Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Salawikain (Philippine Proverb) ay hango rin sa mga aral na nakuha sa pang araw araw na

pamumuhaymay. Ang mga salita nito ay mas malalim. Ang mga kasabihang ito ay nagmula sa mga pahayag at
pangaral ng mga matatanda.

SALAWIKAIN (PROVERB)
Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng
mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga
katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-
ayang pakinggan.

Halimbawa:
1. Kung ano ang puno siya ang bunga.
2. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
3. Ang taong gipit sa patalim kumakapit.
4. Kung anong itinanim, siyang aanihin.
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Ang Sawikain (Filipino idiom or idiomatic expression) ay mga idyoma. Isa itong uri ng pagpapahayag na
kusang nalinang at nabuo sa atin, gamit ang ating wika. Ang mga ito ay base rin sa pang-araw-araw na pamumuhay at
pakikisamaluha sa kapwa. Ito ay maaaring isang parirala o pangungusap, na ang ibig sabihin ay lubos na naiiba mula sa mga
literal na kahulugan ng mga salita na binubuo ng idyoma o pansalitain na ekspresyon.

SAWIKAIN (SLOGAN)
Ang mga sawikain ay maaaring mga idyoma. Ang pagpapahayag na mga ibig sabihin
ng mga sawikain ay hindi komposisyunal o mahirap matumpak.
Halimbawa:
1. magdilang-anghel (magkatotoo ang sinabi)
2. balitang kutsero (balitang hindi totoo; fake news)
3. ilaw ng tahanan (nanay o ina sa pamilya)
4. mababaw ang luha (iyakin o madaling mapaiyak)
5. nakalutang sa ulap (masaya)
KASABIHAN (SAYINGS)
Mga nakagawiang ekspresyong ng mga Pilipino.
1. Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda. (-
Jose Rizal)
2. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.
3. Walang sumisira sa bakal kundi ang sarili din niyang kalawang.
4. Napakahaba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
5. Nadadaig ng maaagap ang mga masisipag.

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa ibang
salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

1. butas ang bulsa - walang pera

2. ilaw ng tahanan - ina


3. alog na ang baba - matanda na

4. alimuom - baho -

5. bahag ang buntot - duwag

6. ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan

7. bukas ang palad - matulungin

8. kapilas ng buhay - asawa

9. nagbibilang ng poste - walang trabaho

10. basag ang pula - luko-luko

You might also like