Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 114

-1-

TWENTY DOLLAR ROCKY


By malignantquiapo

Chapter One: WISH STICK

27 July 2008

Kanina, unconsciously kong nilagay ang isang stick ng yosi nang pabaliktad sa bagong bili kong
kaha. Then kumuha ng ibang stick para sindihan ko.

“Nampucha may wish stick ka pa ah!” sabi ng supervisor ko na kasabay kong nag yosi break.
Napansin pala niya.

Nagkastampede bigla sa utak ko ng mga nangyari nitong nakaraang buwan. Mga bagay na nag-
lead sa break-up. Badtrip. Ilang buwan din akong pinatigil magyosi nung ex ko. Sumunod naman
ako. Kaya tuloy namiss ko ‘to. Namiss kong maglagay ng wish stick (isa kasi yun sa mga maliliit
kong pa-tweetums sa mga mundane na bagay). Namiss kong magyosi ng alas dos o alas tres ng
umaga sa Ortigas. Namiss kong magyosi habang umiinom. Namiss kong magpakalasing. Namiss
ko yung walang iniisip na seryoso. Namiss kong mag imagine ng mga kung anu-anong kaewanan
na medyo weird para sa iba.

“Natutupad ba mga wish mo jan?” tanong ni sup.


“Madalas,” sagot ko.

30 June 2006

parang amoy na amoy ko pa rin ang usok ng yosi natin nung huling gabi ng oktoberfest, sa likod
ng megamall

parang nalalasahan ko pa rin ang caramel frap, at san mig strong ice, nagtatanong ng kung anu-
ano sa magic eight ball mo, parang kayakap kita

parang bigla akong naglalakad ngayon papuntang powerbooks, parang nung mga panahong lagi
kang late ng isang oras

parang bigla akong lumangoy papuntang mindoro, at nahiga sa buhangin,


at naghanap ng shooting star

parang bigla akong nagpunta sa office ng alas dos ng umaga para makipagkita sa'yo,
doon lang pala ako makakakita ng shooting star,
nung mga panahong lagi kang late ng isang oras

-2-
parang bigla akong nagpakalunod sa beer sa watering hole,
whistlestop, nipa hut, bulacan, pasig, sa kung saan-saan

parang bigla akong nagpuntang baguio, at sa bus, lilingunin kita sa tabi ko

parang bigla akong bumili ng glade na apple scent at nilagay sa kwarto ko, pareho sa kwarto mo

parang biglang may umakbay ulit sakin

parang biglang may nagsabi ng mahal kita rocky

pero “parang” lang lahat


note to self: break na kayo.

---------------------------------------------------

Rocky pala.

Nagbasa pa ko ng ilang blog entries nya. Back read mula 2004. College siya nung 2004. Puro
tungkol sa plates ang kwento. Painting, painting contests. In-love din. In-love sa isang classmate.
Babae si classmate. Ilang entries din ang nagawa para kay “Dina.” Nagka-boyfriend si Dina ng
higher batch na idol nila sa painting. Anu naman daw ang laban niya dun. Naging part ng
barkadahan yung boyfriend ni Dina. Wala siyang choice kundi tanggapin ang sitwasyon. At i-blog
na lang ang mga ka-emo-han niya.

So Rocky pala ang name niya.


I kept reading. For hours. For days. Until umabot na ko sa wish stick ko.

Chapter Two: TWENTY DOLLARS

“Lunch?”
“Sure.”
“See you in 30 minutes. Stepho’s.”
“Aryt.”

“Bagong gising?’
“Oo tsong.”

-3-
“Pig out time!”

“Ang laki ng serving talaga dito.”


“Oo, kabusog!”

“Kape, treat ko.”


“Sure, tara, saan?”

“Ano, sure ka na ba?”


“Oo, pwedeng-pwede naman akong bumalik dito eh. Miss ko lang talaga Pinas. Tsaka alam mo
na….”
“Gusto ko rin!”
“Tara sabay ka na.”

More than a year pa lang ako sa Vancouver. Ganito lang madalas. Aside sa work, lunch, tambay,
libot kasama yung barkada ko dito – si Paul.

“Kelan flight mo, Drexx?”


“Next Tuesday. Hatid mo ko sa airport.”
“Naman!”

Bakasyon lang ba ko sa Pinas, o magtatagal ako dun? I don’t have any plans yet. I am used to
not making plans, and not following any. Naaliw akong hindi nagplaplano. I didn’t book a return
flight. I have enough savings naman kung magwawaldas mode ako. Bahala na.

Nag-migrate kaming buong pamilya nung 2008. Nakilala ko si Paul sa bus. Kapwa Pinoy,
nagkatinginan. Tsaka na ko naglakas-loob magtanong ng directions. Naglakas-loob din kasi ako
maglibot mag-isa, kahit nagpupumilit sumama yung makulit kong kapatid. Gusto ko lang ng
adventure. Bagong lugar, bago lahat. Bata pa lang si Paul when nag-migrate ang buong family
niya. Tuwang-tuwa siyang may nakausap na Pinoy sa bus na newcomer sa Canada kaya nag-
volunteer siya na ilibot ako. And from then on, lagi na kami magkasama.

College sya, ako nag-take ng short courses. Kaya buhay estudyante kami nung mga unang
months ko sa Vancouver. Tambay sa kanila, tambay samin, gala kung saan-saan. Roadtrip
madalas nung nagka-kotse si mokong. Halos lahat ng first time ko sa Canada, siya ang witness.
Siya ang kasabay ko. Siya ang nagturo. Siya ang dahilan.

“Drexx, admit it, you’re not straight,” bigla niyang sinabi habang papunta kaming Whistler, isang
town na 2-hour drive from Vancouver. Nagyaya kasi siya mag-snow boarding.
“What?” sagot ko, gulat, napapaisip kung aamin ako agad or magdedeny.
“Because if you’re not gay, I will make you gay. Right now,” sagot niya, sabay tawa. Natawa na
din ako.
“Gago!”
“Gago ka din!”
Tawanan kami sa byahe. Wala nang formal na aminan na nangyari. Gets na namin pareho.
“Pa-kiss tsong,” sabi niya.
“Galingan mo,” sagot ko. At nagtawanan kami lalo.

-4-
Mula noon, eh mas lalong naging masaya ang stay ko sa Vancouver. Nope, hindi kami. At
walang kissing scene na nangyari. We are brothers. Kaya kwela magbiruan ng ganun. Ang isa
naming past time eh ang panonood ng mga gwapo sa downtown. Iba-ibang lahi ba naman. Puti.
Latino. Asian. Mixed. Hala! Saan ka pa.

“Pag yan pinasok mo sa pinoy big brother, sikat agad yan.”


“Naman!”

“Twenty dollars?”
“Ako pa ang magbibigay sa kanya.”

“Twenty dollars?’
“Hmm, fifty.”

“Twenty dollars?”
“Libre!”

Game namin yun. Sa bawat hunk na dadaan, tatanungin nya ako or tatanungin ko siya ng “twenty
dollars?” Babayaran ko siya or niya ako ng twenty dollars to have sex with a certain guy na
makita namin. Ang sarap lang mag-imagine. Minsan libre, pag pogi talaga. Minsan kami pa
magbabayad kunwari pag major hunk. At kailangan mas mataas sa $20 kung ndi kapogian.

--------------------------------------------

“Tsong, ingat sa byahe.”


“Yep, sunod ka na kasi.”
“Gusto ko nga. Pero kakauwi lang namin last year di ba. Susurprise na lang kita dun, haha!”
“Gago, sige, hagilapin mo ko sa Manila.”
“Gago ka, wag ka naman masyado matagal. Boring.”
“Babalitaan kita.”
“Oks oks. Drexx, sana makita mo si Rocky.”
“Sana.”
“Eto twenty dollars oh”
“O para saan?”
“Pag nakita mo sya, malamang papayag ka sa twenty dollars.”
“Haha sira ulo.”

At sinimulan ko na ang ilang oras na flight pabalik ng Manila. Sa isip-isip ko, twenty dollars ba si
Rocky? Pwede. Pwede ding libre. O ako pa ang magbibigay sa kanya. Darn Rocky.

-5-
Chapter Three: THE PLAYER

Eastwood. Gabi. Pizza. Fazoli’s. Sa labas.

Sa kabilang table, may pogi. Pwede ‘to. Mukha namang game.

Papansin. Yosi. Papogi sa pagbuga ng usok. Nagyoyosi din si pogi. Tinginan. Lumapit na si pogi.
Excited ah. Ayos lang. Pakilala. Tanong ng walang sense. Sanay na ko sa ganyan, pogi. Wag ka
na kabahan jan. Kwentuhang walang saysay. Yosi pa. Sinindihan nya yosi ko. Naks gumaganyan
ka pa, pogi.

“Tara,” sabi ko sabay tumayo nako.


“Saan?”
“Kahit saan.”

But never to my place.

“Hi!”
“Hey.”
“Do you mind if I join you?”
“Sure.”

Wala bang bagong linya? Wala bang kakaibang approach. Pare-pareho. Yung medyo pinag-
isipan naman. Natatawa na lang ako sa loob ko. Kinakabahan pa sila madalas, magpapakilala
lang naman. Magtatanong lang naman kung pwede tumabi, kung pwede makipag-inuman.
Magpapaligoy-ligoy pa, magtatanong lang naman kung gusto kong sa kanila matulog.

Sanay na kong magising sa kung kani-kaninong kama. Anung bago. Anung kakaiba dun. Pag
pogi ka, tapos type kita, tapos type mo ko, let’s go! Hindi naman lahat nakakasex ko. Yung iba,
gwapo lang pero walang sex appeal. Pag ganun, either kwentuhan lang, o inom. Kape or dinner.
Pampalipas lang ng oras.

“Meet tayo ulit.”

Sanay na ko sa ganyang parting words sa umaga.

“Sure! Sarap mo eh.”

Pero hindi ko na sila imimeet. Asa.

Yan ang sex life ko. Hindi ako ma-chat, wala akong account sa kung anung gay sites. Ayoko ng
thru Internet may nakikilala. Ayoko mag-aksaya ng oras para lang mapatunayan kung

-6-
magugustuhan ko yung makikilala ko. Madalas ako sa gimikan. Dun ako maraming nakaka-one
night stand.

“Player!”
“Are you surprised?”
“Niloko mo ko!”
“What?”
“Nakita ka ng friend ko, may kasama kagabi!”
“And so?”
”Sweet daw kayo.”
“And?”
“Sabay kayo lumabas ng bar.”
“So?”
“Niloko mo ko! Ginago mo ko!”
“Talaga?”
“Gago ka! Bakit mo ko niloko! Sabi mo mahal mo ko!”
“Ang drama mo.”
“Whaaaat? Niloko mo ko tapos sasabihan mo ko ng madrama ko?”
“Enough of that. It’s boring.”

Pero andami pa rin nilang sinasabi everytime “nanloko” ako or “ginago” ko sila. Natatawa na lang
ako. Masyadong siniseryoso. Ang corny. Iiyak pa. Losers.

Ilan na rin ang umiyak sa harap ko, sa text, humila ng suot kong tshirt, nagmakaawa. Bakit daw
ako nanloko. Bakit daw ako nakipag sex sa iba. Bakit, fling lang yun ah. Akala nyo naman tayo na
talaga. Hehe. May mananapak pa, okay ka lang? Bakit daw ako nakipag-commit kung gagaguhin
ko lang sila. Commitment na sayo yun? Puro bakit.

“Bakit nga ba, Jake?” tanong ng bestfriend ko sakin.


“Eh enjoy eh. Ikaw na nilalapitan ng gwapo, aayaw ka pa ba?” sagot ko sabay tawa.

Chapter Four: BE KIND REWIND

“Sino na naman ang pinaiyak mo, Jake?” tanong ni Chino, bestfriend ko.
“Haha, Mr. ek ek daw siya ng college nila. Masyadong senti, kung anu ano gusto gawin namin na
magkasama. Text ng text.”
“Malamang, sinagot mo eh.”
“Eh ano naman kung sinagot ko.”
“Siraulo ka talaga.”
“Anu ba bago mong DVD?” tanong ko kay Chino habang ino-on ang player ko.
Kumuha siya ng ilang DVDs sa bag niya, at pumili.
“Eto, Gondry,” pelikula ni Michel Gondry ang inabot niya sakin.

-7-
“La science des rêves. Ayos!”
“May chips ka?”
“Kuha ka dun.”
“Order din tayong pizza!”
“Dali!”

At DVD marathon na naman kami ni Chino. Klasmeyt ko siya mula hayskul. Mula nung straight
pa ko. Hehe. Nagka-girlfriend din kasi ako nung highschool. Kasama ko siya sa mga ligawan. Sa
review. Sa pag cut ng class. Hanggang college, magkaklase kami. Magka-block kami hanggang
maggraduate. Hanggang umamin ako sa kanya na mas gusto ko ng pogi kesa maganda. Ayos
naman. Tanggap. Walang nagbago. Mas lumalim ang pagkakaibigan. Kahit anung tukso ko, wala
eh, straight talaga siya..

Kilalang-kilala ako ni Chino. Wala akong sinikreto jan. At kahit nga mga bagay na hindi ko alam
sa sarili ko, alam niya. Masarap na kaibigan. Wala kaming away nyan. Pareho kasi kami ng ugali.
Easy-easy. Pero seryoso pag kailangan seryoso.

Tapos na ang movie.


“Nakakainis ang ganda!!!!!” yan ang reaction ko pag may nagugustuhan ako.
“Ang galing no!”

Yan ang buhay magkaibigan namin ni Chino. DVDs, yosi, alak, kulitan, kung anu-anong trip. Sa
dami ng nagawa na namin, para na kaming ewan minsan na nakatambay na nag-iisip ng bagong
mapagtritripan.

“Boy, magtutwenty-five na tayo. Bad trip.”


“Langya. Ambilis. Dati excited akong mag hayskul. Excited akong mag-17. Excited akong
grumaduate ng college. Ngayon, 25 na agad?”
“Kailangan ko na makahanap ng matinong girlfriend, Jake.”
“Good luck! Oo nga, bakit ba wala pa?”
“Di ko alam. Eh ikaw, ba’t walang matinong boyfriend?”
“Nagtanong ka pa.”
“Di bale, feeling ko, matitigil ka na sa isa lang.”
“Isa pang good luck. Masaya ko sa ganito, Chino. Try mo kasi minsan.”
“Haha, bat kasi ilang beses na kong nalalasing dito, di mo pa ko niri-rape?”
“Tawag dun taste.”
“Haha sira-ulo!”

-----------------------------------------------------

29 March 2008

bakit ganun. bakit pag may ndi ka nagustuhang ginawa ko, ayaw mo na agad sakin, bakit pag
ikaw ang may ginawang against sken, ok pa rin naman after kong magalit. hay. unfair. bakit
ganun. bakit pag nagreact ako sa ginawa mo, ayaw mong marinig, ayaw mo kong makita. bakit
pag ako ang nagpakita na parang ndi na tama ginagawa mo sken, iiwan mo ko. ang daya. tama
nga siguro na pag masaya mo lang ako gusto kasama. pero pag masaya na kayo, di mo na ako
kailangan.

(self-pity mode. bitter mode.)

inintindi kita. pinagbigyan. ang nagagawa ko lang, mag rant at magreklamo. pero ikaw pa rin ang
nasunod. nasunod ang gusto mong break up. nasunod lahat ng gusto mo. nagagawa mo lahat ng

-8-
gusto mo kahit alam mong magagalit ako. pero pag ayan na, pag alam ko na, pag magagalit na
ko, uunahan mo na ako. na parang kasalanan kong nalaman ko pa. bakit ganun. kung hindi mo
ko mahal sana sinabi mo sa simula pa lang. hindi na sana umabot ngayong sira na tayo. hindi na
sana dumami yung lies, ndi na sana dumami yung mga pang-aaway ko. kung ikaw ang nasa
sitwasyon ko, maiintindihan mo ko. pero huwag, ayokong pagdaanan mo 'to. sige, di bale nang
ndi mo talaga ako naiintindihan, basta masaya ka. basta andun ka kung saan ka masaya. kahit
ndi mo paniwalaan, pero gusto ko talaga palagi kang masaya. walang halong bola yan. ndi na
naten kailangan magbolahan ngayon.

pipilitin kong maging maayos. maging ok. sana dumating na yung araw na hindi na ako
nasasaktan sa mga nangyayari. mas madali kasi makipaghiwalay nang ndi na nagmamahal.
nagbreak kasi tayo, mahal na mahal kita. pero sabi mo intindihin kita sa gusto mong mangyari.

nasan naman ako sa gusto mong mangyari?

ngayon ayaw mo makipagkita dahil sa tingin mo aawayin lang kita. ngayon sinasabi mong ndi
ikaw ang may major kasalanan. sige. siguro nga ako ang may mali. siguro nga may kulang sakin.
siguro nga valid lahat ng ginawa mo kasi ganito ako. kaya dapat mainintindihan kita tuwing ndi
mo ko rereplyan. tuwing ndi mo sasagutin ang mga tawag ko. tuwing gagawin mo ulit yung mga
bagay na pinangako mong ndi mo na gagawin. paulit-ulit na nga siguro ako. nakakawalang gana
siguro ako. kaya pag ngagalit ako sa ginawa mo, biglang hindi ka na sigurado kung mahal mo pa
ko. kahit ikaw na mismo ang nagsasabing wag nang mapapasok yung isyu na yun kasi sinabi mo
nang totoong minahal mo ko. pero bakit ganito? (ganun ba un, mahal mo lang ako pag naloloko
mo ko at napapaniwala sa mga sinsasabi mo?)

sige, kung pagod ka na sa akin, na lagi naman, ibibigay ko na lang ulit sayo yung ilang beses mo
nang hiningi.. freedom. pipilitin kong wag kang itext, wag kang tawagan. sasanayin ko yung sarili
kong ndi ka makita nang matagal. kung un ang gusto mo.

kaninang umaga andami mong miscol at nagtext ka na magtext naman ako. pero nung hapon,
ayaw mo na ulit ako makasama. sabi mo masama pakiramdam mo. nung niyaya kitang lumabas
tayo, may pupuntahan ka na. tapos hindi ka na nagreply. ndi mo na sinagot kung asan ka.

pwede paki-deliveran ako ng 2 case ng red horse, isang vodka, long neck na emperador at
mindoro sling. Tatlong kahang lucky strike at chocnut pampulutan.

Chapter Five: MR. ONE NIGHT STAND

For me that was Rocky’s saddest entry. 29 March 2008. I read it many many times. It was
overloaded with pain. At naimagine ko kung gaano kahirap mag-undergo sa ganitong situation.
Poor Rocky. Now I guess I understand.

-9-
And so I typed:

Comment 1:
“u're so f*ck*ng hell romantic! everything i want in a guy is in you..sana para sakin na lang ‘tong
entry na ‘to..SANA AKO NLNG ANG SINASABIHAN MONG MAHAL
MO..nakakainggit...nkakapangselos..sana ako nlng. Kung ako ang boyfriend mo, di kita lolokohin”

Comment 2:
“I hope you still remember me.”

I typed two succeeding comments sa post niya. Almost two years na yung post, yeah. Long
overdue na ang comments kong not to mention were also unnecessary. Pero wala lang.
Paramdam lang. As “guest” na walang iniwang name or email.

Sa kanya ba ako naka-focus sa pagbabalik Pinas ko? I guess. I wanna find him. I wanna see him,
again. Napaka-impulsive ko and I don’t care. I don’t even know if he remembers me. Wishful
thinking. Haay, decisions that do not make any sense at all. And again, I don’t care.

I remembered what Paul said.

“Tsong, almost two years nang hindi active yang blog niya. Either sumaya na siya o namatay na.”
“Gago.”

At pumila ang mga what if’s sa isip ko. Masaya na? Namatay? Na-coma? Nabaliw? Nag-suicide?
Nasagasaan? Nakulong? Nag-pari? Nalaman niyang ampon siya at nag rebelde at nag drugs at
nakapulot ng bag na may millions sa loob pero sinoli niya at nagkatanggap siya ng reward at
binigyan ng magandang trabaho at pinadala ng company sa Canada?
Waaaaaaaaaah! Kung ganun, anung ginagawa ko dito sa Manila ngayon. Sheesh. Spell
kabaliwan.

Asan ka Rocky? At bakit hinahanap kita?

---------------------------------------------------

“Andito na ko sa baba. Come here and fetch me,” sabi ko sa isang kakakilala lang sa bar nung
isang gabi. Andun ako sa baba ng condo ni new poging guy.
“Hi, Jake,” bati niya sakin.
“Hey.”
At umakyat na kami at nag-sex.

Ganun lang kasimple. Kailangan pa bang madrama. Kailangan pa ba ng kung anu-anong


pasakalye. Naka-tatlong beses nga si loko eh. Nag-enjoy masyado. Sinulit. Nakatunog ata na ako
yung tipong hindi makikipag meet ulit. Mr. One Night Stand. Kung pwede nga lang nung isang
gabi na kami nag-sex nito eh, kaso iba kasama ko nun. Kaya nagbigayan na lang kami ng
number sa washroom at ngayon nga, eto ako sa unit niya.

“Thanks Jake.”
“For what?” tanong ko.
“Wala.”
“Good.”

- 10 -
“Ganyan din ako. Ayoko ng commitments.”
“Huh?”
“And ayoko din ng mga usap usap after sex.”
“Okay.”
“Good luck satin.”
“Saan?”
“We’ll find happiness eventually.”

Akala ko ba ayaw mo ng usap. Eh ba’t may mga ganyan ka pang dialogue. Nagsindi na lang ako
ng yosi. Pinagsindi ko rin siya. For being a good s*cker..

At dahil kinatok niya ang utak ko. Whatever.

Chapter Six: THE MORNING AFTER THE


DEATH OF SUPERMAN

“Baba lang ako ma, may bibilhin,” paalam ko sa mama ko. Naka-check in kami sa isang hotel sa
Makati. August 2007.
“Sige. Wag magpa-late ng balik, Drexx.”
“Yes, ma.”

I was in my casual self. Plain white v-neck shirt. Jeans. Flip-flops. I was just going out for a walk.
Hapon pa lang naman. Still plenty of time...

Bumili akong Pringles sa Ministop. Original flavor. At coke . At naglakad-lakad ako sa Ayala.
Rush hour. Enjoy ako sa ganito. Naglalakad-lakad ng walang iniisip. Hindi nagmamadali. Hindi ko
alam bakit nagtitinginan ang iba. Weird ba kumain habang naglalakad? Weird bang mag
tsinelas? To each his own. I live with my mantra: the world is my playground. Kaya na rin siguro
todo asikaso ng immigration papers namin ang parents ko eh para magkaroon naman ng sense
ang buhay ko. Graduate ako ng Philosophy. Ano daw gagawin ko. “Mag-iisip.” Pang-asar kong
sagot sa kanila. I don’t have anything against migrating. I even find it really exciting. New places
to see, new experiences, new everything. Mas madaming experiences, I feel more human. Mas
madaming unexpected events, I feel more alive.

Walk walk walk. Tingin tingin sa shops. Mamimiss kita Pilipinas! Mamimiss ko kayong
mgabarkada ko na super busy at hindi na ako nameet before I left! When will I see you again
Metro Manila! Gusto kong isigaw. But people wouldn’t care. I bet they’d even think I’m crazy.
Hehe. Kwela lang na kinabukasan, aalis na kami papuntang Canada and I was making the most
of my last hours here. Wala bang masayang mangyayari muna? Dapat meron.

- 11 -
Around 7pm, after walking around for more than an hour, medyo pagod na ako. Umupo muna ko
sa park sa Greenbelt 3. Smoke. The wind was gentle. It was cool. Parang masyadong maganda
ang gabi. Weird. Kahit madaming tao, hindi sila maingay. Hindi magulo. Ang ganda ng flow ng
lahat ng elements ng gabing yun.

Then I noticed a guy sitting on the bench under the tree a few feet away from me. Mag-isa. May
dating. Medyo maputi. Medyo wavy ang buhok. Yung hindi sinusuklay pero ang ganda ng bagsak
ng buhok. Naka-plain white shirt din. V-neck din! Dark slim fit jeans. Red chucks. At talagang
napansin ko pa mula sa inuupuan ko na magkaiba ang kulay ng shoelaces ng chucks niya. Black
sa kaliwa, white sa kanan. Hmmm. Interesting.

Teka teka. Medyo seryoso ang mukha niya. Masyado ako nafocus sa suot nya at sa buhok. Ang
lakas kasi ng dating ng over-all look niya. Para siyang tulala. Eyes na may iniisip at walang
specific na tinitingnan. Nagyoyosi din pero matagal ang interval ng pag hithit. Naka-ipod, hawak
sa kanang kamay na parang malalaglag anytime. May emo moment si stranger.

Nakaupo lang ako dun, nakapatong ang dalawang siko sa hita, at nakatingin kay pogi. Nang bigla
siyang lumingon sakin. Ooops! Hindi ko alam kung paano iibahin ang tingin ko. I just looked
down. Pero pa-simple lang. Nag-suplado look ako. Sabay sandal, sabay dekwatro. Para mas
siga.

After ilang minutes, he stood up.. Naglakad siya papasok ng mall. Walang pag-iisip akong
tumayo at sumunod. Trip lang bakit ba? Last night ko na ‘to dito. But I didn’t want to be obvious
that I’ve just become a stalker in an instant.. Pumasok siya sa isang shop na puro artist’s
materials. Aba. Hindi ako sumunod sa loob. Lumabas siya after a minute. May tiningnan lang
yata. Then he continued to walk. Habang sinusundan ko siya, napansin kong ang ganda ng lakad
niya. Ang ganda ng likod niya, ng shoulders niya. He is lean. Ang ganda ng porma niya. Ka-
height ko siya, 5’10. He had this simple rugged style.

May painting exhibit sa gitna ng mall. He stopped there, and checked on the paintings. Two
minutes ata siya per painting. Aba. Masyadong ninanamnam. Tumitingin din ako sa paintings,
nagpapanggap na interasado. Hanggang may nagsalita…

“The morning after the death of superman”

Napalingon ako to where the voice came from. Siya ang nagsalita. Two paintings away. Wala
naman siyang kasama. At walang tao sa paligid niya, ako lang.

“Malungkot. Walang hope. Dark blue skies. Red na cape ni Superman. Yun lang. Walang hope.
Malungkot,” sabi niya, sabay lingon sakin. “Tingnan mo.” Tinuro nya yung painting.

Lumapit ako at tiningnan yung painting. Dark blue hills, dark blue skies. Red cape sa lower
part. The Morning after the Death of Superman ang title.

“Walang inoffer na hope. Iiwan ka lang na malungkot. Tapos bahala ka na,” tuloy niya.
Nag-isip ako nang masasabi. Aesthetics class ba ‘to? Humanidades 101? Kailangan profound
ang masasabi ko. Binuklat ko sa isip ko ang mga books na nabasa ko about art and philosophy.
“Okay naman yung painting ah,” yun lang ang naisip kong sabihin. Kamusta naman.
“Anung okay?”
“Maganda naman.”
“Sa bagay, ” sabi niya. “Pero wala pa rin akong maisip na adjective para jan. Kulang ang
“maganda” o “sobrang ganda” kasi hindi lang mata ko ang nagcecelebrate pag nakikita ko yang
painting na yan. Basta. Yan ang pinakagusto kong painting.”

Syempre wala akong masabi. Hindi ako exposed sa arts masyado. Pero siya, yun pa yata ang
course.

- 12 -
“Fine arts ka ba?”
“Oo.”
Sabi na nga ba.

“Ah, Philosophy grad ako.”


“Astig! Interesado ako sa mga iba’t ibang thinkings ng iba’t ibang tao ng iba’t ibang generations.”
“Wow. Ayos ah.” Sabi ko.
Bigla niyang tinaas ang right hand niya.
“Apir!”
“Apir!” at nag-apir kami. At naaliw ako.

Sa isip ko, ayos ‘to ah. Inisa-isa namin bawat painting. Natuwa ako sa mga interpretations niya.
Hindi raw yung kanya ang valid explanations. At hindi raw appropriate isipin ang meaning ng
paintings. Ang importante daw eh yung experience mo nang makita mo yung painting. Siguro nga
hindi ako ganun ka-exposed, dahil wala ako nung tinatawag pa nyang “heightened artistic
experience.”

“Tara, kape tayo,” yaya ko sa kanya.


“Sure, sure.”

