Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas Panggitnang Pagsusulit sa Filipino-XI

Kagawaran ng Edukasyon Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Rehiyon IV- Kanlurang Visayas
HIPONA NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan:__________________________________________Pangkat:_______________Petsa:___________Iskor:_____

I. Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong sagutang papel.

KABATAAN, UMAASENSO KA BA?

Sa bawat taon ng pagtatapos ng mga mag-aaral,maraming tanong ang sumasagi sa isipan ng marami.Sila ba uunlad?
Magtatagumpay ba sila sa kanilang mithiin? Tama ba ang landas na kanilang tahakin? Sila ba ay makakatulong sa pag-asenso ng
ating bayan?

Bilang isang kabataan,nararapat na magkakaroon tayo ng mga mabubuting pananaw at hakbangin sa buhay tungo sa
ating pag-unlad at sa kabutihan ng lahat.

Tayo,bilang mga may pananagutang indibidwal ay mayroon kakayahang magsuri at mag-iisip sa mga bagay na dapat at di-
dapat gawin. Sa katunayan,nararapat nating isaiisip ang mga gawain natin para sa kinabukasan upang tayo ay umasenso.

1. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?


a. deskriptib b. naratib c. persweysib d. argumentatib
2. Batay sa tekstong iyong binasa ano ang pangunahing katangiang tinataglay nito?
a. naglalarawan sa katangian ng paksa c. magsalaysay
b. nangumngumbinsi sa paraang subhektibo d. nangumngumbinsi sa paraang obhektibo
3. Saang talata ng binasang teksto matatagpuan ang pangunahing kaisipan?
a. una b. ikatlo c. ikalawa d.lahat
4. Ang tekstong ay may tonong pangungumbinsi. Ang pangungumbinsi ay batay sa;
a. opinyon b. Tiyak na datos o impormasyon c.merito ng mga ebidensya d. masusing pag-aaral at pagsusuri
5. Ayon kay Aristole, may tatlong paraan na ginagamit sa panghihikayat.Batay sa tekstong binasa, anong paraan ang ginagamit ng
manunulat sa panghihikayat?
a. Ethos b. Pathos c. Logos d.Bios

Ang kaniyang kayumangging balat ay lalong pinatingkad ng pagkasunog sa matinding init ng araw. Mauugat ang
kaniyang mga bisig at kamao na nagpapagunita ng nainbukid.Dati siyang magsasaka.Ang kaniyang kasipagan ay ginantimpalaan
naman ng Maykapal. Ngayon ay matanda na siya at hindi na niya kayang gumawa sa bukid.

Oo labis na niyang napaghandaan ang pagsapit ng panahong ito. Nakapag-impok na siya pinalad sa negosyong
kaniyang itinayo at ngayon nga ay mayaman na siya napag-aral niya ang kaniyang tatlong anak sa lungsod na pinald din sa pag-
aasawa.
Mula sa Malakas ngunit Tamad ni Rudy Flores

6. Nasa anong uri ng teksto and inyong binasa?


a. naratib b. argumentatib c. informatib d. deskriptib
7. Ano ang pangunahing katangian ng tekstong binasa?
a. magsalaysay b. magbigay ng impormasyon c. maglalarawan d. mangumbinsi
8. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?
a. Nakapag-impok na siya ng sapat.
b. Ang kaniyang kasipagan ay ginantimpalaan naman ng maykapal.
c. Ang kaniyang kayumangging balat ay lalong pinatingkad ng init ng araw.
d. Napag-aral niya ang kaniyang tatlong anak.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng pantulong na kaisipang makikita sa teksto?
a. Dati siyang mahirap
b. matagumpay na siyang namumuhay
c. matanda na siya at hindi makapagtrabaho
d. mababanaag ang hirap sa kaniyang katawan
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagagamit ng panandang kohesyong gramatikal na nagpapatungkol o
naghahambing.
a. Nakapag-impok na siya nang sapat at pinalad sa negosyong kaniyang itinayo.
b. Ngayon ay matanda na siya at hindi na niya kayang gumawa sa bukid.
c. Napag-aral niya ang kaniyang tatong anak sa lungsod na pinalad din sa pag-aasawa.
d. Ang kaniyang kayumangging balat ay pinatingkad sa pagkasunod sa matinding init ng araw.
I. Noong unang panahon, ang mga mamamayan ng Jericho ay natakot na sa mga Israelita.dahil ang mga ito ay
malapit nang masakop ng kanilang lungsod,isinara nila ang pinto ng lungsod at pinabatayan ito.wala ni isa mang
lumabas ni pumasok.
II. Isang gabi, sinabi ng diyos kay Joshua na magmartsa silang mga Israelita paikot sa Jericho sa loob ng anim na
araw.sa Ikapitong araw ay muli silang magmamartsa ng pitong beses.Ang mga pari ay iihip ng tambuli habang
nagmamartsa paikot sa Jericho.Kapag narinig na ang mahabang tunog ng tambulli, sabay-sabay ang lahat na
sisigaw nang napakalakas.pagkatapos nito, ang pader ng Jericho ay babagsak.
III. Ang lahat ng ito ay nangyayari kagaya ng sinabi ng panginoon sa kaniyang alagad na si Joshua.Ang pader ng
Jericho ay nawasak.
IV. Tunay ng ang tapat ang Panginoon sa kaniyang mga sinabi.

