Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Kundiman

- tulang nagpapahayag na darating ang pagkakataon ang inaping bayay


ililigtas bumaha man ng dugo.

Tunay ngayong umid yaring dilat puso


sintay umiibig, tuway lumalayo
Bayan palibhasay lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.

Datapwat muling sisikat ang araw


Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan

Ibubuhos naming ang dugot ibabaha


Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana
Sintay tatahimik,iidlip ang nasa.

Teoryang Pormalistiko

o Sukat
- Ang tulang ito ay may sukat na lalabindalawahin.

Patunay:

Tunay ngayong umid yaring dilat puso


sintay umiibig, tuway lumalayo
Bayan palibhasay lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.

(saknong 1)
o Tugma
- Ang tugma ay tunog sa dulo ng taludtod ng tula na kahimig ng dulo
ng mga ibang taludtod sa loob ng isang estropa.

Uri ng tugma:

Tugmang Ganap

- Ang mga taludtod ay nagtatapos sa magkakatulad na tunog at tuldik.

Patunay:

Datapwat muling sisikat ang araw


Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan

(sakong 2)

Pagpapaliwanag:

Ang saknong na ito ay may tugmang ganap dahil ang mga taludtod
ay nagtatapos sa magkakatulad na tunog at tuldik. Ang mga huling
salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa diing malumay gaya ng mga
sumusunod: araw, bayan, iiral, at sandaigdigan.

o Kariktan
- Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula.
Kasama na rin dito ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng
makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng mga
taludtod.

Patunay:
Ang tulang ito ay nagtataglay ng kariktan. Inilalarawan nito ang
isang kaisipang naglalantad sa kalagayan ng ating Inang bayan at ang
pag-asang dadating ang panahon na makakabangong muli ang inaping
bayan. Si Rizal ay gumamit ng mga simpleng salita upang madaling
maipahayag sa mga Pilipino ang kanyang nais iparataing. Naging matipid
si Rizal sa kanyang mga salitang ginamit, subalit naisiwalat naman niya
nang wasto ang kanyang mensahe sa mga Pilipino. Gumamit din siya ng
mga angkop na salita na siyang naglalarawan sa ideyang nais niyang
ibahagi.

o Talinghaga
- ay mga pahayag na may mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang
tinutukoy.

Patunay:

Tunay ngayong umid yaring dilat puso


sintay umiibig, tuway lumalayo
Bayan palibhasay lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.

(saknong 1)

Paliwanag:

Sa unang taludtod ng unang saknong ng tula ay gumamit ng


Pagwawangis si Rizal. Inihalintulad niya ang katangian ng dilat puso ng mga
Pilipino sa isang umid na nilalang na walang pakiramdam o walang pakialam
sa nangyayari o di kayay walang lakas ng loob na magsalita upang ipaglaban
ang kaniyang karapatan.

Sa pangalawang taludtod na sintay umiibig, tuway lumalayo ay


nagpapahiwatig na dahil ang mga pilipinoy agad na nagtitiwala sa mga
dayuhang nagbabalat-kayo lamang kung kayat ang dating tuwa na
nananahan sa bansang Pilipinas at sa puso ng bawat isa ay unti-unti nang
naglalaho. Bunsod nito, ay walang nagawa ang mga Pilipino kundi ang magtiis
sa mga pang-aalipusta ng mga Kastila.

Patunay:

Ibubuhos naming ang dugot ibabaha


Matubos nga lamang ang sa aming lupa
Habang di ninilang panahong tadhana
Sintay tatahimik,iidlip ang nasa.

(saknong 3)

Pagpapaliwanag:

Sa pangatlong saknong ay gumamit ng tayutay na Pagmamalabis si Dr.


Jose P. Rizal. Gumamit ng pagmamalabis si Rizal sa saknong na ito upang
ipahayag ang kanyang matinding damdamin hinggil sa pagnanais na matubos
at mabawi ang lupang sinilangan mula sa kamay ng mga nagbabalat-kayong
Kastila.

o Aliw-iw
- May aliw-iw ang tula kapag ang mga tunog ay nahahati sa pare-
parehong patlang.

Patunay:

Tunay ngayong umid yaring dilat puso


sintay umiibig, tuway lumalayo
Bayan palibhasay lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.

(unang saknong)

Pagpapaliwanag:
Ang tulang ito ay kakikitaan ng aliw-iw sapagkat mapapansin sa saknong
na ito na sa tuwing binibigkas ang mga kataga ay may daloy ang mga salita at
ito ay kaiga-igayang pakinggan sa tainga. Ito ay dahil ang mga tunog ay nahahati
sa pare-parehong patlang at ang tula ay maituturing na may sukat.

