Dinoyagan

TAGPUAN:

Hannanga isang bulubunduking lugar sa Ifugao na binubuo ng mga hinagdang


palayan. Lugar na kinalakhan ni Aliguyon.
Daligdigan isang bulubunduking lugar sa Ifugao na binubuo ng mga
hinagdang palayan. Lugar na kinalakhan ni Dinoyagan.

KABABALAGHAN:

Ang labanan sa pagitan ni Aliguyon at ni Dinoyagan ay inabot ng tatlong taon na


walang tigil.

KASUKDULAN:

Matinding bakbakan sa pagitan ni Aliguyon at ni Dinoyagan na inabot ng tatlong


taon.

KAKALASAN:

Pagkaraan ng tatlong taon na bakbakan ay natuto ang dalawa na igalang ang


isat-isa. Nag-usap at nagkasundo sila na gawing payapa ang kanilang nayon.

KAWAKASAN:

Umunlad ang kanilang nayon at naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at


Dinoyagan. Parehas silang nagkaroon ng asawa at pamilya.

IMPLIKASYON:

Paglalaban at hindi pagkakaunawaan ng Kristiyano at Muslim


Away sa pagitan ng gobyerno at mga taong ipinaglalaban ang kanilang
karapatan.

GINTONG-ARAL:

Hindi nadadaan sa anumang dahas ang pagsasaayos ng away o sigalot bagkus


kailangang pag-usapan ito ng maayos.
Paggalang o pagrespeto sa karapatan at dignidad ng tao.

EPIKO

EPIKO NG MGA IPUGAW

ALIM

TAUHAN:

Bugan - lalaki
Wigan - babae
Makanunggan diyos o bathala
Igon bunsong anak na lalaki na inialay kay Makanunggan
TAGPUAN:

Kabundukan (Bundok Amuyaw at Bundok Kalawitan)

KABABALAGHAN:

Nagalit ang diyos at nagpadala ng malaking baha.


Nagtalik ang magkapatid
Inialay ang anak na si Igon upang matapos ang taggutom

KASUKDULAN:

Natuklasan ni Bugan na siya ay nagdadalang-tao at ang ama ay ang kanyang


kapatid. Gusto niyang magpakalunod ngunit nagpakita ang diyos ng Ipugaw na
nagngangalang Makanunggan at ikinasal silang dalawa. Nagbunga ng limang babae at
apat na lalaki ang kanilang pagmamahalan.

KAKALASAN:

Nagkaroon ng malawak na taggutom at nagdesisyon ang mag-asawa na ihandog


ang pinakabata nilang anak na si Igon kay Makanunggan.

KAWAKASAN:

Isinumpa sila ni Makanunggan dahil sa karumal dumal nilang ginawa sa anak


nilang si Igon. Mag-aaway sila sa bawat pagkakataon na malalapit sila sa isa't-isa.

IMPLIKASYON:

Pangangailangang pambiyolohikal ng mga tao.


Handang isakripisyo ang pamilya para sa pansariling kapakinabangan.

GINTONG-ARAL:

Ang anumang kasalanan ay may nakahandang kaparusahan.

You might also like