Halaw sa lumang Tipan-Joshua 6:1-20

11. Nasa anong uri ng teksto ang inyong binasa?


a. naratibo b. informatib c. deskriptibo d. persweysib
12.Sa tekstong binasa, aling talata matatagpuan ang pangunahing kaisipan?
a. una b. ikalwa c. ikatlo d. ikaapat
13. Anong katangian ng teksto ang nasasalamin sa teksto?
a. nagsasalaysay b. naglalarawan c. naglalahad ng sariling opinyon d. naglalahad ng tiyak na impormasyon
14. Anong paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa teksto?
a. Direkta o tuwirang Pagpapahayag b. Di-direktang Pagpapahayag
c. Matalinhagang Pagpapahayag d. Masining na pagpapahayag
15.Alin pangungusap ang pantulong na kaisipang ginagamit sa teksto?
a. Ang pader ng Jericho ay nawasak b.Wala ni isa mang lumabas ni pumasok.
c. Tunay ngang tapat ang panginoon sa kanyang sinabi d.Sa ikapitong araw ay muli silang magmartsa noong pitong beses
PAGPAPAHALAGA SA KAPALIGIRAN

Ang unti-unting pagkakalbo ng kagubatan sa maraming panig ng bansa ay isang napakalaking suliranin ng ating
gobyerno.kung pakakasuriin,ito ang pinagmumulan ng ibat-ibang suliranin ng mga mamamayan hindi lamang ng mga naninirahan sa
nayon kundi maging sa tagalunggsod. Halimbawa nito ay pagkakaroon ng erosyon na naging sanhi ng pagkakawasak ng mga
imprastraktura, pagkawala at pagkamatay ng ibat-ibang pananim, mga halaman,hayop at mga tao.

Walang sanang maraming buhay na mawawala kung ang mga mamamayan ay may kamalayan sa negatibong epekto ng
pagkakaingin at pagtotroso. Sa halip na putulin ang mga puno upang bigyang daan ang agrikultura at pagrarantso ay humanap na
lamang sana ng mga kapatagan kung saan walang punong mamamatay. Dapat ay pumili rin ng mga lugar na angkop sa
industriyalisasyon sa halip na iskripisyo ang mga pananim.kailangan ding isagawa agad proyektong reforestesyon upang mapalitan
ang punong pinutol at ang mga halamang winasak. Higit sa lahat ay nararapat ding pukawin ang mga kamalayan pangkapaligiran ng
bawat Pilipino upang mapanatili ang malinis na hangin ang sandigan ng malusog na buhay ng bawat mamamaya.

