Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis

Ayon sa mitolohiyang Romano, noon ay may napakagandaang diyosa na


nagngangalang Venus.Siya ay matuwain at mapagmahal sa bata. Lagi
niyang kalaro ang kanyang anak na si Kupido. Salahat ng oras
ay nakasukbit sa balikat ni Kupido ang kanyang busog at palaso. Kapag
tumimo sapuso ng isang tao ang palaso ay natututong umibig ito.Minsan
sa kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni Kupido si Venus.
Nag-alala ang anakat kinalma ang kalooban ni Venus. Naunawaan ng
ina ang nangyari at nagsabing sa Lupa na langsiya
magpapagaling.Nagpasya si Venus na pumunta sa Daigdig upang doon
magpagaling ng sugat. Pagdating niyaroon ay isang ubod ng kisig na lalaki
ang kanyang nakita. Yaon si Adonis na hilig ay pangangaso.Halos araw-
araw ay magkasama sina Venus at Adonis sa gubat. Sa bandang huli,
naging hilig narin ni Venus ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat. At
tuluyan silang naging magkatipan.Isang araw, nagpaalam si Venus sa
kasintahan na uuwi muna sa Bundok Olimpos upang dalawinang anak at
ang iba pang diyos at diyosa. Mag-iingat ka, Adonis, baka mapahamak
ka sapangangaso habang ako y wala, paalala ni Venus.Palibhasa y hilig
at likas talaga sa kanya ang pangangaso, hindi napigilan ni Adonis na
pumuntasa gubat at manghuli ng baboy-ramo. Sa kasamaang-palad,
nanlaban ang nasabing hayop at siyaay nilapa. Wala nang lakas si Adonis
nang tigilan ng hayop.Nalaman ni Venus ang nangyari at nagmamadali
itong bumalik sa Daigdig. Inabutan niyangnaghihingalo ang kasintahan.
Tumangis siya sa sobrang lungkot sa pagpanaw ng katipan.Ginamit niya
ang kanyang kapangyarihan at ginawa niyang napakagandang bulaklak ang
dugongtumapon sa kanyang kasintahan. Mula noon, ang mga rosas
ay sinasabing ang dugo ni Adonisna simbolo ng pagmamahal.

You might also like