Tunguhin NG Kurikulum NG Edukasyong Sekondari NG 2010

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang

Kapakipakinabang na Literasi para sa Lahat

(Functional Literacy For All ) na ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All
2015).

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2)
kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari

ng mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa,
panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng ibat

ibang

dulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa


Nilalaman (PBN) ng ibat ibang tekstong literari(rehiyunal,

pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa Tulong ng


Ibat ibang Teksto (PGRT).

Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration) sa


pag-aaral at pagsusuri ng ibat ibang tekstong

literari.

Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang ibat ibang teorya sa pagkatuto
at paggamit ng wika, at pagsusuring literari,

inaasahang matatamo ng mga guro ng Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa inilarawan sa
batayang konseptwal.

You might also like