TopicLesson 14

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

Topic: Lesson 14: Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa Maysakit


II. Materials Needed
Laptop, Projector Screen, Paper
III. Objectives:
Naunawaan ang kahalagahan ng pag papahid ng langis sa maysakit.

IV. Motivation:
Magpapakita sa mga bata ng mga larawan kung saan si Hesus
ay nagpapagaling ng may sakit. Tatawag ng isa o dalawang bata
upang tukuyin kung ano ang mapapansin o ginagawa ni Hesus
sa Larawan.

Ang sakit at hirap ay itinuturing na lagging mabibigat na


suliranin na nagpapahirap sa buhay ng mga tao. Sa sakit,
nagdaranas ang tao ng
panghihina, mga kakulangan at kawalan at kung minsan ay
nagiging tukso sa ating Kristiyanong pananampalataya, tulad ng
nasasabi ng ilan: Bakit pinadala ng Diyos sa akin ang
karamdamang ito? Ano ba ang nagawa ko para parusahan ako
ng ganito?

Sa kabilang banda, ang karamdaman ay maaring maghatid sa atin sa isang higit na ganap na
pananampalataya, dahil maaring gawin din ng tao na maging mahinahon siya upang mabatid sa
buhay kung ano ang mahalaga at iwasan ang di mahalaga. Ang pagkakasakit ay naggaganyak din
sa tao na hanapin ang Diyos at magbalik sa Kanya. Ito ang tinutugunan ng Sakramento ng
Pagpapahid ng Banal na Langis sa maysakit.

V. Lesson Proper
Dumating si Jesus upang iligtas tayo sa lahat ng kasamaan at itatag ang kaharian ng Diyos. Sa
pagpapatawad sa mga kasalanan at pagpapagaling sa mga maysakit at may kapansanan ipinakita
ni Jesus na dinalaw ng Diyos ang Kanyang bayan at nalalapit na ang paghahari ng Diyos. Nilinis
Niya ang mga ketongin, binigyan ng paningin ang mga bulag, pinagaling ang mga pipit bingi, ang
mga paralitiko, mga may kapansanan, minamanas, dinudugo, sinasaniban ng mga masasamang
espiritu at marami pang iba.

Ang pagpapagaling ni Jesus ay hindi lang isang magic o para palitan ang mga doctor at nars sa
pagpuksa ng karamdaman. Ang pagpapagaling ni Jesus ng katawan ay nagsilbing mga tanda na
pagpapagaling sa kasalanan at kamatayanang kaligtasan ng buong tao.

At itong pagkalinga ni Jesus sa mga maysakit ay itinuro Niya sa lahat ng sumusunod sa Kanya at
bumubuo ng Simbahan. Ang ministeryo ng pagpapagaling ay ipinagkaloob Niya sa Kanyang mga
Apostol,Pinahiran nila ng langis at pinagaling ang maraming maysakit. (Markos. 6:7,13)

Ang ministeryo ng pagpapagaling ay ipinagpapatuloy hanggang sa ngayon ng Simbahan sa


pamamagitan ng Sakramento ng pagpapahid ng banal na langis sa maysakit.

MGA BAGAY AT KILOS NG SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS SA


MAYSAKIT

Ang panalangin ng pananampalataya Kung saan ang sambayanan na kinakatawan ng pari,


pamilya, mga kaibigan at iba pa ay nananalangin para sa papahiran ng langis, upang
pagkalooban siya ng Diyos ng lakas at tanggalin ang lahat ng kanyang takot.
Ang pagpapatong ng kamay upang sundan ang halimbawa na ginawa ni Jesus tuwing
nagpapagaling sa maysakit pinapatong Niya ang Kanyang mga kamay at ang pagtawag upang
pumanaog ang Espiritu Santo na naghahatid ng pagbabasbas ng pagpapagaling ng Diyos sa
taong maysakit.

Ang pagpapahid ng Banal na Langis sumasagisag sa pagpapalakas at pagpapagaling na buhat


sa Espiritu Santo.

ANO ANG MGA EPEKTO NG SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS SA


MAYSAKIT?
Sa pamamagitan ng grasya ng Sakramento, ang buong tao ay pinagagaling, ang pagtitiwala sa
Diyos ay pinatitibay at ang lakas ay ipinagkakaloob upang mapaglabanan ang tukso ng kasamaan
at ang takot tungkol sa kamatayan.

Ang Sakramento ng pagpapahid ng banal na langis sa mga maysakit ay iginagawad sa mga may
mabigat na karamdaman, pinapahiran sila sa noo at sa mga kamay ng langis ng olibo at
binibigkas ang panalanging ito:

Sa Banal na pagpapahid na ito at sa awa ng Panginoon ay tulungan ka Niya sa bisa ng Espiritu


Santo, upang maligtas sa iyong mga kasalanan, pagkalooban ka ng kaligtasan at aliwin sa
Iyong karamdaman.

VI. Evaluation
Magtanong sa mga bata kung anong natutuhan sa Sakramentong napakinggan

VII. Valuing
Ang utos ni Jesus na mag-ibigan ay naisasabuhay sa isang praktikal na paraan sa pamamagitan
ng pagkalinga sa maysakit na ipinagdiriwang sa Sakramento ng pagpapahid ng banal na langis sa
maysakit.

VIII. Memory Verse


Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesya upang ipanalangin kayo at
pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa
panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang
kanyang mga kasalanan. (Santiago 5:14-15)

Sanggunian:
Banal na Biblia;
Katesismo ng Iglesya Katolika #1499-1532
Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko#1822-1838
http://www.cfamphil.org/files/downloads/Katolisismo_23_-_Pagpapahid_ng_Langis_3-
_as_of_April_10_2012_2pm.pdf

You might also like