Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Nueva Ecija
Umangan National High School
Aliaga, Nueva Ecija

Panimulang Pagtataya
Araling Panlipunan 7

LRN:_______________
Pangalan:______________________________ Marka:_____________
Baitang at Pangkat:______________________ Petsa:______________
PAGPILI
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

_____1. Alin sa mga uri ng grassland ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang bahagi ng Russia?
A. Prairie C. Steppe
B. Savanna D. Tundra
_____2. Tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.
A. Rehiyon C. Kontinente
B. Dibisyon D. Bansa
_____3. Ang mga sumusunod ay mga rehiyon sa Asya, maliban sa________.
A. Hilagang Asya C. Timog-Kanlurang Asya
B. Silangang Asya D. Kanlurang Asya
_____4. Pinaka-mataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro.
A. Mt. K2 C. Mt. Kanchenjunga
B. Mt. Apo D. Mt. Everest
_____5. Itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong mundo at tinaguriang Roof of the World.
A. Deccan Plateau C. Tibetan Plateau
B. Anatolian Plateau D. Bolaven Plateau
_____6. Pinakamalaking Disyerto sa Asya at pang-apat sa buong mundo.
A. Sahara C. Taklimatan
B. Kara Kum D. Gobi
_____7. Uri ng damuhang may ugat na mababaw o shallow-rooted grasses na matatagpuan sa Monggolia gayundin sa
Manchuria at Ordos Desert sa Silangang Asya.
A. Steppe C. Prairie
B. Savanna D. Taiga
_____8. Coneferous na kagubatan bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong telo o
ulan.
A. Boreal forest C. Rocky Mountain track
B. Rainforest D. Savanna
_____9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan
talampas, disyerto at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.
D. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa
pamumuhay ng mga Asyano.
_____10. Bakit iba-iba ang vegetation cover ng Asya?
A. Dahil sa iba-iba ang klima sa bawat rehiyon sa Asya, iba-iba rin ang mga halaman o damo na
tumutubo.
B. Dahil iba-iba ang kultura ng bawat rehiyon sa Asya.
C. Dahil ang Asya ang may pinakamaraming bilang ng bansa.
D. Dahil karamihan sa rehiyon ng Asya ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire.
_____11. Ang Dinastiyang Tang ay itinuturing ding Gintong Panahon ng China. Ano ang tawag sa mahabang panahon ng
kapayapaan dito?
A. Pax Sinica C. Sinica Romana
B. Pax Romana D. Wala sa nabanggit
_____12. Ano ang tawag sa naimbento ng Dinastiyang Tang na siyang nagpapabilis ng paggawa ng mga kopya ng mga
sulatin?
A. Printer C. Woodblock printing
B. Ink-jet printer D. Block printing
_____13. Ang Yuan ang unang banyagang dinastiya ng China, ano ang naging capital nito?
A. Jeonju C. Beijing
B. Daidu D. Jendu
_____14. Naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan sa Dinastiyang Zhou.
A. Lao Tzu C. Gautama Buddha
B. Confucius D. Mahatma Ghandi
_____15. Sa anong dinastiya naimbento ang papel, poselana at watered-powdered mill?
A. Han C. Tang
C. Qin D. Sung
_____16. Napabagsak ni Zheng ang Zhou noong 221 BCE at idineklara ang sarili bilang Shi Huang Ti, ano ang ibig sabihin
nito?
A. Unang emperador C. Ang dakila
B. Ang mandirigma D. Ang matapang
_____17. Ano ang tawag sa istilo ng porselana na nalikha ng Georyo?
A. Celadon C. Telon
B. Porselas D. Porcelain
_____18. Si Fujiwara Kamatari ang batang emperador ang naging regent. Ano ang ibig sabihin ng regent?
A. Namamahala sa ngalan ng pari. C. Namamahala sa ngalan ng emperador.
B. Namamahala sa ngalan ng mamamayan. D. Namamahala upang makapaglingkod.
_____19. Saang kaharian nagmula ang pangalang Korea?
A. Balhae C. Georyo
B. Kuryo D. Silla
_____20. Mga tribong manananalakay na tinawid ang hilagang kanlurang bahagi ng India.
A. Maurya C. Gupta
B. Muslum D. Indo-Aryan
_____21. Tumagal ng 600 na taon, mula 1500-900 BCE ang unang kabihasnang Indo-aryan. Ano ang pangalan ng
kanilang unang panitikan?
A. Vedas C. Rektas
B. San Veda D. Venderitas
_____22. Ano ang wika na dala ng Indo-Aryan na tumagal ng 1000 taon?
A. Vaishya C. Brahmin
B. Sudras D. Sanskrit
_____23. Sino ang hari ng Macedonia na napabagsak ang Persia noong 328 BCE?
A. Mahatma Gandi C. Alexander the Great
B. Fugiwara D. Wang Geon
_____24. Sino ang unang Hari ng Maurya?
A. Chandragupta C. Asoka
B. Maur D. Alexander
_____25. Sino ang makapangyarihang Hari ng Kushan at nagpatayo ng mga gusali sa Pershawar?
A. Zhao C. Kanishka
B. Akbar D. Tikbar
_____26. Pangunahing hari sa buong Hilagang-India na hindi marunong bumasa o sumulat ngunit hangad na matutuo
kung kayat pinaligiran siya ng mga pilosopo, arkitekto, pari at makata.
A. Akbar C. Chanragupta
B. Babur D. Kanishka
_____27. Bakit Ipinatayo ni Shi Huangdi ang Great Wall of China?
A. Upang maging proteksiyon sa pag-atake ng mga kalaban.
B. Upang magsilbing tourist spot.
C. Upang malaman ng kalapit na lugar ang hangganan ng China.
D. Upang magsilbing daanan papunta sa ibang lugar.
_____28. Ano ang pangunahing dahilan bakit ipinagawa ang mga irigasyon at dike sa panahon ng Dinastiyang Zhou?
A. Upang marami ang tubig na pumunta sa pamayanan.
B. Para laban sa pagbaha ng Ilog Huang Ho.
C. Para magsilbing paliguan ng maraming tao.
D. Para sa mga pananim.
_____29. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino?
A. Dahil ito ang mahalagang ambag ng Kabihasnang Shang.
B. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay.
C. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng iba-iba nilang wika.
D. Dahil ito ang nagsilbing simbolo ng karakter ng mga Tsino.
_____30. Ang China ay nagkaroon ng tinatawag na Apat na Dakilang Dinastiya. Bakit tinawag na dakilang dinastiya ang
mga ito?