Persona
- tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.

*Ang persona sa tulang ito ay ang Unang Panauhan o ang may-akda mismo na
si Dr. Jose P. Rizal, sapagkat mahihinuha sa tula na nasaksihan niya ang mga
pinagdaanang hirap ng bansang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila. Para sa
kanya ang damdamin ng mga Pilipino ay nahihimbing pa, kung kayat nais niya
itong pukawin at gisingin. Ngunit sa huling saknong ng tula ay naghahangad pa
rin si Rizal na magiging malaya rin ang Pilipinas kahit dumanak man ang dugo.

Paksa o kaisipang taglay ng tula:

- Ang tulang pinamagatang Kundiman ni Jose P. Rizal ay pumapaksa


tungkol sa kalagayan ng bansang Pilipinas sa kamay ng mga
mananakop. Ipinagkait ng mga Kastila sa mga Pilipino ang kanilang
kalayaan at hindi sila hinayaang tumayo at ipaglaban ang kanilang
karapatan. Subalit, sa likod ng lahat ng ito ay naniniwala pa rin si Jose
Rizal na darating pa ang araw na muling babangon ang Pilipinas at
makakamit nito ang hinahangad na kalayaan. Nilinaw rin ni Rizal na
huwag hintayin ang panahon kung kailan magiging handa ang sarili sa
pagtatanggol sa bayan, sapagkat kung tayoy tatahimik lamang ay
maaaring maglaho ang kagustuhan ng iyong puso na lumaban para sa
minimithing kalayaan.
Teoryang Romantisismo

- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao
o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan.

Mga Katangian:

Pagkasabik sa inaasam na kalayaan

Patunay:

Datapwat muling sisikat ang araw


Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan
(saknong 1)

Paliwanag:

Makikita sa saknong na ito ang kasabikan ni Rizal sa inaasam na


kalayaan. Naniniwala siyang hindi pa huli ang lahat at darating ang panahon
kung kailan tatayong muli ang Pilipinas at maibabalik nito ang ipinagkait na
kalayaan at kapayapaan sa bansa. Ang bansang Pilipinas ay makakatayo sa
sarili nitong mga paa at hindi na dedepende pa sa mga kastila. Magkakaroon ito
ng sariling pagkakakilanlan na malayo sa impluwensiya ng mga mapaniil na
Kastila.

Pag-aalala sa bayan
Patunay:

Tunay ngayong umid yaring dilat puso


sintay umiibig, tuway lumalayo
Bayan palibhasay lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.

(saknong 1)

Habang di ninilang panahong tadhana


Sintay tatahimik,iidlip ang nasa.
(saknong 3)

Paliwanag:

Mapapansin sa saknong na ito ang pangamba ni Rizal sa kalagayan ng


bansang Pilipinas. Siyay nag-aalala sapagkat ang pusot damdamin ng mga
Pilipino ay nanatiling nakapinid mula sa tunay na sitwasyon ng bansa. Dahil
dito, marami sa mga Pilipino ang nawalan ng pag-asa kung kayat humantong
sa pagsuko. Naniniwala si Rizal na panahon na upang kalagan ang tanikala at
magsimulang lumaban. Para sa kanya, kung hihintayin pa ang panahon kung
kailan magiging handa ang bawat isa sa pakikipaglaban, siyay nangangamba
na baka ang apoy ng paghihimagsik sa puso ay tuluyang mamatay.

Katapangan sa pagtatanggol sa bayan


Patunay:

Ibubuhos naming ang dugot ibabaha


Matubos nga lamang ang sa amang lupa
(saknong 4)
Paliwanag:
Dahil sa pagnanais ni Rizal na makamtan ang kalayaan, ay buong
tapang niyang pinapangako na hindi siya magdadalawang-isip na ibuwis
at ialay ang kanyang buhay para lamang sa Inang bayan. Ganoon na
lamang ang kanyang pagnanais na maipagtanggol ang bayan sapagkat
kung magmumukmok lamang sa isang tabi ay siguradong walang
mangyayari sa kinabukasan ng bansa.

