Mga Dahilan at Epekto NG Paninigarilyo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MGA DAHILAN AT EPEKTO NG PANINIGARILYO

Ipinasa ni: Janmar A. Cabanag


Talaan ng Nilalaman

KABANATA I. Ang Suliranin at Kaligiran Nito ...... 1

A. Panimula ........... 1-2


B. Layunin ng Pag-aaral .. 3
C. Kahalagahan ng Pag-aaral .... 4
D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral .. 5
E. Depinisyon at Terminolohiya . 6
F. Talaan ng Sanggunian 7
Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

A. Panimula

Parati tayong pinapaalahanan at binabalaan na masama ang paninigarilyo sa

kalusugan nating mga tao. Ayon kasi sa mga pag-aaral ay nagtataglay ito ng mga

kemikal na nakakapagdulot ng sakit na kanser at iba pa. Mismong ang mga doktor na

mismo ang nagbabala laban sa mapanganib na epekto nito sa kalusugan.

(BayangPilipinas)

Ngunit sa sa kabila na marami nang namatay sa sakit dahil sa paninigarilyo,

marami pa rin ang ayaw huminto sa bisyong ito. Sa kabila rin na itinaas nang malaki

ang presyo ng sigarilyo, marami pa rin ang naninigarilyo at walang epekto ang presyo.

Ang nakaaalarma, maraming menor-de-edad ang nalululong na sa bisyong ito. Pabata

nang pabata ang mga naninigarilyo.

Sa Pilipinas, 14 na milyon na ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo, na

nasa edad 13 hanggang 15. (ABS CBN News) At inihayag din ng isang opisyal ng

Department of Health (DOH) na umaabot sa 10 Pinoy ang namamatay bawat oras

bunga ng mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo at hindi pa kasama rito ang

mga nagkasakit dahil sa secondhand smoke. (GMA News)

Ayon sa Department of Health (DOH) maraming sakit na nakukuha dahil sa

paninigarilyo at ang mga ito ang dahilan ng pagkamatay nang nga Pinoy. Karamihan sa

mga sakit ay ang hypertension, heart attack, stroke, cancer at lung disease. Ayon pa sa

DOH, tinatatayang 14 na milyong Pinoy ang may hypertension at ito ay dahil sa


paninigarilyo. At sa rami ng mga Pinoy na may mataas na blood pressure, hindi nila

alam na kabilang sila rito. Ang chronic obstruction pulmonary disease (COPD) ay isa sa

mga sakit na dulot ng paninigarilyo. Habambuhay na ang sakit na ito na

kinapapalooban ng mahirap na paghinga. (PhilStar)

Ang paninigarilyo ang nakakasama sa iyong kalusugan sa maraming paraan.

Ang mga epektong ito ang dahil sa ibat ibang lason na nasa sigarilyo, gaya ng nicotine

(isang nakaka-addict na kemikal), carbon monoxide (na sya ring kemikal na nasa

tambutso ng mga sasakyan), hydrogen cyanide (kemikal na nasa mga bomba) at iba

pa. Suma total, may 400 na ibat ibang uri ng lason sa karaniwang sigarilyo. Ang yosi ay

nakakapagsanhi rin ng bad breath o mabahong hininga at madilaw ng ngipin.

Sa mga hindi naman naninigarilyo, kung nalalanghap nila ang usok ng sigarilyo

ay nadadamay din sila sa mga panganib na hatid ng paninigarilyo. Ito ay tinatawag na

second-hand smoke. Napag-alamang mas ubuhin at hikain ang mga anak ng taong

naninigarilyo. Ang second-hand smoke rin ay nakakasanhi ng kanser, pulmonya,

impeksyon sa tainga, mga problema sa paghinga, at marami pang ito. (Murteque, 2012)

Kaya, ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay atensyon sa mga karanasan

ng mga batang Pilipinong naninigarilyo. Kabilang na rito ang kanilang mga dahilan at

pananaw ukol sa paninigarilyo pati na rin ang pagbabagong naidulot nito sa kanilang

pamumuhay. Nakapaloob din dito ang ilang mga suhestyon sa pagtigil o pagbabawas

ng paninigarilyo.
B. Layunin ng Pag-aaral

Ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong maglahad ng mga impormasyon sa

mga mag-aaral ng Grade 11-Garnet ng Bais City National High School tungkol sa

kalagayan ng mga kabataang Pilipino kaugnay sa paninigarilyo; makapagtala ng mga

karaniwang dahilan at salik na nakaaapekto sa desisyon ng kabataan na manigarilyo at

mga karaniwang epekto ng paninigarilyo lalo na kung bata pa lamang ay nasimulan na

ang ganitong bisyo; Layon din nitong magbigay ng ilang mga mungkahi at solusyon

upang makatulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo.

