Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PROYEKTO SA

ESP

Date submitted: February , 27, 2017

Deadline of submission: February , 28, 2017

Submitted to:
PAGDADALAGA AT PAGBIBINATA
Ang pagbibinata o pagdadalaga ay ang proseso ng
pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang batang
pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang magparami nang
sekswal. Ito ay pinasisimulan ng mga hudyat ng hormones mula sa utak
patungo sa gonad: ang mga obaryo para sa mga babae at testes naman para sa
mga lalaki. Bilang tugon sa mga hudyat, ang gonads ay maglalabas ng
hormones na maguudyok ng libido at ng paglaki, gampanin at ang pagbabago
ng utak, mga buto, kalamnan, dugo, balat, buhok, dibdib, at ari. Ang pisikal na
paglakitaas at timbangay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o
pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong
katawan.
Karaniwan, ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa
gulang na 10 hanggang 11. Samantala ang mga lalaki ay nagsisimula naman sa
gulang na 11 hanggang 12. Ang mga babae ay karaniwan ring dumadaan sa
ganap na pagdadalaga sa gulang na 15-17, habang ang mga lalaki ay ganap na
nagbibinata sa gulang na 16-17. Isang mahalagang hudyat ng pagdadalaga ang
menarche, ang panimulang regla, na karaniwang sumisibol sa gulang na 12-13;
para sa kalalakihan, ito ay ang pangunahing pagpapalabas ng semilya na
karaniwang nagaganap sa gulang na 13. Noong ika-21 na siglo, ang karaniwang
gulang kung saan ang mga bata, lalo na sa kababaihan, na dumadaan sa
pagdadalaga o pagbibinata ay mababa kung ihahambing sa ika-19 na siglo,
kung saan 15 ang gulang ng mga babae at 16 sa mga lalaki. Ito ay maaaring
dulot ng ilang salik, kasama na ang pinabuting nutrisyon na humahantong sa
matuling paglaki ng katawan, pagtaas ng timbang at deposisyon ng mga taba,
o di kayay pagkakababad sa endocrine disruptors tulad ng xenoestrogens, na
maaaring dahil sa pagkonsumo ng pagkain o iba pang pangkapaligirang salik.
Ang pagdadalaga o pagbibintang na mas maagang nagsisimula ay tinatawag
ding precocious puberty. Ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay
delayed puberty.
Mahalaga sa morpolohikong pagbabago sa sukat, hugis, nilalaman, at pagkilos
ng lumalaking katawan, ang pagsibol ng pangalawang pansekswal na
katangian, ang pagpuno sa katawan ng bata; mula sa batang babae tungo
kadalagahan, mula sa batang lalaki tungo pagbibinata. Nagmula sa Latin
puberatum (gulang ng pagbibinata o pagdadalaga), ang salitang puberty ay
tumutukoy sa mga pisikal na pagbabago tungo sa pansekswal na pagsibol,
hindi ang sikososyal at kultural na paglaki na tinutukoy ng salitang
adolescent development sa kulturang pangkanluran, kung saan ang
adolescence ay ang panahon ng mental na pagbabago mula pagkabata patungo
pagtanda na kadalasang nasasapawan ang panahong paglaki ng katawan.
BIRTUD
Ang mabuting gawi , birtud o virtue sa salitang
ingles ay galling sa salitang latin na virtus na ang ibig
sabihin ay pagiging tao ,kalakasan at kakayahan Ang
birtud ay pagpapahalagang naisasabuhay nang may
kagalingang moral o pagiging matuwid sa lahat ng
bagay at sa lahat ng panahon .Ang taong namumuhay
na may mga birtud ay may mataas ns rurok ng
moralidad ,pag-asal nang tama at wasto,
pagkamapanagutan, pagkawalang birtud ,at sa
kabutihan.

Mayroong apat na uri ng birtud ito ay :

Unang Kardinal na Birtud: Pagkamaingat

Ito ay nagsisimula sa paggamit ng isip o dunong ng


tao na maging maingat sa paggawa ng tama at sa pag-
iwas sa paggawa ng mga kasalanan .Ang pagiging ganap
ganap ng tao,kung susuriin,ay tunay na nagsisimula sa
kanyang isip.
Ikalawang Kardinal ng birtud: Katarungan

Ang katurungan ay mga birtud na maging matapat


sa determinsyon na igalang at ibigay ang narapat sa
kapwa ayon sa kaniyang mga karapatan.Ang
karutungan.Ang katarungan para sa kapwa ay paggalang
sa mga karapatang pantao ng lahat ng tao,mayaman
man o mahirap.Ang lahat ng tao ay may mga natural na
karapatan na galling sa Diyos.Marami tayong natural na
karapatan na dapat igalang. Ang ilan ay ang karapatang
mabuhay, karapatang pumili ng sariling relihiyon, o ang
karapatang mabuhay nang ligtas at tahimik.

Napakaganda ng daigdig kung saan ang lahat ng


tao ay gumagalang at nagbibigay ng nararapat sa kapwa
ayon sa kaniyang karapatan. Ngunit ang katarungan ay
hindi nakakamit ng lahat sapagkat may mga taong
makasalanan ng lumalabag sa kanilang mga karapatan.

Ikatlong cardinal na birtud: Katatagan ng Loob

Ang katatagan ng loob ay ang birtud ng


nagtutulak sa tao para manaig sa kaniya ang lakas at
katatagan ng loob na harapin ang mabibigat na
problema. Ang birtud na ito ay bunga ng maliwanag ng
pag-iisip na nagtutulak ng gumawa ng mga aksiyong
moral kahit na sa harap ng peligro.

You might also like