Matapos ang pagkatalo sa Marathon, nagpadala ng mandirigmang panlupa at pandagat
ang haring si Xerxes upang sakupin ang buong Grecce. Nang dahil sa mangyayaring labanan, nagpahayag si Themistocles, heneral ng Athens, na kailang ang mabantayan ang Artemisia at ang makipot na daan ng Thermopylae. Ang Griyego ay mayroong 7,000 na mandirigma samantalang ang mga Persians naman ay mayroong milyon na ayon sa mga iskolar ng kasalukuyan ay 100,000 hanggang 150,000. Nagtagal ang labanan ng pitong araw kabilang ang tatlong araw ng labanan sa Thermopylae sa pagitan ng mga Spartans at Persians. Ang Sparta ay pinamumunuan ng kanilang hari na si Leonidas samantala ang Persia naman ay pinamumunuan ni Xerxes I, hari ng Persia. Nagkasundo ang mga Griyego na angSparta ang dapat namamuno dahil sa kanilang reputasyon sa giyera. Saloob ng dalawang araw, ang kaunting mandirigmani Leonidas ay humarang sa natatanging daanan ng mga Persians papasok ng Greece. Matapos ang pangalawang araw, siEphialtes, isang Griyego ay nagtraydor sa pamamagitan ng pasisiwalat ng sikretong daanan sa likod ng Thermopylae. Alam ni Leonidas ang pangyayaring ito ngunit silay na natiling nakatindig. Mayroon lamang 300 Spartans, 700 Thespiansat 400 Thebans sa panig ng Griyego ng panahong ito. Natalo ang mga Spartans at nakarating kay Themistocles ang balita. Nang dahil rito, kinailangan nilang lumipat sa Salamis. Gayon pa man, ginamit ng mga manunulat ang labanan saThermopylae bilang ng lakas ng mga mandirigmang maka-bayan nanagtatanggol ng kanilang lupain. Ginamit rin nila ito bilang halimbawa ng pangunguna sa armas, pagsasanay at sa tamang paggamit ng kakaunting tao upang makidigma.
Andrea Joy T. Dela Cruz
8-Determination Lapu lapu Round Scat Fish or Galunggong