Professional Documents
Culture Documents
Tore NG Babel
Tore NG Babel
plas
06/20/17
Tore ng Babel
NAGDAAN ang maraming taon. Ang mga anak ni
Noe ay nagkaroon ng maraming supling, kaya di nagtagal
at kumapal ang tao sa lupa.
Tore ng Babel
Inilarawan sa Genesis 11:1-9 ang Tore ng Babel. Pagkatapos ng
Baha, inutusan ng Diyos ang sangkatauhan na magparami at punuin
ang mundo (Genesis 9:1). Ngunit nagdesisyon ang sangkatauhan na
gawin ang salungat dito: Ang sabi nila, Halikayo at magtayo tayo ng
isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo
at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig (Genesis 11:4).
Nagdesisyon ang sangkatauhan na magtayo ng isang malaking
siyudad at manatili doon. Nagpasya din sila na magtayo ng isang
higanteng tore bilang simbolo ng kanilang kapangyarihan, at upang
gumawa ng pangalan para sa kanilang sarili (Genesis 11:4). Ang toreng
ito ay nakikilala bilang Tore ng Babel.