Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

RITO NG PAGBUBUKAS NG PINTUAN NG

JUBILEO
NG PAROKYA NG MAHAL NA BIRHEN NG STO
ROSARIO

7 Oktubre 2016
Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario
Ika - 8:00 ng umaga
PAGBUBUKAS NG PINTUAN NG JUBILEO

Magkakatipon ang lahat ng mananampalataya sa harap ng


Pintuan ng Jubileo. Ang Obispo at mga tagapaglingkod ay
magkakatipon sa isang angkop na lugar upang maghanda para sa
gaganaping pagdiriwang. Ang Obispo ay nakasuot ng kappa,
mitra at may tangang bakulo. Ang Banal na Pintuan ay
mapapalamutian ng mga bulaklak sa paligid nito. Maghanda ng
Sound System upang marinig ng lahat.

PRUSISYON PATUNGO SA BANAL NA PINTUAN NG JUBILEO

Kapag natitipon na ang Sambayanan, pasisimulan ang prusisyon


patungong Pintuan ng Jubileo. Ito ay pangungunahan ng mga
tagapaglingkod na may dalang Krusipiho at kandila. Habang
ginaganap ang prusisyon ay aawitin ang isang angkop na awit.

Pagsapit sa itinakdang lugar na malapit sa Pintuan ng Jubileo,


aalisin ang Mitra at iaabot ang Bakulo sa isang tagapaglingkod.

Obispo: Sa ngalan ng Ama, + at ng Anak at ng


Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pagbati:

Obispo: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo naway
sumainyong lahat.

Bayan: At sumaiyo rin.


Pananalita

Obispo: Mga kapatid, sa araw na ito


ninais nating ganapin
ang pagbubukas ng Pinto ng Jubileo.
Ito ay hudyat ng pagsisimula
ng taon ng kagalakan
para sa mga biyayang nakamtan
sa pagsapit ng pitumput limang taon
pagkakatatag ng ating Parokya.

Marami tayong dapat lingunin sa nakaraan,


gayundin ang hinaharap ay dapat
paghandaan.
At sa pagitan nito ay si Kristo, ang Pintuan
na Siyang laging ating kasalukuyan,
nagbubukas sa atin ng panibagong
dahon ng kasaysayan.
Sa pagpasok natin sa pinto ng Jubileo,
ipinakikita natin na tayo ay kay Kristo.
Sa pagtawid natin sa Pinto ng Jubileo,
nakatitiyak tayong nasa landas ng
kaligtasan.
Kasama ng buong sambayanan,
pumasok tayo at tumawid kay Kristong
ating pintuan.
Obispo: Manalangin tayo.

Ama naming Makapangyarihan,


sa labis na pag-ibig mo sa amin,
ninais mong maging
tanda ng kaganapan ng panahon
ang pagsusugo mo sa iyong
Bugtong na Anak para sa amin.
Pagkalooban mo kami
ng kagalakang dulot ng Espiritu
upang matanggap namin
nang may maalab na pag-asa
ang pagpapahayag ng taon
ng iyong dakilang pagpapala.
Sa pamamagitan ni Hesukristo,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:Amen
PAGBUBUKAS NG BANAL NA PINTUAN NG JUBILEO

Isusuot ng Obispo ang Mitra at hahawakan ang bakulo. Tutungo


siya sa harap ng Banal na Pintuan. Pagdating sa Banal na Pinto
kanyang ipapahayag:

Obispo: Haec porta Domini


(Ito yaong pintong pasukan ng Panginoong
Diyos.)

Bayan: Iusti intrabunt in eam


(Tanging ang matuwid ang pababayaang dooy
makapasok!) (Awit 118:20)

Obispo: Introibo in domum tuam, Domine


(Ako ay dudulog sa iyong tahanan, Panginoon)

Bayan: Adorabo ad templum sanctum tuum


(Sasambahin kita sa templo mong banal.) (Awit
5:7)

Obispo: Aperite mihi portas iustitiae


(Ang mga pintuan ng banal na temploy inyo
ngayong buksan)

Bayan: Ingressus in eas confitebor Domino


(Ako ay papasok, at itong Panginoon ay
papupurihan.) (Awit 118:19)

Tutungo ang Obispo sa Banal na Pinto, itutulak niya ito upang


mabuksan. Ang mga ilaw ng Basilika ay bubuksan. Matapos
mabuksan ang Pintuan, luluhod siya sa bukana nito upang
tahimik na manalangin.
Matapos ang tahimik na panalangin, aawitin ang Awit sa Dakilang
Jubileo: Si Kristo Noon

Matapos ang Awit babalik ang Obispo sa kanyang Luklukan at


gaganapin ang paglalagay ng mga palamuti at pabango sa
pangunguna ng mga piling kinatawan.

PAGLALAGAY NG MGA PALAMUTI AT PABANGO SA BANAL NA


PINTUAN NG JUBILEO

Sa pangunguna ng mga piling kinatawan, lalagyan ng mga


bulaklak at pabango ang pintuan.

PAGBASA NG MARKER

PAGTAWID SA BANAL NA PINTUAN

Matapos mapalamutian ang Banal na Pinto, tutungo ang Obispo


sa bukana nito. Aalisin ang Mitra at kukuhanin ang Bakulo. Iaabot
ng Diyakono ang Aklat ng Mabuting Balita sa Obispo at tahimik na
ipapakita sa sambayanan sa pamamagitan ng pagbabasbas.
Tatawid ang Obispo sa Banal na Pintuan hawak ang Aklat.
Kasunod niyang papasok ang mga tagapaglingkod at ilang piling
kinatawan mula sa ibat ibang sektor ng Parokya.

PAGTUNOG NG MGA TAMBULI

Patutunugin ang mga tambuli hudyat ng paanyaya sa lahat na


pumasok sa banal na pintuan.

Aawitin ang Awit sa Dakilang Jubileo ng Parokya ng Mahal na


Birhen ng Sto. Rosario habang pumapasok ang sambayanan sa
Pintuan ng Jubileo.

Matapos makapasok ang lahat ay pasisimulan na ang prusisyon


patungo sa Sanktuwaryo. Pagdating sa Sanktuwaryo ay aalisin
ang Kapa at isusuot ang Kasulya para sa pagmimisa. Itutuloy ang
misa sa bahagi ng Panalanging Pambungad.

You might also like