Sasagutin sa pag-aaral na ito ang sumusunod na katanungan:

1. Gumagamit ka ba ng sigarilyo?

2. Nakaka-apekto ba ang paninigarilyo sa iyong sarili?

3. Nakaka-apekto ba ang paninigarilyo sa iyong kapaligiran?

4. Ano ang mga dahilan kung bakit may mga naninigarilyo?

5..Anu-ano ang mga solusyon upang maiwasan ang paninigarilyo?


C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang sa paaralan, Bais City National High

School. Ito ay may malaking tulong sa pagbibigay ng impormasyon at kaalaman upang

mas maunawaan natin ang mga epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan at sa ating

kapaligiran.

Sa mga mag-aaral

Mabibigyan ng babala ang mga mag-aaral tungkol sa mga masasamang epekto

ng paninigarilyo. Magkakaroon din sila ng sapat na impormasyon tungkol sa

paninigarilyo at sa mga masasamang maidudulot nito sa ating kalusugan.

Sa mga magulang

Mapapatnubayan nila ang kanilang mga anak palayo sa mga bisyo tulad ng

paninigarilyo. Habang mas maaga pa ay masaisip na nila na masama ang paninigarilyo

ng kanilang mga anak tungo sa pag-abot sa kanilang pangarap.

Sa mga tagapamahala ng paaralan

Ang pag-aaral na ito ang magiging daan upang mas palakasin ng

administrasyon ng paaralan ang kanilang pakikipaglaban sa bisyong paninigarilyo.

Sa mga mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay maaring magsilbing gabay o kaalaman tungo sa

hinaharap na pananaliksik.
D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay makapagbigay ng sapat na

impormasyon hinggil sa mga epekto ng paninigarilyo sa mga mag-aaral ng Grade 11

ICT Garnet ng Bais City National High School sa taong panuruan 2016-2017.

Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang tatlumpu (30) na mag-aaral sa Grade 11 ICT

Garnet ng Bais City National High School. Pagtutuunan ng pag-aaral na ito ang mga

epekto ng paninigarilyo at kung paano nasolusyonan ang mga negatibong epekto nito.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang ibang mga mag-aaral na nasa ibang

departamento o ibang baitang ng paaralan. At dahil sa dami ng populasyon ng mag-

aaral, minarapat ng mananaliksik na pumili lamang ng talumpu (30) na respondente

upang mabigyan ng pokus ang bawat pangunahing suliranin na nararanasan ng isang

estudyante.
E. Depenisyon at Terminolohiya

Paninigarilyo isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap,

pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at

nilalasahan ang usok.

Sigarilyo ay isang produktong ginagamit sa pamamagitan ng pagpapausok nito o

paninigarilyo, at gawa mula sa pinong hiwang dahon ng tabako. Ang sigarilyo ay

sinisindihan sa kabilang dulo na bahagi nito at sa kabila naman ay kung saan maaaring

hithitin ang usok, kadalasang may pilter)

Nikotina ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako. Ang bawat

piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1 mg nicotine. Ito ay ang tinuturong pangunahing

sanhi ng cardiovascular disease at heart attack sa mga naninigarilyo

Nicotine addiction Ang paulit-ulit na pagsindi ng sigarilyo ay nauuwi sa nicotine

addiction.

Withdrawal symptoms nararamdaman ito kung bigla kang huminto sa paninigarilyo.

Ang ilan sa mga ito ay ang pagka-irita, pagkabahala, pagkabalisa, depresyon, at

pagtaas ng timbang.

Secondhand smoke usok na binubuga ng mga naninigarilyo

Passive smoking tumutukoy sa paglanghap ng second-hand smoke (SHS) o

environmental tobacco smoke (ETS) ng mga non-smoker. Bagamat di tuwirang

naninigarilyo, ang mga taong ito ay maaari ring magkaroon ng mga sakit na gaya ng

mga naninigarilyo.
F. Talaan ng Sanggunian

https://bayangpilipinas.wordpress.com/2011/12/04/ang-paninigarilyo/

http://news.abs-cbn.com/video/lifestyle/05/30/11/14m-pinoy-teens-addicted-

nicotine-doh-says

http://www.gmanetwork.com/news/story/260387/news/ulatfilipino/10-pinoy-ang-

namamatay-bawat-oras-dahil-sa-sigarilyo-doh

https://bryanmuertequedotcom.wordpress.com/2012/02/27/mga-masamang-

epekto-ng-paninigarilyo/

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Nikotina
Konseptwal Paradaym

Sarili

Mga Dahilan at
Epekto ng
Paninigarilyo
Magulan Kaibigan
g

Kapaligiran

You might also like