Teoryang Marxismo
- Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao
ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot
ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Mga Katangian:

Hindi agad sumusuko sa laban

Datapwat muling sisikat ang araw


Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan
(saknong 2)

Paliwanag:

Makikita sa saknong na ito na hindi agad sumusuko sa laban ang isang


Pilipino, sapagkat sa likod ng lahat ng masalimout na pinagdaanan ng bansa sa
ilalim ng mga mapagsamantalang kastila ay umaasa pa rin si Rizal na darating
ang panahon para sa hinihintay na tagumpay ng bansang Pilipinas. Para kay
Rizal ay hindi pa tapos ang laban, at nasa Pilipinas pa rin ang huling halakhak.
Magkakaisang muli ang mga Pilipino at magtutulungan para sa ikaaangat ng
mga Tagalog noong mga panahong yaon.

Bumabangon sa pagkakadapa

Patunay:

Datapwat muling sisikat ang araw


Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan
(saknong 2)

Ibubuhos naming ang dugot ibabaha


Matubos nga lamang ang sa amang lupa
(saknong 4)

Paliwanag:

Ipinapakita ng saknong na ito ang katangian ng mga Pilipino na kahit


gaano kataas ang ikinabagsak ay hindi pa rin ito napapagod na bumangon at
magsimulang muli. At sa darating ulit na laban ay handa pa rin itong
makipagsagupaan makamit lamang ang minimithing tagumapay.

Hindi nawawalan ng pag-asa

Patunay:

Datapwat muling sisikat ang araw


Pilit maliligtas ang inaping bayan

(saknong 2)

Paliwanag:

Ipinapakita ng saknong na ito na may takdang panahon para sa lahat ng


bagay sa mundo. Hindi sa lahat ng panahon ay inaapi at inaalipusta lamang ang
bayang Pilipinas, bagkus ay magiging matagumpay ito at magiging malaya mula
sa mga kamay ng dayuhan. Tulad ng mga nakasaad sa tula, ang mga Pilipino
ay hindi agad nawawalan ng pag-asa sa kahit anong hamon ng buhay. Kayat
ngayon ay taos puso akong nagpapasalamat at sumasaludo sa ating mga
dakilang bayani lalong-lalo na kay Dr. Jose P. Rizal na hindi nag-atubiling
lumaban at ibuwis kahit ang kanilang buhay makamit lamang ng mga Pilipino
ang kalayaang matagal na nitong inaasam.
Pagdulog Sosyolohikal

Kakulangan ng Gabay at Patnubay ng Pamahalaan

Patunay:

Bayan palibhasay lupig at sumuko


Sa kapabayaan ng nagturong puno.

(Unang Saknong)

Pagpapaliwanag:

Ipinapakita ang pagkakaroon ng mga taong nailuklok sa posisyon, mga


taong nararapat na humikayat, magturo at gumawa ng aksyon upanghindi
apihin ng mga mananakop. Mga pinunong nagkulang sa tungkulin na sa halip
ay turuan ang mamamayan upang lumaban, pinabayaan ito at sumuko na
lamang kahit na marami pa sanang magagawa para sa bayan.

Kawalan ng Paninindigan

Patunay:

Tunay ngayong umid yaring dilat puso


sintay umiibig, tuway lumalayo
(Unang Saknong)

Pagpapaliwanag:

Ang kawalan ng lakas ng loob at pagiging matatakutin, ang minsay


dahilan kung bakit ang bagay na ninanais makamtan ay palayo nang palayo o
di kayay hindi na talaga makamit.

Inaasam ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa mga mananakop noon,


ngunit hindi nila magawang magsalita o gumawa ng anumang bagay na
magpapalapit sa kanilang minimithing kaligayahan; ang kalayaan.
Pagsusumikap na Makabangong Muli

Patunay:

Datapwat muling sisikat ang araw


Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan

(Ikalawang saknong)

Pagpapaliwanag:

Ginagawa ang lahat upang makabangon sa pagkakadapa sa kabila ng


matinding pagkakapinsala ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Kastila,
nakakakita pa rin ng pag-asa ang mga Pilipino upang iahon muli ang sariling
bayan. Hindi paman tahasang nalalaman kung ano at paano maililigtas o
maibabalik ang kasaganaan ng Pilipinas, nakasisiguro naman ang mga ito na
baling araw ay mararanasang muli ang kalayaan ng inaping bayan.

Romantisismong Pagdulog

Pagmamahal sa Bayan

Patunay:

Ibubuhos namin ang dugot ibabaha


Matubos nga lamang ang sa amang lupa

(Una at Ikalawang Taludtod,


Ikatlong Saknong)

Pagpapaliwanag:
Hahamakin ang lahat mabawi lamang ang sariling bayan, ang tinubuang
lupa na siyang naging saksi sa lahat ng paghihirap na dinanas ng mga Pilipino
mula sa pananakop ng mga dayuhan.

You might also like