A. Naganap sa panahong ito ang pag-unlad ng China sa ibat ibang larangan.
B. Nagkaroon ng pagsakop ng mga dayuhan sa yaman ng bansa.
C. Umunlad ang sining at arkitektura ng China.
D. Lumawak ang mga impluwensya ng China.
_____31. Alin sa mga sumusunod ang tanging pinayagan ng Turkong Ottoman na makadaan at makipag-ugnayan sa mga
mangangalakal na Asyano?
A. Pranses C. Italyano
B. Portuguese D. Spanish
_____32. Kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem
sa Israel.
A. Krusada C. Parada
B. Protesta D. Lahat ng nabanggit
_____33. Italyanong adbentutrerong mangangalakal na taga Venice at itinalagang maglakbay sa ibat-ibang lugar sa Asya
sa ngalan ng emperador.
A. Kublai Khan C. Mohandas Gandi
B. Mohamed D. Marco Polo
_____34. Salitang Pranses na ang ibig sabihin ay muling pagsilang, ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon
at pagsulong ng makabagong panahon.
A. Rennaisance C. Pax Romana
B. Pax Sinica D. Lahat ng nabanggit
_____35. Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europe at nagsilbing rutang pangkalakalan mula
Europe Patungong India, China at iba pang bahagi ng Silangan.
A. Constantinople C. Jerusalem
B. Italy D. Iran
_____36. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pinagdadalan ng mga mangangalakal na Italyano sa mga kalakal na
nakukuha mula sa Asya.
A. Potugal C. Spain
B. Netherlands D. Lahat ng nabanggit
_____37. Kagamitang pandagat na ginagamit upang malaman ang oras at latitude ng kinaroroonang lugar.
A. Compass C. Astrolabe
B. Mapa D. Wala sa nabanggit
_____38. Kagamitang pandagat na ginagamit upang malaman ang direksiyon ng pupuntahan.
A. Compass C. Astrolabe
B. Mapa D. Wala sa nabanggit
_____39. Prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at
makapangyarihan ang isang bansa.
A. Nasyonalismo C. Merkantilismo
B. Krusada D. Rennaisance
_____40. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pinaka mimithi na lugar dahil sa pinagkukunan ng pamplasang sangkap
at dito nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Portugal at Spain.
A. Laos C. Cambodia
B. Moluccas D. Lahat ng nabanggit
_____41. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa
rehiyong Asya?
A. Pag-unlad ng kalakalan
B. Pagkamulat sa kanluraning panimula
C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. Paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas
_____42. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kanyang pananaw na ang pinuno ng bansa ang siyang
magpakita ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:
A. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
B. Mabuting relasyon sa karatig bansa
C. Pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
D. Maging bukas o transparent sa lahat ng kanyang gawain sa tulong sa bayan
_____43. Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinakita ng mga Hindu laban sa mga British. Isa dito ay ang
kilusang pinamunuan ni Bal Gangadhar Tilak na tinawag na rebolusyonaryong kilusan dahil gumamit
ito ng marahas na pagkilos. Ang nakatawag pansin ay ang pinamunuan ni Mohandas K. Gandhi
dahil:
A. Mga bata ang kinasangkapan niya sa paglaban sa British
B. Namahagi siya ng mga produktong Hindu
C. Isinagawa niya ito kasama ang mga guro
D. Gumamit ng paraang tahimik tulad ng di pagsunod sa mga kagustuhan ng mga British
_____44. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga
Asyano ay matutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin C. Makisalamuha sa mga mananakop
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa D. Maging laging handa sa panganib
_____45. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng ibat ibang epekto sa mga
bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa
mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang
mabilis na pagluluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan.
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop
ng mga Kanluranin.
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan.
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong Kanluranin.
_____46. Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga
Ingles sa India?
A. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi.
B. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan.
C. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan.
D. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa India.
_____47. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa
pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo na ang mga kababaihan?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan ng India
C. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng sati at female infanticide
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng foot binding at concubinage
_____48. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
A. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa
B. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukadong
mamamayan
C. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukunan ng buwis ng
pamahalaan
D. Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa.
_____49. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
C. Maaring lumaki ang kita sa mga usaping block market
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa
_____50. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?
A. Dahil sa layuning lumakas ang Judaism
B. Sa kagustuhang magsama-samang muli ng mga Hudyo
C. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
D. Dahil sa pananakop ng ibang lupain

Inihanda ni: Pinagtibay:

CHERRY AMOR A. MENDILLO MARIETTA W. JAVIER


Guro I Punong Guro I

You might also like