Naubos ang kape namin nang hindi namamalayan. Okay siyang kakwentuhan. Usapang walang
pause. We spent a good two hours or so talking about our philosphies in life. Nakakadala siyang
mag-kwento. Punung puno ng sense, sensibilities. Ng sincerity. He is an old soul in a rugged
artist’s body.

Tinanong ko siya ng mga influences niya sa art niya. He mentioned familiar and never heard
artists. He even mentioned bands, songs, movies…”

“Amores perros..” napalingon ako sa kanya nung sinabi niya yun. Mexican movie yun na
napanood ko minsan sa cable. In English, Love is a bitch.
“How is that an influence?”
“Totoo naman di ba?”

Then he told me a bit of his love life. Na-gets ko tuloy kung bakit mukha syang malungkot kanina.

“Ah kaya pala.”


“Kaya pala ano?”
“Kaya parang problemado ka kanina.”
“Sabi na nga ba.”
“Sabi na nga ba ano?”
“Nakatingin ka sakin.”

Nagtawanan kami. Those were the first smile and laughter I saw from him. Tawang parang ang
tagal hinintay after niya magkwento about his boyfriend.

“Ha? BOYFRIEND?”
“Bakit?”
“May boyfriend ka?”
“Wala na nga, nakipagbreak na.”
“Ha, I mean, boyfriend? Hindi ka straight?”
“Ha, I mean, virgin ka pa?” biro niya. “Oo. Boyfriend. Ex boyfriend. Second ex. ”
“Lately lang siya nakipag-break?”
“Ako yata ang nakipagbreak. Hindi ako sigurado. Napuno na ko eh. Ilang beses nang may
nakilalang iba. Habang kami. Ilang beses nang may naka-sex. Habang kami. At ilang beses kong
napatunayan na mahal pa niya ang ex niya. Habang kami.”

- 13 -
“Hoy okay ka lang? Bakit pinatawad mo nung first time? Dapat break na agad yun.”
“Akala mo madali no? Nagka boyfriend ka na ba?”
“Hindi pa.”
“Kaya nga siguro sa tingin mo madali lang.”
“But why did you allow it?”
“Ewan ko ba. Bad trip.”
“Kung ako ang boyfriend mo, di kita lolokohin,” biro ko.
“Talaga?”
“Hindi bagay sa’yo yung niloloko,” seryoso ako sa part na ‘to.
That put a smile on his face. A smile that was pure, hindi pa-cute. It had hints of pain, hope,
hoping against all hopes, that amores perros is false. And that love is still a beautiful thing.
“Hoy!” sabi niya. “Nakatitig ka jan!”
Natawa ako. Oo nga, napatitig ako sa kanya.
“Ambilis mo naman mainlove,” sabi niya. Nagulat ako.
“Gago, haha!”
“After two years, pwede ka na mainlove sakin.”
“Haha, bakit two years pa?”
“Para nakamove on nako. At naayos ko na yung sarili ko. Ang dami daw problema sakin sabi ng
ex ko.”

Pinagsindi niya ako ng yosi. Nakailang yosi na din kami.

“Anu yan?” tanong ko when I noticed yung isang nakabaliktad na yosi sa kaha niya.
“Wish stick. Di mo alam?”
Umiling ako.
“Ibaliktad mo ang isang yosi pagbukas mo ng bagong kaha. Last ‘tong iyoyosi mo. Pag eto na
ang sisindihan mo, mag wish ka, dahil naka isang kaha ka na.” Sabay ngumiti siya, na parang
nababawan sa sinabi, pero parang may sincerity din sa ngiti niya. Ewan ko.
“Maglagay ka din sayo.” At binaliktad niya yung natitirang stick sa kaha ko. “Ayan, malapit ka na
mag wish.” Napangiti ako dahil naka-semi ngiti siya nang mga seconds na yun. Then tumingin
siya sakin at nag smile na ng todo. “Believe me, matutupad ang wish!” sabi niya

“Naniwala ka naman?”
“Sa wish stick? ”
“Hindi, sa ex mo.”
“Ewan ko. Siguro nga tama siya. Hindi naman siguro maghahanap ng iba yun kung okay ako eh.”
“Based sa kwento mo, player lang talaga siya. At isa pa, mahal niya pa ex niya. Don’t be too sad.
You deserve someone better.”
“Let’s kampay to that!” sabay taas ng kape niya at nagkampay kami. Nakita ko na naman ang
ngiti niya.
“Washroom lang ako,” sabi ko.
“Sure.”

Nakangiti akong nag washroom. I knew it, something unexpected would happen. Nakalimutan ko
for a while na bukas na ang alis namin. Nakalimutan ko ang oras. It’s almost midnight. Nakangiti
akong tumingin sa salamin, nagpa-pogi. Gabi ‘to ng mga smiles. Naisip ko. Kailangang lumevel
kay poging artist. Oh yeah…his name. I haven’t asked his name. I haven’t told him mine, either.

Pero paglabas ko, wala na siya.

- 14 -
Chapter Seven: FOR THE ONE WHO LEFT

13 April 2008

akala mo ganun lang kadali maghintay ng text mo, ganung ndi naman na tayo at hoping akong
maalala mo kong itext ng gud morning o umaga o gandang umaga, kahit wala nang mwuah o
beh o behbowt

akala mo ganun lang kadali mag-ipon ng resibo ng bawat kinainan nating fastfood, restaurant,
bawat sinakyang bus, bawat biniling damit kasama ka, o damit na tig-isa tayo – kahit hindi na
tayo at nakalibing na lang ang scrapbook natin sa isang sulok ng kwarto mo

akala mo ganun kadali abangan ka halos araw-araw sa baba ng building niyo, kahit di mo alam
na andun ako, masaya na rin akong nakita kita at napapangiti pa rin ako sa cute mong
paglalakad

akala mo ganun kadali tanggapin na ayaw mo na akong makita, na may nagustuhan ka nang iba,
na dapat wag kita pigilan sa kanya, na mas gusto mo na syang kasama palagi

akala mo ganun lang kadali na maalala ka at maiisip na hindi na kita maririnig sabihan ako ng "i
love you rocky, my beh!"

akala mo madali tanggapin na wala nakong karapatan masunod pag gusto kitang kasama, wala
na akong karapatan malaman lahat, kahit ulam mo o saan ka kumain o anung suot mo o anung
oras ka nakauwi

akala mo ganun lang kadali tanggapin ang isang abnormal na sitwasyon dahil lhindi na tayo, at
iiwan mo na talaga ako

akala mo ganun lang kadali mag move on, mag let go, magdaan ang isang araw ng wala ka

----------------------------------------------------

Where did he go?


Thirty minutes pa akong naghintay. Wala pa rin siya.
Isang oras pa akong naghintay. Wala pa rin siya.
Dalawang oras pa akong naghintay. Wala pa rin siya.

I had a feeling he’s not coming back. However I didn’t dwell on it. Hindi ko inisip na anu ba yun,
bat ganun yun. Hindi ako nainis. Nag-stay lang ako dun sa moment na kanina I was having a
great conversation with a total stranger. It felt good. It felt light.

Nagsara na yung coffee shop, and naupo na lang ulit ako sa park. Tahimik, wala na halos tao.

- 15 -
Hindi ‘to madalas mangyari sakin, pero ngayong mga oras na ‘to, overwhelmed ako. Because of
going to Canada. Because of a whole new life story that guy unfolded. Because of that guy who
suddenly disappeared.

Kinuha ko ang huling stick ng yosi, at nag-wish ako…

Chapter Eight: DREXX

And now I’m back in Manila. I miss the noise, the streets, the jeepneys, the traiffic. I miss hearing
Tagalog everywhere.

I stayed in the same hotel where we stayed before we left last 2008.

Not too long ago. Walang masyadong nagbago.

“Bakit mo naman naisipan bumalik ng Manila?” tanong ni papa nung nagpaalam ako. “Wala ka
pang two years dito,” he continued.
“That’s okay pa. Two years lang naman ang required na stay here to renew my immigrant status,”
sagot ko. “Madali nang bumalik at kumpletuhin yun.”
“But Andres, it’s better to stay longer. Hindi ka pa nga din nagtatagal sa work mo.”
“Napag-isipan ko na lahat, Andres Senior. I’ve weighed everything. And I will be alright. I have my
savings, I can have my job back when I return, there is nothing to lose.”
“Hay naku. Sometimes I do not know if I should be proud of you. You’re very impulsive. Gusto mo
biglaan lahat. Parang hindi pinag-isipan.”
“But pa, pinag-isipan ko na nga.”
“Naku eh lahat naman laging napag-isipan mo na,” sabi ni mama na may dalang kape.
“You know me, my dear parents” sagot ko sabay ngiti, sabay kuha sa kape.

I never had a hard time with my parents. I guess I’m lucky. Whatever I decide, they understand.
Whatever I choose, they will question, but they will understand. Like when I admitted that I am not
straight. Second year college ako nun.

“What???” gulat si mama.


“Explain!” sigaw ni papa.
“Sexual preference is preference per se. It is personal. Kuya Rico’s taste is different from mine,
for the simple truth that we are two different people. That shouldn’t be hard too understand, Atty.
Andres Yatco Sr. and Professor Yolanda Yatco.”

Dalawang oras ata silang tulala pagkatapos ng defense ko for being gay. Pero kinabukasan,
pagkagaling ko ng school, aligaga ang maid. May birthday ba? Tanong ko sa sarili ko. Parang
nakakaamoy ako ng masarap na pagkain. Pagdating ko sa dining area, wapax! Andaming

- 16 -
pagkain. Kumpleto ang pamilya. Papa. Mama. Kuya Rico. Girlfriend ni Kuya Rico na si Shelley. Si
Mariestelle, bunso kong kapatid. At ang nanliligaw sa kanya na si ewan na invited din.

Syempre nagtanong ako kung anong meron.

“We’ve been waiting Drexx,” sabi ni mama.


“Why?” sagot ko.
“Dinner na,” sabi ni papa.
“What do we have here?” tanong ko ulit.
“Masaya lang sila, tol,” sabi ni kuya.
Umupo na ko at kumain. Natutuwa ako sa loob-loob ko.
“Basta everyone, always remember, carpe diem. Always seize the day,” sabi ni papa. Yan ang
palagi niyang sinasabi samin ever since bata pa kami. “And I’m glad that you, Drexx, know it by
heart. Only when one loves his true self, can he live each day of his life to the fullest.”

Tumayo ako and niyakap ang parents ko. Nakaka-touch.


At biglang nagpapalakpakan lahat. Pasimuno ni kuya. “Ang corny niyo! Lalo ka na pa, ma!” sabi
ko. At nagtawanan lahat.

The reason that I am confident is my family. They brought me up well. They will always allow me
to do anything. Basta pag-iisipan. Wag naman daw laging out of impulsiveness sabi nina papa at
mama.

Pero itong pagbalik ko sa Manila, biglaan, pero pinag-isipan ko pa din. I know in my mind and in
my heart that I am up for something worthwhile here, something that might change the course of
my life.

That Rocky.

Chapter Nine: ROCKY

Four Years Ago

“Hi I’m Rocky, I’m 21 years old. This is my first call centre job. My expectation is that the training
will be challenging. Something unusual about myself, uhmmm I like to paint naked.”

Napalingon ang co-trainees ko. May nagtawanan, may naghiyawan, may dedma dahil
kinakabahan sa turn nila mag introduce.

“Interesting, Rocky. So guys, we have here a naked Jack Dawson. Approach him when you want

- 17 -
to be drawn wearing this... wearing only this..” biro ni trainer na bading na ang tinutukoy na “only
this” ay ang ID lace.

Tamang tawa naman ako. Hindi naman pala super seryoso ng bagong mundong ‘to.

“Fine arts ka di ba? Fresh grad?” tanong ng katabi kong babae. Nakasulat sa name tent niya,
Rye.
“Yeah. Di pa ko grad,” sagot ko.
“Ah, so enrolled ka ng ilang units? Hindi ka kaya mapuyat niyan?”
“Full load ako.”
“Ah…”
Mukhang nag-aabang siya ng kwento.
“Mahabang katangahang kwento,” sabi ko.
“EOP guys!” bilang singit ni trainer.

Hindi ako mahilig magsisi. Pero kung may pag-sisisihan ako, eh yun yung umalis ako ng school
at nag-work. Walang problema sa school. Walang financial problem. Okay ang grades. Pero bakit
nag-apply ako dito at tuwang-tuwa nung natanggap.

Dahil kay JR.

Nakilala ko siya through my classmate na si Ken na nag-wowork din sa call centre sa Ortigas.
Nag-stop na sa school si Ken at nagwork na lang. Niyaya niya ako sumama sa outing nilang
magkaka-officemates. Ako naman, excited maki-join sa mga member ng working class. Bilang
wala akong alam kundi ang maging estudyante. Kaya sumama naman ako.

At oo, dun ko nakilala si JR. Sa Galera. Ka-team siya ni Ken. Naglasingan lang kami dun, hindi
gaano nag swimming. Bandang alas onse ng gabi, si Ken, tulog na. Yung iba, kanya-kanya nang
eskapo sa tagay. At oo, kami na lang ni JR ang natira sa mga natirang mindoro sling.

“Shot pa!” sabi ko.


“Syempre naman! Ayos ka lang ba jan?” sabi ni JR.
Hindi pa ko nakakasagot, eh nakatabi na siya sakin, at umakbay.
“Lasing ka na dude.”
“Hindi pa ko lasing,” pero madami na talaga kaming nainom. Mula hapon ba naman kami nag-
iinuman.
Mas umakbay pa siya, at dinidikit yung side ng ulo niya sa side ng ulo ko. “Ako lasing na…” sabi
niya, mahina ang boses niya at naramdaman ko pa yung hininga niya sa tenga ko. Sa sobrang
lapit, hindi ko siya makita dahil natatakpan ng buhok kong medyo mahaba. Sinilip ko yung mukha
niya.
“Bulaga!” sabi ko.
Natawa siya. Sabay halik sa’kin.
Sa lips.

Mapapatayo ba ko? Magugulat? Itutulak ko ba siya papalayo? Syempre hindi. Hinalikan ko din
siya. Nagpadala na ko sa sitwasyon.

Malakas ang dating ni JR. Mas matangkad siya sa’kin. 5’11 siya. Maputi. Chinito. Maganda ang
mata. Hindi sunod sa uso ang buhok niya pero maayos. Malinis siya sa katawan. Crush siya ng
maraming babae at bading sa office. Pinagdududahan din ng ilang agents na chismis ang
pagkain pag lunch break.

Dahil sa kanya kaya ako nag-apply. Nagustuhan ko yung idea na bagong mundo. Kasali na rin si
Ken sa pagyayaya sakin na subukan ang buhay call centre. Pero wala siyang alam na may

- 18 -
nangyari samin ni JR sa Galera.

Kami na ni JR bago pa ko nag-apply. Ilang weeks after ang outing. Kaya masaya ako nung
natanggap ako. Lagi kaming magkasama pag break, at uwian kung pareho ang schedule namin.

Nung una, napagsasabay ko pa ang school at work. Pero ilang weeks lang yun. Palagi na akong
kinukulang sa tulog. Andami ko nang absences sa classes ko. May hindi na tama sa ginagawa
ko. Kaya tinigil ko na ang isa – ang pumasok sa school.

Nang ilang buwan na kami ni JR, nalaman sa bahay na hindi na ako pumapasok. Hindi ko kasi
sinabi sa bahay dahil una, ayoko pagalitan. Pangalawa, nag-iisip pa ako baka malusutan ko pa.
Ang mature ko di ba? Nalaman din na may boyfriend ako. Nakita kasi ni mama ang sulat ko kay
JR. 100 things I love about JR. So anong ebidensya pa ang kailangan. Kulang na lang eh ilagay
ni mama sa ziploc ang nadiskubreng sulat sa drafting table ko, at sulatan ng “Specimen A.”

Major drama ang nangyari sa bahay nun. Parang pinagsama-sama ni mama lahat ng luha sa
mga napanood niyang teleserye. Mga linyang masakit pakinggan. Nakakasakit ng lalamunan
dahil pinipigil kong maiyak.

Ilang araw din kaming walang kibuan ni mama. Si papa, nasa Japan, dun siya nagwowork at
once a year lang umuuwi. Halos lumusot na sya sa telepono nung kausapin ako. Galit na galit
din. Sinira ang future. Sinayang ang tuition. Ginastos sa iba ang allowance. Winaldas ang
sweldo. Yan ang tema ng litanya nila. Sirang sira ako sa pamilya ko nun. Lagi akong nasa
apartment ni JR.

Pero nakisawsaw din ‘tong si JR sa drama. Nahuli ko siyang may ka-text na lalake. Away.
Pinatawad. Nahuli ko siyang may naka-date na ibang lalake. Away. Pinatawad. Nahuli ko siyang
may kasamang iba sa Malate. Away. Iyak sa mga naging kaibigan na namin. Pinatawad. Pero
napa-isip na ako.

“Do you think you deserve this?” tanong ni Ken na nalaman na rin yung tungkol samin
eventually.
“Di ko alam. Ganito ba yung love?”
“Sa tingin mo?”
“Di ko alam.”
“Tol, bigyan mo naman yung sarili mo ng self-respect. Ginagago ka na nun. Masyado kang
nagpapaka-martir jan.”

Sige. One final chance, JR. Dahil lahat naman ata ng pogi eh gusto mo ikama, itetest kita. Niyaya
ko yung hayskul friend ko na si Raj uminom. Pogi yun. 6’1. Moreno. Semi-kalbo. Suma-sideline
na ramp model. Hindi siya straight. At ayaw niya ng commitments. Nung sinabi ko sa kanya ang
mission ng inuman, aba, na-excite siya sa plano.

Ang eksena:
Niyaya ni Ken si JR uminom. Kami ni Raj, dadating. May gulat factor si JR. “Uy andito rin pala
kayo!” “Tara, isang table na lang tayo.” “Inuman to sawa na naman ba?” mga ganung linya.
Halatang hindi mapigilan ni JR tumingin kay Raj. Nang tumatagal na ang inuman, sinabihan ko si
Raj na maiwan muna siya kay JR, mag-yoyosi lang kami ni Ken sa labas dahil bawal magyosi sa
loob. Part yung ng plano.

Ayun na. Pagbalik namin, magkatabi na si JR at Raj. Si JR ang tumabi. Nakaakbay siya kay Raj.
Langya, totoo ba ‘to? Nawala ang kalasingan ko.

“Pare, yan ang boyfriend mong ayaw mong hiwalayan. Takot kang hiwalayan dahil unang
boyfriend mo. Sinira mo ang pag-aaral mo dahil sa kanya. Tingnan mo siya ngayon,” narinig kong
sabi ni Ken.

- 19 -
“Tara na, Rocky. Wag kang magtyaga sa gago.”

Lumabas kami ulit ni Ken. Sumakay kami sa kotse niya. Tahimik lang ako. Bakante ang utak.

Maya-maya, sumakay ng sasakyan si Raj.

“Iniwan ko na yun dun. Bahala na siya sa bill. Sabi ko, magyoyosi lang din ako. Let’s go guys!”
sabi ni Raj na medyo masaya pa dahil mission accomplished. “Rocky, hiyang-hiya ang kahit
isang patak ng luha mo sayo. Totally not worth it,” tuloy niya.

Chapter Ten: SPELL “TANGA”

“Spell gago.”
“JR”
“Spell tanga.”
“Rocky.”

Parinig nila Ken at Raj habang nasa sasakyan. Dumiretso kami sa bahay ng isa pa naming
barkada.

“O, may dala kayong casualty?” tanong niya, nang-aasar.

Tinuloy namin ang inuman. Topic ang lovelife kong sirang-sira. Ang buhay kong basag na basag.
Naglasing ako ng todo ng gabing yun. Nagsuka ng ilang beses pero inom pa rin. Ang magagaling
kong barkada, mga kunsintidor.

“Iinom mo lang yan! Hahanapan kita ng pogi!” sabi ni Raj.


“O hahanapan naman pala ng bago eh. Inom pa!” dagdag naman ni Ken. Natawa na lang ako sa
mga hirit nila.

Doon na ako nagpa-umaga. Paggising ko, wala na sinang tatlo, umuwi na yung dalawa, yung isa
pumasok na ng school, nag-text na lang.

Dun nag-sink in lahat. At hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak.

----------------------------------------------------

- 20 -
After three weeks, nagkaayos kami ni JR. Halos sabay-sabay nag-text yung mga barkada ko
sakin: TANGA!

Pero nagegets niyo naman di ba? Pag mahal mo, mahal mo, yun lang. Walang isyu kung
magpakatanga ka, o ilang beses mong patawarin. Mahal mo nga kasi.

Umabot din kami ng one year ni JR. On and off. Yung huling buwan namin, puro away. Walang
nagbago, lumala pa. Nung 8th month namin, nag cool-off kami. Pero may mga hirit pa siya sa
text: 7 na silang boyfriends ko, and counting. Hehe. Ikaw kasi eh…

Flings lang daw yun sabi niya nung nakipag-ayos siya.

Pero ang pinaka todo na eh nung may nakakakita sa kanyang sumusundo sa harap ng building
ng office namin. Naka-kotse. Ilang araw din siyang nakita nung nagkwento sakin. Hindi kami
pareho ng shift ni JR that time. Pero nag break ako ng wala sa oras. Bumaba ako at sumilip.
Hindi ko na kinailangang maghintay nang matagal. Dumating ang dinescribe na kotseng
sumusundo. Lumabas ng building ang JR na normal na normal ang kilos. At pumasok sa kotse.
At umandar ang kotse. At nanlambot ako.

“Ingat kayo, goodbye,” text ko sa kanya. Pero hindi siya nagreply. Gusto kong gibain yung
building sa nakita ko. Umuwi ako sa kakarenta ko pa lang na condo unit. Walang pasabi sa
opisina. Nagtawag ng kahit sinong pwedeng makainuman. Pero walang pwede. Ang pinaka-
ayokong mangyari eh matulala dahil panigurado maiiyak ako. Napakaiyakin mo Rocky! Sabi ko
sa sarili ko nang tumula na nga ang mga unang luha.

Naglasing akong mag-isa. Nagsasalita, kinakausap ang pader, kama, ilang t-shirts ni JR na nasa
cabinet, yung magic eight ball niya, yung lighter niya, yung spare niyang running shoes. Kinausap
ko lahat sila. Tinanong kung bakit nagawa ni JR lahat nang ginawa niya. Pag hindi sila
nakasagot, binabato ko sila.

Nagising na lang ako kinabukasan na malakas ang tama ng araw sa mukha. Sa sahig na pala
ako nakatulog. Naka shorts lang. Pagbangon ko, nakita kong parang dinaanan ng ipo-ipo ang
buong kwarto.

Pagtingin ko sa celfone ko, 18 unread messages. 58 missed calls. Iisang pangalan. Sender: Rita
Avila. Biro lang. Lahat galing kay JR. Ang huling message sabi nasa lobby siya ng condo.
Paakyatain ko daw siya. Pero 30 minutes ago na yung text. Maya-maya tumawag siya. Sinagot
ko. Andun pa din sya sa lobby. "Sige, umakyat ka na." Nagsuot akong shirt at pants.

Pagbukas ko ng pinto, ayun siya, nakatungo. Then sabay abot ng nakatiklop na papel. Kinuha ko.
"Gusto ko lang ibigay yan. Una na ko, Rocky." Hindi makatingin ng diretso. Then naglakad na
papuntang elevator.

Sinilip ko yung sulat. I'm sorry Rocky. I won't do it again, I promise. Tapos nun, 100 things I love
about Rocky. Hinabol ko siya.

“Hatid na kita sa baba.”


Napatingin siya, umaliwalas ang mukha nang konti. "Sige,” sagot niya, nakatungo.

Sa labas ng building, sinamahan ko siyang mag-abang ng taxi. Taga Bulacan siya talaga, at doon
daw siya uuwi, hindi sa apartment niya. Pinara ko yung unang dumaang taxi. Binuksan ko ang
pinto. Pinasakay ko na siya. Pagsakay niya, tumingin siya sakin. Ngumiti. Pero nagulat siya nang
hinagis ko sa lap niya yung sulat. Sinara ko ang pinto. At naglakad na ako papasok ng condo.

- 21 -
Hindi pa ako nakakarating sa may elevator, nag-text agad siya: What do you want me to do?

Pero hindi ko na siya sinagot. Wala na akong pakialam sa kahit isa sa 100 things na sinulat niya.

Pero ang sakit-sakit.

Chapter Eleven: ROCKY 2

After ilang buwan ng bitterness at moving on, may pinakilala sakin si Raj. Officemate niya.

“Ano Rocky, meet mo na!”


“Ano ba itsura niyan? Mabait ba yan?”
“Mabait ‘to! Niloko din ‘to ng ex niya kaya magkakasundo kayo.”
Ganun.
“Tsaka pogi!”

Ayos lang sakin makipagmeet. Pinakilala naman ni Raj eh, so maayos naman siguro. So ayun.
First date. Movie. Dinner. Beer.

“Are you Rocky?”


“Yeah. Nico?”
“Yeah. Hi!” sabay shake hands.

Mas matangkad ako sa kanya. 5’8 ata siya. Medyo payat. Pero hindi sobrang payat. Proportion.
Tamang moreno. Maayos ang gupit ng buhok. Maayos ang porma. Naka-salamin. Cute ang ngiti.
Software engineer.

Sa movie house pa lang, hinawakan na niya ang kamay ko. Ayoko na rin naman ng may hiya-
hiya pa, kaya magka-holding hands kami hanggang matapos yung movie.

Nagdinner kami. Nagkayayaang uminom. Magliliwanag na nang natapos kami uminom. Malakas
din pala uminom 'tong si Nico. Sa unit ko siya umuwi.

Nakatulog kami agad pagkahiga. Lasing eh. Pero magkayakap.

Lagpas alas-dose na nang magising kami. Nagluto siya ng pagkain namin. Natuwa naman ako
kasi at home agad siya. Pagkatapos naming kumain, he checked his celfone. Nakita kong medyo
nag-iba ang mood niya sa nabasa niya.

“Una na ko, Rocky.”


“May problema ba?”
“Kailangan ko lang umuwi. Don’t worry. I’ll text you.”

- 22 -
“Sige. Hatid na kita sa baba.”
“Thanks,” sabay halik sa lips ko.
Napangiti ako. Nagbihis na siya at nagsapatos.
“Saan ka pala umuuwi, Nico?” tanong ko.
“Sa Pasig lang.”
“Kasama mo family mo?”
“Uhmmm, hindi. Apartment yun."
"Ah, ikaw lang mag-isa?"
"Uhmmm, hindi. Apartment namin ng ex ko yun.”

Toinks!

Chapter Twelve: ROCKY 2

Sa 14 months namin ni Nico, dalawa lang ang naging problema namin nang paulit-ulit. Una, yung
ex niya na mahal pa niya. Pangalawa, mahilig siyang gumimik at mahilig makipagkilala sa mga
gimikan. Paulit-ulit yun. Ilang beses ko siyang nahuling natutulog pa din sa apartment nila ng ex
niya, kahit bumalik na siya sa bahay nila sa Caloocan. Ilang beses kaming nag-away dahil dun, at
pag magka-away kami, gigimik siya at may makikilalang iba. Minsan napaamin ko pa yung isa
naming barkada na kasama niya gumimik, sumama daw si Nico sa bahay nung nakilala niya.
Mas madalas kami mag-away ni Nico kumpara samin ni JR dati. Ang eksena pa, kapag
nalalaman kong nagkita na naman sila ng ex niya, o may nakilala siyang bago, uunahan niya ako
ng galit. Parang kasalanan ko na nalaman ko pa. Mauuna na siya magsalita na punung-puno na
raw siya sa pang-aaway ko. Na wala na raw siyang ginawang tama. Na puro mali ang nakikita ko
sa kanya. Na minsan ayaw niya nang makipagkita sakin dahil alam niyang ang ending lang
namin ay away. Walang buwan ata na hindi kami nag-away. Nagtataka ako minsan kung paano
kami tumagal ng 14 months. Siguro dahil madaming tagasubaybay ng love story namin.
Nakasundo niya ang kapatid ko, si mama, mga barkada ko. Nung minsang umuwi si papa, nag-
inuman pa kaming tatlo. Minsan asa bahay lang namin siya kahit wala ako. Kakuntsaba ni mama
sa pagpapatigil sakin manigarilyo. Three years ang tanda niya sakin kaya feel na feel niyang
pagbawalan ako. Yun ang ilan sa maliliit na bagay na masayang balikan sa pagsasama namin.

