Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

A. Saliksikin at alamin kung ano ang ibig ipakahulugan ng mga


sumusunod. Kumuha ng mga halimbawa.

1. WIKA - Ayon kay Engr.John Rommer Carabal, ang wika ay isang


bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat.
Halimbawa: Tagalog, Ilokano, Cebuano, Bikolano, atbp.

2. WIKANG PAMBANSA - ay isang wika (o diyalekto) na natatanging


kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahiat/o bansa.
Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na
diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa.
Halimbawa: maganda, malaya, asawa, paniwala, sabaw, pera

3. WIKANG PANTURO - Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng


guro at ng mga nasa akademiya para sa kanilang pagtuturo sa loob
ng silid-aralan at paaralan. Kasama rin rito ang wikang ginagamit sa
mga libro, gayundin ang wikang ginagamit sa mga pagsusulit,
exams, instructions para sa mga gawain at pananaliksik.
Halimbawa: ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya ay
hinati upang ang isang pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang
pangkat ay ituro sa Ingles. Bukod sa asignaturang wika at panitikang
Filipino, ang mga klase sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng
Pilipino bilang wikang panturo. Bukod naman sa asignaturang wika
at panitikan sa Ingles, ang mga klase sa Matematika at Agham ay
Ingles ang wikang panturo.

4. WIKANG OPISYAL - Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe


na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga
bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang
ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't
hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang
wika ang mga dokumento ng gobyerno.
Halimbawa: Tagalog, Ingles, French, Indian, atbp.
5. BILINGGWALISMO - isang penomenang pangwika na tahasan at
puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita
rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano ang
lipunan ay nakapag-aambag sa debelopment ng wika.
Halimbawa: (Inggalog) Maam are you giving us hand-outs para
dito? Ang pagpapalit-koda (code switching) ay ipinapalagay ring
isang uri ng paghahalo-koda, ang pagkakaiba nga lamang ay
nagaganap ito sa isang talata na kung saan palitan ang paglalahad
sa Ingles at Filipino.

6. MULTIILLINGGWALISMO - Ang multilinggwalismo o multilinggwal ay


ang paggamit ng dalawa o higit pang salita ng isang indibidwal o
komunidad.
Halimbawa: Filipino, Ingles, Ilokano, Cebuano, atbp.

7. REGISTER/BARAYTI NG WIKA - Ginagamit ang registersa pagtukoy sa


varayti ng wika ayon sa gumagamit.
Halimbawa:
IDYOLEK - pampersonal na gamit ng wika, kadalasang yunik.
DAYALEK - nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan.
SOSYOLEK baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng
nagsasalita o sa pangkat na kanyang kinabibilangan.
ETNOLEK - nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolonggwistikong
grupo.
EKOLEK- kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay.
PIDGIN- wikang walang pormal na estruktura.
CREOLE- nadedebelop ang pormal na estruktura.
REJISTER- wikang espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na
domeyn
8. HOMOGENOUS - nagsasabing ang wikang pormal ay iba sa
naimbentong wika.
Halimbawa: Filipino, Ingles, Ilokano, atbp.

9. HETEROGENOUS wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at


pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika.
Halimbawa: Filipino-Ingles, Ilokano-Filipino

10. LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD - ang pag-aaral sa wika ng tao


at tinatawag na isang linguista o linggwista ang mga dalubhasa dito.
Halimbawa: Ilocano; Ingles; Filipino

11. UNANG WIKA - ay ang wika na natutunan ng isang tao mula


nang kanyang kapanganakan. Batayan para sa pagkakilanlang
sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao.
Halimbawa: Tagalog
B. Kilalanin si MAK HALLIDAY at magbigay ng ibat ibang
sitwasyon kung saan ginagamit ang wika sa lipunan.
Mak Halliday siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa
Inglatera. Pinagaralan niya ang wika at literaturang Tsino. Siya ang
nagpanukala ng Sytemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng
gramatika na gamitin at kilala sa daigdig.

Hallidays Functions of Language

Function Examples Classroom


Experiences
Instrumental "I want to ..." Problem solving,
language is used to gathering materials,
communicate preferences, role playing,
choices, wants, or needs persuading
Personal "Here I am ...." Making feelings
language is used to public and
express individuality interacting with
others
Interactional "You and me ...." Structured play,
language is used to "I'll be the dialogues and
interact and plan, cashier, ...." discussions,
develop, or maintain a talking in groups
play or group activity or
social relationship
Regulatory "Do as I tell you ...." making rules in
language is used to "You need ...." games, giving
control instructions,
teaching
Representational "I'll tell you." Conveying
Use language to explain "I know." messages,
telling about the real
world, expressing a
proposition
Heuristic "Tell me why ...." Question and
language is used to find "Why did you do answer, routines,
things out, wonder, or that?" inquiry and research
hypothesize "What for?"
Imaginative "Let's pretend ...." Stories and
language is used to "I went to my dramatizations,
create, explore, and grandma's last rhymes, poems, and
entertain night." riddles, nonsense
and word play
Gamit ng wika sa Lipunan

1. Instrumental mga bigkas na ginaganap, pagpapangalan/pagbabansag,


pagpapahayag, pagtataya.

Halimbawa: panghihimok, kagustuhan, pagpili

2. Regulatoryo gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring


nagaganap. Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para
alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.

Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/gawa, pagtatakda ng


mga alituntunin at alituntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono,
pagtatalumpati.

3. Interaksyonal gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipag kapwa-


tao. Nangangailangan ng matagumpay na interaksiyon ng wastong pag-
uugali.

Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, panunudyo, pag-aanyaya,


paghihiwalay, pagtanggap, atbp.

4. Personal gamit na wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao,


alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. Malaya
siyang magbuka ng bibig o magsawalang-kibo kung nais siya.

Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, maingat na pagpili ng salita,


pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin.

5. Hueristiko gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga


kaalaman at pag-unawa. Maaring gamitin ang wika para malaman ang
mga bagay sa daigdig.

Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatuwiran, pagbibigay-


konklusyon, paggawa ng hypothesis, pagpuna, pag-eeksperimento,
pagsang-ayon, pagtaya.

6. Representatibo gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol


sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, at paghahatid ng
mensahe.
Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng
mensahe, pagbibigay ng tama/maling impormasyon, pagsisinyngaling,
pagpapahayag.

C. Alamin ang ibat ibang impluwensya ng ibat ibang


pananakop sa wika ng Pilipinas.

1. Sa panahon ng Kastila
Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na
binubuo naman ng 20 na titik, 5 patinig at 15 katinig.
Naituro ang Doctrina Cristiana
Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at
tradisyong Europeo na naging bahagi ng ating panitikan gaya
ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
2. Sa panahon ng rebolusyong Pilipino
Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang
Tagalog.
Pagpasok ng diwang liberalismo
Mga Propagandista:
a. Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at Dimasalang (Noli at El Fili)
b. Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat)
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Kaiigat Kayo at Tocsohan
c. Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
d. Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)
3. Sa panahon ng Amerikano
Ginamit nilang instrument ang edukasyon na sistema ng
publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko. Mga
gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging
guro noon.
Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang ibat ibang
larangan ng panitikan tulad ng tula, kwento, dula, sanaysay,
nobela atbp.
4. Sa panahon ng Hapon
Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag uutos na
gawing opsiyal ang wikang Tagalog at Wikang hapon.
Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang
Ingles
Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
5. Sa Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukayan
Sa ilalim ng Saligang Batas noong 1935, seksyon 3, Artikulo
XIV Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang bansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang
Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay sentro ng Wikang
Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikang
pambansa.

You might also like