Dagdag Salaysay - de Leon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS }

LUNGSOD NG PASAY } s.s.

DAGDAG- SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si BEBETH DE LEON y ABIA, 47 taong gulang, may-


asawa, Pilipino at nakatira sa 193 Road 7, Pildera Pildera II, Pasay
City, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay malaya at
kusang-loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Ako ang isa sa Complainant sa naghahain ng reklamong


estafa at Falsification of Documents laban kay TRISHA NOVIE
SANTOS Y CASTRO a.ka. Thrisha Novee Santos Prince na
kasalukuyang nakatira sa Block 27, Lot 6, Carnation Street,
Barangay Mayamot, Antipolo City;

2. Na noong lumapit sa akin si TRISHA NOVIE SANTOS Y CASTRO


a.ka. Thrisha Novee Santos Prince na na kanya ang
Condominium Unit No. 3019A, upang noong Disyembre,
ibinigay niya sa akin ang mga dokumentong DEED OF
ABSOLUTE SALE, CONDOMINIUM CERTIFICATE OF TITLE NO. N-
557611, CERTIFICATE OF REAL PROPERTY TAX, RECEIPT OF
REAL PROPERTY TAX BILL AT TAX DECLARATION OF REAL
PROPERTY, kasalukuyan na ngayong nasa pangangalaga ni
Honorable Assistant City Prosecutor Jocelyn P. Reyala
(nakikiusap po kami na mamarkahan ang mga ito bilang
Annex A, B, C, D at E ;

3. Na bilang katunayan na nagkaroon ng sanglaan, nagkaroon


kami ng Kasulatan ng Pagsasangla na may petsang December
5, 2016. Pareho naming itong pinirmahan at ito ay
nanotaryohan ni Notary Public Atty. Ma. Cleofe L. Jaime. Ang
naturang Kasulatan ay nakalakip dito bilang Annex F;

4. Na napatunayang niloko ako, pineke, at ginamit sa panloloko


ang mga nasabing dokumento dahil sa mga sumusunod na
dokumentong magpapatunay na ito ay mga pekeng
dokumento ( ito ay mga photocopy at ang orginal na kopya
ay nakalakip sa Dagdag Affidavit ni Julia Garcia). Ang sulat ni
Police Chief Inspector Michael John N. Villanueva para sa
Building Administrator ng New York Mansion, na may petsang
December 7, 2016, na nakalakip dito bilang Annex G; ang
sulat ni SPO2 Albert Alfonso Q. Ayoso na patungkol sa akin na
may petsang December 14, 2016, na nakalakip dito bilang
Annex H; ang sulat ni SPO2 Albert Alfonso Q. Ayoso na
patungkol kay Bebeth De Leon na may petsang December 14,
2016, na nakalakip dito bilang Annex I; ang sagot ng legal
counsel ng New York Mansion na si Catherine Mendoza sa
sulat ni Police Chief Inspector Michael John N. Villanueva na
may petsang December 12, 2016, na nakalakip dito bilang
Annex J; ang sulat ni Atty. Elbert T. Quilala, Registrar of
Deeds-Pasay City para kay Police Superintendent Francisco B.
Ebreo, na may petsang December 13, 2016 na nakalakip dito
bilang Annex K; ang sulat ni Police Superintendent
Francisco B. Ebreo para kay Atty. Elbert T. Quilala, Registrar of
Deeds-Pasay City na may petsang December 7, 2016 na
nakalakip dito bilang Annex L; ang sulat ni ICO-City
Treasurer Ruby Rosa G. Guevarra patungkol kay Police
Superintendent Francisco B. Ebreo na may petsang
December 13, 2016 na nakalakip dito bilang Annex M; ang
sulat ni Police Superintendent Francisco B. Ebreo para kay
OIC- City Treasurers Office Ruby Rosa G. Guevarra, na may
petsang December 14, 2016 bilang Annex N;

5. Na mayroon ding entrapment money na kasalukuyang nasa


pangangalaga ngayon ng CIDG ( at hinihiling ko pong ito ay ma-
subpoena at mamarkahan bilang Annex O;

6. Na ang lahat ng mga dokumentong nabanggit ay


magpapatunay na niloko ako at gumamit ng pekeng dokumento
ni TRISHA NOVIE SANTOS Y CASTRO a.ka. Thrisha Novee Santos
Prince;

7. Na isinagawa ko ang dagdag salaysay na ito ng malaya at upang


patotohanan ang mga nakasaad dito, at upang hilingin na
sampahan ng demanda si TRISHA NOVIE SANTOS Y CASTRO a.ka.
Thrisha Novee Santos Prince;.

Pinatotohanan at pinanumpaan ngayong ika __ ng _________,


2017 sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas.

BEBETH DE LEON y ABIA


Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-__ ng


______________, 2017 dito sa Lungsod ng Pasay. Pinatototohanan ko na
nakapanayam ko ng personal ang nagsasalaysay at ako ay kuntento na
kusang loob at naintindihan niya ang salaysay na ito.

You might also like