- 23 -
Pero andaming ayoko nang maalala. Isang beses, nakipag-away siya sakin. Nalaman ko na lang
na aalis na yung ex niya, pupunta nang Australia. Habang magkaaway kami, malaya niyang
nakasama ang ex niya a day before ng flight. After a few months, may pinag-awayan na naman
kami. Magkikita kasi sila ng ex niya sa Hong Kong. Pero friends na lang daw sila. Bakit daw ba
hindi ko magets yun. Bakit daw ba hindi ko maisip na mas pinili na nga nya raw ako, at
magkaibigan na lang sila. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko nung mga araw na magkasama
sila. Worse, week yun ng Valentine’s Day. Nag-effort talaga akong matuloy kami ng officemates
ko sa outing namin sa Galera. Doon ako nagpakalasing ng walang humpay.

Ang last month namin, malungkot na malungkot. Nagdecide siyang pumuntang Singapore at
doon maghanap ng work. Pero kami pa din. Ilang inuman din before siya umalis. Ilang lakad at
overnights. Sinamahan ko din siya mamili ng mga dadalhing Singapore. Nung third week niya
dun, may nadiskubre ako. Naisipan kong i-check ang multiply ng ex niya. At doon na ko
nanghina.

Mga pictures nila sa Kuala Lumpur, sa Bangkok, at sa Singapore. Kaya pala hindi siya nagtetext
ng isang buong linggo. At pag tinatawagan ko, hindi sinasagot. Pinuntahan pala siya ng ex niya
dun at nag South East Asian tour sila. Ang saya lang di ba.

“I’m sorry, Rocky,” ang tanging reply ni Nico after ko siyang tanungin about the pictures.

After that, everything changed. You`re done Rocky. Sabi ko sa sarili ko.

------------

21 July 2008

panahon ng glow in the dark

stars, moon, peace signs na dinikit

sa iba’t ibang araw, paraan, parang

memorabilia ng mga sinabi

mong di ako iiwan

habang nakatulala sa kisame ng kwartong

bigong kumalimot

na sa’yo pa rin ang aking puso

ilang t-shirts, cds

at desisyon kung tayo

- 24 -
pa rin ba sa ending ng

gawa-gawa na lang

yatang forever

Chapter Thirteen: THE WORLD IS MY


STUDIO

Sabi ni Rocky nung gabing nakilala ko siya, “the world is my studio.” Kitang kita ko ang pagka-
artist niya nun. Kung paano niya tingnan ang bawat painting.

“Ikaw?” tanong niya sa’kin.


“What about?”
“Ano ang world sayo?”
“The world is my playground,” sagot ko sa kanya.

I checked again his blog to find any clue of where I can find him. Proper names of places. Pero
wala siyang nabanggit na name ng office niya. Ang alam ko lang, nagwowork siya sa call centre.
There are mentions of restaurants, fastfoods, bars, but good luck to me. Wala naman siguro siya
dun everyday. Ortigas is often mentioned. He works in one of the buildings there, that’s for sure.
But what building? Nababaliw ka na talaga, Drexx.

“Why so suddenly gusto mo siya makita ulit?” tanong ni Paul nung nasa Vancouver pa ako.
“Basta, Paul.”

But the truth is I have high hopes that he remembers me. That in some way, I had an effect on
him that night.

Nalaman ko ‘to a few days before ako magdecide bumalik ng Manila.

Isang normal afternoon. I was with Paul downtown for coffee. Thanks to my laptop that crashed. I

- 25 -
had to borrow Paul’s as I needed to check my emails.

“Wait lang may binabasa pa ko,” sabi ni Paul.


“Paul, importante lang talaga. This is about work.”
“Fine fine fine. Just don’t close that window.” He referred to the website he was reading.

So I checked my inbox and sent some business related emails. When I was about to return the
laptop to him, napansin ko ang binabasa niyang site.

Sundried Tomatoes with Linseed Oil.


The World is my Studio.

Yang ang title at tagline ng site.

The World is my Studio. That sentence was familiar. I browsed the page where Paul was at.
Blogsite pala ‘to. Paul was reading the latest entry. How would I not know. It says in bold letters.

10 August 2008

THIS IS MY LAST ENTRY. SIGNING OFF.

The world is not my studio anymore. Now, the world is my playground.

A memory suddenly came rushing to my consciousness. A memory of a night. A night I thought I


had already left on a bench of some forgotten park. A night not too ordinary. A night which
brightest star is a memory of a guy who suddenly disappeared.

The night of my first wish stick. The night before I left. 9 August 2008.

Chapter Fourteen: THE WORLD IS MY


PLAYGROUND

Mukha niya ang profile pic niya sa blog. I very well remember how he looked like. His hair almost
covering his forehead and his left eye. His eyes – innocent, passionate, but with a hint of
uneasiness, of pain. I remember how I looked at him that night. That night of nights.

And so I started reading his blog. From day one to this last. Again and again. The story of his life
started unfolding again, but this time, somewhat more detailed. Webpage by webpage. What that
soft windy night of August 9th failed to offer, his entries were more than willing to share. The
name I didn’t get, is everywhere in his site.

- 26 -
In a matter of minutes, he became the most interesting person for me… once again. I spent my
breaks at work, my nights and my breakfast reading his entries. From the pictures of his plates,
drawings, and paintings back in college, to his excitement in entering the call centre industry, to
his first heartbreak, second, third, fourth, and so on, until his last post.

The world is not my studio anymore. Now, the world is my playground.

I continued reading…

Bakit hindi playground. I’m done with school. By choice. I’m done with art. I’m done with this
studio. Let’s see some more aspects of this beautiful world.

Salamat sa stranger na nagpa-realize sakin kagabi. Tama siya, tama ang dead poets: carpe
diem. Whoever you are, you saved my life.
And by the way, ako nga pala si Rocky.

And by the way, ako nga pala si Rocky. –napangiti ako. My mind was starting to conclude a very
assuming idea - that I had an effect on him. That I was not just any other stranger. I
was the stranger.

It started to snow outside. The first snow of winter. Binaba ko sandali ang laptop at sumilip sa
bintana. It’s a beautiful day. I smell Christmas already. It’s my favorite time of the year. My
second winter here.

Then I sat back on the couch in front of the fireplace. And continued reading.

Hindi ko alam kung paano magrereact nung nabasa ko ang huling sentence nitong huling entry
niya:

Don’t worry, after two years, you can still fall in love with me.

- 27 -
Chapter Fifteen: MY PLACE, JAKE

“What’s new my bestfriend?” tanong ko kay Chino. Pumunta ako sa kanila, wala ako magawa sa
bahay.
“Exhibit, sama ka Jake?”
“Opkors!” sagot ko.

“And inuman kina Dina after,” tuloy niya.


“Sure. Sure.”

Then may nagtext sakin: My place, now…?


Reply ako: Sure. Sure.

“Uhm, Chino, try ko na lang pala sumunod. Eto ba yung invite?” kinuha ko yung exhibit invite sa
may dining table.
“Yeah, susunod ka na lang? Anu na naman yan?” tanong ni Chino, nakangiti, parang alam na.
“Alam mo na. In demand tayo,” sagot ko, nakatawa.
“Yeah right.”

At umalis na ako. May gusto na namang makipagkita. Pero ayos lang. Okay naman ‘to. And
nabitin ako the other night. Nag-usap lang kami and then he had to go home… without me. May
tao daw sa kanila, and mahirap akong ipasok sa kwarto niya na walang nakakakita. Discreet pa
pala si boy. Well, hindi ko rin naman siya nahalata. Nagulat na lang ako nung lumapit siya sakin
doon sa bar. Usap usap. Same old same old ways of flirting and pakiramdaman. “You’re my
type,” sabi ko, hindi ko na pinatagal. We exchanged numbers, and now eto siya nag-text, wala
yatang tao sa kanila.

And then I arrived at his place. Hapon pa lang nun. First time I saw him, madilim. Ngayon ko
nakikita na malakas ang dating niya. Same height as mine. Chinito. “Yeah, I’m half-Chinese,” he
confirmed. Clean cut. Broad shoulders. Nice body. “I play soccer in school.” College pa lang siya.
Freshman. Engineering student. “What’s your name again?” tanong ko. “Ben, you didn’t save it?”
I didn’t answer. I just locked my lips to his.

That’s my way out of conversations.

He was good. He was not just having sex, he was making love.

Oh that cliché.

- 28 -
That was some afternoon. When was the last time I had sex with the setting sunshine touching
my skin. It started with a kiss. It ended with a kiss. Hindi ako sanay makipaghalikan after sex. But
this time it was voluntary and involuntary. Some guy this Ben.

Habang binubutones ko ang polo ko, bigla siyang nagsalita.


“I like you, Jake.”

Matatawa na sana ako, but I saw sincerity in his eyes. A familiar sincerity. Usually dito ko na
sinasabi yung lines na “same here, ang sarap mo eh,” just to let them hear what they wanted to
hear. I don’t know, but for the first time, ang sagot ko, “You deserve someone better, Ben. I’m a
trash.”

And then I left. But before I did, I told him, “If you like a person, don’t invite him for sex,” sabay
kiss sa pisngi niya. I saw him smile, and then tumango. “Apir!” dugtong ko. “Apir!” Nagtawanan
kami.

Anung nangyari sa’yo Jake? Ang corny mo ata.. Tanong ko sa sarili ko. Weird.

Chapter Sixteen: UNREAD, UNSAID

Maaga ako nakauwi from work, and wala akong ibang gagawin. It’s too early to sleep. I was in the
mood for some looking back so I got my laptop and visited a website. My blogsite.

The world is not my studio anymore. Now, the world is my playground.

That was my last entry. Almost two years ago. Anung nangyari sa’yo since then, Rocky? Tanong
ko sa sarili ko.

I browsed again thru my entries. Na-miss ko din ‘tong blog ko. A lot has happened since then.
Since 2004 – kasagsagan ng college life ko. 2005 – nakilala ko si JR. 2006 – unang call centre
work, at nagstop pumasok ng school. 2007 – nakilala ko si Nico. 2008 – August 10, 2008,
natapos akong mag update.

Then napansin ko. You have unread comments. Hmm. May hindi pala ako nabasang
comments. View comments.
Comments pala sa entry ko nung March 29, 2008. Entry about Nico. Nagulat ako sa dalawang
comments:

- 29 -
Comment 1:
“u're so f*ck*ng hell romantic! everything i want in a guy is in you..sana para sakin na lang ‘tong
entry na ‘to..SANA AKO NLNG ANG SINASABIHAN MONG MAHAL
MO..nakakainggit...nkakapangselos..sana ako nlng. Kung ako ang boyfriend mo, di kita lolokohin”

Comment 2:
“I hope you still remember me.”

Guest ang nag-comment. Same person, kasi same ang IP address. Who could this be? Continue
hoping that I remember you because I’m clueless. What’s weird was it was just posted a few
weeks ago.

And so I decided to reply. The world is my playground, right?


“Of course I remember you.” I continued typing…

-------------------------------

Nagulat ako sa nabasa ko.

Is this for real, Rocky? Napangiti ako. Buong araw lang ako nasa hotel room ko. My third day in
Manila. I was looking for a condo unit online to rent for a month. Hindi naka maximize yung
window ng website, and sa likod was Rocky’s blog. Bukas lang siya 24/7. Napatitig ulit ako sa
picture niya. Must be an unupdated picture, naisip ko. Anu na kaya itsura nya ngayon. Nakatitig
lang ako sa picture. Then I clicked “home.” That’s when I saw it. Something unexpected but
hoped for. An update. I clicked it, and it was a reply on my comments. God, is this really
happening?! I felt my heart beating faster. At that tiny second between clicking to view his reply,
and actually reading it, I was in some place full of hope, excitement, and nervousness. It was
totally nail-biting.

Then it showed itself.

“Of course I remember you. Bakit hindi ka nagpakilala?”

- 30 -
Chapter Seventeen: PAUL

Kung anu-ano ang naisip ko after reading Rocky’s reply. Should I type something? Should I
message him? So it’s true that I had an effect on him after all. I hope to meet him soon. I can feel
that I was so close to meeting him again. Bakit ganun kadali? I was thinking of what to say. What
would I type? Is there a way to send him a message? Is his email in his blog? Sunud-sunod ang
naiisip ko. Then suddenly narinig ko ang ringtone ng celfone ko. Sinagot ko without checking
kung sino ang tumatawag. My mind was too preocccupied.

“Hello?” sagot ko, habang nakatitig pa rin sa monitor.


“Hi, Drexx? This is Rocky, do you still remember me?”

I almost went crazy. For like five seconds, I was speechless and tulala.
Until I heard a familiar laughter on the other line. Hahaha! Drexx, don’t tell me you bought it.
Hahaha!

“F*ck you Paul.”


Si Paul lang pala. Nanlata ako bigla.

“What’s up? Have you found Rocky yet?”


“Nope, but he remembers me,” sagot ko na super excited ang tone, major change ng mood.
“How?”
“I checked his blog and…,” he cut me off.
“Save your minutes, Drexx. I’m just outside your room.”

-----

“And what in the h*ll are you here in Manila for?” tanong ko kay Paul pagkabukas na pagkabukas
ng pinto. He’s there, fresh from the airport, with all his luggage.
“I told you, I’ll surprise you.”
“Langya ka, hindi ka pa sumabay ng flight.”
“May commitment pa ako sa work eh.”

I wasn’t too surprised to see him. He is as free spirited as I am. I was actually happy, meron na
akong kasama dito.

Inayos niya ang gamit niya, and rested. Nakatulog siya for a few hours. Ako naman, tutok sa blog
ni Rocky. Nag-iisip pa din ng sasabihin.

Pagkagising ni Paul, nagpa-deliver sya ng dinner namin sa room. Nag-shower, at dumiretso sa


veranda.

“Na-miss ko ‘to,” sabi niya habang nagyoyosi at nakatingin sa kawalan ng Maynila. . Nasa 10th
floor kami kaya maganda ang view.
NA-MISS KITA PILIPINAS!!!” biglang sigaw niya sa labas. Natawa ako.
“Andito lang kayo ng family mo last December ah,” sabi ko.
“Panira naman ‘to ng moment oh,” sagot niya, sabay tawa.

Nagshower ako habang naghihintay sa food. Paglabas ko ng washroom, andun na ang food at
kumakain na ang mokong. Kumain na din ako.

- 31 -
“Paul, lilipat na tayo ng condo tomorrow. I just found this perfect deal online. Baka maghirap tayo
kung dito lang tayo sa hotel hehe.”
“Yeah, I know. Wala pa naman din ako plan kung kelan uuwi. Hehe.”

Pagkakain, nagpunta ako sa veranda. Siya naman, nakigamit ng laptop ko. Nakita ko siyang
nakatingin sa blog ni Rocky. Then something hit me.

“Paul, why were you reading Rocky’s blog?”


“Ha? You mean why am I reading?” sagot niya, correcting my grammar.
“No, I mean why WERE you reading it? I repeated, emphasizing on the tense.“Naisip ko lang.
How did you find his blog? What got you too interested in reading it?” tuloy ako.

I was too surprised about seeing Rocky’s blog, and seeing his face again, that I forgot to ask why
Paul was reading it in the first place back in Vancouver. All this time. Hanggang sa naexcite na
kong basahin ang blog nya. Hanggang sa nawindang ang isip ko sa mga nabasa ko. Hanggang
sa nag-decide na akong bumalik dito sa Manila. Hanggang sa walang pasabi, sumunod sakin si
Paul dito sa Manila. Ngayon ko lang naisip tanungin.

“Drexx..” tumayo siya at pumunta din sa veranda, sa tapat ko.


Nagsindi ako ng yosi. Medyo malamig ang gabing ‘to.
“What Paul?”
“I’m here for two reasons. First, ikakasal ang childhood friend ko sa Ilocos. Bestman ako.”
“Oh yeah, tuloy pala yung pagiging bestman mo. Cool! Kelan ang wedding?” I remembered him
mentioning about this months ago pa.
“Next weekend. Sama ka. Roadtrip yun!”
“Naman!” na-excite ako sa idea ng roadtrip. Naimagine ko na bigla yung Ilocos.
“Tara, baba tayo, let’s have a drink,” sabi niya, then bigla kong naalala…
“And your second reason is?”
“I’ll tell you over San Mig Light.”

Chapter Eighteen: MAHABA-HABANG


INUMAN

We walked to a nearby pub. Umorder siya ng matagal na niyang gustong matikman na San Mig
Light. I ordered Pale Pilsen, mana ako sa papa ko.

“Perfect timing yung kasal ni Ria, my classmate hanggang grade 3 before kami nag migrate.
Actually sa Toronto siya naka-based na, umuwi lang for the wedding and honeymoon. Andun kasi
lahat ng relatives nila ng groom. Ilang beses na rin kami nagkita ni Ria sa Vancouver, or sa
Toronto,” kwento ni Paul. Nabanggit na niya before si Ria and the wedding but not too detailed.
“I see. It’s nice to know you were able to keep your friendship,” sabi ko.
“I guess I’m good with that, Drexx. In friendships. That’s another reason why I’m here.”

- 32 -
Napapaisip na ako sa sinasabi niya. But I am enjoying this unexpected thrill.
“Go on…” sabi ko.
“Bakit ka nga ulit bumalik ng Manila Drexx??” tanong niya sakin.
“You know it, I need to find Rocky.”

What he said next was least expected, and most shocking.

“Well, we have the same reason. I also came here for Rocky.”

The night has begun.

--------------------------------------------

“December last year. Andito kami sa Manila right?” Paul said, pagkainom ng beer.
“Yeah,” sabi ko, and with that first sentence ni Paul, may idea na agad ako. And so he
continued….

--------------------------------------------

Matagal akong natahimik after marinig ang buong kwento ni Paul. Then I managed to say
something.
“Why didn’t you tell me Paul?” I asked.
“I didn’t know if it was appropriate.”
“I’d like to understand. Or else I’d feel really bad.”
“Drexx, keep your cool. I have no hidden agenda or anything. I know you, you don’t get mad
easily. That’s why I am confident enough to show up and let you know. Only it’s a bit late.”

Sumakit ang tiyan ko sa kwento niya. Especially his last sentence.

“Drexx, Rocky and I had sex.”

- 33 -
Chapter Nineteen: THE CORNY, THE BADUY,
THE JOLOGS

Nagbasa-basa ako ng ilan sa mga entries ko. I couldn’t believe pinagdaanan ko lahat yun.
Nabasa ko ulit ang entry ko nung nagbreak na talaga kami ni Nico.

23 July 2008

all this time parang sinisiksik ko lang ang sarili ko sayo, para makaramdam kahit papano ng
pagmamahal, pagmamahal na pinakilala mong buo, at totoo, pero hati pala

pero sabi mo tanggapin ko kung ano ka, kahit ano ka pa, ginawa ko naman yun ah

pero ang ending pala, siya pa rin. ang swerte nya

dahil yung pinapangarap kong pagmamahal galing sayo, sa kanya pa rin napupunta. yung
atensyon, pag-aalala, konsiderasyon ng nararamdaman, sa kanya lahat. exclusive lahat sa kanya

minsan naiisip ko nang magsisi. kung bakit pa kita minahal. pero hindi ko magawa. ang hirap.
hindi ko alam kung kelan kita sinimulang mahalin. at hindi ko gusto tapusin ‘to.

sabi mo, handa ka magpakatino para sa kanya. dahil sa kanya mo nararamdamang secure ka.
ang sakit tanggapin. ouch yung truth na after all, siya pa rin talaga. napaka-wrong timing ko
sayo.

minsan iniisip ko kung may month ba, kahit isang buwan lang, na ako lang ang mahal mo.

wala yata.

Bakit ganun ako noon? Ang corny ko! Ang jologs. Ang baduy. Dahil sa isang lalake, hahaha. I
was stupid back then. Stupid Rocky.

Tumunog ang celfone ko.


“O bakit?”
“Patambay.”
“Sure, sure”
“Sige mamayang tanghali anjan nako. See yah!” sabi ni Chino.

- 34 -
Chapter Twenty: SILLY DREXX

Para akong nadaya sa mga kwento ni Paul. I felt like I was stolen a chance, a moment with
Rocky. But of course, it was just my feeling. My own drama. And I hate drama. What happened
already happened. The night Paul was in Malate, Rocky was also in Malate. And after Paul’s
stories, my impression of Rocky changed.

“Di ko alam Drexx, I’m sorry to say but he was a flirt that night. He was even flirting with at least
two other guys before he approached me. It seemed normal for him to flirt. I don’t know, I guess I
was impressed by his wild personality that night that I agreed to go with him. I’m sorry.”

I came to my senses. Or so I’d like to believe.

“Paul, anu ka ba! Sorry ka jan, There’s no reason at all,” nakatawa ako.
“What?” nagtataka si Paul.
“Come on, no one knew.”
“But you came all the way back here to find him. I’m guilty.”
“Bahala kang maguilty jan. Haha. Joke lang tsong.”

Then may naalala ako. I laughed.

“What’s funny?” Tanong ni Paul.


“His comment, Paul, that he remembers me… and then saying na bakit hindi ako nagpakilala…
he was just playing around. I commented as a guest di ba? That’s why he said bakit hindi ako
nagpakilala. He wasn’t pertaining to that stranger that was me.”

Silly me.

We drank all night. Umakyat na lang kami ng hotel, magliliwanag na.

We had to wake up before lunch though. I already registered and payed for the condo for one
month yesterday. And we will be moving in today.

Pero bagsak pa din sa kama si Paul. Ang daming nainom na San Mig Light. Tinotoo niya ang
mahaba-habang inuman. So iniwan ko muna siya and went to the condo office to sign some
papers and check the place. I brought some of my stuff na because I was advised naman na
pwede na agad lumipat.

I checked the unit. Tama lang. May bed na. Their units are the types that you could rent for a
week, a month, or a year contract. So most of the units are fully furnished with basic appliances.
Nasa 15th floor kami this time, and the view was great. Just perfect.

“Saan ka tsong?” text ni Paul.

- 35 -
“Condo. Balikan kita jan.” I replied.

After two hours bumalik na ako sa hotel. Pagpasok ko, aba, ready na si Paul. Maayos na lahat ng
gamit.

“Let’s go!” sabi niya, excited.


“Bawal magpahinga muna?” sabi ko. Natawa siya.
“I have a surprise for you,” he said, habang nakahiga ako sa kama at siya nagyoyosi sa veranda.
“What? Another revelation?”
“Nope. You’ll know later,” sabay tawa.

-------------------------------------------

“Na-touch ka ba?” tanong niya. Nakangisi.


“Tama lang yun no. Daños perwisyo ba tawag dun,” nakangiti ako.
“Consult your dad, sya ang lawyer,” natawa kami pareho. At nagpahatid na kami sa service ng
hotel sa lilipatan.

Binayaran na pala niya ang bills sa hotel. Bumawi si mokong.

Chapter Twenty-one: STRANGERS AGAIN

Tig-dalawang maleta kami ni Paul. Tig-isang backpack. Tig-isang laptop bags.

Pagdating sa condo, excited akong bumaba ng kotse.

“Bilisan mo naman, Paul.”


“Andaming gamit eh.” Hehe, nadala ko na kasi yung isang luggage ko kanina. So isang luggae na
lang ang dala ko.
“Kaya mo yan.”
Hanggang elevator ay hindi mapakali si Paul sa mga dala niya. Pagpasok ng unit, binagsak nya
lahat ng gamit nya except sa laptop. Sabay bagsak sa kama.

“Baba muna ko, bili lang akong chips,” sabi ko kay Paul.
“Bili mo na din akong burger, mag-take out ka na din ng pizza, at bili kang beer.”
“Gago, eh samahan mo kaya ako.”
“Mamaya na nga. Di pa naman ako gutom,” sabay tawa.

“Drexx, ano nang gagawin natin dito sa Pinas?”

- 36 -
Bigla ko na namang naalala si Rocky. Siya pa rin ba? Hahanapin ko pa rin ba? Nung nakita ko
siya, ibang iba siya sa kwento ni Paul sakin. Ang Rocky na nakausap ko, punung-puno ng
passion, ng sincerity.
“Eh di Ilocos! Boracay! Bohol! Kung saan-saan! Isa-isahin natin ang episodes ng Trip na Trip!”
sagot ko kay Paul. Pati ako na-excite sa sinabi ko. Natabunan ng very light ang mukha ni Rocky
sa isip ko.
“Baba na’ko hoy!” interrupt ko kay Paul na andami-dami pang sinasabing lugar na gusto
puntahan at mga balak gawin.
“Sige. Anu nga bang name nitong condo?” tanong niya.
“Ortigas Sky Heights.”
“Ha?”
“Oo!” sagot ko sabay tawa, sabay labas ng pinto.

Bumaba na ako at pumunta sa Ministop sa baba ng katabing building. Bumili ng Pringles. Yung
original. At iba pang chips. Nagyosi muna sa labas before umakyat ulit. "Rocky, Rocky, what are
you?" naisip ko siya bigla. One night you're a sad, passionate stranger. Then another night you're
a flirt. Hindi ko na naubos yung yosi ko, ang init kasi. Then pumasok na ako.

Habang naghihintay ako ng elevator, may nakita akong papalapit na lalake. Hindi ko maaninag
ang mukha dahil yung liwanag sa labas, nasa likuran niya. At medyo nasisilaw ako, pati sa floor. I
didn’t notice na bumukas na yung elevator.

“Wait!” semi-sigaw nung lalake, habang ako nataranta at pumasok na agad sa elevator para ma-
press ang Door Open button. Then pumasok na siya. Nagsettle na ang paningin ko.

Then nagvibrate ang fone ko. Kinuha ko sa bulsa and I checked the message. Si Paul.

His message read: Drexx, hindi ko agad naalala, and hindi ko napansin nung paakyat tayo. This
condo is Ro.…

Hindi ko pa natatapos basahin ang text, when the guy next to me said,

“Hi! You must be new here. I’m Jake!”

I turned my head, to my surprise, it was Rocky, offering his hand.

- 37 -
Chapter Twenty-two: ?

February 14, 2008

tungkol saan ba ulit? ah sa sadness. masyadong bang masakit?


syemps.
kakayanin mo ba?
bahala na.
mahilig ka sa bahala na.
yung sagot nasa isip ko. bahala na lang ang nasasabi ko.
ayaw mo na ba?
i want some more.
di ka ba nagsasawa?
hindi. walang reason.
paulit ulit na di ba?
tulad ng segundo, ng minuto, ng oras, hindi ako nagsasawa.
tulad ng kanin sa araw-araw?
tulad ng kutsara't tinidor sa araw-araw.

tungkol saan ba ulit? ah sa sadness.


gaano kasakit?
di ko alam.
kakayanin mo ba?
syemps. bahala na.
mahilig ka sa bahala na.
mahilig ako sa bahala na.
mahilig ka sa bahala na.
k.

tungkol saan ba ulit?


sa salinity ng luha. sa friction ng lips pag nakikipaghalikan. sa sudoriferous secretion pag
nakikipagsex. sa systole at diastole pag naiinlove. sa alimentary canal pag kumakain ng
carbonara. sa limbic system pag nagseselos. sa origin-insertion-action kapag namamasyal.
kasama siya. kasama siya.

tungkol saan ba ulit?


sa study on loss. sa actuality of rejection. sa theory of forgetting. sa research on separation.

tungkol saan ba ulit?


ewan ko.

lilipas ang panahon. matatapos ang mga araw. malalaman mong kakampi mo ang oras. kung
hindi umiikot ang mundo, hindi mo malalamang hindi habang buhay na ganyan ang
mararamdaman mo. isang umaga magigising ka, okay ka na pala. at panahon ang tumulong
sayong malampasan 'to. darating ang araw na hindi ka na nasasaktan ng sobra. unti-unting
mawawala ang lungkot. walang makakapagsabi kung kelan, pero magtiwala kang mangyayari
yun.

