3ang Globalisasyon Sa Ugnayang Pangekonomiya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)

CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING


I. PAMAGAT: ANG GLOBALISASYON SA UGNAYANG PANG-EKONOMIYA

II. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan ng buong yunit, ang mag-aaral ay


inaasahang:

natutukoy ang ugnayan ng globalisasyon at ekonomiya


nailalahad ang mahalagang ginagampanan ng mga punong manlalaro sa
pag-usbong ng globalisasyong pang-ekonomiya.
naiuulat ang kasaysayan ng globalisasyong pang-ekonomiya
naipaliliwanag ang internasyonal na kalakalan at polisiyang pangkalakalan
naipahahayag ang ideolohiya sa gintong pamayanan

III. INTRODUKSYON:

Ang pagtatalakay na ito ay nakatuon sa globalisasyong pang-ekonomiya na kung


saan ay hindi mapapasubalian ang katotohanang ang ekonomiya ay siyang
pinakamalaking sector at sentro ng pagtatalakay sa globalisasyon.

Ang dimensyong pang-ekonomiya ang siyang pangunahing puwersa sa


pagpapalaganap ng globalisasyon at ditto dapat ay dapat nakatuon ang atensyon sa
bawat kaganapan ng globalisasyon.

Nakasentro sa pag-aaral na ito ang dalawang larangan sa globalisasyong pang-


ekonomiya, una ay ang pananalapi at pangangalakal at ang pangalawa naman ay ang
ebolusyon ng pangunahing internasyonal na monetaryong rehimo.

IV. PAGTALAKAY:

Ang Globalisasyong Pang-ekonomiya

Ang Globalisasyong Pangekonomiya ay isang prosesong pangkasaysayan,


resulta ng inobasyon at progreso sa teknolohiya ng tao.

Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng integrasyon ng ekonomiya sa buong mundo,


partikular ang paggalaw ng mga produkto, serbisyo at kapital lagpas sa mga
hangganan. Ito din ay tumutukoy sa paggalaw ng tao (lakas-paggawa), at kaalaman
(teknolohiya) papunta sa ibat-ibang internasyonal na hangganan. (IMF, 2008)

13
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

Ang Globalisasyong Pang-ekonomiya ay may Inter-Konektadong Dimensyon

1. Ang globalisasyon ng produkto at serbisyo.


2. Ang globalisasyon ng pinansyal at kapital ng mga merkado.
3. Ang globalisasyon ng teknolohiya at komunikasyon.
4. Ang globlisasyon ng produksyon.

Globalisasyon at Internasyonalismo

Internasyonalismo ang ekstensyon ng paggalaw ng ekonomiya ng isang estado o


bansa ng higit sa kanilang hangganan.

Globalisasyon gumaganang integrasyon sa pagitan ng magkakaibang internasyonal


na paggalaw o gawain (Dicken, 2004).

Ang Globalisasyon at Estado

Ang mga Estado ay nananatiling buhay at importante.subalit sila, sa kahit na


anong paraan, ay naiimpluwensyahan ng globalisasyonngunit ang impluwensya ng
globalisasyon sa mga estado ay hindi balanse.

Sa globalisasyon, ang ginaganapan ng mga gobyerno at estado ay parang


tagapagpa-anak o tagabugso ng globalisasyon

Mga Punong Manlalaro sa Progreso ng Globalisasyon

Nagkakaisang Bansa (UN)


Non-Government na mga Organisasyon
Transnasyonal na mga Korporasyon

Kasaysayan ng Globalisasyong Pang-ekonomiya

14
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang Proseso ng Pagbubuklod ng Mundo
Sinaunang Migrasyon (sinaunang homo sapiens)
Ang Sutlang Daan
Mga Dakilang Pagkatuklas (ani Adam Smith)
Ang Pagkakatuklas ni Columbus sa Amerika
Ang Pagkatuklas ni Vasco de Gama sa Direktang Ruta patungong India
Ang Ekonomiyang Nasyonalismo (kahit na tutol ang internasyonal sa
pakikipagkalakalan dito pagkat ito ay nagiging instrumento ng kolonisasyon)
Ang British East Indies Company
Ang Dutch East Indies Company
Ang Pagsulong ng Pagpapalitan at Pangangalakal ng ika-19 Siglo
Steamships
Riles
Ang mapayapang panahon bago ang Unang Digmaang Pandaigdig ang
nakapagpaigting ng proseso ng integrasyon ng ekonomiya
Tinagurian itong ang gintong siglo ng globalisasyon

Epekto ng Globalisasyon

Nakikinabang ang mga bansa, subalit hindi lahat.