16. Ang tekstong ito ay mauuring;


a. persweysib b.argumentatib c.informatib d. naratib
17. Ang layon ng tekstong binasa ay;
a. mapaunlad ang likas na yaman ng bansa.
b. maging mulat tayo sa kapaligiran
c. matutunan an gang pagpapanatili ng kalikasn at kaunlaran
d. malaman ang teknolohiya ay makakatulong sa pag-uunlad ng kalikasan
18. Ang teksto ay may tonong nanghihikayat,anong uri ng panghihikayat ang ginamit?
a. paggamit ng sariling opinyon c. paggamit ng maayos at malinaw na mga salita
b. paggamit ng matibay na ebidensiya d. may organisasyon ang ediya
19. Ayon sa tekstong binasa,alin sa mga paraan ng panghihikayat ang ginamit?
a. ethos b.pathos c.logos d.bios
20. Aling hinuha ang may positibong paniniwala?
a. Ang pag-unlad ng isang bansa ay pagkawasak ng mga kalikasan ditto.
b. Ang pagpapanatili ng mga likas na yaman ay paghina ng makabagong teknolohiya
c. Tao ang nagpapaunlad at nagwawasak ng kapaligiran
d. Ang maayos na pagsasagawa sa makabagong teknolohiya ay nagpapaunlad at nagpapanatili kayamanan at kagandahan ng
isnag bansa.
II. Panuto: Tukuyin ang uri ng ginamit na lihis na pangangatwiran.Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.
21. Tiyak na kikita ang kanilang pelikula.Napakaraming dumalo sa Fans Day nila.
a. Non-sequitur
b. Ad numeram
c. Ad baculum
22. Ayokong mag-aral sa UP dahil puro aktibista ang mga tao roon. Baka mapabayaan ko ang aking pag-aaral.
a. Non-sequitur
b. Padalos-dalos na paglalahat
c. Argumentum ad baculum
23. Karapat-dapat manalo ang mga batang iyan sa paligsahang ito dahil malaking tulong ang premyo para sa kanilang pag-aaral.
a. Argumentum ad misericordiam
b. Argumentum ad Hominem
c. Argumentum ad ignorantiam
24. Napaka-playgirl mo naman! Linggo-linggo ay iba-iba ang naghahatid sa iyo.
a. Non-sequitur
b. Argumentum ad Hominem
c. Padalos-dalos na paglalahat
25. Tiyak na pipilahan ang kanilang pelikula.Night pa lamang ay napakarami nang nanood.
a. Argumentum ad Hominem
b. Argumentum ad numeram
c. Argumentum ad misericordiam
26. Bagsak na ang industriya ng pelikula Pilipino dahil sa nagkalat na ang mga CD at DVD.
a. Non-sequitur
b. Post hoc ergo propter hoc
c. Argumentum ad numeram
27. Galit si Maam sa akin. Mula nang hindi ko siya batiin noong isang araw ay lagi na niya akong tinatawag sa klase kahit hindi ko alam
ang sagot.
a. Cum hoc ergo propter hoc
b. Post hoc ergo propter hoc
c. Argumentum ad hominem
28. Naghimala sa akin ang Nazareno, Nang hawakan ko ang laylayan ng kaniyang damit ay bigla akong gumaling.
a. Cum hoc ergo propter hoc
b. Post hoc ergo propter hoc
c. Padalos-dalos na paglalahat
29. Kapag ipinagpatuloy ang paglalathala ng iyong scientific findings. Tiyak na tatanggalin ng gobyerno ang ating badyet.
a. Argumentum ad ignorantiam
b. Argumentum ad baculum
c. Argumentum ad numeram
30. GMA kapuso ang pinakasikat na istasyon ngayon dahil lahat kami sa bahay, maging ang aking mga kamag-anak,at kapitbahay ay
pawing sa mga palabas ng GMA kapuso nakatutok.
a. Ad numeram
b. Non-sequitur
c. Post hoc ergo propter hoc

III. Panuto: Pagtapatin sa hanay B kung ano ang inilarawan ng pahayag sa hanay A. Isulat ang titik sa patlang na nakalaan sa bawat
bilang.
A B
1. ____Tekstong di piksyon na naglalayong magbigay ng impormasyon a.Logos
2. ____Tekstong maihalintulad sa larawang ipininta o iginuhit. b.Informatib
3. ____Itoy pagsalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari c.Ikatlong panauhan
4. ____Nagsasalaysay sa isang pangyayari gamit ang panghalip na ako d. Unang panauhan
5. ____Pagsasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng panghalip na siya e. Deskriptib
6. ____Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori f. Persweysib
7. ____Tekstong may tonong subhektibo g. Ethos
8. ____Tekstong nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon h.Prosejural
9. ____Tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat i.Argumentatib
10. ____Gumagamit ng lohika sa paglalahad ng impormasyon. j.Naratib
IV. Panuto: Piliin mula sa kahon ang titik ng salitang tinutukoy sa unang hanay.Isulat ang sagot na titik sa patlang.

a. Tagpuan b. Salaysay na pangkasaysayan c. In medias res d. Banghay e. Kathang pangkasaysayan


f. Tauhan g. Kronolohikal h. Suliranin i. Flashback j. Salaysay na nagpapaliwanag

______1.Elemento ng tekstong naratibo na tumutukoy sa lugar at panahong pinagganapan ng mga pangyayari.


______2. Teknik sa pagsasalaysay ng mga pangyayari na sinisimulan sa gitna, pabalik sa simula tungong kasalukuyan at susunod na
mga pangyayari.
______3. Uri ng Salaysay na ginagamit din upang magpaliwanag.
______4. Paraan ng pagkakasunod sunod ng mga pangyayari mula sa pinakaunang nangyari.
______5. Elemento ng tekstong naratibo na tumutukoy sa pagkakaayos ng mga pangyayari sa kasaysayan.
______6. Uri ng Salaysay na ginagamit sa pagsulat ng akdang Kathang isip batay sa mga pangyayari sa kasaysayan.
______7. Teknik sa pagsasalaysay na panandaliang napuputol ang kasulukuyang takbo ng mga pangyayari upang magbalik-tanaw.
______8. Elemento ng tekstong naratibo na tumutukoy sa mga kumikilos at nagpapausad ng mga pangyayari.
______9. Uri ng Salaysay na ginagamit sa pagkukuwento ng mga pangyayari sa kasaysayan.
______10. Elemento ng tekstong naratibo na pinag-iikutan ng mga pangyayari at inaasahang magdudulot ng mahalagang pagbabago.

Inihanda nina: MICHAEL L. MARCELINO Guro sa Filipino Inaprobahan ni:


CHARLIE D. BEGAS
VIRGINITA C. PRAYCO- Koordineytor sa Filipino Punong Guro

You might also like