- 38 -
ah ganun ba. tangina naman kung ganun.
bakit. tungkol saan ba ulit?
hindi yung sakit ang ayoko... yung pagkawala niya. di bale ng masakit, wag lang yung wala siya.
may nakakaintindi ba sakin? naiintindihan nyo bang ang mahalaga naman yung pagmamahal?
lahat na lang ba kayo, takot masaktan? tangina naman kung ganun.

tungkol saan ba ulit? ah sa sinabi niyang ilet go mo na siya. mag move on ka na. ayaw na niya
sayo. bakit mo pa pinagpipilitan ang sarili mo. sinaktan mo siya di ba. takot siyang masaktan.
ikaw takot mawalan. ano ba yan.
takot akong mawala siya dahil mahal ko siya. takot ba siyang masaktan dahil mahal niya ako?
baka dahil nasaktan na siya dati.
pero hindi ko planadong saktan siya. hindi ko sinasadya.
baka hindi niya ring planong iwan ka. hindi niya rin siguro sinasadya.
eh anu nang dapat gawin?

tungkol saan ba ulit? ah sa sadness. o, malungkot ka lang pala eh. dahil sa nangyayari ngayon.
isipin mo na lang na andito pa naman siya sa mundo. alam mo naman kung nasaan siya di ba.
anung ikakalungkot mo. andyan lang siya, ilang kilometro lang ang layo. eh wala ngang dagat na
namamagitan sa inyo, anung nakakalungkot dun? hindi siya nawala sayo. nandun siya sa kung
saan siya andun ngayon. at nandiyan din siya sa puso mo. yun ang mahalaga. at least, dun sya
walang magagawa. baka mapa-smile pa siya sa fact na yan.

eh anu nang dapat gawin?

tungkol saan ba ulit? ah. mahal mo siya di ba. edi gawin mo yung gusto niya. baka nga yun ang
makabuti sayo. at sa inyo.
hindi ko ata kaya. pano pag nagmahal na siya ng iba?
wala kang magagawa. masakit, pero wala kang magagawa.
bakit wala?
nasa puso mo nga siya. pero hindi mo hawak ang puso niya. kung wala ka sa puso niya, ibig
sabihin, may empty space na pwedeng mapunan ng iba. kung hindi ikaw ang taong magpupuno
dun, wala kang magagawa.
bakit wala?
dahil ibig sabihin lang nun, hindi ka niya mahal.
anung gagawin ko?

tungkol saan ba ulit? ah sa sakit? ewan. bahala ka.


?

Chapter Twenty-three: JERICO

Thugggggggggggggg…..

- 39 -
Parang huminto ang mundo ko when I saw Rocky. I was just staring at him in disbelief. Medyo
nakanganga pa ata ako.

“Shit!” sabi niya…

Nagtaka ako. Ba’t nag-shit ‘to. Sabay tumingala siya. Ginala ang tingin sa loob ng elevator.
Tumingin sa buttons. “Shit!” sabi niya ulit. Habang nakatingin lang ako sa kanya, hindi pa rin
makapaniwala.

Hindi lang pala ang mundo ko ang huminto. Pati ang elevator. Napa-shit din ako.

Nalito na ko sa uunahin kong isipin. What’s happening? Why is Rocky here? Why is the elevator
stuck? Why did he say he’s Jake? Probably kamukha lang. But no. This guy is Rocky. I cannot be
mistaken. “Jake?” bigla kong nasabi.

Napatingin siya sa’kin. Ngumiti. “Why, are you scared?” Sabay kumindat.
Natulala ulit ako.
“Don’t worry, this happens all the time. Yung kabilang elevator never malfunctions. Eto lang.”
“Ahh…,” yun lang ang nasabi ko.
“Emergency call ako. Excuse me..” sabi niya, andun kasi ako sa may tabi ng buttons. I gave
space. Ambango niya. Amoy na amoy kong Lacoste Red yun. Naka black siyang polo shirt,
tamang tama ang fit sa kanya. White jeans na may print ng pinturang red sa right leg. Parang
pininturahan na isang stroke lang ng malapad na brush. Naka-converse na black leather. May
dala din siyang black na backpack.

I was in twilight zone, swimming in his scent, my thoughts flying in chaos all around this elevator.
What is happening? I want to shout and clarify everything. This is beyond surreal. Rocky, why are
you here?

After niya mag-emergency call sa building security, tumingin ulit siya sakin. Smiling confidently,
staring for three seconds and introduced himself again.

“Hi, I’m Jake, again. And you are?”

So he doesn’t remember me? Well what do I expect. Playground boy. “Drexx.”

“Interesting name. Nickname I suppose. Andres?”


I was surprised. Ambilis niya mag-isip, at nahulaan niya agad.
“Yeah, you got it.”
“Cool. I like your name. Andres. It encompasses time and space. I might be swept away by the
mere thought of it.”
“Huh?” nabobo ako sa sinabi niya.
“Are you new here?”
“Yeah, I’ve just moved in.”
“Nice. Same floor pala tayo. Unit 1510 ako.”
Oo nga naman. Pagka-press ko ng floor ko, hindi na siya nagpress.
“Looks like it,” sabi kong nasa ibang dimension pa din. Parang gusto kong manginig. This is really
weird.

“So you think Jake is my full name?” nagulat ako sa tanong niya.
“Nickname din?” tanong ko, na medyo nanginginig na ang labi. Wala pang nagsisink-in sakin
kahit ano.
“Yeah!” sagot niya, todo smile, parang batang natuwa dahil na-gets mo ang joke nila. “Hulaan
mo,” sabi niya.
Pero wala akong masabi. Gusto kong isigaw “IKAW SI ROCKY IKAW SI ROCKY RIGHT???”
pero walang movements na ginawa ang bibig, dila, vocal cords at muscles para makapagsalita.

- 40 -
“Jerico, tsong. Tagal mo naman mag-isip,” sabi niya.

I gave in to this totally unexpected scenario. Hindi na ako nagsalita and I didn’t care kung mukha
akong ewan sa harap niya. He was just next to me, but I haven’t fully grasped that fact yet. He
must have said some other things but they were vague. Everything was.

Hanggang sa naramdaman kong umakbay siya sa’kin.

“You can also call me Rocky, Drexx,” I heard him say, napalingon ako sa kanya, but at that same
second, of all seconds, bumukas ang pinto and two security personnel helped us out.

Chapter Twenty-four: MAPILI YATA SA


HAHALIKAN ANG ARAW

“Ang tagal mo naman!” bungad ni Chino pagpasok ko ng pinto. “Akala ko ba bibili ka lang ng
yosi,” tuloy niya.
“Nasira na naman yung elevator eh.”
“Baka naman nagsingit ka pa ng quicky sa pagbili ng yosi.”
“Siraulo. Pero meron sana. Sa elevator. Tamang-tama o. Nasira elevator. Tapos yung nag-iisang
kasabay ko, ang lakas ng dating.”
“Sa elevator niyo pa talaga gagawin eh taga dito lang naman pala.”
“Eh di sana sa unit niya pala no. Sayang. Nung binuksan kasi ng security yung pinto, ewan ko,
naglakad na lang nang walang kibo yun. Parang na-trauma sa elevator. Baka claustrophobic.
May itsura pa naman.”
“Sana hinabol mo, tapos hinila mo papasok dito. Willing naman akong lumabas muna eh, hehe.”
“Kelan ba naging pwede dito, Chino. Sacred ‘to. Wala pang sperm ng ibang lalake, kahit butil ng
pawis, ang na-secrete dito mula nung..”
“Mula umalis si Nico?”
“Yeah.”
“Jake, mahal mo pa ba yun?”
“Ayos ka lang? Masaya na sila ng ex niya.”
“Ikaw bahala.”

Habang nanonood si Chino ng Cinema Paradiso, nakakailang yosi naman na ako sa may
veranda. Badtrip naman kasi ‘tong si Chino eh, binanggit pa ulit si Nico. Masaya na sila ng ex
niya. Masaya na din ako. Anu pang problema.

Nagbukas ako ng beer. Nanood ng hapon, ng araw na maya-maya hahalik na naman sa horizon.

- 41 -
Maganda ang ayos ng mga ulap. Hithit. Buga. Inom. Tulala sa kawalan. Ano ka na Jake. Ako ka
na Rocky. Ano ka na Jerico Manlapaz. Nasaan ka na? Habang buhay ka na lang bang Thank you
for calling blah blah blah how may I help you today? Kung ang sarili mo hindi mo matulungan.
Nasaan na ang mga pangarap mo. Nasaan na yung binalak mong exhibit niyo ni Chino. Nasaan
na yung paintbrush mong hindi mo mabitaw-bitawan dati. Nasaan na yung sketchpad mong dala
mo kahit saan. Di ba dapat tapos na yung drama mo kay JR? Pati yung kay Nico? Pero bakit
parang… parang nasira ka na ngayon? Nagtatago jan sa hinanakit mo. Bitter. Nagrerebelde ka
sa overdue nang nangyari. Napatingin ako kay Chino. Naalala ko yung college kami. Naalala ko
nung grumaduate silang mga ka-batch ko, at ako, sumasagot ng tawag ng kung sino-sinong
nagrereklamo. Naalala ko yung exhibits ng iba-iba kong kaklase at kabarkada, at ako, in-love. In-
love lang. Napatingin ulit ako sa labas. Sindi ulit ng yosi. Bumigat ang pakiramdam ko. Mapili yata
sa hahalikan ang araw.

“Jake, napanood mo na ba ‘to?” biglang tanong ni Chino.


“Ayos ka lang. Di ba favorite ko yan. Gasgas na nga yan eh,” sagot ko, na medyo relieved dahil
nadistract ako sa pag-e-emo.
“Ayos ka lang din?” sagot ni Chino.
“Bakit?”
“Gawin mo rin ‘to Jake. Heartbroken siya. Tinutok niya yung sarili niya sa gusto niyang gawin.
Naging successful siya.”
“Pero malungkot pa rin yung buhay niya di ba?”
“Pero naging successful siya. Eh ikaw?”

Ayos din ‘tong si Chino. Wala nang pasakalye pag nangangaral. Pero sanay na ko. Ako rin ganun
sa kanya.

“Akala mo lang madali gawin.”


“Bakit mahirap?”
“Ibili mo na lang ako ng CD ni Ennio Morricone. Kesa mangaral ka jan.”
“Oo nga, ang galing nung soundtrack, no.”

At naiba ko na ang usapan. Ano ba ‘to, araw ng pag-iisip? Naalala ko bigla yung nakasabay ko
sa elevator kanina. Yun pa isa. Parang ang lalim ng iniisip.

---------------------------------------

“Ang lalim ng iniisip mo jan?” sabi ni Paul.


“No, wala, ang init sa labas,” sagot ko.

At patuloy kong inisip si Rocky. Or Jake. Or Jerico. This is actually happening, eh? This is what
you came here for, Drexx, right? And now here he is. In this building. Same floor. Unit 1510.

“Drexx, have you read my text?” tanong ni Paul.


Spell tuliro. Spell tulala. Spell wala sa sarili. Spell nawindang. Spell nagulat. Spell di
makapaniwala.

“Paul, tangina. Tangina talaga.”


“Ha?”

Pero anung dapat kong ikagulat. What’s wrong with seeing him unexpectedly. What’s wrong with

- 42 -
seeing this guy, the reason why you went back here. Rocky, you’re still good-looking. God he is.

“Nakita ko si Rocky, or Jake.”

“Jake?”
“Yeah, he also goes by Jake.”
“Drexx, I’m sorry, di ko napansin agad. Hindi ko naalala. Eto nga pala yung condo niya.”
“You mean..”
“No, we didn’t have sex here. We rented a room. Dito siya nagpahatid after. I’m sorry again.”

Halos nalunod ako sa dami ng I’m sorry ni Paul. I told him there’s no need to be sorry, wala
namang maling nangyari.

Pero masakit pa rin sa lalamunan at sa tiyan at sa isip na may nangyari sa kanila. Oh well.

“What do you plan to do?” tanong ni Paul.


“I really have no idea.”

Chapter Twenty-five: ORAMAI E DA PARTIR

Nagbasa ulit ako ng blog ko. Balik-tanaw na naman. Baka sakaling makatulong. Makatulong
naman saan? Ano bang gusto kong mangyari? Sinara ko na lang ang laptop at kumuha ng beer.
Nakakasawa ang drama. Nakauwi na si Chino. Tiningnan ko yung mga iniwan dinownload nyang
kanta sa ipod ko. Nagpatugtog.

Ma la notte risurge
Oramai e da partir
Che tutto veduto…

Nakakainis ang ganda ng kanta. Para akong dinuyan sa ere. Pinakaba. Pinag-imagine ng
magagandang bagay. Pinag-imagine ng mga malulungkot na bagay. Buwan. Nimbus cloud sa
gabi. Puttanesca. Sigarilyo. Amoy ng beer. Cathedrals sa London. Tulips. EDSA. University belt.
Raphael Santi. Walong minuto din akong nakahiga lang at nagfi-fieldtrip ang isip. Habang
kinakantahan ng A Riveder le Stelle. Pero pagkatapos ng kanta, ayun na.

Mga ganitong gabi na ako lang mag-isa sa kwarto at walang ibang istorbo, ito ang pinaka-ayoko.
Iniiwasan ko. Sa mga gantong pagkakataon ako kinukulit ng sarili ko sa maraming bagay. Sa
gantong mga gabi ako sinisigawan ng ilang mga taong ginago ko daw, niloko, pinaasa. Sa
gantong mga gabi ko naririning ang mga ungol, naaamoy ang mga pawis, nararamdaman ang
katawan ng mga kung sino-sinong lalakeng naka-sex ko. Maraming hindi ko na maalala.
Maraming hindi ko alam ang pangalan. Pero andito lahat sila. Kasama ng mga niloko ko. Kasama
ng mga pangarap ko. Nangungulit silang lahat.

- 43 -
Ilang beses na ba akong nakatulog na may luha. Ilang beses na ba akong nakatulog na may
hawak na lapis pero nanatiling bakante ang sketchpad na nahigaan ko na lang.

Ang jologs. Ayoko ng ganito.

Tumayo ako at kumuha ng beer. Lumabas sa veranda at nanigarilyo. Naka-boxers lang pero
walang pakialam. Wala namang makakakita. Confident naman ako sa katawan ko. Madalas ako
sa gym. Kung hindi edi kamusta naman ang market value ko.

Biglang may nag-buzzer. Sinilip ko sa peep hole. Ohh, that guy from the elevator.

--------------------------

Hindi ko alam kung bakit ako andito ngayon sa labas ng unit ni Rocky. But I have already pressed
the buzzer. Balak ko bang kausapin siya tungkol sa pagkikita na namin dati? But he didn’t
recognize me, much more remember me. Pero bakit pinindot mo na ang buzzer Drexx. Wala ka
talaga kahilig-hilig plano, napaka impulsive mo. My hands were almost shaking. Anung ginagawa
ko dito. Sumisigaw na yung utak ko. WAAAAAAAAAAAAAAH!

---------------------------

Uminom ako ng beer at inayos ang boxers ko, binaba ko nang konti. Then binuksan ko ang
pinto.

“Look who’s here. Come in.”


“Hi, Rocky,,,, uhmm Jake.”
“Haha! Sige, Rocky would do. What’s up, Andres?”

Pinapasok ko na siya.

---------------------------

Pinapasok na niya ako. Pigil na pigil ako sa nginig ng katawan ko. What am I doing. Why am I
here. Why are you so good-looking. Why are you just in boxers??????

- 44 -
Chapter Twenty-six: MAYBE

“So look who’s here.”


“Hi….”
“What brings you here Andres?”
“Uhmm..”
“Relax ka lang. Ako lang ‘to.”

“Natulala ka na jan.”
“Ah, bigla kasi akong umalis kanina, and I felt that was rude. So I’m here to… catch up..?”
“Catch up?”
“Ahh, no..kasi I’m going out, and I would just like to ask which of the three elevators are working
fine?”
“Ah yun lang ba?”
“Oo.”
“The middle one.”
“Thanks, Rocky. I should get going.”
“Are you sure?”
“Yeah, my friend’s waiting.”
“Alright then. Goodnight Andres.”

-------------------------------

Whew!

-------------------------------

Is he alright?

-------------------------------

“Andres! Wait for me!”


“Huh?”
“Bababa din ako. Sabay na tayo.”
“Uhmm, sure.”

-------------------------------

- 45 -
“May kasama ka pala sa unit?”
“Yeah, barkada ko.”
“I see. Gigimik ka?”
“Ahh nope, bibili lang akong yosi, naubusan na ng supply eh.”
“Naku bawas-bawasan ang pagyoyosi please.”
“Hindi ka na ba nagyoyosi?”
“Huh?”
“I mean hindi ka ba nagyoyosi?”
“Haha, I do. Joke lang. Smoke all you want. It’s your life.”

Ah ganun.

“Ikaw may kasama ka sa unit mo?”


“Wala, just me. Bakit?”
“Wala natanong lang.”
“Ikaw ha.”
“What?”
“Ba’t mo inaalam?”
“Short talk. Nothing else.”

Ah ganun.

“Lucky strike ka pala?”


“Yeah.”
“Cool.”
“Marlboro lights ako. Since college.”
“Ah really?”
“Yep!”

I know.

“Ang corny mo naman!”


“What? Why?”
“May wish stick ka pa. Hahaha.”

Ouch.

“What’s wrong with this?”


“Wala namang sense yan eh.”
“Talaga? What made you say that?”
“Wala lang. Yosi lang din yan. Walang magic-magic jan.”
“Hindi ka ba nag wish stick dati?”
“Nope.”

Liar.

“Well. To each his own Rocky. Nag-wish stick ako kasi may nagturo sa’kin maglagay ng wish

- 46 -
stick almost two years ago. Mukhang paniwalang-paniwala siya sa wish stick kaya ginawa ko din.
Siya pa nga ang naglagay ng una kong wish stick.”
“Talaga?”
“Yeah. And my first wish was for him.”
“Him?”

For you.

“Yeah, some guy.”


“Tell me about him.”
“No need. Sabi mo nga, walang sense.”
“Hey, I’m sorry. Well that’s my take on it. Kung may sense sa’yo then good.”

I mean it, I’m sorry.

“Ayos lang, ‘nu ka ba.”


“Hahaha. Well, I used to do that as well. Mag-wish stick. Siguro, nagbabago lang lahat.”
“I’m sure of that.”

“Akyat na ko after this stick.”


“Sabay na ‘ko. Baka matakot ka na naman pag na-stuck yung elevator.”
“Hey, I wasn’t scared that time.”
“Mukha kang natakot eh.”

Nagulat actually.

“Rocky, you look familiar..”


“I’m all around that’s why.”
“Don’t you think we’ve already met?”
“Well maybe, I go out a lot.”
“Okay…”

“Andres, it has been nice smoking with you.”


“Same same. See you around.

- 47 -
Chapter Twenty-seven: WHAT TO DO

“Saan ka galing?”
“Nag-yosi with Rocky.”
“What? Wow! Did he remember you already?”
“Nope. Asa pa ako. Baka ikaw maalala pa nun.”
“Baka nga….JUST KIDDIN!”
“Puntahan mo nga, tanong mo kung naaalala ka niya.”
“Sure, wait lang.”
“Siraulo! Paul, I think I know what to do.”
“What?”
“I’ll make him fall for me.”
“Well, that’s a big plan, don’t you think?”
“I know.”
“Befriend him first.”
“Yeah, I think that’s a better idea. Sasabihin kong nagkita na kami before?”
“Yeah. That you shouldn’t hide anyway.”
“How will I tell him?”
“Tell him upfront. Wala nang pasakalye. That’s what you’re here for.”
“The thing is, I might be expecting something in return from him.”
“I hear you. I was thinking about it too. You should have predicted all scenarios possible.”
“I know.”
“Well, you met the good boy, I met the bad boy. There should be a reason why he has changed.
Why was he like that the night you met him, and the night I met him.”
“I’ve read his blog many many times. You’ve read it too. I guess he’s been hurt too much kaya
nagwala. Nagpaka-player.”
“It’s your fault, Drexx, hahaha!”
“Why me?”
“You made his world his playground. Hahaha! Ikaw kasi, may mga lines ka pang ganun.
Sineryoso tuloy niya.”
“What?? Hala oo nga! Well I didn’t tell him to play per se. This world is my playground because I
hate worries and I enjoy doing what I like to do. But I don’t play like he does.”
“Well, he was full of angst I guess, kaya he took it that way. Ikaw ba naman saktan ng mga
minahal mo many times, nagpaka-martyr ka but to no avail, iniwan ka pa rin.”
“Tama, Paul. All this time I thought I had an effect on him in a good way.”
“Well, wala ka naman talaga kinalaman sa mga pinaggagagawa niya. He will do it with or without
your “playground” philosophy, if he really decided to. Which he did.”
“I’d like to help him.”
“Good plan. But Drexx, does he need help?”
“He just can’t stay like this. Sleeping around, flirting with everyone he likes. I know he’s better
than that.”
“You really like him, don’t you.”
“Well, di ba nga ang unang plan dapat, I will make him fall for me. Yeah, I like him. I wouldn’t
cross the Pacific if I didn’t.

-------------------------------

- 48 -
Wala namang mawawala kung gawin ulit. Ayan. Maya-maya lang, sisindihan na kita. Tutuparin
mo ba wish ko, ha? Tuparin mo ha. Yung dati kasi hindi mo tinupad eh. Nagtampo tuloy ako. Buti
pinaalala ka ni Andres. Pogi si Andres no? Mukhang mabait. Masarap kaya siya sa kama?
Mukha naman di ba? Pero iba ang dating no? Hindi katulad nung iba. Di bale, matitikman ko din
yang Andres na yan. I’ll undress him soon, hahaha. Anjan lang naman siya sa kabilang dulo ng
hallway, ‘no, wish stick? Naku magpakabait ka wish stick! Sige jan ka muna sa kaha at may lakad
pa ’ko.

-------------------------------

Comment:
Don’t take playground too literally, Rocky. - that stranger.

Pressed submit. Whew. That should make him remember even a bit of that night. As to when he’ll
see this, I don’t know. I hope it’s soon.

-------------------------------

“Ang sarap mo.”


“True enough. Pero mas masarap ka.”
“Let’s take a shower.”
“I like that idea.”

Nagsimula kaming nakatayo. Then nakaupo sa kama. Then nakahiga sa kama. Then sa sahig.
Then balik sa kama. And then nagyaya siyang mag-shower. Isa siya sa pinaka-masarap.

Ang tagal namin sa shower. Ang sarap ng yakap niya. Ang sarap ng pakiramdam ng katawan
niya against sa katawan ko. Ang sarap ng pakiramdam na kung saan-saan napupunta yung
kamay niya. Isa siya sa pinaka-expert.

“You like that?”


“Yeah, I do. Keep going....”

After mag-shower tinulak niya ako sa kama. At pumatong siya sakin. Ang sarap ng pakiramdam
ng hininga niya sa tenga ko, sa leeg. Ang sarap ng pakiramdam ng dila niya sa tenga ko, sa leeg.
Ang galing niya. Ang sarap ng pakiramdam ng buong katawan niya na kanina basa sa shower,
ngayon naman medyo pinagpapawisan na. Ang sarap nito.

Para kaming porn stars sa mga ginawa namin. Actually, para akong nakikipag-sex sa porn star
sa mga ginagawa niya sa’kin. Teka, ano nga bang pangalan nito?

Whatever. Ilang oras din yun ah. Napagod ako. Nakatulog agad. Paggising ko nung umaga, ako
na lang mag-isa sa kama. Ako na lang mag-isa sa kwarto. Ako na lang mag-isa sa bahay. Sa
bahay ni kung sino man siya. What’s new. May iniwang note sa kama: That was great. I’ll text
you.

Nagbihis na ko at umuwi.

- 49 -
Chapter Twenty-eight: STRIKE

Comment:
Don’t take playground too literally, Rocky. - that stranger.

Napatitig ako nang matagal sa monitor.

Ano ‘to?

Eto ba yung stranger na nakausap ko nang matagal dati pa? Ha? Panu niya nahanap ‘to?

Nakakagulat.

Totoo ba ‘to? Baka may nagtritrip lang.

Pero ba’t naman ‘to pagtritripan?

Nakakagulat talaga.

Ikaw yung nasa greenbelt dati? Reply ko.

Medyo di ko na maalala yung lalakeng naka-usap ko. Hindi ko maalala yung mukha niya. Sa
dami nang nakilala ko, natabunan na siya. Hindi ko din alam pangalan niya.

Sino na nga ba yun. Ano na nga bang itsura nun. Alam ko pogi yun eh. Alam ko kaka break lang
namin ni Nico nun.

Hmmm. Alam ko nakaupo din siya sa park sa greenbelt. Sa tapat ko.

Alam ko, nakita ko ulit siya dun sa exhibit. Tapos dun ko siya kinausap. Gandang ganda ako dun
sa painting. Nakakainis ang ganda talaga. Nasaan na kaya yung painting na yun.

Tapos nun, nagkape kami, tama. Ang dami namin napag usapan. Ang dami ko din nakwento.

Anung itsura mo???

Sa kanya ko nakuha yung world is my playground. Ginawa kong playground ang mundo ko.
Naglaro ng mga emosyon. Nakipaglaro sa iba’t ibang lalake. Walang siniseryoso. Laro lang lahat.
Tulad nung kanina. Kahit gaano kasarap, laro lang.

Pero bakit ganito yung comment nito? Don’t take it too literally. Oo, I took it too literally. Pero ba’t
may comment siyang ganito ngayon. Nagkita ba kami ulit? Weird.

Sorry din stranger. Nagloko ako. Sinira ko ang philosophy mo. Inabuso. Sensya na.

Wish stick, sisindihan na kita. Ayoko na mapa-isip. Ang wish ko, makita ko ulit ‘tong stranger na
‘to.

- 50 -
Habang nagyoyosi, nakita kong may unread comment ulit sa blog ko.

Comment:
Yeah, that was me. Bakit bigla kang nawala?

Napatayo ako sa nabasa ko. Pakiramdam ko nanlaki pa ng konti yung mga mata ko. Nagulat.

Siya nga. Siya nga. Siya nga.

Oo nga, hindi ko na siya nahintay. Umalis ako. Teka, parang naaalala ko na. Pareho kami nang
shirt nun – plain white na v-neck. Na-vivisualize ko pa sa utak ko na naglalakad kami at umorder
at naupo sa labas ng coffee shop na pareho ang shirt.

Biglang may comment ulit.

Comment:
Let’s meet. I’m disappointed with you. Wish stick?

--------------------------------------

I’m decided. Eto na yung chance, why delay it. I’ll tell Rocky I am that stranger. Nothing to lose
anyway.

I’m excited. Eto na yung moment, I won’t delay it. I’ll tell Rocky that I like him. That I’ve always
liked him.

--------------------------------------

Wish stick???!! Anu ibig sabihin niya? What about the wish stick?

Oh yeah. Nilagyan ko ng wish stick yung kaha niya ng yosi nun. Lucky Strike pa yung yosi niya.

Wait… Lucky Strike? Ako nagturo ng wish stick sa kanya. Wait…Could it be….

“Well. To each his own Rocky. Nag-wish stick ako kasi may nagturo sa’kin maglagay ng wish
stick almost two years ago. Mukhang paniwalang-paniwala siya sa wish stick kaya ginawa ko din.
Siya pa nga ang naglagay ng una kong wish stick.”

Disappointed? Why? Dahil hindi na ako naglalagay ng wish stick. Could it really be…..

Buzzzzz…

- 51 -
Chapter Twenty-nine: IKAW ANG
PINAKANAKAKALASING NA SERBESA

Sinilip ko kung sino ang nag-buzzer. Si Chino.

“Kamusta kamusta. Obviously tatambay ako.”


“Chino, nasa gulat moment ako ngayon...”

And kinwento ko kay Chino lahat.

- 52 -
Gusto naming i-conclude ni Chino na si Andres ang stranger na nakita ko nun. Parang naaalala
ko na nga.

“Siya nga yun, Chino. Sigurado ako. Hindi ko agad namukhaan.”


“Bakit hindi mo nakilala agad? Para ka namang sira.”
“Ewan ko.’

Sa dami siguro nang nakilala ko, natabunan na siya.

“Paano niya nalaman yung blog mo?”


“Aba malay ko. Paano nga kaya? Ewan. Ang gulo. Nakakabigla. Inom nga tayo.”

Bumili kami ni Chino ng maiinom. Ilang bote ng Red Horse na nakasanayan naming inumin mula
college. Tuwing pagkatapos ng klase dati, o pag may mahabang oras na walang klase, umiinom
kami sa dorm.

Nung pabalik na kami sa unit, may nakita akong pamilyar ang itsura.

“Huy!”
“Ahhh, huy din...”
“Taga dito ka pala? Akala ko ba taga Canada ka?”
“Ahhhh, I’m here for a wedding.”
“Talaga? Ayos! Do you still remember my name?”
“Oo, Rocky, right?”
“Yeah. I forgot yours, I wanna know it again.”
“Uhmmm, Paul.”
“Nice nice. It’s been what, more than a year?”
“Yeah. Uhmmm I’ll go ahead Rocky. Nice seeing you again.”
“Wait... anung unit mo?”
“Ahh ano...”
“Come on, tell me.”
“1502...”

