Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANNA MAE FERNANDEZ

AKADEMIKONG SULATIN

Abstrak -Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,papel siyentipiko at
teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel. Hindi
gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.

Sintesis/Buod -Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng
maiklling kwento. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod na pangyayari sa
kwento.

Bionote -Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang
impormasyon ukol sa kanya. May makatotohanang paglalahad sa isang tao.

Agenda -Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa
kaayusan ng at organsadong pagpupulong. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.

Panukalang Proyekto -Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Naglalayong mabigyan


ng resolba ang mga prolema at suliranin. Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos
ng ideya..

Talumpati -Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugod,
mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman. Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may
malinaw ang ayos ng ideya.

Katitikan ng Pulong -Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong
nailahad sa isang pagpupulong. Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong
napag-usapan at makatotohanan.

Posisyong Papel -Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng
kamalian na hindi tanggap ng karamihan. Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang pagkakasunod-
sunod ng ideya.

Replektibong Sanaysay -Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang manunulat at
nagrereplek. Nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng manunulat. Isang replektib na karanasang personal
sa buhay o sa mga binasa at napanood.

Pictorial Essay -Kakikitaan ng mas maraming larawano litrato kaysa sa mga salita. Organisado at may
makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap.

Lakbay Sanaysay -Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik tanaw sa paglalakbay na ginawa ng
manunulat. Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan.

Mga dahilan kung bakit nagsusulat ang isang awtor :


o Magbigay ng impormasyon
o Manlibang ng mga mambabasa / Libangan ng mga awtor ang pagsusulat
o Maghayag ng mga saloobin o damdamin
o Manghikayat ng mga mambabasa
o Magbigay kasiyahan sa mga mambabasa sa pamamagitan ng mga nalikhang babasahin

You might also like