Di Na Natuto

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Di Na Natuto

ni Jaymar L. Galag

Sa isang dako, ika'y nanlumo


Sa isang banda, ika'y nagtaka
Sa bawat liko, ika'y nahilo
Sa bawat dapa, ika'y namutla

Yung lansangan, iyong hinigaan


Sa hangin, ika'y naglambitin
Yung karagatan, iyong tinakbuhan
Sa buhangin, ika'y nagsalamin

Tumalon ka sa kahapon
Tumakas ka sa bukas
Itinapon mo ang ngayon
Umalpas ka sa nakalipas

Paulit-ulit, nangangalit
Walang sawa, namimihasa
Puro sabit, namimilipit
Walang unawa, nangungutya

Di na natuto, di na natuto
Hanggang kelan ka ganito?
Di ka ba napapagod? Di napapagod?
Idadaan mo na naman ba sa pagluhod?
Nasa harap ang 'yong likuran
Paa mo'y nasa bunbunan
Ilong ay nasa dumihan
Tainga'y sinusubuan

Hanggang kelan ka ganyan


Hapo na ang 'yong katawan
Manhid na ang puso't isipan
Tumatawa kahit sugatan

Sa wala, ika'y tumaya


Nang matalo, ika'y lumayo
Sa tama, walang nagawa
Nang maliyo, ika'y natuliro

Ang sabi mo ika'y minalas


Noong minsan kang nadulas
Pahina mo'y nalalagas
Kelan ka makakaalpas?

Ang sabi mo natuto ka na


Ang sabi mo walang problema
Ang sabi mo natauhan ka na
Ang sabi mo wala yung kwenta

Bakit ngayo'y nasa sulok?


Bakit ngayo'y nakalugmok?
Sa dibdib mo'y may nakatusok
Buhay mo'y nabubulok!

Kaluluwa mo'y matagal nang humihiyaw


Gusto mong balikan, nagdaang mga araw
Subalit, kahit mamaos sa kakasigaw,
Ang mga nakalipas, di na maaagaw.

Akala mo kasi, di ka magkakamali


Akala mo kasi, panalo ka palagi
Akala mo kasi, lahat ay posible
Akala mo kasi, kahit ano ay pwede

Ngayon, luhaan ka na naman


Lagi na lang, ikaw ang talunan
Kelan? Kelan mo kaya matututunan?
Na di ka mabubuhay nang magpakailanman!

You might also like