“Sino yun?”
“You heard it. Paul daw.”
“Oo na, nakasex mo din.”
“Hahaha, yeah. Canadian boy. Nothing special.”
“Siraulo ka talaga!”

At naglasing kami ni Chino. Uminom nang uminom hanggang maubos ang beer at kinailangan na
ulit bumili. At pagkabili, inom ulit. Uminom nang uminom hanggang pati yosi, naubos na. Wish
stick, handa ka na ba sa wish ko? Seryosohin mo ‘to ha kahit lasing ako.

“Ba’t mo kinakausap yang sigarilyo?”


“Tsong, wish stick. Ang kagila-gilalas na wish stick.”
“Ang tagal mo nang walang wish stick ah.”
“Tsong, paki mo! Ikaw wish stick ka, magtino ka na. Ang tagal kong bitter sayo eh.”
“Nico! Nico! Nico!”
“Tangina naman Nico... Chino pala. Ba’t mo nabanggit ang Nicong yun? Eh masaya na yun eh!”
“JR! JR! JR!”
“Ah ganun ha. Eh wala na rin yun eh! Nasaan na nga pala sila Ken? Tagal na nating hindi
nakakainuman yung mga yun ah. Nasaan na kaya si JR no? Wala na kong balita sa gagong yun
eh.”
“Tsong, umayos ka na. Nauumay na ko sa kakasex mo kung kani-kanino.”

- 53 -
“Tsong, I’m happy! I’m happy di ba? Anung umayos ka jan? Sino bang maayos? Wala namang
maayos eh. Lahat gago.”
“Oo lahat gago. Kaya ang sarap mo lasingin eh!”
“Tsong, tangina nilang lahat. Di ba? Tangina nilang lahat! Kampay tayo jan!”
“Kampay! Jake, type ka ata nung Drexx eh.”
“Alam mo yang si Andres, pogi. Ang pogi pogi. Ang sarap yakapin. Susunggaban ko na nga
dapat yan sa elevator eh.”
“Eh di kayo na. Dali!”
“Easy ka lang jan. Takot ako kay Andres. Baka saktan ako. Pagod na ko masaktan. Tangina ang
jologs ng sinabi ko! Kampay!”
“Para sa jologs!”
“Para sa mga gago!”
“Para sa mga naka-sex mo!”
“Para sa mga naka-sex ko! Tang-ina. Tang-ina Chino. Bakit ako pumatol kung kani-kanino?”
“Lakas ng trip mo eh.”
“Bad trip naman yun. Parang andami nang nakakita na hubad ako. Makita kaya ako ni Andres na
nakahubad? Langya!”
“O ba’t parang kinikilig ka jan? Baliw!”
‘Si Andres yun tsong. The stranger. Badtrip na stranger na yan. Siya lang pala. Ang gwapo niya
nung gabing yun Chino. Nakatitig lang kami sa painting ni Taniguchi, pero sumisilip-silip ako sa
kanya, ang sarap niyang tingnan Chino. Parang ang sarap hawakan ng pisngi niya. Tapos yung
ngiti niya, parang wala pang ginawang masama kahit kelan. Haay Chino. Tagay pa!”
“Mahal mo na si the stranger?”
“Mahal? Hmmm. Wish stick, mahal ko ba siya? Ang corny magtanong ni Chino no? Akala mo
ganun lang kabilis magmahal? Pero parang masarap mahalin si Andres no? Umayos ka wish
stick ka! Ilang minuto ka na lang, may misyon ka na. Tuparin mo kasi wish ko!”
“Oo nga naman wish stick, tuparin mo wish ng boss Jake mo.”
“Boss Rocky na lang tsong. Ang sarap pakinggan pag tinatawag ako ni Andres ng Rocky eh.”
“O narinig mo yun wish stick ha? Si Boss Rocky, tuparin mo ang wish. Ngayon na lang ulit
magwiwish yan. Mahiya ka naman pag hindi natupad. Pipitikin kita eh!”

Lumabas ako sa veranda at dun ginawa ang seremonyas. Kinuha ko ang natitirang stick ng yosi,
hinalikan, nag-wish. Sana matahimik na ‘ko. Sawang-sawa na ko. Ayoko nang madikit sa
katawan ng ibang hindi ko mahal. Ibalik na sana sakin yung dating paniniwala ko. Na masarap
magmahal.

Sinindihan ko ang yosi at humithit. Umiikot ang kawalan. Umiikot ang buwan. Umiikot ang ilang
stars. Umiikot ang mga sasakyan sa baba. Lumingon ako sa loob. Umiikot din si Chino. Ang
kwarto. Ang kama. Ang mga boteng wala nang laman. Ang mga bubog ng nabasag na bote. Ang
ash tray. Ang wala nang laman na kahon ng sigarilyo.

Umiikot ang mundo at ilang beses ko nang naramdamang naiiwan ako palagi. Bakit ako ang
naiiwan? Bakit hindi silang mga nanloko sa’kin. Bakit ako ‘tong basag ngayon at palaging
nabububog sa sarili kong bubog.

Gusto ko lang makaramdam ulit ng totoong yakap. Yakap na walang ibang kaagaw. Yakap na
hindi ko pagdududahan. Yakap na alam kong anjan pa din pagkagising ko sa umaga. Yakap na
hindi magsasawa. O maghahanap ng iba.

Andres...

Ilang araw din kitang inisip nun. Ilang linggo kang pabalik-balik sa isip ko nun. Ba't bigla ka kasing
sumulpot nang ganun sa buhay ko. Inisip ko din kung paano ka makikita ulit. Tangina mo Andres.
Tapos ngayon babalik ka nang walang pasabi? Hindi ko alam gagawin ko sa'yo.

- 54 -
Pagkaubos ng yosi , ininom ko ang natitirang beer at pumasok. Bagsak na si Chino sa gilid ng
kama. Ilang segundo na lang ang itatagal kong gising. Lasing na lasing na ko. Humiga na din ako
sa kama. Pumikit. At inamigine na yakap ako ni Andres. Ma la notte risurge... oramai e da partir...
riveder le stelle....

- 55 -
- 56 -
Chapter Thirty: WHERE NO ONE WILL
UNDERSTAND US

“He just asked for our unit number.”


“Did you tell him you know me?”
“I didn’t. It was just a really quick talk.”
“He recognized you, I see.”
“Drexx, walang issue dun.”
“I know. Wala.”

“A few month difference and he didn’t recognize me. When was that, December right? We met ng
August.”
“Drexx naman. I feel guilty.”
“Don’t be Paul, anu ka ba. You’re right, walang issue. When are you leaving for Ilocos?”
“Tonight. Sasama ka ba?”
“Sure sure.”
“What about Rocky?”
“What about him?”
“Tsong naman oh.”
“Gusto ko ng getaway. Tamang tama yang Ilocos. Where’s the wedding?”
“Vigan.”
“Cool.”
“What about Rocky?”
“Ewan ko. We’ll see.”
“Maiwan ka na lang kaya. Para masolo mo yun.”
“Sasama ako. I’ll pack my stuff.”

After I said that I suddenly felt my whole body shaking. Inalog ni Paul ang buong katawan ko
while holding my arms.

“ANG KULIT MO!!!!!! MAIWAN KA!!!!!”


“SASAMA AKO! I WANT VIGAN!!!!! I WANT PAGUDPUD!!!!!”
“GRRRRRRRRRRRR!!!!”
“GRRRRRRRRRRRR!!!!”

Kinagabihan...

“Pasalubungan mo kong bagnet. Ingat ka! Have fun!”


“See you in three days Drexx... do what you came here for.”
“Will do.”
“Here’s twenty dollars. You know what’s that for.”
“Gago... sige ingat!”

---------------------------------
Let’s go...

We wake up. We sleep. We smile we eat we party we laugh we commute we communicate we


comment we command we come we go we lose win we cry sometimes in between. We sleep. We
dream we imagine we hope we love we hurt we seek we find we promise we propose we provide

- 57 -
we provoke we wake up again again again in time in space in gravity in space in gravity in space
in gravity we always fall asleep fall awake fall unaware fall fall f
a
l
l

Let’s go...

Vistula told me it’s deep, away from air she falls in love underneath, while he flies on Tupolev
over Fiuggi.
Away from eachother for a million centuries
What is time but measurement of sadness
Childeric once fought his senses
A river of generations of longing
Parted ways, parted souls, parted limbs

We all understand now why pain is pain, why giving up is a struggle, why letting go is important,
why losing someone is... what again?

Partly the reason, according to Vistula, was it was it, it was it, was it was, it was it,

Childeric consumed too much chocolate

That love is unexpected, unplanned, untimely, not understood, we all know that.

Time flies in Tupolev, Fiuggi was underneath


Eons away from eachother, we all learned anti-continuum from chronometry

We all understand now how pain is made, how giving up is a struggle,


How letting go is important

It was when he became closest to that point not one iota of significance, but
What distinguished ideas like being, and being away, and being understood,

Happy, love, happy love.

Let’s go where no one will understand us...

---------------------------------

“Andres...”
“Rocky...”
“Saan ka pupunta?”
“May bibilhin lang. Ba’t nakaupo ka jan? And ba’t ... did you paint your room?”
“Tara sa taas. Mamaya ka na bumili.”
“Huh? Ahhh...”

Hinila niya ako. Hanggang sa elevator. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang dumating
kami sa pinto ng unit niya.

- 58 -
He was wearing a white v-neck shirt. Darn that kind of shirt. Jeans. Tsinelas. Yung shirt at pants
niya madaming talsik ng pintura.

Pagpasok ng kwarto, hinila niya ako papunta sa may kama. Iniharap niya ako sa wall opposite his
bed. A wall that has dripping wet white and gray background paint. A wall that was a painting full
of yellow ochre text. Sentences that were vague for me to understand. He has just painted it,
nasa floor pa yung paintbrushes and acrylic paints niya. Binasa ko yung nakasulat. It seems like I
was brought to a gallery that has a single wall that is the whole exhibit.

Some words were familiar. Some lines were not too hard to grasp. But the whole, I couldn’t
understand.

What is this Rocky? But I couldn’t speak. I was in a trance. What is this Rocky? What are you
doing? What do these words mean? Why are you showing this to me? Then I heard him speak
softly...

“Stranger, let’s go where no one will understand us...”

At naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Slowly, I can feel his breathing sa batok ko.
His hands, nasa tiyan at waist ko. Naramdaman ko yung buhok niya sa tenga ko. And before I
knew it, I was feeling his lips on my neck.

Chapter Thirty-one: QUINDI USCIMMO A


RIVEDER LE STELLE

I’ve always thought that forever exists.

This is forever.

I’ve always believed in circumstances that make one question the validity of emotions. But I’ve
always believed more in circumstances that make one forget logic, society, himself.

Feeling Rocky’s arms around me, so gentle yet promising of not letting go.
Feeling his lips against my skin, not moving yet orchestrating a dance of neurons all over me.
This is forever.

He is forever.

“Naisip kong magpunta ng pluto kasama ka. Wala lang, naisip ko lang.”

- 59 -
“Tara...”

It is true then how certain feelings can be too commanding. I submit without hesitation. Maybe
because I’ve always wanted to be controlled. By him.

I had no idea I wanted this so much.

Who doesn’t want this.

I’m sitting on a cloud called Rocky. I’m bathing in a rain called Rocky. I’m driving on a highway
called Rocky. Forever.

-----------------------------------------------------

Parang ayoko nang tanggalin yung pagkakayakap ko sa kanya. Pwede bang ganito na lang
kami...forever.

Matagal ko din ‘tong hinanap, hinintay. Sabi na nga ba, mararamdaman ko ‘to.

Ang sarap niyang yakapin. Ayoko na siyang pakawalan. Ayokong alisin ang labi ko sa kanya.
Dahil damang-dama ko siya. Ayokong tapusin ‘to.

“Naisip kong magpunta ng pluto kasama ka. Wala lang, naisip ko lang.”

“Tara...” sagot niya.

At alam kong hindi na ako masasaktan ulit.

Quindi uscimmo a riveder le stelle…

“Thanks Andres, nagkita ulit tayo.”


“Thanks din...”

- 60 -
Nakahiga kami sa kama. Magka-holding hands. Habang tinatamaan ng mga huling sinag ng
araw.

I felt so light. Yet I was so overwhelmed.

Habang nagsa-sunset, patuloy kami sa pag-uusap. Mga salitang mahinang binibigkas. Mga
salitang kahit hindi mag-exist eh kumpleto pa rin ang lahat ng elemento para masabi kong
masaya ako.

Happiness I never thought possible.

Humigpit pa lalo ang pagkakahawak namin. Nagliwaliw ang haraya sa alapaap ng kwartong
amoy pintura, may dalang camera at kinuhanan kami ng litrato habang nakahiga. Parehong
nakangiti. Nagliwaliw ang haraya at lumabas ng veranda, sinundan ang mga traffic lights, neon
lights ng gabi, ng mga sasakyan, ng mga building, at mula sa di kalayuan, kinuhanan ng litrato
ang building kung nasaan kami. Lumipad pa at kinuhanan ng litrato ang park kung saan ko siya
unang nakita. Kinuhanan ng litrato ang The Morning after the Death of Superman, ang coffee
shop, ang ash tray. Kinuhanan ng litrato ang biglang pag-alis. Ang eroplano papuntang
Vancouver. Ang eroplanong pabalik ng Manila. Ang lahat ng nakasulat sa blog. Ang lahat ng
hindi nakasulat sa blog.

Kinuhanan ng litrato ang lahat ng naging wish sticks.

That thing called “future” suddenly existed. A space almost as big as forever. And we were
excited to fill it with the story of us. Of what will be our story.

Chapter Thirty-two: MASAYA

Those were the happiest times.

Oo nga, ang saya. Mas masaya sa kahit ano. Pinakamasaya sa lahat.

- 61 -
“Bakit ka biglang nawala nun?”
“Nung gabing yun?”
“Yeah.”
“Sorry ha. Enjoy ako sa pag-uusap natin nun. Pero nung nasa washroom ka, tumawag si Nico.
Yung ex ko. Kasi...”
“Okay lang. It was worth the wait.”
“Hindi na ako ulit biglang mawawala.”
“Alam ko. Because I won’t allow it.”
“Dapat lang.”

Hindi ko alam kung paano magiging normal yung pakiramdam na andito siya, andito ako,
magkasama, masaya. Parang hindi ako sanay na ganito yung pakiramdam. Nalulunod ako sa’yo
Andres.

Akala mo ba ikaw lang? Hindi rin ako sanay. Rocky, for the longest time this feeling has been
alien to me. I’ve never known how to be at ease just because there is nothing more to worry. I
don’t like worries, pero masyado mo namang tinanggal lahat.

Wag ka nang umangal. Sige ka baka bawiin pa ‘to. Panaginip mo lang pala ‘to. Paggising mo
nasa Vancouver ka pala talaga.

Siraulo.

***

Days passed and we have slowly learned to accept the happiness we were not very much used
to. We were always together. I was always there in his room. He was always in my room. After
work, andun na ako lagi sa baba ng building niya. We would have meals together. Pinagluluto ko
siya, pinagluluto niya ako. Nakaakbay siya sa’kin o nakaakbay ako sa kanya habang nasa
roofdeck, nanonood ng sunrise, ng afternoon, ng sunset, ng gabi, ng madaling araw.
Magkatabing natutulog, magkatabing nagigising. Naglalakad ng malayo, sa kung saan-saan,
watching the city pass us by.

Mahilig siya sa biglaang lakad.

Napaka-spontaneous niya.

Kaya kung saan-saan kami nakakarating. Isang beses, sinundo niya ako sa office, aantok antok
na ko. Hala, siya, kulang na lang tumalon. Excited daw siya.

“Saan ka excited?”
“Pakialam mo ba. Tara na! I’ve packed your stuff.”

At walang pasabing sumakay kami ng bus biyaheng Vigan.

That was the start of a very memorable road trip with Rocky.

- 62 -
Hindi ko makakalimutan ang biyaheng yun kasama si Andres.

Pagdating sa Vigan, pinag-untog ko silang dalawa ni Paul.

Nilibot kami ni Paul sa Ilocos. Sa mga lumang simbahan. Sa Crisologo. Sa Laoag. Sa Pagudpud.
Sa mga rock formation at windmills at light house. Kung saan saan kami kumain, nag-inuman,
nangulit ng mga Ilocano.

Humiwalay kami kay Paul na babalik na ng Manila, kami dumiretsong San Juan, La Union.

Surfing!!!!

Pero maulan nung kinagabihan sa La Union. At ulit, walang kaplano-plano kaming pumunta ng
bayan ng San Fernando, at sumakay ng bus papuntang Baguio.

Magkaholding hands kami buong biyahe. Magkayakap paminsan-minsan. Nagkukulitan.


Naghahalikan. Habang sumisilip sa amin ang mga orange na ilaw ng mga poste at mga bahayan.
Habang patay ang lahat ng ilaw sa loob ng bus at nagpapatugtog si manong driver ng mga senti
na kanta. Dinuduyan kami ng mga oras na yun.

Pagdating sa Baguio, kami ang bida sa pelikulang Nginig dahil nanginginig kami sa ginaw. Dahil
walang kaplano-plano at paghahanda, dumating kami dun nang naka t-shirt, shorts at tsinelas
lang. Siguro naisip ng mga nakakita samin nung dis-oras ng gabing yun na naligaw kaming sa
Boracay dapat ang punta.

Nagcheck-in kami, kumain ng lugaw sa isang 24 hours na carinderia. Nagkape, nagyosi, at


nagkwentuhan ng kung ano-ano hanggang sumikat na ang araw. Nasa kama naman kami buong
maghapon, nag-make love, natulog, nag-make love, natulog. Gumising ng gabi, lumabas, at
uminom. Naglasing. Parehong naglakad sa Session nang pagewang-gewang. Magka-akbay.
Kumakanta ng kung anu-ano. Nagtatanong ng kung anu-ano sa kung sino-sino. Nag-trip na
magpakilala sa isang babae. Nag-trip na magpakilala sa isang lalake. Sumaludo sa pulis. Nag-
trip na maghalikan sa gitna ng kalye.

Those were the happiest times.

Pagod kami pagbalik ng Manila. Pagod na naghahalikan habang binubuksan pa lang ang pinto
ng unit niya.

“Ang sarap mong kasama nakakainis ka!”

- 63 -
Chapter Thirty-three: SWEPT AWAY

Nang sumunod na weekend, panggulat na namang nagyaya si Drexx.

“Tara na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” pero ako ang mas excited.

“First time mo ba?”


“Oo.”
“Wag kang kabahan jan. Wala pang isang oras kang nasa ere.”
Hinawakan ko ang kamay niya buong flight.
“Panu pa yung halos 12 hour flight pa-Vancouver? Kaya wag kang kabahan.”
“Sasapakin kita pag nagka-turbulence!”
Sa bawat konting alog ng eroplano, humihigpit ang hawak niya. Kaya namumula ang kamay ko
buong biyahe.

First time ko dito.


First time ko din.
Waaaaaaaaaahhhhhhh!!!
Buhangin! Ang sarap ng buhangin!!!!!
Kulang ang dalawang paa ko para ma-enjoy ng todo ang pinong puting buhangin ng Bora.

Para kaming mga bata sa beach. Naghahabulan. Nagtatalunan at sumasampa sa isa’t isa sa
tubig.

Nilakad namin mula station 1 hanggang station 3. Sa magkabilang dulo, naupo kami sa
buhangin. Watching the vast sea submitting to tide.

Sa apat na araw na andun kami, wala kaming ibang inisip. Wala akong pakialam sa trabaho ko.
Mula umaga hanggang gabi nasa labas kami. Pero matutulog kami sa hatinggabi nang halos
wala nang space sa pagitan namin habang nakatodo ang aircon.

“Ganyan din ba kalamig sa Canada?”


“Madalas mas malamig pa.”

These were the happiest moments. I couldn’t be any closer to Rocky as we locked ourselves with
eachother’s arms. Yet I couldn’t get enough of him. Today with him is not enough. Tomorrow with
him is not enough. Like the distributive property, I’d like to distribute his presence in every single
day that I have lived, and will live.

A couple of times naalimpungatan ako in the middle of the night. And at the very second I opened
my eyes, I would see the definition of beauty. A sleeping Rocky away from pain now. Away from
heartache. A very sound sleep that goes beyond plain peace of mind. And for me, it is the face,
the body, the soul of someone I know I will never never never ever ever ever hurt.

***

- 64 -
Hinding hinding hinding hindi rin kita sasaktan baka kala mo. Wala naman sigurong masama
kung ikaw ang pinakamahalagang tao para sakin di ba?

You are already, to me.

***

Nag-island tour kami. Nag-kayak. Nag-snorkle. Nag-banana boat. Nag-food trip umaga tanghali
gabi. Halos inisa-isa ang mga kainan. Nakailang all you can eat. Nag-away kung saan mas
masarap, sa Jonah’s ba o Café del Sol. Namili ng mga pasalubong. Nagpamasahe.
Nagpakabaliw sa night life. Nagparamihan ng mapapatingin sa’min.
Those were the happiest times.

Our last afternoon in Bora, we watched the sun as it kissed the infinity of the sea. We also kissed
against the backdrop of a day turning to night. While the waves do their eternal task to reach the
shore, he reached for my hands, and sang...

I never had anything happen so fast


I took one look and I shattered like glass
I guess I let it show 'cause your smile told me you knew
That you're everything I ever wanted at once
There's no holding this heart when it knows what it wants
And I never wanted anything more than to know you

I was swept away


No one in the world but you and I
Gotta find a way to make you feel the way that I do
I was swept away
Without a warning
Like night when the morning begins the day
I was swept away

.......................

Akala ko wala na akong ikakakaba....

I thought all my worries were gone...

Pero meron pala.

But it is just a worry, nothing more.

Hindi yun mangyayari alam ko.

I won’t let it happen.

- 65 -
Hindi tayo maghihiwalay Andres.

We will stay like this forever, Rocky.

.......................

The very first time you said my name


I knew it would never sound the same
Something about me is changed forever......

Chapter Thirty-four: TWENTY QUESTIONS

Ikaw na magsimula.
Sige sige. Umayos ka ng sagot ha.
Ayusin mo din tanong mo.
Hmmm sige. May naka-sex ka sa Canada?
Oo na. Meron.
Ah ganun. Tuwang-tuwa ka naman. Sige alalahanin mo pa.
Para `tong sira. That was your question.
Magtanong ka na bago pa ko maasar.
Ilan na naka-sex mo?
Hmm...
Ayan sige magbilang ka. I`ll take a walk first.
Hoy hindi ganun kadami.
Then how many?
More or less.... fifteen.
Wow.
Bakit wow?
Flirt.
Oo na. Dati yun.
Flirt flirt.
Gago! May tanong na ko.
Shoot.
Kelan ka babalik ng Canada?

- 66 -
Kelan mo ba ko gustong bumalik?
Kapag pwede na’kong sumama. Hehe
Eh di yun.
Sira ulo. Joke lang. Bumalik ka agad dun. Sayang yung status mo.
Paano tayo?
Eh di magkalayo muna.
Okay lang sa’yo?
Okay lang. Babalikan mo naman ako eh. Hehe
Of course.
Tanong ka na.
Aryt. Why did you sleep with all those guys?
Bukod sa gwapo silang lahat...
Ah ganon gwapo sila...
Shut up, answer portion ko `to. Oo gwapo sila. Bukod dun, sa tingin ko, dahil gusto ko gumanti sa
mga nangyari sakin dati. Gusto kong gawin yung mga ginawa sakin. Bad no?
So bad, bad boy. Never do it again.
Wala nang reason para gawin ko ulit yun.
Good.
Favorite movie mo?
O bakit biglang shift ng topic?
Wala namang official topic ‘to, at tsaka tinatanong ko talaga ‘to sa lahat. Sagot na.
Hmmm, Lord of the Rings.
Boring. Masyadong given. Wala man lang kakaibang choice?
Ano pa ba? Ano ba gusto mo artsy?
Kahit ano.
Grrrrr, do you know this movie by Sofia Copolla? Yung Lost in Translation.
Let`s never come here again because it will never be as much fun.
Wow, tama ka!
Ang ganda nun. Kaya tayo, hindi na tayo babalik dito.
We’ll try other places. Favorite song?
Madami. Iba-iba kasi gusto kong klase ng kanta eh.
Your all time favorite?
Where The Streets Have No Name.
Nice choice.
Ikaw na.
Do you find yourself thinking about Nico sometimes?
Hindi na. Hindi na meaning hindi na katulad nang nakasanayan kong pag-iisip sa kanya na may
kasamang bitterness, galit, inis, feeling na parang nadaya, thought na wala siyang ibang ginawa
kundi saktan lang ako. Naiisip ko siya ngayon paminsan-minsan. Narealize ko na possible talaga
ang letting go. Hindi lahat ng nasasaktan eh dahil nagmamahal sila. Minsan nasasaktan sila kasi
ayaw lang nila matapos yung paggamit sa alibi na niloko sila para ma-justify yung mga ginagawa
nila. Ganun ako dati. Bakit wala kang naging boyfriend?
Hindi ko alam. Hindi ko lang siguro priority. Hindi ko na-eentertain yung idea. I allow myself to be
cheesy and hopeless romantic sometimes, but I have never felt the urge then to be in a
commitment with someone. Hindi ko lang talaga naiisip. Favorite food mo?
Ngek. Hehe. Sinigang na baboy sa bahay namin. Simula bata kami, halos every Saturday
sinigang na baboy ang ulam namin sa bahay. Minsan hipon. Magaling magluto si mama.
Uwi nga tayo dun minsan.
Sige ba!
Most embarrassing moment?
Slambook na ‘to ah. Hehe. Grade 5 nun, Catholic school. We would pray the Angelus every noon.
And we were not allowed to continue walking or talking. I was on my way to the washroom,
nagmamadali, but I had to stop walking a few feet away from the washroom entrance. Yeah, naihi
ako sa khaki pants ko.
Hahahahahahahaahhahaah!
Gago sige tawa pa.

- 67 -
Hahahahahahahaahhahaah! Grade 5??? Hahahahahahahaha!
What’s wrong?
Buti sana kung kinder or grade 1. Pero Grade 5 ka na nun! Hahahaha! May nakapansin na basa
ang pantalon mo?
Syempre meron. Pero I told them na nabasa lang ng tubig.
Hahahahahahaahahhaha!!!!
Hey my turn. What’s your ideal date?
Talk about ideals. I have a lot.
Like what?
A cold night, a warm night, a beautiful morning, a rainy morning, a sunny afternoon, a stormy
afternoon. Breakfast date. Lunch date. Dinner date. Midnight snack date. No meal date. Bus ride
date. Train ride date. Walkathon date. You name it.
What about the person?
Kung sinong magtyatyaga sa’kin.
Bakit?
Wala. Isang tanong lang hoy. Hehehe. My turn. What’s your biggest dream?
Hmmm. I really don’t know. Now you got me thinking. I don’t plan ahead. I hate plans, schedules,
I even hate appointments.
Kahit ano na gusto mo i-accomplish?
I live by the day kasi eh. My God wala pala akong dream no?
Wala talaga?
Well, aside sa magkaroon ng resthouse by the sea, wala na.
Dream na sa’yo yun?
Napapaisip ako sa tanong mo eh. I guess I need to reevaulate my life.
Anu ka ba. Life is not about dreams anyway. It’s about what you do now.
I know. Kaya magtatanong na ‘ko. What’s your biggest regret?
Naku.
O bakit?
Hindi ako mahilig magsisi. Pero isa lang talaga pinagsisihan ko. Nung umalis ako ng school.
Nanghihinayang ako hanggang ngayon.
You can still go back anytime, right?
Oo. Pero sa dami ng mga nangyari, hindi ko na nakikita yung need para bumalik.
I see.
Pero gusto ko pa rin magpaint.
Then paint. Sabi nga, never let your schooling interfere with your education.
Tama ka, Mark Twain.

Hanggang sa umabot na kami ni Rocky sa last question. My turn to ask.

Ano ‘tong nangyayari ngayon sa’tin?


Love.

- 68 -
Chapter Thirty-five: PLUTO

Those were the best of times.

How could I possibly forget.

“Ayoko nang pumasok.”