Ang hindi patas at hindi balanseng proseso ng globalisasyon ay mabuti sa iba
ngunit hindi sa iba.
Nagduot ito ng progreso sa ibang bansa at pagkabara o walang-pagunlad
naman sa iba.
Ang Industriyal na Rebolusyon ng ika-18 siglo ay nagdulot ng maagang pagunlad
sa mga bansa sa Europa.
Ang mga bansang walang-pagunlad ay ang mga bansang naging kolonya at
nasakop ng imperyalismo.
Ang Globalisasyon ay hindi bago sa mundo.

Ang Sistema ng Monetaryong Pang-Internasyonal

Binuo upang isaayos ang mga transaksyon sa labas ng mga hangganan.


Higit ito sa pera at interes.
Nagpapakita ito ng kapangyarihan ng ekonomiya.
Ang pera ay likas na politikal at isang integral na parte ng mataas na politika at
diplomasya.

15
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang Gintong Pamantayan

Ang ginto bilang pamantayang basehan ng halaga ng pera dahil sa angkin nitong
katangian na hindi naaapektohan ng implasyon.
Ang ginto bilang pamantayan ng pirmihang halaga ng palitan at nagsisilbing
tanging internasyonal na reserba.
Binigayang-daan nito ang balanseng pangangalakal.
Ang ibang bansang may mas maliit na reberba ay natatalo sa otonomiya nila sa
monetaryong polisiya.
Dumating ang IMS para pahiramin sila ng balanse at bigyan sila ng daan sa
internasyonal na kredito.
Pagputok ng Unang Digmaang Pandaigdig, nawala rin ang gintong pamantayan.

Ang Sistemang Bretton Woods at ang Disolusyon nito

Ito ang isang halimbawa ng lubusang negosasyong pangmonetaryong kaayusan


na ginawa para ayusin ang monetaryong ugnayan sa pagitan ng mga
independenteng bansa.
Ito ay ginawa para sa mga kalahok na bansa para iangkop ang monetaryong
polisiya na magpapanatili ng halaga ng palitan sa pamamagitan ng pagtali ng
halagang tanyag nito sag into at ang pagkaroon ng abilidad ng IMF na itawid ang
pansamantalang imbalances sa mga bayad.

Ang Integrasyon ng Monetarisasyon ng Europa

Ang Pagunlad ng Ekonomiya ng Europa ang nagbigay-daan sa pagbuo ng


European Economic Council (EEC). Ito ang unang hakbang ng Europa upang
magkaron ng matatag na pagkakaisa.

Ang Germany, France, Italy, Netherlands, Belgium, and Luxembourg, ang mga
orihinal na nagtatag ng EEC ay naglayong magbuo ng komon na merkado kung
saan ang mga produkto, serbisyo, kapital at lakas-paggawa ay malayang

16
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
makakadaloy. The success of the EMS paved the way for European economic
integration.

Noong 1999, ang mga miyembro ng EMU o European Economic and Monetary
Union (naitatag noong 1992) ay iniwan ang kanilang mga nasyonal na halagang
tanyag at nagdelega ng isang monetaryong polisiya sa supra-nasyonal na lebel,
na pamumunuan ng European Central Bank (ECB).

Ang papel ng ECBs role ay ang pagpapanatili ng katatagan ng presyo.

Ang Euro bilang kanilang halagang tanyag ay mas lumakas.

Internasyonal na Kalakalan at Polisiyang Pangkalakalan

Ang Teorya ng Komparatibong Pakinabang ni David Ricardo: Ang bawat bansa ay


kailangang magkaroon ng komparatibo o pantay na pakinabang sa isang bagay sa
kabila ng kondisyon nito (Ricardo, 1817).

Subalit, hindi natin maiaalis ang kalakal sa pulitika.

Maaari ding maging kawalan ng isang bansa ang malayang pangangalakal na


maaring magbunga ng mas mababang dagdag halaga sa produkto.

Ang pansamantalang pagrestrikto sa malayang galaw ng produkto ay maaring


magbunga ng isang industrya sa loob ng isang bansa.

Ang Proteksyonismo ay isang natural na paraan ng pagkamit ng mga layunin ng


isang bansa o nasyon.

Ang Unilateral na Kaayusang Pangkalakalan

Internasyonal na Kalakalan bumugso dahil sa Rebolusyong Industriyal sa Europa.

