Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAGLI

Inakala
Kier Sanchez

Bakit ka ba ganyan pinsan? Ano ba ang problema mo! Bakit mo dinurogdurog ang puso
ko? masakit na pagtangis ng biyaenan ko. Wala akong ginawa kundi ang alagaan ka nang
maayos. Lahat ng gusto mo ay ibinigay ko!

Naipit tuloy ang tinig ko.Naka-upo lang sa sulok at humahagulgol, akap-akap ang malaking
unan.

Wala rin akong matandaan na pinabayaan kita, halos mawalan ng puso ang biyenan ko
sa pagsabog ng sama ng loob.

Bakit mo ba sinira ang kinabukasan mo? Kababae mong tao tapos daig mo pa ang asawa
ko at tambay sa kanto dahil lamang sa bisyo mo!

Nakatunganga pa rin ako.Hindi ko malaman kung bakit na mangmang ako saglit.


Hilonghilo ang aking kaluluwa dahil sa gamot na parang dinurog ng limang beses at pinong-pino
angkatawan ko. Lumulutang pa rin ang utak ko sa himpapawid dala ng limang litrong alak sa
aking tiyan.

Ano bang nangyari sayo,Melody? Hindi ka naman dating ganyan. Dire-diretso ang
daloy ng luha sa mukha ng aking biyenan. Paminsan-minsan ay naghahabol pa ito ng hangin sa
bibig at yayakap sa kanyang asawa,na taimtim na nakikinig sa aming dalawa.Wala ka
nangginagawang tama! Puro na lang mali at kahihiyan ang dinadala mo sa bahay na ito!
Nagpapakahirap ako ng maglako sa palengke para pang matrikula mo! Tapos ito pa ang igaganti
mo sa akin? Walang hiya ka!

Wala kang alam tita! Huwag mo akong pagsisigawan at pagsasabihan ng ganyan!


padabog at pabulosok kung sagot, nagkahandahila-hila pa ang aking mga ugat sa kamay, paa at
leeg.

Isang malaking kamay ang agad dumapo sa pisngi ko.Dahilan para lalo pang magwala ang
kalooban kay tita. May AIDS ako tita!

Ano? Kailan pa yan? Agad ba ako mahawaan diyan? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin
nung mga magdaang araw at kagabi? Biglang bulalas ng aking tita.
Payong
Jasmine Macalangcom

Makulimlim na naman ang kalangitan kahit bukangliwayway na kumulog at kumikidlat ito


na may kasabay pa itong malakas na pagpatak ng ulan.Mukhang nagagalit naman tong
himpapawid na tila kang bagyo ang gustong kinalabasan nito.

Nagmamadali siyang naglalakad papuntang eskwelahan.Diretso lamang ang paningin nito


habang naglalakad sa isang mapusok na daanan.Sa di kalayunan, may isang magandang dilag ang
kaniyang namataan sa di kalayuan. Na nakasilong sa malapit na tindahan. Isa ito sa kaniyang
dadaanan.Hindi ito nagdalawang isip at nalapitan niya ito.

Misa sabay kana sakin at pasisilungin kita,sabi niya sa dilag.Kung


mamarapatinmo,sige,sagot naman nitong mahimbing na may kasamang matamis na ngiti.

Sa kanilang paglalakad,palihim na tinitignan niya ang mukha ng magandang dilag.Nang


tatawid na sila,nauna ang dilag ng kaunting distansya at may biglang isang motorsiklo ang
sumulpot na babangga ditto.Kaya naman hinila niya ito papunta sa kanya.At nagkadidikitan itong
saglit.At umatras siya ditto ng kaunti.Nagkaroon ng katahimikan at nagpatuloy sila sa paglalakad.

Mabuti naman hindi kanun nasagi ng loko-lokong motorsiklo na yun.,sabi niya.

Oo nga,maraming salamat pala sa ginawa mo. Sagot naman nitong may kaunting
pagkabalisa.Nagtataka siya sa tono ng dilag.Kung bakit ganuon na lamang tumugon.

Sige dito na ako.Maraming salamat ulit sa iyong mga ginawang kabutihan para sa akin.
Sabi ng dilag na nakangiti sa lalaki at kumakaway ito habang papalayo.Napangiti rin siya at
hinding-hindi niya ito makakalimutan.

Siya naman ay saktong dumating na rin ang kaniyang saksakyang jeepney papuntang
eskwelahan.Nagninilay nilay at nagmumuni muni ito habang nakaupo ito sa jeepney.Pawala na
rin ang ulan.Ng malapit na siyang bumaba,dinukot nito ang kaniyang bulsa at laking gulat na
lamang niya na nawawala ang kaniyang pitaka.

Doon na lamang niya nalaman ang katotohanan.


AMBIANCE
Ni: Melody V. Bumatay

Pumunta sa isang sosyal na coffee shop ang isang Japayuki kasama ang
kanyang mga bodyguard. Umorder sila ng ilang kape at cake. Matapos kumain,
hiningi ng Japayuki ang bill upang bayaran ito.

Nagulat ang Japayuki nang malaman ang laki ang bill na babayaran niya kaya
tinanong niya ang waiter bakit ang laki ng babayaran niya eh kape lang naman ang
kanilang inorder. Ang sagot ng waiter, maam kasali na ho kasi dyan ang
AMBIANCE. Sa galit ng Japayuki, pinagbaligan niya ang kanyang mga bodyguard
at pasigaw na sinabing Sino sa inyo ang nag-order ng ambiance!!!

You might also like