“O bakit?”
“Hindi ko naman talaga gusto magtrabaho dun eh.”
“Ano na gagawin mo?”
“Bahala na.”
“Hehehe, sige ikaw bahala.”
“Ganun? Hindi mo man lang ako pipigilan?”
“Sige mag-resign ka nang walang plano kung ano gagawin mo pagka-resign mo. Ubusin mo
savings mo. Malakas lang loob mo kasi mag savings ka. But pag naubos na yan, ano na? Hindi
mo ba naisip yun? Wag kang pabigla-bigla.”
“Seryoso ka?”
“Hindi. Hindi bagay di ba? Hehehe. It doesn’t sound so me.”
“Medyo hindi nga, hehehe.”
“Whatever makes you happy.”
“You make me happy.”
“That should be given. Hehehe.”
“Yabang!!!”

Those were the best of times.

“Bukas last day ko na.”


“Eh impulsive ka din pala eh.”
“Hehe, mana ako sa’yo.”
“Hehe, okay na rin, wala nang abala.”
“Sagabal talaga sa lahat ang trabaho.”
“Haha, maximum of two months ka lang pwede walang work okay?”
“Opo kuya.”
“Uy I mean that.”
“Alam ko. Hehe. Akala mo lang wala akong plano.”

- 69 -
Those were the happiest times...

“Ma, si Andres,” pakilala ko sa kanya kay Mama. Umuwi kami sa bahay isang gabi, para dun na
rin matulog.
“Good evening po!” bati ni Andres.
“Good evening din. Usong uso naman ang pangalan mo. Hehehehe. Feel at home!” sabi ni
Mama na alive na alive as usual.
“Palabiro lang talaga yan,” sabi ko kay Andres.
“So Rocky, anu ba ‘tong Andres na ‘to? Baka papaiyakin ka rin nito ha? Will you, Andres?”
nagulat ako sa sinabi ni Mama.
“Of course not Mama,” pero mas nagulat ako sa sagot ni Andres. “I will never hurt your son.”
Kulang na lang mapa-tumbling si Mama sa hindi niya ini-expect na sagot sa kanya.
“O ano, nagulat ka jan no? Hehe,” sabi ko kay Mama, na may halong kilig. “Pero ang corny niyo
pareho!”
“Anung corny dun, Jerico! Mabuti nga yung alam ko na sa simula pa lang. Sweet naman pala si
Andres eh. How should I call you?”sabi ni Mama, sabay akbay kay Andres.
“Drexx will do po. Oo nga naman no, Mama. Anung corny dun?”
“Magsama kayo! Anung ulam, Ma?”
“Sinigang.”
At hanggang hatinggabing ngalay ang mga panga namin sa kakatawa, kaka-ngiti. Uminom kami
pagka-dinner. Habang tumatagay kami ni Andres, pati na rin yung kapatid kong nakisali, eh si
Mama naman ang bangka sa kwentuhan. At ayaw niya ng beer, nag-wine ang pa-sosyal.
Kinuhanan pa ng kapatid ko ng video yung ilang eksena sa inuman. Ipapakita daw kay Papa.
After two hours ng kadaldalan, pumasok na si Mama sa kwarto at inaantok na daw siya.
“I’m tipsy boys. I’ll leave you two alone. At ikaw Robi, umalis ka na kung aalis ka pa.”
Si Robi yung kapatid ko, gigimik pa, appetizer lang daw yung ininom niya.
Hanggang sa kami na lang ni Andres ang naiwan.

“Ang saya, Rocky.”


“Oo nga. Ganito lang lagi pls...”

At nakailang tagay pa kami bago natapos ang gabi.

I was amazed when I saw Rocky’s room. He is indeed an artist. No part of the walls was plain
white. One wall was painted in red, “madder lake deep” according to him, to be exact daw. On
that wall, may mga square paintings, nine in all, na nakasabit sa kung saan-saang part. Walang
order, pero ang ganda tingnan. And there were three spotlights sa taas. The other wall was off
white with doodles, sketches, and may parts din na may paint ng yellow ochre. Probably his
favorite color, yun din kasi yung ginamit niyang kulay sa wall sa unit niya. “Favorite ko lahat ng
kulay, Andres. Kung may favorite ako, magtatampo yung ibang kulay. Ayoko naman ng ganun.”
So hindi niya pala favorite. Medyo nawala ang tama ko sa ininom namin habang tinitingnan ang
kwarto niya. Para akong nasa gallery. May mga canvas na nakapatong sa sahig, nakasandal sa
pader. Malawak ang kwarto niya. May part na parang studio niya where could find all his art

- 70 -
materials. Sketchpads, easel, yung wooden na human figure, charcoals, pencils, pastels, paints,
paintbrushes. Sa isang corner naman are three toweing piles of books. Puro mga coffee table at
art books. Mga graphic novels. May ilang books din on psychology, sociology, anatomy,
physiology, calculus....teka, naguluhan ako... what was your course again? “Hindi dahil fine arts
ang course ko, yun lang ang aaralin ko. Andaming concept ang nakukuha ko sa mga subjects
other than art. Bukod sa pagmamasid sa natural na mundo, sa mga tao sa kalye, sa news, sa
kahit saan, andaming natutulong ng mga librong hindi mo nga kailangan sa school, pero sa pag-
conceptualize ko, yun nga, ang laking tulong. Basta yun.” Natulala ako ng ilang seconds. Where
have my sensibilities gone. Then I suddenly felt him grabbing my arms and hinila ako papasok ng
washroom. He took off my clothes, sensually, then mabilis, then kissed me sensually, then wildly.
We took a shower together. We felt eachother’s body, we tasted and enjoyed tasting eachother’s
lips, tongue, and the taste of beer that’s left in our mouth. How his kisses and breath and skin
against mine felt so damn good. With alcohol in my system, and seeing his room as though
seeing a big part of him alien to many, it was like making love with a totally different Rocky, but
still him, yet all the more exciting, wild, all the more him.

God, those were the best of times.

Nahiga na kami pagka-shower, pagod, but I feel fresh, Rocky smelled and looked fresh, his skin
felt smooth. My eyes closed by themselves as soon as I felt my back on Rocky’s bed. He turned
the lights off, I felt him turned to me and hugged me so tight, yet gentle. I feel his breath warm
against my bare chest, his chest warm on my arms, his arms warm on my waist, and a couple of
his fingers inside the garter of my boxers. “I love you, Andres.” I love you too Rocky. “Tara na sa
pluto.” Napangiti ako. I opened my eyes... to my surprise and amazement, above us are dozens
of glow-in-the-dark stars and planets placed randomly all over the ceiling.

I hugged him so tight, so intense, so not letting go ... like there’s nothing else I would want to do
in this world... or in Pluto.

Chapter Thirty-six: YELLOW

“May surprise ako sayo.”


“Ano?”
“Bukas mo malalaman.”
“Ano nga?”
“Bukas na. I’ll text you the address, pumunta ka, dun na tayo magkita.”
“I hate excitements!!!!!!!!!!!”

- 71 -
“Eh bat nakangiti ka?”
“Siyempre excited nga. Hehe.”
“Hehe, Andres samahan mo ko sa grocery.”
“Let’s go! I’ve always imagined myself doing groceries with someone special.”
“Oh eto na, mangyayari na. Hehehe.”

“Ang dami namang chips!”


“Pulutan, merienda, lunch minsan, dinner minsan, pang movie marathon din yan.”
“Kukuha akong veggies. Matuto ka ngang mag-salad.”
“Ayan sige, Canadian boy, baka gusto mo na ring kumuha ng one year supply ng maple syrup.”
“Sira. Hehe. Refreshing mag-salad. Dun na rin ako natuto kumain nun eh, hehe.”
“Gusto mo ng pasta?”
“Sure. Will you cook for me?”
“Opkors my Andres!”
“I’ll make you pasta too.”
“Ayos! Contest na lang! Hehehe. And judge sila Chino at Paul!”
“Sure! Naku, you better be prepared. You haven’t tasted my pasta.”
“Yabang. Humanda ka rin.”

“Kuha pala tayong sabon.”


“Kelan ka pala babalik? May exact date na ba?”
“Wala pa. Ayoko pa.”
“Pero wag “ayoko na” ha.”
“Yeah. I can stay outside Canada for a maximum of six months ata. Di ko sure. Well, we still have
a lot of time.”
“We will always have a lot of time. Kahit nakabalik ka na dun.”
“Oo naman. Pero ngayon pa lang I’m missing you so bad already.”
“Kuha ka nga ring shampoo.”
At pagkasabi nun, bigla niya akong hinalikan sa cheeks sa gitna ng soap at shampoo section ng
supermarket.

“Ohh, toothbrush pa pala.”


“Ayan.”
“Yung yellow, Rocky.”
“Bakit yellow?”
“Ewan ko, nakasanayan ko nang yellow. Hehe.”
“Ako naman paiba iba ng kulay ng toothbrush. Hehe. Ayokong magkasunod na toothbrush,
magkakulay.”
“Why?”
“Nakasanayan din. Hehe.”
At pagkasabi niya nun, ako naman ang biglang humalik sa pisngi niya habang nakapila na sa
counter.

- 72 -
---------------------

sa tuwing sinasabi mong mahal pa rin kita


para akong langgam na nakakita ng skittles sa sahig.
magkakandarapa ako papunta sa skittles.
ni hindi ko ipagsasabi sa ibang langgam.
baka kasi maagaw pa.

sa tuwing tinitext mong i still love u


para ako yung basong nahuhulog mula sa mesa
at ikaw ang sumagi sa'kin.
mabaliw-baliw ako
sangkaterbang wapax ang nasigaw ko
bubog bubog. bugbog ang katinuan ko
pero wag, wag kang aalis.
wag mo akong ipapawalis.

sa tuwing sasabihin mong tayo pa rin in the end


para akong nakaapak ng sabon sa banyo habang naliligo
na-out of balance
na-tumba patalikod
tumama ang batok sa bowl
...

at ang camera ay naka focus na lang sa isang bahagi ng sahig kung saan tatalsik ang
madderlake deep kong dugo

unti-unti.... gagalaw ang camera....pataas..

titingin sa bumbilya. papalapit.


iikot at titingin ulit sa baba.
at makikita akong nakahandusay.
at nililibot ng dugo ko ang bawat eskinitang ginawa ng mga tiles.

iisipin mong O.A. ang eksena.


pero pinilit kong mamatay.
para mareincarnate ako bilang kulay yellow.
dahil alam kong may kulay yellow na toothbrush. at yun ang lagi mong binibili.

Chapter Thirty-seven: PAINTED ANDRES

What is a beginning? But a beginning for a short or long wait to an end. We are blinded by words
like love, forever, need, want, longing, hope, pressure, commitment, focus, pleasure, counterpart,

- 73 -
opposite, synthesis, ideal, extraordinary, moment, life, passion, sunrise, responsibilities, hate,
pain, distinction, memory, youth, future, favorite, heart, dream, together, love, forever, love, need,
forever...

What is a beginning but a break away from a monotonous and lifeless gray. A neutral tabula rasa
that denies everything, a consistent gravity we are used to.

What is a beginning but an advanced end.

Established in our minds are faces of time, space, lives, warp zones of a million existence. What
do we have to do with an ordinary park, a passing park. What do we have to do with a lifeless
cigarette. What do we have to do with paintings and words.

When do we begin, when did we begin, when. We are all losers in a game we ourselves created,
voluntarily, to showcase our stupidity, because we out of nowhere suddenly decided to get out of
what we consider our comfort zones, to taste some foreign air we associated with excitement,
thrill, spur of the moment.

Not to mention our loyalty to labels.


Life #0.
Meeting #1.
Smile #1.
Date #2.
Fight #3.
Movie #5.
V-neck #8.
Sex #13.
Sundo #21.
Kiss #34.
Call #55.
Text #89.

And the fibonacci goes on and on and on and on and on and on.

-------------------------

“Handa ka na sa surprise?”
“Of course? Are you there already?”
“Papunta na ‘ko. Don’t be late.”
“I won’t.”

Excited akong naglakad ng mabilis papunta sa address na binigay ni Rocky. Clueless. Pero
andaming naglalaro sa isip ko. It must be a very special dinner. Well, I’m just guessing. Anu
kaya? What else could Rocky come up with. Oh well, knowing Rocky, I wouldn’t really have a
clue. What could he not do. Formal attire pala ha. So I got a black suit. So I got my hair cut and
styled. This is more than just a dinner, I supposed. Then what is this???? Is it just him and me?
Who else will be there. This isn’t an engagement for crying out loud. Darn ano ba ‘to Rocky?!!

Then pagdating ko sa address na binigay niya, wait, may ibang tao. It sure is a suit night. And
gowns too. How special this night must really be. But is this night just for me? For us? Parang
hindi. Nabawasan ang excitement ko. Why this place? It is not dinner after all. It could still be as

- 74 -
there is a restaurant. For a couple of seconds, napagod akong ma-excite, at inentertain ko ang
disappointment. Pinahirapan pa ako sa address, aattend lang pala yata kami sa isang exhibit dito
sa Ayala Museum. Pumasok na ako sa main exhibit hall.

Nang biglang namatay ang lahat ng ilaw.

After ilang seconds, a record of Riveder le Stelle started playing. At the very first line, I knew right
away, this night is still for us.

Then biglang may bumukas na spotlight sa right side ng hall. There I saw a big square painting.
Biglang may bumukas na isa pang spotlight sa left, exposing another square painting. At sunod
sunod nang bumukas ang walo pang spotlight showcasing eight more large scale paintings... All
paintings are distorions – Rocky’s style as I had seen in his sketchpads and old works. Distorions
of faces. Almost abstract with minimal and surreal influences. Nang matapos na ang kanta,
bumukas na ang lahat ng ilaw at nakita ko na may mga installation art works din pero parang
hindi gawa ni Rocky. While looking around trying to find Rocky and at the same time looking at
the paintings...

“Everyone, welcome to the very first and long overdue, long awaited two-man show of Rocky and
Chino.”

Nakita ko si Rocky at si Chino sa harapan, nakangiti at kitang kita kung gano kasaya sa exhibit
nila. Sabi ni Rocky, they’ve always been wanted this. I forgot about the dinner for two in my mind,
I forgot all the expectations and guesses I had, all I have in my mind at that moment was pure
happiness for him. I’m so proud of him. I was in total shock too, he never mentioned this to me.

“Gulat ka no?” sabi niya paglapit sa’kin, still smiling, all the more good-looking in his black suit.
Inabutan niya ako ng wine.
“Super surprised. But I’m so happy for you!”
“Thanks, Andres ko.”
“Why didn’t you tell me? Para may element ng surprise? Hehe.”
“Hehe syempre. Baka jinx ka eh.”
“Ah ganon!”
“Hehe, at isa pa, ikaw ang reason nito.”

Kung wala siya, hindi ko ‘to masisimulan. Siguro oo, masisimulan ko sa ibang pagkakataon, baka
ibang taon, at baka ibang tao ang maging dahilan. Pero eto na eh. Eto na siya. Siya yung taong
yun. Eto na yung pagkakataon. Eto na lahat. Tamang-tama na lahat. At oo, wala ‘tong exhibit na
‘to kung wala siya. Siya ang reason kung bakit ako nangulit bigla kay Chino na ituloy ang plano
naming mag-exhibit. Lahat ng kakilala at pwede maging kuneksyon kinontak namin para maayos
na lugar ang makuha. Salamat at kilala na ng iba naming classmate yung kapatid na artist ng
curator. Kaya walang sawa at walang hiyang pagpupumilit, habang palihim akong nagpupunta sa
studio ni Chino para dun magpinta. Maayos ang naging plano, ang mga preparation, kahit medyo
mabigat sa bulsa ang lahat ng nagastos, pero anu naman. Eto na eh. Eto na.

- 75 -
“Who’s Andres?” tanong ng isang coñong babae na classmate daw nila Rocky nung college.
Medyo avant-garde ang porma nung girl, Bam daw ang name.
“Him,” sagot ni Rocky, sabay turo sa’kin. Napaisip ako why did she ask that.
“O-M-G. O-M-F-G. Rocky, I wanna go right now inside my tiny bubble and be inggit,” sagot ni
Bam, sabay inom ng wine. “Hi Andres,” she continued, now looking at me, offering her hand.
“Hi! Nice to meet you. How’d you know my name?”
Natawa siya. My face turned clueless. Then she continued, “Your name is so all over this place.”
That got me more confused. Habang napapa-isip, Bam asked me to go with her, to look at the
paintings. Naiwan si Rocky na nilapitan ng iba pang hindi ko na kilala.

She described the paintings one by one. I was so amazed with how she interpreted each, and
always disclaiming that it’s just her own interpretation. She mentioned how Rocky used to take
his art so seriously back in college, how deep his concepts were. And with what I was seeing,
what Bam said must be true.

She pointed her three favorites. The first one shows a distorted face - which can be seen in all the
paintings, only in different forms - with a boat-shaped large scale banana, with large scale
strawberry syrup drips and never-melting ice cream. There is a cherry on top, where it says: there
is no cherry.

Her second favorite is a painting of a thousand of miniature windows in front of the face, and in
each window is an open umbrella. In the middle it says in big letters: huhu

Then we came to her third favorite. With a very small image of a face in the lower right hand side,
what is eye-catching are the big stars coming out of the miniature head. And in every star, to my
“kilig,” is the word “Andres.”

“Kinilig ka na jan, Andres,” biglang sabi ni Bam na naka-smile din.


“Nakakakilig naman talaga. So this is why you asked who “Andres” is.”
“Not just this painting, duh. Abre los ojos, Andres. Open your eyes.”
“Huh?”
“All the paintings, ikaw ang title. Kaasar ka.”
And inisa-isa ko ulit ang paintings habang sumusunod si Bam na parang mas excited pa sa’kin.

Andres in the park. Andres in the clouds. Andres not smiling. Andres in pluto. Andres told me
happy things. Andres on rocky road. Si Andres at ang napalayang guni-guni sa pangatlong
pahina ng drawing book ni Jake. Andres and the flying yellow sipilyo. Andres versus banana. I
hide with Andres in our cigarette smoke.

“Rocky, this is just so much. You deserve this so much, but it is so much for me. I’m so happy for
you.”
“Thanks Andres. Ano pang kulang. Wala na.”
“This is your night Rocky. Have a blast!”
“Our night.”

- 76 -
- 77 -
Chapter Thirty-eight: DEPOSIT

The morning after Rocky’s successful opening, we woke up on the same side of the bed.

“Good morning, I love you!”


“Anung twenty dollars ha?”
“Ha?”
“Umayos ka ng sagot!”
“What do you mean?”
“Twenty dollars ako?”
“Ay hehehe!”
“Natawa ka pa ha!”
“Who told you?”
“Edi si Paul, kinwento niya kagabi. Explain explain.”
“Hehehe, hindi ka twenty dollars.”
“Mabuti. Bibigyan mo ko ng twenty dollars dapat.”
“Wala na, tapos na yung laro. Hehehe.”
“Ah ganun ha!”
“Hehehe!”
“Nakakaisip pa kayo ng ganung laro.”
“Trip lang.”
“Magawa nga yan minsan.”
“Sige subukan mo lang!”
“Teka!”
“Why?”
“Magaling na lalake!”
“Why nga?”
“Kung forty-four pesos ang palit, eight hundred eighty pesos lang ako? Sapakin kaya kita!”
“Hehehe, wag mo na lang i-convert.”
“Kahit na, ang liit pa rin!”
“Hehehe, eh kasi twenty dollars lang lagi laman ng wallet namin eh.”
“Eh bakit?”
“Eh uso dun, credit card or debit card. Pang emergency lang yung cash.”
“Nya nya nya. Kahit na.”
“You’re more than twenty dollars worth.”
“Alam ko!”
“Plus you’re so conceited. Hahaha!”
“Hehehe, sa’yo lang naman. Ikaw, din naman, hindi ka twenty dollars.”
“I know!”
“One hundred dollars!”

- 78 -
“AH GANON! GAGO!”
“Hahahaha!”
“Ang ganda ng araw, let’s go out Rocky.”
“Sure sure! Shower muna tayo... hehe.”

Gabi na nang makauwi kami. Literal na inikot namin ang Metro Manila. Nag LRT, MRT at yung
isa pang LRT. Nagpaikot-ikot. Nagpadala sa hangin. Against the city. We wandered. It felt good.
Tiring, yet it felt good. Sumakay ng unang dadaang bus. Sumakay ng unang dadaang FX.
Kumain sa unang makikitang kainan. Pumasok ng Mall of Asia, inisa-isa lahat ng shops, at nag-
dare na sa bawat shop, magtatanong ang isa alternately kung ano ang pinakamahal nilang tinda.
Tumulala sa sunset sa breakwater. Habang kumakain ng mais. Nagkainisan pa kung sino ang
bibili ng inumin, medyo malayo kasi. Pero magkasandal nang magsign-off ang araw.
Nagnanakaw pa ng halik sa isa’t isa. Gabi na nang makauwi kami.

Alas dos ata nang magising ako. Nakatulog pala kami agad pagkauwi. Tumingin ako sa kanya.
Malalim ang tulog. Hinalikan ko siya sa lips. Then bumangon ako. Naghanap ng sigarilyo.
Nagsindi. Lumabas ng veranda. Tiningnan ko ulit siya. Tinitigan. Inaninag sa half-light ang
paghinga niya. Inisip kong nakahiga ako sa dibdib niya. Dinuduyan ng bawat inhale at exhale
niya. Dinuduyan ng heartbeat niya. Bakit ko pa nga ba kailangan mag-imagine. Pinatong ko sa
ashtray ang yosi at pumasok ulit. Naupo ako sa kama at inihiga ang ulo ko sa chest niya.
Damang-dama ko ang tshirt niya. Damang-dama ko ang balat niyang nasaloob ng t-shirt.
Damang-dama ko bawat paghinga, pagtibok. Pumikit ako at nagpakalunod sa moment na yun.
Habang inaaliw ako sa pagkakapikit ng mga microscopic na neon lights na nag-eexist lang sa
dilim. Pag nakapikit. Pag walang makita. Bigla kong naramdamang umangat ako, sa kama, sa
sahig, sa kanya. Nakita ko siyang nakahiga pa rin, tulog, pero ako umaangat na sa ere ng kwarto.
Sinubukan kong abutin siya pero hindi ko magalaw ang mga kamay ko. Hindi ko rin
maramdaman na may kamay ako o paa o katawan. Ang alam ko lang may mga mata ako nun
para makita siyang palayo nang palayo. Tumagos ako sa kasunod floor, at sa kasunod, at sa
kasunod pa. Hanggang natakpan na siya ng ibang natutulog din ng gabing yun. Hanggang
patuloy na lumiliit ang building, ang rooftop ng building, siya, at ang ilang mga bagay at taong
hindi ko kilala, hanggang sa ilaw na lang ng mga kalsada ang palatandaan ko ng kalsada, ng
lupa, ng sea level, hanggang naging little stars na lang ang mga ilaw na yun, hindi ko na alam
kung nasaan na ang posteng tinandaan kong nasa baba lang ng condo, hanggang sa lumamig
ang paligid, hanggang sa naramdaman kong bumaliktad ang lahat at nakatingala na ako sa
langit. Langit na kanina ay nasa ilalim ko. Langit na kanina lang ay siya, ang mga ilaw, ang mga
kalsada. Pinilit kong tumalon pero hindi ko magawang umangat. At bigla na lang akong...

Kung anu man ang meron sa gabi, hindi ko alam. Bakit sa gabi nangyayari ang maraming hindi
makakalimutan, at hindi gugustuhing makalimutan. Ang mga kino-consider nating special. Special
night. Special dinner. Lunch daw is for people who don’t stay together. Then I would want to have
dinner with you forever. Kung anu man ang meron sa gabi, hindi ko alam. Tulad ng breakwater,
bodega ‘to ng mga nais, ninais. Nag-oopen tayo ng account sa mga walang saysay para sa iba,
at dun dinideposit ang lahat ng may saysay satin. Tulad ng breakwater, ng gabi, ng usok ng
sigarilyo, ng serbesa, ng veranda. Pinagkakasya ang paniniwalang/pinaniniwalaang forever.

While sleeping, I heard something in the air, softly saying, those were the best of times.

- 79 -
Chapter Thirty-nine: FOREVER

I touched your symphysis menti


then up to your philtrum, my flexor pollicis longis and brevis,
abductor pollicis and brevis passionately traversed
I pressed gently on your orbicularis oris
your zygomaticus major slightly moved
together with your orbicularis oculi
our buccinators met
until I found a way to unite your procerus
and mine
(your levator palpebrae superioris remained dead
which I equated with sincerity)
my genioglossus, styloglossus and hyoglossus
were all at work
my infrahyoid and suprahyoid were ever supportive
with my palpebral relaxed
(my levator palpebrae superioris also remained dead
which I equated with submission)
what this magnificence I found
in the immense darkness of our temporary universe
an extravagant dance of gallaxies
as some romantic, undeniably ecstatic force
pushed our epicranius, frontalis,
occipitus and auricularis
so that we may become one
beyond the concreteness of anatomy.

Tumingala ako ulit, andun pa din ang mga stars na alam kong yung mga lampposts at buildings
at iba pang city night lights. Sinubukan ko ulit tumalon pero para lang akong hangin at walang
makita o makapa o maramdaman na katawan ko. Hangin na hindi makagalaw para bumalik sa
loob ng kwarto. Kwarto na baka ilang light years ang layo. Maya-maya bigla na naman akong
nakaramdam ng lamig, na parang umiikot sa katawan kong hindi ko makita. Nasaan ako?

I touched your....
Our buccinators....
Beyond the concreteness....

Hanggang sa napansin kong unti-unting gumagalaw yung paligid. At pag tingala ko, nakita ko ang
mga ilaw na mabilis na gumagalaw papunta sa’kin. Nakatodong shower ng shooting stars na
nag-uunahan marating ako...

Superioris....

- 80 -
Suprahyoid....
Occipitus....

Kung anu-ano ang naririnig ko, mga salitang pamilyar, mga linyang pamilyar, pero chaotic sa
tenga at sa mga sumusugod na liwanag na parang manunusok, na parang magkakawasak-
wasak ako pag tumama na sakin. Pero ayan na sila, ambilis, palapit ng palapit, nakakasilaw...

So that we may become one...


Beyond the concreteness of anatomy....

Waaaaaaaaaaaaaaah! Kinain ako ng liwanag at ng boses na kung anu-ano ang sinasabi.

“Hoy! Nananaginip ka ata. Ang ganda naman nito. Sinulat mo ‘to? Para kaninong ex mo ‘to ha?
Beyond the concreteness of anatomy pa kayo ah. Ano? Ha? Para kanino ‘to?”

Ha? Napadilat ako at naaninag sa liwanag ng sikat na sikat na araw ang mukha ni Andres, ang
balikat at chest niyang ang gandang tingnan lalo na pag nakasando. Teka, anong nangyari sakin.
Panaginip lang pala. Nagising ako at binabasa ni Andres ang isang lumang sinulat ko para sa
walang particular na tao.

“Anung walang particular na tao?


“Wala nga, ‘to naman ang aga-aga,” nawala bigla sa isip ko yung panaginip ba yun. Nakahiga
ako at nakapatong sa’kin si Andres at hawak-hawak yung isa kong lumang notebook. Sana
ganun palagi ang gising ko. Unang dilat, siya na agad ang makikita.
“Breakfast is ready. Siguraduhin mong hindi para kanino ‘to ah.”
“Wala nga. Kulit.”
“Para sa’kin na lang. Hehe.”
“Asus, kaya naman pala. Hehehe. Yakaaaaaaaaaaaaaaap! Sige para sa’yo na yan.”
“Thanks!”
“Tuwang-tuwa ka naman!” ang ganda ng ngiti talaga ni Andres. Bakit ang sarap tingnan. Bakit
parang inosente at walang alam na panget sa mundo. Bakit parang ayoko nang makita siyang
hindi naka ngiti.

Nag-breakfast kami. Nagluto siya ng bacon, omelet, fried rice at longganisa. Orange juice at
kape. May apples pa.

“Ginanahan ka ata magluto?”


“Ang haba ng tulog ko eh. Ang aga pala natin nakatulog kagabi? Hehe!”
“Oo nga eh. Dahil sa pagod.”
“It was worth the pagod naman. I had a great time.”
“Dapat lang ‘no,” pagkasabi ko nun bigla niya hinalikan at kinagat ang lower lip ko. Ang diin. Ang
sakit!
“Araaaaaaaaaaaaaaaay! Anu ba?”
“What did you mean by dapat lang????!!!!!! Dapat nag-enjoy ka din!”
“Hehehe nag-enjoy naman talaga ako. Ang sakit! Babawi ako sa’yo.”
“Hehehe! Don’t even try.”
“Nya nya nya. I have good news.”
“What?”
“...”