17
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Nagdulot din it sa UK at France para makagawa ng mga produktong base sa
komparatibong pakinabang.

Naiwasan ang digmaan dahil sa boluntaryong pangangalakal.

Ang Bilateral na pangangalakal ay isinagawa na may koneksyon sa prinsipyo ng


Mas Pinapaburang mga Nasyon (Most Favored Nations - MFN).

Prinsipyo ng MFN: kasunduan sa pagpapababa ng taripa ay iniabot sa ibang


kasosyo sa kalakal na walang restriksyon.

Multilateralismo: Mula GATT tungong WTO

Pagtapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Amerika ang naging lider ng


industriyaat naging pinakamalaking nagdodonasyon sa mga bansa na matinding
nagupong ng giyera.

Ang ITO, GATT at WTO

Ang International Trade Organization, o ITO, ay ang iminungkahing pangalan


para sa internasyonal na institusyon para sa pagsasaayos ng kalakalan. Subalit
hindi ito nagtagumpay dahil hindi inaprobahan ng Kongreso ng Amerika.

Ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) ay isang multilateral na


kasunduan na nagsasaayos ng internasyonal na kalakalan. Ayon sa kanilang
preambulo, ang layunin nito ay ang "substansyal na pagbaba ng taripa at ibang
hadlang sa kalakal at alisin ang mga kagustuhan sa isang tumbasan at patas na
halagang basehan.

18
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Noong 1995, nabuo ang World Trade Organization at nagsimulang maging
opisyal na porum para sa negosasyong pangkalakal. Ito ay may isang legal na
personalidad.

Ang World Trade Organization (WTO) is an inter-gobernamental na


organisasyon na nangangasiwa sa internsyonal na kalakal sa pagitan ng mga
bansa kung saan sila ay nagbibigay ng isang balangkas para sa negosasyong
pangkalakal na mga kasunduan at nagaayos ng kaguluhan sa pagproseso ng
resoluyong naglalayong ipagtupad ang mga kasunduan sa mga kalahok na
pirmado ng mga representate ng mga gobyernong kabilang o kaanib nito.

Ang Papaunlad na mga Bansa at ang Internasyonal na Kalakal

Halos lahat ng papaunlad na bansa noon ay hindi lumahok sa multi-lateral na


negosasyong pangkalakal sa mahabang panahon.

Maliban sa mga industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asya, ang mga


papaunlad na mga bansa ay hindi nakaainb sa sistema ng kalakal na ginawa
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Noong 1964 nabuo ang United Nations Conference on Trade and Development
(UNCTAD) sa pakikilahok ng mga papaunlad na bansa. Ang layunin ng UNCTAD
ay ang pagtataguyod ng kalakal at kooperasyon sa pagitan nga mga papaunlad
at mauunlad na mga bansa.

V. EBALWASYON/PAGTATAYA:

Gawain I

19
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Panuto: Papangkatin ng guro ang klase ayon sa bilang ng kasaysayan ng pag-usbong
ng globalisasyong pang-ekonomiya. Mananaliksik ang mga estudyante ng karagdagang
impormasyong magpapatibay sa bawat panahon at kasaysayang pang-ekonomiya. Ito
ay iuulat ng bawat pangkat sa loob lamang ng sampung minuto.

Gawain II

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga katanungan at sagutan ang mga
katanungan at gawaing nakalaan.

1. Bakit mahalaga ang polisiyang pangkalakalan sa internasyonal na


pananalapi at kalakalan? Palawakin at papagtibayin.
2. Ano ang nakatagong ideolohiya ng gintong pamayanan? Ilahad at
ipaliwanag.

VI. MGA SANGGUNIAN

Eichengreen BJ and Irwin DA (2009) The slide of protectionism in the Great


Depression: Who succumbed and why? NBER working paper No. 15142.

European Commision (2008) EMU@10: Successes and challenges after 10


years of Economic and Monetary Union. European Economy No. 2, June,
Brussels.

Findlay R and ORourke KH (2007) Power and plenty: Trade, war, and the world
economy in the second millennium. Princeton, NJ: Princeton University
Press.

Kerr WA (2007) Introduction to trade policy. In: Kerr WA and Gaisford JD (eds)
Handbook on international trade policy. Cheltenham: Edward Elgar
Publishing Limited, pp. 1-8.

McGrew A (2008) The logics of economic globalization. In: Ravenhill J (ed.)


Global political economy. New York: Oxford University Press, pp. 277-313.

20
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Salvatore D (2007) International economics. Hoboken: John Wiley & Son.

21

You might also like