Professional Documents
Culture Documents
Quarter 1 Aralin 7 Ap5plp Ig 7 LM 1
Quarter 1 Aralin 7 Ap5plp Ig 7 LM 1
Quarter 1 Aralin 7 Ap5plp Ig 7 LM 1
PANIMULA
ALAMIN MO
Pagsasaka
Ang malawak na kapatagan ay ginagamit ng mga unang Pilipino sa pagsasaka.
Binungkal nila ang lupa sa pamamagitan ng araro at suyod na hila-hila ng kalabaw. Unti-unting
umunlad ang paraan ng kanilang
pagsasaka. May dalawang paraan
noon ng pagsasaka ang
pagkakaingin sa kabundukan at ang
pagpapatubig sa kapatagan.
Ang pagkakaingin o ang
paghahawan at pagsusunog ay
ginagawa sa burol. Pinipiling lugar
yaong maraming puno at walang
matataas na damo. Sa paraang
pagpapatubig, ang mga magsasaka
ay gumagamit ng patubig o
irigasyon.
Palay ang pangunahing
tanim ng mga Pilipino, gayundin ang
abaka, saging, kamote, bulak, niyog
at bungangkahoy. Ang mga malalaking punongkahoy sa kagubatan ay napakinabangan din ng
ating mga ninuno. Ginamit nila ito sa paggawa ng bahay at iba pang mga kagamitang yari sa
kahoy.
Pangingisda
Ang mga unang Pilipono na nakatira sa tabi ng ilog at dagat ay pangingisda ang
ikinabubuhay. Nakahuhuli sila rito ng ibat ibang uri ng isda. Karaniwang ginagamit nila ang
sibat, salakab, buslo at lambat. Bukod sa panghuhuli ng isda, ang mga unang Pilipino ay
nanguha rin ng mga kabibi at halamang dagat, ang iba naman ay naninisid ng perlas. Ginamit
nila itong pamalit sa mga kalakal ng mga mandarayuhang Tsino, Hapon at Arabe.
Pagmimina
Pagpapanday
Bago dumating ang mga Espaol, ang mga sinaunang Pilipino ay mahusay sa
metalurhiya o pagpapanday ng mga metal tulad ng ginto. Ito ang obserbasyon ng mga
dayuhang nangangalakal na ipinagpapalit ang kanilang paninda ng ginto, pilak at tanso.
Bukod sa pagsasaka, pagtatanim, pangingisda, at pagmimina, ang mga tao ay
nabubuhay rin sa pag-aalaga ng mga hayop at pagtitinda ng mga produktong yari o gawa sa
kanilang lugar.
Mauunawaan sa mga halimbawang ito na may kaugnayan ang hanapbuhay ng tao sa
kaniyang kapaligiran.
GAWIN MO
Gawain A
1. Maghati-hati ang klase sa apat na pangkat.
2. Gumuhit ng larawan ng kapaligiran na ngpapakita ng hanapbuhay ng mga Pilipino.
Unang Pangkat - Kabundukan
Ikalawang Pangkat - Kapatagan
Ikatlong Pangkat - Malapit sa katubigan
Ikaapat na Pangkat - Lungsod
3. Ipakita sa klase ang natapos na larawan at ipaliwamag sa klase ang nasa larawan.
Gawain B
1. Pag-aralan ang graphic organizer.
2. Anu-ano ang mga hanapbuhay ng mga sinauanang mga Pilipino na ginamit ang kapaligiran?
Kabundukan
at Kapatagan
Kagubatan
Mga Kagamitan sa Ibat Ibang Hanapbuhay
3. Pagsasaka Pangingisda
Pagmimina Pagpapanday
Gawain C
1. Maghati-hati ang klase sa apat..
2. Kumpletuhin ang retrieval chart.
A.
B.
Mga Produktong Pangkalakalan sa Ibat Ibang Hanapbuhay
Pagsasaka Pangingisda
Pagmimina Pagpapanday
3. Iulat sa klase ang output.
TANDAAN MO
Ang uri ng kapaligiran ay may kaugnayan sa uri ng hanapbuhay ng mga tao sa isang
lugar.
Tanong:
1. Mahusay ba ang ginawang pag-aangkop ng mga sinaunang Pilipino sa kapaligiran?
Patunayan ang iyong sagot.
2. Paano mo maisasabuhay ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay?
NATUTUHAN KO
3. Malalawak na damuhan
Kaugnayan ng
k a p a lig ir a n s a
Kabuhayan ng
S in a u n a n g P ilip in o
c ._ _ _ _ _ _
______
C. Isulat sa patlang kung saang paraan ng hanapbuhay may kaugnayan ang sumusunod.
b ._ _ _ _ _ a ._ _ _ _ _
____
1.________________- _
sibat ______
2.________________- ginto
3.________________- suyod na hila-hila ng kalabaw
4.________________- buslo
5.________________- perlas