- 81 -
“Whaat?”
“...”
“WHAAAAAAAAAAAAT???!!!”
“Hahaha! My job interview ako mamaya. Sa creative firm kung saan nagwowork si Bam.”
“Wow! I’m so happy for you!”
“Easy, hindi pa ako tanggap. Hehe!”
“Hehe, I’m still happy, and I’m proud! I’s sure you’ll get the job.”
“Buti nga nag-resign yung isa nilang graphic artist. Kaya ayun, I’m pretty confident na ako na
papalit dun.”
“You should be! That’s right Rocky, be positive.”
“Kahit hindi magpaka-positive, hehe. Si Bam ang art director. She’s got the final say.”
“Wahaha! Super cool then. Now, I’m extra happy and less proud of you! Hahaha!”
“Gagu! Hehe. Then mag-dinner daw tayo.”
“With Bam?”
“Yep! Pati si Chino and invite mo na rin si Paul.”
“Sure. Balik na palang Canada si Paul sa Saturday.”
“Ambilis naman!”
“Oo nga eh. Wala na raw akong time sa kanya eh. Hehe.”
“Hehehe, so tamang-tama, gimik tayong lahat tonight.”

We had dinner at Bubba Gump and celebrated Rocky’s new job and first ever artist job. Sobrang
saya ko. He was able to finally bring back his old self, the artist in him who had been lost for
years.

Puro tawanan, kwentuhan ng funny moments, getting to know questions between Chino and me,
Chino and Paul, Paul and Bam, Bam and me. Everyone got along well, nagkasundo ang Bam at
Paul sa mga high-end talks. Si Paul and Chino naman, unexpectedly may common friend. Ako
and Chino had a talk about Rocky, he told me not to ever ever hurt him. Rocky and Paul, do they
need getting to know questions, well surprisingly, they did. It turned out funny how Bam reacted
upon knowing about Paul and Rocky. She hugged me and felt super sad for me. “Kaasar ka
naman Paul, umeksena ka pa! I hate you! Hmp!” And we all got tired of laughing.

But the night was still young after we finished dinner. Naglakad-lakad muna kami. Nang biglang
naupo si Rocky sa isang bench. Nagsindi ng yosi. Then it hit me. Tumabi ako sa kanya at
umakbay. Hindi alam nung tatlo what was happening. Binulungan ko si Rocky.

“Before anything else, can I have your name?”


“Stranger, I’m Rocky,” then he kissed my cheek.

Nakaupo lang kami dun for almost an hour. Nagcoffee yung tatlo sa katapat lang na coffee shop.
They were just a few meters away.

But Rocky is not even a meter away now. Not even an inch away from the side oh my arms and
my legs. Pinagsindi niya ako ng yosi. Then nagtanong.

“Ano para sa’yo ang mundo?”


“The world is my playground.”
“Ikaw?”
“The world is my studio.”

Kinuha niya ang bagong biling yosi at binuksan. Naglagay ng wish stick.

“Ano yan?”
“Wish stick. Di mo alam?”

- 82 -
Umakbay ulit ako sa kanya. Nakatingin lang. Nakasmile ang mga mata namin pareho.

“Nakatitig ka jan?” sabi niya. “Ambilis mo naman ma-inlove.”


“Gago, haha!
“Almost two years na, Andres, advanced lang tayo ng ilang months. Pero pwede na rin. Hehe,”
sabi niya. Hinigpitan ko ang akbay ko sa kanya.
“I can’t wait for two years eh. Even if months na lang before maging two years. Wag mo na ko
paghintayin hehe. Hindi ka na naman malungkot. At wala ka naman talagang dapat ayusin sa
sarili mo. The Rocky I met here on this same bench more than a year ago is the same person I
am loving now.”
“Buti andito ako nung gabing yun. Pero mas buti na andito ka din nun.”
“Was it pure chance, or was it meant to happen, Rocky?”
“Hindi ko alam. Siguro, nagdecide ang time and space. Siguro, walang may kagagawan sa
nangyari. Ewan ko. Basta masaya ako Andres.”
“I am too. Whatever that was, it was the beginning of forever for us.”
“Tama ka. Walang iwanan ha. Forever tayo ha.”
“Of course.”

Chapter Forty: SEND IN THE CLOWNS

What’s next? Natanong isang beses kung ano ang beginning. Advanced end. Once na nagsimula
ang isang bagay, may kasunod nang ending. Once na piniling simulan ang isang bagay, may
short term at long term goals na namamahay sa subconscious or conscious. Once na piniling
simulan ang isang bagay, may ultimate end. Dumating ang araw na ayaw nila dumating. Ayaw ba
talaga nila? Siguro. Siguro gusto. Siguro napredict na nila. Na pwede mangyari yun. Na possible.
Na hindi maiiwasan. Na kasama na yun. Na given. Na pwede i-take advantage. Dahil may mga
salitang tinatawag na forgiveness, understanding, forgetting, second chance. Siguro ayaw talaga
nila. Dahil may mga salitang tinatawag na trust, loyalty, faithfulness, honesty. Pero since nangyari
na, kailangan pa bang himayin ang simula, ang desisyon, ang proseso, ang submission, ang
pagwalang bahala, ang pag bahala na, ang sige na nga, ang ngayon lang naman, ang hindi kasi
napigilan, ang natukso, ang hindi naman malalaman, ang itatago na lang, ang hindi na lang
kunwari nangyari. Siguro may mga bagay talagang hindi ginusto na ginugusto minsan. May mga
bagay na hindi dapat na pwede minsan. Mga bagay na ayaw pero sige na nga, ngayon lang
naman. Kung anuman ang totoong dahilan, again, dapat pa bang himayin? Para saan pa ang
pag-ungkat ng isang bagay na hindi maganda. Hindi ba maganda? Bawal ba talaga? Masakit
daw kasi. Kaya hindi dapat gawin. Bakit nga ba masakit? Bakit nga ba hindi pwede. Bakit may
mga naimbentong salita tulad ng pandaraya, panggagago, panloloko. Bakit may mga
naimbentong salita para sa actions na hindi daw tama. Bakit may mga hindi dapat gawin pag
nagmamahal. At bakit masakit pag nagawa ang mga bagay na yun. Saan nagmula ang sakit.
Paano naimbento ang sakit. Paano naisipang dapat masakit ang maramdaman pag nangyari
yun. Paano naisipang pangalanan ang mga actions na hindi daw dapat. Paano naisipang
pangalanan ang mga reactions na dapat lang daw. Paano mavavalidate ang isang emosyon.

- 83 -
Paano tumatalab ang isang emosyon. Ano ang proof na masakit ang isang action, at ang proof
na hindi dapat ginawa ang action na yun. Ano ang origin ng mga emosyon. Ng lahat ng emosyon.
Kelan unang nakadama ang tao. Kelan unang nakaramdam ang puso. Kelan unang na-kunekta
ang emosyon sa puso. Kelan unang nasabing utak ang may emosyon. Paano mavavalidate ang
isang emosyon. Kelan masasabing dapat lang maramdaman ang isang bagay. Paano
mapapatunayan na hindi mali ang isang aksyon kahit na hindi maganda ang reaksyon. Bakit
posibleng gawin ang isang bagay na hindi daw tama. Bakit ability ng isang aksyon ang
makapagproduce ng panget na reaksyon. Bakit nagiging panget ang isang reaksyon. Bakit
kailangang ibatay pa sa konsensya ang lahat ng pwedeng gawin. Paano naimbento ang
konsensya. Paano mavavalidate ang konsensya. Paano ba nangyari? Hindi ginusto ni Rocky na
may ibang maka-sex. Hindi ginusto ni Drexx na may ibang maka-sex. Natukso si Rocky. Gumanti
si Drexx. Hindi gusto ni Rocky na masaktan si Drexx. Hindi gusto ni Drexx na makaramdam ng
sakit. Hindi gusto ni Rocky na malaman ni Drexx. Hindi gusto ni Drexx na gumanti kay Rocky.
Ano ba ang pain. Paano naging mali ang isang accepted nang mali. Paano naisip na mali yun.
Bakit hindi magandang malaman na ang isang taong mahal natin, may ibang naka-sex. Bakit ang
sagot eh syempre masakit. Bakit masakit. Bakit hindi magandang malaman na ginusto nating
gumanti sa parehong paraan. Paano naging mali yun. Bakit mali. Wala pang dalawang oras,
tapos nang makipag-sex si Rocky. Pero halos mabaliw si Drexx. Walang pang dalawang oras,
tapos nang makipag-sex si Drexx. Pero halos lahat ng gamit nabato na ni Rocky. Bakit parang
bumaba ang lahat ng nimbus clouds at tumambay sa ulo nila Rocky at Drexx, hindi makapag-isip
ng tama, kung para saan ang nararamdaman nilang dalawa. Nanloko, nanggago,
nagsinungaling, hindi loyal, hindi faithful, kinalimutan si Drexx ng ilang oras, nabale-wala si Drexx
ng ilang oras, nabaliw si Rocky sa ilang sandali ng libog, ng sarap, sa pakiramdam ng katawan
ng isang tao sa katawan niya, parehong hubad sa sinag ng araw ng tanghaling tapat, sa isang
kwartong hindi pa niya napuntahan kahit kelan, at hindi bahagi ng mundo niya mula ng maging
sila ni Drexx, hindi daw dapat naging bahagi kahit kelan. Nasaktan, nadaya, ginago, niloko,
pinagsinungalingan, nabale-wala, nagdilim ang paningin ni Drexx, sa unang pagkakataon
nakadama siya ng isang sakit na hindi niya alam kung paano i-handle, hinimay ang bawat
segundong posibleng part ng eksena kung paano nangyari, niramdam ang bawat saksak ng pain,
winelcome ang lahat ng alak na pwedeng inumin, lunod sa kalasingan, sakit, at mga tanong kung
paano nangyari, ginusto niyang gawin din ang ginawa ni Rocky, pinagbigyan ang isang lalakeng
kanina pa tingin ng tingin sa kanya sa kabilang table, sa kasagsagan ng tugtog, ilaw, dilim, ilaw,
dilim, amoy ng alak at usok ng sigarilyo, nagkasundong mag-sex ang dalawa sa pamamagitan ng
mga salitang tara, labas tayo, wag ka na muna umuwi, samin ka na umuwi, sa inyo na lang, sige
tara. Tulad ni Rocky, hindi lalabasan si Drexx kung wala siyang naramdamang sarap sa
eksenang dalawang hubad na katawang ngayon lang nagkadikit, nagkapatong, nagkadikitan ng
pawis. Tulad ni Rocky, kasabay ng orgasm nila ang paglabas ng mga salitang panloloko, pain,
problem, paalam.

- 84 -
Chapter Forty-one: THERE OUGHT TO BE
CLOWNS

I. Panloloko

Hey someone texted you.


Pakibasa na lang.
...
Sino daw?
...
Sinong nag-text?
...
Huy Andres! Sino yan?
Oh, I remember I need to meet some college friends. Alis na muna ako Rocky.
Ha bakit biglaan?
Biglaan eh. Buti naalala ko. I forgot to tell you.
Teka lang huy.
See you later.
Huy ano ba? Ba’t bigla kang nagmamadali?
Wag ka nga humarang.
Eh ba’t nagmamadali ka?
Puro sabon ka pa. Magbanlaw ka muna. See you later. Or tomorrow.
Ha?
Let me out, please.
Hoy ano bang problema? Tayo ang may lakad tapos biglang magkikita kayo ng mga barkada
mo?
So?
Anong so? Eh hindi mo naman sinabing magkikita kayo.
I need to go.
Ano ba?
I need to go. Please. Get out of my way.
Ano bang problema? Ba’t bigla kang nagmadali umalis?
I NEED TO GO!
Ano bang problema mo? Ba’t bigla kang nagkaganyan?!
Sige, magbanlaw ka na. I’m just kidding. Hehe.
Ha? Ano?!
Just kidding. Tuloy mo na shower mo. I’ll wait for you. Bilisan mo.
Okay. Weird!

Pagkapasok na pagkapasok niya ng washroom, binasa ko ulit yung text. I never imagined how a
sudden burst of emotion can possess one’s sanity just like that. I was trying my best to stay calm.
But I knew minutes later I wouldn’t be able to control what needed to be controlled, or to deny
what was obviously a fact. Pinatong ko sa kama yung celfone ni Rocky, then I headed out the
door.

- 85 -
II. Pain

I never thought it is possible to feel this emotion. I never thought it could just happen to anyone,
without justice, without premonition, without permission, without mercy. “Hey Jake, nag-enjoy ako
yesterday. Sarap mo. Kelan ulit? Hahaha!” He told me he was with Chino and other friends the
whole day yesterday. He told me he was too drunk already by afternoon to go home so he would
just stay at Chino’s. Dumating daw siya sa condo ng madaling-araw. Kumatok sa unit ko, may
dalang breakfast. Super sweet. With all the hugs and kisses. What a beautiful start of day.
Sinubuan pa niya ako while eating. Subuan ko rin daw siya. Why not. I find it sweet. Lipat na raw
ako sa unit niya since wala na naman si Paul. Habang nakayakap sa’kin, nilalambing ako for the
rest of the morning. Hinila niya ako sa unit niya. Samahan ko raw siya matulog dahil inaantok pa
siya. Nakatulog kami. Magkayakap. Bandang hapon nagising siya. Labas daw kami. Treat niya
raw ako ng movie and dinner. Sure sure. Excited siyang bumangon at kinulit pa ako, pumatong,
nangiliti, nanghalik kung saan-saan, nanggigigil daw siya sakin. Ang saya-saya. Mag-shower daw
kami nang sabay. Sabi ko mauna na siya. I’ll just get my stuff sa room ko. Before I went out,
tumunog ang celfone niya.

Possible pala yun.

I was at lost. I didn’t know where to go. Lumabas lang ako ng unit, ng condo, ng Ortigas. It was
my first time to get introduced to that feeling, so strong I couldn’t think straight. Sunod-sunod
akong nagyosi habang pinapanood ang sunset, hinihingal na at nahihilo at nasusuka. Until isang
yosi na lang ang natira after kong pagsunud-sunurin ang kalahating kahang meron ako. Kinuha
ko ang huling stick at binali, at binato sa breakwater.

I found myself na pinagtitinginan ng mga tao after kong sumigaw nang hindi ko namamalayan.

Gusto kong malasing.

III. Problema

I couldn’t help imagining what happened. What really happened. What led things to happen. Why
did he let it happen.

Ako ata ang nagbukas ng bar. After an hour or so, unti-unti nang dumating ang mga tao. I was
beginning to get drunk. I was really planning to get drunk. Wow. A plan. I rarely make plans. But
tonight my plan is to get drunk.

Rocky, who did the first move? Rocky, who introduced himself to whom? Rocky, did you initiate
it? Rocky, did you enjoy it? Rocky, did you think of me while it was happening? Rocky, where did
you do it? Rocky, why did you do it? Rocky, what made you decide? Rocky, did you kiss him?
Rocky, did your lips touch his body? Rocky, did you get hard? Rocky, did you come? Rocky, what
did you feel when your naked bodies were against eachother? Rocky, how did he touch you?
Rocky, how did you manage to come? Rocky, did you make him come too? Rocky, did it really
happen? Rocky, were you even guilty?

I was breathing heavily. I had no idea how many bottles I've consumed. At some points, my sight
was getting blurry. A guy who had been looking at me for almost an hour approached me. Making
non-sense small talks. He was tall. He was hot. He wasn’t Rocky. So I decided to have sex with
him.

- 86 -
IV. Paalam

Hindi ko alam kung saan hahanapin si Andres. Naka-off ang celfone niya. Sabi niya joke lang.
Pero umalis pa rin siya. Tiningnan ko yung text na pinabasa ko sa kanya.

Alam ko na kung bakit.

----

Van Gogh. Grumbacher.


Winsor & Newton. Steadtler.
Linseed oil. Fixatives.
3x3 ft. Canson.
Stradmore. Rembrandt.
White Sanguine
Light Sepia Dark Sepia
Charcoal Graphite B
Graphite 2B Graphite 4B
Graphite 6B. The Persistence of Memory.

This Is Not A Pipe. Superman.


The Great War. Composition with Blue
Red yellow and Black. All violence is the illustration
of a pathetoc stereotype. Kruger.
Advance Illustration. Design.
Layout. Aesthetics.
Color Theory. Mechanical Drawing.

Four cheeses. Broccoli.


Fusilli. Castilleja miniata.
Wong Kar Wai. In the mood mood mood for love.
Brazil vs. Germany Tribute Dinner Basket.
Grillled vegetables and pesto in white omelet.

We beheld once again the stars.


Andres. Andres. Andres. Andres. Andres. Andres. ANDRES!

Walang gumagana sa utak ko. Wala pa ring processing. Pagewang-gewang pa ang lahat.
Malabo. Ewan. Matatapos na naman ang isang araw na nagiging maikli o mahaba o magaan o
mabigat dahil sa pressure ng mundo over utak. Utak over puso. Puso over mga nilista kong my
favorite things sa utak ko. When I’m feeling sad. I simply remember my favorite things. But then I
still feel so sad. Matatapos na naman ang isang araw na isa lang ang nagawa ko. Tumulala.

----

- 87 -
After four days, nakatanggap ako ng text ni Andres. Goodbye daw.

Chapter Forty-two: ORDINARY

Hagkan ang mga huling sandaling naka-smile pa ang hangin.

Mapili talaga sa hahalikan ang araw. Kabisado na ng mga labi nito ang mga labi ng ulap. May
guerrang kung ano sa ere at mabagal ang daloy ng traffic sa España. Pula at dilaw na ilaw,
napaagang nagpakita sa harap at likod ng mga sasakyan. Mas nakakapagpabaliw pala ang alas
singko, at ang lampungan nila ng taglibog na araw. Iisipin mong kabaret ang setting.

At ang mga bubong na yero, at tagpi-tagpi, na pina-stable ng mga lumang gulong, ang siyang
tagakubli, sa mga pulubi, sa mga langgam, na walang pakialam. Sumisingaw ang lupa dahil sa
umuulang pawis at laway at tamod. Ng mga juan tamad ng siyudad. At mga tanod ng barangay.
Iisipin mong

Naka bulb setting ang mga mata ng aleng nagbebenta ng yosi, ng lugaw, ng balut, ng mga damit
sa ukay-ukay, ng laman

Ng baboy.

Mamamasahe pauwi ang dating estudyanteng may dalang 15x20 inches na master board, at
mapapadaan sa lubak na dulot ng riles ng tren sa Blumentritt kung saan muntik na rin siyang ma-
snatch-an habang naglalakad siya at nakikipag-threesome sa ulap at papauwing araw ng
kanyang sepuluturerong haraya.

Iisipin mong

Sa gitna ng usok ng yosi at isaw at tambutso, sa existence ng kumukulong tiyan, sa


pagmamadali ng mga daliring mag-type, sa blog na matagal nang hindi nabisita, sa napapagod
ding fan, sa isang sulok ng isang kwarto ng isang floor ng isang condo, there is forgetting. Nag-
aalinlangan ang sepulturerong maglibing ngayon ng emosyon, na nakagawian niya nang gawin,
kung paulit-ulit ay babantayan naman niya, kung paulit-ulit ay kailangan niyang alagaan ang
pagkawala. Ngayon nakaupo na naman siya sa ibabaw ng nitsong aircon ang paligid, nag-uukit
sa lapida ng mga taong pinilit niyang i-consider na pata na. patay na kasi sila dapat.

“bakit hindi ka ba nag-enjoy dati?”


“nag-enjoy”
“kaya ulitin natin”

- 88 -
“ayoko”
“may magagalit na ba?”
“oo”
“after nito, hindi na mauulit”

masakit.
Naglalaman ng maraming french fries ang imagination ngayon ng sepulturerong nag-alangan
kaninang mag-senti sa ilalim ng acacia’t fire tree. Yum yum yum. Pero! Hindi kelanman
matutularan ng patatas ang spectacular feeling na binigay ng hangin sa sikmura niya, o sa buong
kahabaan ng kanyang alimentary canal. Although lumang balita na sa kanya ang kagandahan ng
fire tree, o kaginhawahan ng acacia, pinili pa rin niyang magpa-ikot-ikot sa mga ito minsan pag
trip niya. O pag gusto lang niya magsenti. Tulad ngayon. Iikot siya dito’t unti-unting tataas, pataas
nang pataas at pabilis nang pabilis ang ikot hanggang sa matamaan na niya ang mga dahon. At
bigla siyang hihinto’t uupo sa ugat na one foot ang taas, magsisindi ng yosi at igagala na naman
ang mga mata niya sa panorama. At mag-iimpak na naman ng maraming imagination. Pero
repetitive lang ang images. Ngayon french fries. Kahapon leather shoes. Bukas pwedeng
jeepney. O unan. O kaldero. Magpapasalamat siya sa kadiliman ng paligid. Umaga man o
tanghali o gabi.
ouch.

Inalala niya ang gabi sa kasaysayan ng sta. cruz kung kelan naglakad siya sa isang esquinitang
kilala bilang imbentor ng mga kama, tabla, stretcher, tokador, supplier ng pews sa simbahan.
Sabi ng mga tambay, “punyeta! Wag ka dito!” sumigaw sila ng sabay-sabay, “you don’t know
what you’re getting into!” nagulat siya. Tinusok ng isang kilong pako ang mga paa niya. Pumutok
ang balat. Sumirit ang dugo. Tumalsik sa kalye. Durog ang metatarsals. Libong cells ang
namatay. Naiyak ang maraming mitochondria. Naechapwera sa eksena ang dala niyang century
tuna.

Napa-pout ang buwan sa mga kaganapan. Pinilit niyang i-magnetize ang mga luha. Isang kilong
bulak ang pinadala ng buwan. Hoping sa isang high tide ng lacrymal hyperactivity. Pero isang
kilong pako pa ang dinagdag ng esquinita. Nataranta ang mga lasinggero. “He should have
listened” kuro-kuro nila. Napasilip si Aling Magnolia na kukuha lang sana ng arinola. Pilit niyang
tinulungan ang biktima. “Another one.” Bulong niya sa sarili niya hanggang sa napasigaw na lang
siya ng “ANOTHER ONE! WHY ESQUINITA! WHY?”

Pero hindi nakakapagsalita ang esquinita.

Hindi tulad mong nakapagsabi pa ng forever.

Iniangat niya ang ulo at tumingin sa pader. We all understand now how pain is made. Kumuha
siya ng pintura at paintbrush. At nagpinta.

Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.


Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever. Forever.
Forever. Forever. Forever.

- 89 -
------------------------

Of all people, I didn't expect you can do it. I never thought you can do it as well.
And this is what I hate most. The day after. The morning waking up with obsolete-cheesy-stupid
pain. The bed where above it float thoughts of how it happened, how into it you were while it was
happening, how you initiated it. Nasaan naman ako dun.
Obviously I was temporarily erased. Respect erased. Trust neglected. For a moment, or perhaps
for some days, I didn't exist to the one person who I thought treats me special, and who I treat
special, and for the longest time has been so kind and lovable. It was the exact spelling of a world
turned upside down.
And for a moment, you became ordinary.
I became ordinary.
I do not belong here. I’m finding my way back home.

------------------------

Iisipin mong may sariling buhay ang bawat kulay. Buhay silang umaagos at tinatahak ang
kanilang katapusan. Buhay silang nangungusap ng pinaghalu-halong emosyon ng mundo. Saksi
ang studio sa copulation ng artist at ng kanyang canvas, matindi pa sa bagyo ang kanilang
orgasm. Sapagkat binabaha nito ang isipan ng mga di magkamayaw na sanlaksang
sangkaterbahan ng sangkatutak na pluralismo ng kaganapan at aktwalidad ng indibidwalismong
pagmamahal ngunit paghihikahos.

Ang canvas ay ang artist na nagdurugo.

Chapter Forty-three: JUNCTION

That was the last time I saw him. Dahil sa halu-halong emotions which I couldn’t contain
anymore, I decided to leave. The unit. The building. Him.

Pagkatanggap ko ng text niyang Goodbye tumakbo ako bigla papunta sa unit niyang ilang araw
na ring hindi inuuwian. Binibigkas ko sa sarili ang mga salitang Andres, wag.

- 90 -
I guess what I did was just right. For both of us.

Hindi naka-lock ang pinto at pumasok na ako agad. Andres!

Rocky, I’m sorry.

Andres!!!!!!! Andres!!!!!!! Andres!!!!!! Pero wala nang tao. Wala nang gamit niya.

Suddenly, it became an instant hit in my self, that I don’t ever ever ever want to sing. It is the
ugliest. The lowest of the low. I hate it.

Nasaan ka na Andres? Nasaan ka na? Ganon na lang? Iwanan na lang? Ilang oras ang lumipas
na nakahiga lang ako sa sahig ng bakante nang unit. Ganon na lang ba talaga? Iwanan? Andres,
sorry. Bakit naman ganito?

I hate me.

- 91 -
Chapter Forty-four: STRIKE

Anung nangyari?
Hiwalay na daw?
Break?
Yata.
Nag-away?
Siguro.
Nagkwento na ba?
Hindi pa.
Kanina pa ata tulala.
Anong kanina, ilang araw na.
Hala.
Bakit kaya?
Sino daw nakipaghiwalay?
Malay.
Baka naman tampuhan lang.
Sana nga.
Pero kung break na talaga, sad naman.
Maaayos din yan.
Let’s see.
Asan na ba yung isa?
Ewan.
Hindi ata nagpupunta dito eh.
Naku, baka lumipad na yun.
Hindi.
Hindi.
Hindi.
HINDI!!!!

Hindi pa siya pwede umalis. Ano yun, iiwan niya lang ako ng ganun lang? Isang kasalanan tapos
mang-iiwan agad siya? Grabe naman! Oo, kasalanan ko nga. Pero bakit naman ganun. Bakit
naman aalis agad? Isang text lang na goodbye tapos tapos na? Wala na? Yun na yun?
Kasalanan ko na nga eh. Sorry na nga. Oo, sinasadya ko. Pero wag ka na munang umalis!
Ayusin natin! Hindi na uulitin! Sorry!

Ilang oras din akong umiiyak sa bakanteng unit ni Andres. Umalis siya ng walang pasabi. Walang
pagpaparamdam. Walang text kundi goodbye nung isang araw. Pagkatapos nun, hindi ko na siya
mahagilap. Saan ko siya hahanapin? Saan ko siya kokontakin? Yun ang pinakamasakit na
“cannot be reached” na narinig ko. Para akong tinunaw, at dinurog. Para akong kinatay. Hindi ko
alam kung paano hihinga. Sa gitna ng iyak, pag-iisip, pagsisisi, iyak, pagtatanong, pag-aaalala,
iyak. Wag mo kong iwan Andres! Sorry na! Kasalanan ko! Putangina kasalanan ko! Ang tanga-
tanga ko! Ako na ang pinakagago. Andres asan ka ba? Bumalik ka! Magtext ka! Tawagan mo ko!
Aalis ka na lang bigla ha? Ganun na lang? Ano yung nangyari satin? Madaling kalimutan?
Madaling iwanan?

Bumalik ka Andres. Balikan mo ko. Asan ka na ba?

- 92 -
Please. Patawarin mo ko. I’m sorry.

Hindi ko na uulitin.

Wag mo kong iwan.

Andres.

Andres.

Maya-maya, bumukas ang pinto at nakita ni Rocky na pumasok si Drexx. Hindi niya alam kung
magugulat, mapapangiti, o sasalubungin si Drexx ng yakap. Pero bago pa siya makapagdecide,
lumapit na sa kanya ni Drexx at niyakap siya. Mahigpit. Hinalikan siya sa lips, sa leeg, sa pisngi,
niyakap na parang hindi na bibitawan.

Hindi kita kayang iwan.


I’m sorry Andres. Sorry na talaga. Hindi ko na uulitin.
Shhhh... Let’s not think about it anymore. What’s important is that we know who we love, and
you’re the one I love. Ako ba yung love mo, Rocky? Hehe.
Oo naman. Ikaw ikaw ikaw! I love you so much Andres. Wag ka na mawawala ulit.
Of course not...

Of course not...

Of course not...

Hanggang sa nagliwanag ang buong paligid. At nagising si Rocky.

tatlong baso na ang nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesa sa kwarto ko. tatlong araw na
sunud-sunod akong napuyat at tubig ang kakwentuhan ko. limang celfones nang naging saksi sa
pakikitungo sa mga taong importante, espesyal, at nawala na lang. ngayon sa pagkakadapa sa
kama naisip kong isang anti-gravity pill ang iinumin ko't magsisimula na akong lumutang.

maglalakad ako sa pader ng kwarto ko't kakanta ng i never cry. labing anim na sopranos ang
papasok at kakanta ng one day more. patuloy pa rin ako sa paglalakad sa pader, sa apat na
pader na pinaliguan ng iba't ibang pintura't dinuraan ng maraming salita at kwento at drama.
labing anim ding basses ang nasa labas ng bintana at kumakanta ng bohemian rhapsody.
darating ang orchestra at tutugtog ng aria. sabay-sabay lahat. habang patuloy akong naglalakad
sa pader na ilang beses ko nang sinandalan habang nakikipaghalikan sa umaalingasaw mong
cadaver.

---------------

- 93 -
After one year

Ganun lang pala kabilis ang panahon no? Magulo pero mabilis. Hindi ko na namalayan. Alam ko
lang sinardinas ako ng mga panahong yun. Kapos sa hininga at pag-asa. Pero paminsan-
minsan...

Bakit kaya ganun. Eto na naman ako nagtatanong. Bakit ka ganyan. Bakit kaya ganyan ang
halaga ng isang kasalanan. Inumaga, inabot ng isang araw, isang linggo, isang taon, sa
kakahintay ng text mong hindi mo naman ibibigay. Isang godbye tapos nun, tapos na. Isang
nalamang mali tapos nun tapos na.

Saan nga ba nagsimula ang lahat.

Pakiramdam ko minsan, mas matindi pa sa ginawa ko ang mga pagbabagong pinili mong
mangyari. Impulsive ka. Ang tigas ng puso mo.

Ilang buwan ko rin pinilit papaniwalain ang sarili ko na hindi na tayo talaga. Eh wala ka na eh.
Hindi na tayo pwede. Kasi umalis ka na. Kasi ayaw mo na.

Langya ayaw mo na.

Eh ano naman.

- 94 -
Chapter Forty-five: TWO YEARS

Davie Street. Downtown Vancouver. Celebrity Bar. Sa labas.

May hunk a few metres away. This is a catch. Latino. Nagyoyosi din. In a couple of minutes,
katabi ko na siya. Excited ah. Fine by me. Introductions. Small talks. Come on, I’m used to this.
Wag ka na kabahan. Senseless questions. More smoke. Sinindihan niya yosi ko. Wow.

“Let’s go,” sabi ko, then headed to the parking.


“Where?”
“Anywhere.”

But never to my place.

“Hi!”

- 95 -
“Hey.”
“Are you alone?”
“Yeah.”
“Mind if I join you?”
“Not at all.”

Can’t you think of other lines? Is there no extraordinary approach? All the same. Think of
something creative. It makes me laugh most of the time, they were even nervous, uneasy, yet all
they want is to introduce themselves, get my number, have sex with me.

I’m used to waking up on different beds in the morning. What’s new. What’s unusual about that. If
you’re hot, and you’re my type, and you’re game, then let’s go! Well I don’t have sex with each
and everyone of them. Sometimes, coffee lang, ok na sila, or ok na ko. Either dinner or lunch.
Just to kill time.

“Let’s meet again.”

Their favorite line the morning after.

“Sure. I can’t get enough of you.”

They wish.

That’s my sex life.

“Player!”
“Are you really surprised?”
“You fooled me!”
“Huh?”
“You fucked with someone!”
“So?”
“What do you mean so?”
“Get real. Don’t be too dramatic.”
“Are you out of your mind?!!?”
“Enough. It’s boring.”

Yet they would continue talking and saying adjectives of how bad I am. They would continue
throwing questions of why I did things they said I shouldn’t be doing.

“Bakit nga ba Drexx?” tanong ni Paul.


“I’m having fun Paul. Ikaw na lapitan ng mga twenty dollars, aayaw ka pa. Haha!”

- 96 -
Chapter Forty-six: KUDOS

“Congratulations Rocky!”
“Come on Bam, ikaw ang koneksyon ko.”
“Siraulo! You’re really good. Wala akong kinalaman. They’ve been so impressed with you kaya
pwede kang matuwa 100%.”
“I know I’m good.”
“Ang yabang! Hahaha!”
“Hahaha! Let’s go for a drink!”
“Drink? New art director tapos drink lang? What do you take me for? Ka-cheapan?”
“Hahaha, where do you want to go?”
“Aba aba, dapat bigay todo. Like this is your first real job, first promotion, this is your future so
staring at you in the face! Celebrate to the truest send of the word!”
“So todo celebrate?”
“Super major uber todo!”

We took a whole week off and set sail to Bora. Hehe. Hindi magkanda-ugaga si Chino nung
nalaman at nag-impake right after receiving our call. Nagshopping pa ata. Si Bam naman, always
ready daw siya at hindi na kailangan mag-shopping. “It’s just Bora, hello?” sabi niya pero
nagpamassage pa, nagpa-foot spa, body scrub, at two days before our flight eh nag absent sa
work. Nalaman ko na lang, nagshopping din pala, mula Greenbelt hanggang Tutuban hanggang
Greenhills hanggang Trinoma dinayo. Sinurprise ko siya at nagpunta ako sa bahay niya.
Pagbukas ng pinto, “Hindi ako nagshopping!” sabay tawa. Nagkalat ang shopping bags at
Divisoria plastic bags sa sahig.

“Chino, may charity work?”


“Ha?”
“Andami mong dalang chips!”
“First time ko sa Bora, walang aangal!”
“At ikaw naman Bam, wala pa tayo sa Bora, wala ka nang suot!”
“Hello. Igagaya mo ako sa mga nagbi-beach na naka maong pants at shirt. This is inspired by
Marc Jacobs Spring Summer Collection. Wala ding aangal!”

Takot sumakay ng plane si Chino. Todo ang kapit samin ni Bam. Naalala ko nung ako yung takot
at may kinakapitang iba. Iba na ang panahon ngayon.

- 97 -
Baliw na baliw si Chino sa puting buhangin, sa pagkapino. Naalala ko nung ako ang first time dito
at may kasamang iba. Iba na ang panahon ngayon.

Parang batang naghahabulan at nagbabatuhan ng buhangin sila Bam at Chino.

“I’m so gonna catch you Chino!”


“Subukan mo lang pa-coño!”
“Grrr I so hate you!!!”

Naalala ko nung ako yung may kahabulan dito. Naghahabulan at nagsasampahan sa tubig.

Nilakad namin ang kahabaan ng station one hanggang station three. Sa magkabilang dulo,
naupo kami, nagpahinga, kumuha ng mga litrato, nagyosi. Nag-emo yung dalawa. Hindi ako
pwede mag-emo. Iba na ang panahon ngayon.
These are happy times.

Nag-island tour kami. Nag-kayak. Nag-snorkle. Nag-banana boat. Nag-food trip umaga tanghali
gabi. Halos inisa-isa ang mga kainan. Nakailang all you can eat. Nag-away kung saan mas
masarap, sa Jonah’s ba o Café del Sol. Namili ng mga pasalubong. Nagpamasahe.
Nagpakabaliw sa night life.
Naalala ko nung ganito rin ang nangyari two years ago, nung may kasama akong iba. Iba na ang
panahon ngayon.
These are happy times.

Chapter Forty-seven: OKS

Pagbubukang-liwayway,
Dinala mo ako sa malayong Vigan
At nangarap mag-uwi ng windmill
May cape bojeador na pinagtagpuan
O hindi pinagtagpuan
Hindi tayo nagkita
Sa lumang simbahan

- 98 -
Ng Paoay. Nangamusta sa isip
Ko ang iyong tangkad
Boses buhok isang pamilyar
Na gawain nangamusta sila sakin
Pero hindi mo yun malalaman

---------------------------------

Isa na lang ang hindi niya nalalaman. Dalawang taon ang binilang bago niya nalaman. Late na
late na ang isang katotohanang para sa iba eh dapat nalaman agad. Pero nakalusot sa mahigpit
na time and events. Siguro naging busy ang time and events. Hindi nabigyan ng atensyon. Eh
kawawa naman ang dapat makaalam. Bakit kawawa. Malay. Baka lang kawawa. Pwede ding
hindi. Ang isang bagay na kritikal na malaman, na hindi nalaman, at pinaglipasan na ng time and
events, magiging uncalled for na lang. Pagdating ng panahong malalaman na. Unfair no.

Unfair din ang una niyang naisip na salita ng malaman niya. Unfair na salitang nacontain sa ilang
segundo pagkatapos malaman, pero hindi nagtagal eh itinapon sa bin, hindi recycle bin, dahil
wala na siyang balak ireincarnate yun. Saan? Sa bio-degradable? Degrading sa kanyang maisip
na pwede pa rin yun mag-exist sa ibang form.

“I’m working.”
“Approve mo lang.”
“Fine fine.”
“Thanks Rocky! Mwah!”
“Haha, mwah ka jan.”
“Na-apporve mo na?”
“Yes, Andrew.”
“Thanks! Mwah! Na-upload ko na pics natin last night.”
“Ambilis naman! Hehe.”
“I’m not as busy as you, sir.”
“Haha, drop the sir, we’re not in the same department.”
“Aryt, Rocky. See you later.”
“Dinner?”
“Yeah.”

So who is this Andrew. The new guy from Marketing. Interesting new guy. After ko siya inapprove
sa Facebook, sinilip ko yung mga pictures namin last night, sa Christmas party ng company. Dun
siya na-introduce sakin. Masyadong lantaran ang pagrereto ng isa naming officemate. “It’s up to
you,” sabi ni Bam.

Magkausap kami buong gabi ni Andrew. Okay kausap. Marketing and Advertising ang majors
niya. Ayos. Matangkad ako ng konti sa kanya. Maayos pumorma. Maayos ang buhok. Infectious
smile. Pinagsamang innocence, playfulness, at sincerity. Parang si...

Magaling mag-photography. Magkakasundo kami nito.

- 99 -
Tiningnan ko ang mga albums niya dahil aminado akong interesado ako sa kanya. 224 albums.
Wow. Buong araw ko atang tinitingnan ang mga kuha niya.

Pati mga shot niya sa mga hindi ko kilalang tao. Magaling siya sa portraiture na hindi ko
mamaster. Makapagpaturo nga minsan.

Next. Next. Next.

Oo nga naman. Yun ang tinatawag na perfect timing. Maayos na ang buhay ko. Maayos ang
position sa work. Madalas ang exhibits. Madalas ang awards dahil sa mga nagagawang projects.
Malaki na ang ipon. Perfect timing. Sa kasagsagan ng kilig sa bagong tao na dumating, sa
kalagitnaan ng pagno-nourish sa interest sa kanya, wala nang mas peperfect timing pa.

Bulaga Rocky! Bulagang bulaga! Sa walang kamalay-malay na pagne-next sa mga pictures sa


isa sa mga albums ni Andrew, walang pasabing nagpakita si Andres.

“Ah yan, si Drexx, nakilala ko siya two years ago. Pero last year yan, nung bumalik siya. Taga
Canada kasi. Type mo? Naku maloko yan. Nung nakilala ko yan, one night stand lang sa Malate.
Hehe. Pero naging kaibigan ko na rin. Kaya nung bumalik siya last year, nagkita kami.”
“Sa Boracay?”
“Yeah.”
“Last year?”
“Oo.”
“One night stand?”
“Two years ago naman yun. Kilala mo siya?”
“Ah hindi, Bora shots eh, favorite ko Bora. Eto sino naman ‘to? Eto sino? Saan kayo nagstay
dun? Kakagaling lang namin nila Bam dun ah. Andrew, may meeting pala ako. See you later.”

At natapos ang meeting, alas-syete na ng gabi. Bumalik ako sa table ko at nagtapos pa ng ibang
pending. Sumulpot si Andrew.

“Huy dinner na!”


“Ay oo nga pala, teka tapusin ko lang ‘to. Text kita, or tawagan kita. Sa kabilang building ka lang
naman nakatira di ba?”
“Yeah, so uwi muna ko?”
“Sorry, okay lang ba?”
“Yeah. See yah!”

Pinisil pa niya ako sa pisngi. Ang cute ng ngiti. Ang cute din ng mga bagong designs nung junior
graphic artist. Inisa-isa ko. Chineck kung maayos na ang layout. Kung may palya sa design. Kung
tama ang kulay. Inayos ko ang table ko. Ang mga libro sa book shelf. Chineck ang appointments,
and deadlines. Baka may pwede pang tapusin habang maaga pa. Nakakita ng ilang pipirmahan.

- 100 -
Pirma. Pirma. Pirma. Pinag-aralan ang proposal at studies sa bagong image ng company. Pinag-
aralan ang mga logo, logotypes, letterheads. Pinag-aralan at tinitigan maiigi ang overall look sa
projector.

Pero sumusulpot ang mukha ni Andres sa projector. Ang picture niya sa Boracay kasama si
Andrew. Magkaakbay. Parang sila.

Pinatay ko ang projector.

Nagbuklat ng mga bagong libro. Pinag-aralan ang mga bagong trend sa European graphic
design. American pop art. Japanese pop culture. Chinese post-modern styles.

Naghanap ng online sa YM at nagtanong kung okay na ba ang mga pending works, baka hindi
umabot sa deadline. Tinawagan si Bam at nagtanong ng goals niya para sa company.

“Ulol!” ang puno ng professionalism niyang sagot.

Ulol ka din Andres.

Tinusok-tusok ko ang daliri ko ng mga lapis. Kumuha ng isa. At dinama ang kinis. Sinubukan
kung masusulatan ako ng graphite sa balat ko. Malabo. Binali ko ang lapis.
Kumuha ng charcoal na lapis at sinubukan kung susulat sa balat ko. Sumulat. Pero makalat.
Madumi. Binali ko ulit.

Binali ko isa-isa ang lahat ng makita kong lapis. Kinuha ko ang sketchpad ko at tiningnan ang
mga studies ng logo. At pinunit isa-isa ang bawat page.

Anong ginagawa mo sa Bora last year. Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas last year. Anong
ginagawa ko ng mga oras na yun.

One night stand. Two years ago.

Kulang na lang maibato ko pati ang laptop ko. Parang dinaanan ng lindol ang opisina. Dahil
dinamay ko yun sa nilindol kong utak, emosyon, natupad na pangarap, dinidedmang kahapon.
Walang kamalay-malay na na-welcome home ang isang hindi na dapat welcome. May kasama
pang extrang katotohanang kawindang-windang.

One night stand. Two years ago.

- 101 -
Oks.

Gusto ko nang umuwi’t may naghihintay


Isang kamang pinaglabanan
Isang sahig na pinagtapakan
Isang kwartong pinagiwanan
Isang verandang pinagtapunan

Ng mga yosi kong di na rin mahahagilap pa


Pilit inantok ang kagustuhang humithit pa
Lunok sa imaginationg nagsisindi pa

Ng mga yosi kong di na rin mahahawakan pa


Ilalagay sa pagitan ng fingers
Isisiksik sa lips
Hihigupin ng respiratory system
Hello alveoli, hello bronchi
Idadaan sa nasal cavity
At magbababye sa aking anatomy

Bye bye.

Gusto ko nang umuwi’t may naghihintay


Isang sketchpad na higit pa sa aking unan kung yakapin
Ng mga braso kong sabik sayo at sa drawing
Maglalabas ng pastels at charcoal
Mangungunsepto ng totoong pamamaalam

Bye bye.

- 102 -
Chapter Forty-eight: 100 THINGS I LOVE
ABOUT ROCKY

1. I love his height.


2. I love his eyes.
3. I love his hair. Kahit hindi suklayin, perfect pa din. In fact, he doesn’t have a comb.
4. I love his nose.
5. I love his lips. Lips especially made for kissing.
6. I love his smile. (His lips are especially made for smiling din pala!)
7. I love his teeth.
8. I love his shirts, na lagi ko din sinusuot!
9. I love his backpacks. Walang kapareho ata. Hehe
10. I love his shoessssss!
11. I love his socks! Outnumbered ang plain socks niya ng mga printed at checkered at stripes.
12. I love his boxers. Hehe. Of course.
13. I love his style. In anything.
14. I love his collection of books.
15. I love his puttanesca. And pesto. And seafood marinara! Yum!
16. I love his being opinionated. He always has a stand on something.
17. I love his philosophy.
18. I love his jokes.
19. I love his seriousness when it comes to work.
20. I love that smile he flashes in the midst of being busy at work. (I’m the only one who gets to
see that smile!)
21. I love his paintings.
22. I love his sketches.
23. I love the fact that he likes almost all kinds of music. Human achievement daw ang music,
kahit anong genre pa.
24. I love the fact that we have the same taste on movies.
25. I love his being impulsive and spontaneous.
26. I love his being able to know his limit when he knows he’s being too impulsive and
spontaneous.
27. I love how he smells.
28. I love his perfumes!
29. I love him without his perfumes.
30. I love the way he looks at me when saying something, serious or not.
31. I love the way he walks.
32. I love the movement of his lips when chewing.
33. His eyes upon waking up.
34. His early morning smile.
35. His early morning hug.
36. His early morning kiss.
37. I love breakfast in bed with him.
38. I love rooftops with him.
39. I love attending his exhibits.
40. I love train rides with him.
41. I love jeepney rides with him.
42. I love long drives with him.
43. I love bus rides with him.
44. I love going places with him.

- 103 -
45. I love his voice.
46. I love his laugh.
47. I love his frown. But I don’t want to see him frown!
48. I love his dreams.
49. I love his imagination.
50. I love his ideas.
51. I love how he could turn something so ordinary special.
52. I love how he could turn something special all the more special.
53. I love him in suit.
54. I love him in shirts.
55. I love him in jammies.
56. I love him in medieval costume last halloween party.
57. I love him in stolen shots of him.
58. I love surprising him.
59. I love kissing him.
60. I love how he made me realize so many things.
61. I love his concern for me.
62. I love it when he gets annoyed.
63. I love it when he can’t control his laughter.
64. I love it when he gets excited for a trip.
65. I love it when he cooks for me.
66. I love cooking for him.
67. I love cleaning his bedroom.
68. I love adding glow in the dark stars in his bedroom.
69. I love the way he explains art movements.
70. I love the way he tells stories.
71. I love the way he shares chismis.
72. I love his being neatlooking.
73. I love his rugged look too.
74. I love his awkwardness.
75. I love his embarrassing moments.
76. I love his being scared of flying.
77. I love his undying amazement on simple things.
78. I love his depth.
79. I love his passion, and living his passion.
80. I love his addiction to nerds, gobstopper and twizzlers.
81. I love his sensibility.
82. I love the way he assures me he will not leave me.
83. I love the fact that he has never lied to me.
84. I love the fact that he has inspired me in many many ways.
85. I love the fact that he has never let anything come in between us.
86. I love it when we fight, because that’s when I see how mature he is.
87. I love it when we make love.
88. I love it when we sleep together, and wake up together.
89. I love the many months we have been together.
90. I love the Rocky I have fallen in love with.
91. I love the Rocky who has developed in so many ways since I first met him.
92. I love the sides of him I have seen.
93. I love the sides of him I will never see.
94. I love the person I am now because of him.
95. I love the commitment we have.
96. I love the many more days that lay ahead of us.
97. I love Jake, Jerico, Rocky, and all the smiles, tears and laughters we have shared all this
time.
98. I love the fact that he never read the first 100 list he got from an ex, at least, this can claim
originality. Hehe

- 104 -
99. I love you Rocky, I will not be the Andrew I am now if not for you.
100. All I want to say is I love you Rocky. Thanks for loving me too. I will never make you cry.

- 105 -
Chapter Forty-nine: FOR WE HAVE
EXPERIENCED IT ALL

You’re still the same Rocky I fell in love with.


You’re still the same Andres I feel in love with.
Payakap nga!
Ako din payakap. Hmmm!

Nakahiga kami ngayon ni Andres sa kama ko, sa kwarto kung saan nakatingin samin ang mga
glow in the dark na stars at planets.

I missed him. I’m glad I visited him.

Big time ka na ngayon ah!


Ikaw din ah. Congrats!
Congrats din!
Hehe.
Hehe.
Payakap nga!
Ako din payakap. Hmmm!

Tinaas ko ang kanang kamay ko at tumuro sa stars.

I raised my right hand and pointed at the planets.

Greenbelt.
Ortigas.
Session Road.
Pagudpud.
Vigan.
Boracay.
Unit 1510.
Unit 1502.

Pluto.
Pluto.

Mahigpit na yakap. Matagal na halikan.


A longing to be against another person’s body. Naked. That body was Rocky’s.
Mga pamilyar na galaw. Hinga. Bulong.
Total submission to a longing.
Titigan. Pagpikit.

- 106 -
Losing control.

Nagbabasa tayo ngayon ng mga matatalinghangang strokes sa canvas.


I understand now how pain is made.
Alam na natin kung paano masaktan.
How to hurt the special people.
Paano mambale-wala.
How to break trust.
Nalaman na rin natin kung paano umasa.
We’ve undergone hating ourselves for the things we’ve done.
Alam na natin kung paano ma-inlove.
We’ve undergone wasting ourselves for the things we’ve done.
Alam na natin kung paano magmahal.
How to make someone feel special.
Kung paano ingatan dapat pag na-inlove.
And how to keep promises.
At kung minsan ang hindi pagtupad sa promise.
We know all that now.
Tapos na ang pagbabasa natin ng matatalinghagang strokes sa canvas.
We understand now. Now let’s go where no one will understand us.
Tara.

Nabanggit minsan ang tungkol sa beginning. Sa ending. Pati sa forever. Sa muling pagkikita nila
Drexx at Rocky, naintindihan na nila – ang bagay na kailangan nilang ma-gets.

“Huy musta ka na?!”


“I’m good. Ikaw?”
“Okay lang ako sira! Hehe.”
“I missed you, Rocky.”
“Na-miss din kita Andres. Gago! Hehe!”
“Gago ka din. Hehe.”
“Let’s meet! Natanggap ko email mo, pa-business business trip na lang sa Cebu ah!”
“Well, I’ve worked hard on it. Hehe, I have a lot of stories to tell.”
“I know!”
“You owe me a lot of stories too, Rocky. Art Director. Pinalitan mo na pala si Bam. Hehe.”
“Oo! Hehe, na-promote siya, ako ang pumalit.”
“Cool! Andrew told me. Pero, you still owe me a lot of stories. How have you been?”
“Oo, madami nga akong kwento. Mahaba-habang inuman ‘to. Haha! Okay naman ako. Palaging
busy sa work.”
“Naku, ganun ba? If that’s the case, paano tayo mag-meet? Do you have time this weekend?”
“Yeah, I just need to be in the office ng morning, and then I’m free na until Sunday night.”
“Perfect. Sakin ka this weekend.”
“No.”
“Huh?”
“Ikaw ang sakin this weekend.”

“You’re still the same Rocky I fell in love with.”


“You’re still the same Andres I feel in love with.”

“Your room hasn’t changed.”


“Medyo.”
“Dumami lang ang stars.”
“Ah oo. Hehe.”

- 107 -
“Payakap nga.”
“Sige, hehe, payakap din.”
“Haha, sure!”
“Kiss pwede?”
“Of course!”
“Dapat mag-kiss back.”
“Syempre naman. Dami pa sinasabi. Let’s do it! Hehe!”
“Game! Haha!”

“Lagot ka kay Andrew!”


“Lagot ka rin kay, hmm sino ba sa kanila? Haha!”
“Sira, good boy na ako. I’m single, and not playing around anymore.”
“Good! Hehe! Gaya-gaya ka kasi eh.”
“Hehe, I can’t tell if it was worth it, though.”
“Actually hindi ko din naramdamang worth it magpaka-player.”
“But then, it already happened. Enjoy naman most of the time. Hehe!”
“Oo nga, hehe!”

“Ang sarap mo pa rin, Rocky.”


“Syempre naman!”
“Ang yabang mo pa rin, Rocky!”
“Sa’yo lang naman. Hehe!”
“Nakakagigil ka.”
“Masarap ka pa rin Andres.”
“Of course!”
“Gago!”
“Haha!”

“That was my life before I met you. Zero-life. Ba’t ba ayaw lumiwanag ng star na yan?”
“Di ko alam jan. Hehe. Malapit naman sa ilaw.”
“That’s our first hour together. Hindi super liwanag. Pero masarap tingnan.”
“And that’s my first wish stick na ikaw pa ang naglagay.”
“I remember that. That one is our second meeting. Sa elevator.”
“That one, yung pangatlong away natin. Dahil lang sa fruit shake. Grr!”
“Haha, this one naman, our fifth lasingan. God, we were always drinking back then.”
“Oo nga, ngayon hindi ko na yata kaya mag-inom hanggang umaga.”
“Ako din. Those were the drunken days.”
“Our eighth shirt na magkapareho.”
“And that, our thirteenth bus ride.”
“Kulang ang stars at planets pala dito.”
“Yeah, magdagdag ka pa. That’s Pluto.”
“Pluto!”

We understand now. Now let’s go where no one will understand us.


Tara.

- 108 -
Chapter Fifty: WHERE THE STREETS HAVE
NO NAME

Pinatugtog ni Rocky ang favorite song niya. At nahiga ulit sa tabi ni Drexx.

I’m sorry.
I’m sorry.

Kasabay ng ilang yosi.


Ng ilang kwentuhan. The stretch of time between day 1 to that day is their forever.

Sa bawat minuto may forever. Sa bawat second. Sa bawat oras. Hindi tayo mauubusan.
Oo nga.
Nanghihinayang ka ba?
Minsan.
Ako din.
Pero hindi na kasingdalas tulad nang dati.
Same here.
It really happens. Things happen. They happen.
Oo, this happens. Yung mga hindi natin maintindihan dati, nangyayari naman pala. Either by
choice, or kusa. Akala ko naman ganun kahirap.
It was hard at some point.
Pero hindi all throughout.
Oo nga. Hehe.
Apir!
Apir!

Nagtataka din ako minsan. Natatapos din pala.


Same here. I guess it’s true. A beginning is an advanced end.
Siguro nga.

Payakap nga ulit. Last time.


Ako din, payakap.
Hmmmm!
Hmmmm!

- 109 -
Habang nakahiga at nakatingin sina Rocky at Drexx sa kisameng puno ng maliliwanag na bagay,
unti-unting nagsulputan ang lahat ng wish sticks nila sa pagitan ng kama at ng stars and planets.
Umiikot ang mga sigarilyong tumupad at hindi tumupad ng tungkulin, habang pinagmamasdan
silang dalawang nakahiga at tumuturo sa happiest of times. Dahan-dahang mapapalingon ang
camera sa labas ng bintana, dahan-dahang mapapalingon ulit sa dalawang dating nag-ibigan, at
babalik ang tingin sa totoong alapaap, sa malamig na gabi kung saan may totoong mga stars at
planets, lalabas, iikutin ang mga kalyeng nililiwanagan ng mga pamilyar na lampposts, mga hindi
pamilyar na orange at red at yellow na ilaw ng mga sasakyan, mga bukas pang tindahan,
maglalakbay sa himpapawid kung saan piece by piece, second after second, mabubuo ang isang
night shot ng Metro Manilang ginamitan ng slow shutter speed, mamumuo tuloy ang mga neon
lights na linyang nagpapakita ng direksyon ng kung ano-ano. Sinundan ng camera ang direksyon
papuntang Greenbelt, nagpahinga sa bench kung saan sila unang nagkita, pumuntang Ortigas
kung saan sila muli nagkita, maya-maya’y sumakay ng bus biyaheng Ilocos, nilakad ang Session
Road, lumipad at lumangoy papuntang Boracay, sumilip sa Vancouver, bumalik ng Pilipinas at
sumilip sa opisina ng art director, at sa mga unang saksak ng sunrays ng bagong araw, bumalik
ang camera sa bakante nang kwarto ni Rocky.

- 110 -
--------
“Nampucha, may wish stick ka pa ah! Natutupad ba wish mo jan?”
“Minsan, oo.”

The End.

- 111 -
- 112 -
Thank you so much for taking time to read. And super thanks for following the thread while the
story was in progress. You are part of the life of the thread. It will not be the TDR thread without
your support, replies, comments, visits. I sincerely appreciate all those.

This is my pers pageant ever. Because I’m only seventeen years old. My pamily... my pamily....
Joke!

Seriously, this is the product of my very first attempt at writing a story of this length. Whatever
comments, suggestions, opinions or any kind of reaction you may have and would like to tell me,
please do not hesitate to let me know. You may post it sa thread ng Twenty Dollar Rocky sa AP
sa PEX. Or you may also email me at total_abstraction@yahoo.com.

Currently, I’m writing my second story, 5,000 Pogi Points ni von_spee na nasa AP din.

07132010
British Columbia, Canada

The Author

- 113 -
- 114 -

You might also like