Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ayon sa Alamat na pinamagatang " Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto", noong unang panahon , ang

mga
tao sa kabundukan ay biniyayaan ni Bathala ng isang punong namumunga ng ginto , ngunit sinuway ng mga
katutubo ang utos niya na huwag ito kailanmang puputulin , ngunit dahil sa hindi nakuntento ang mga taong
ito , ito ay pinutol nila sa paniniwalang nasa loob ng katawan ng puno ang marami pang ginto.. Ngunit ng
pinutol nila ang kahoy , nagalit si Bathala at ito ay binawi niya sakanila , sinabi niya na " ang gintong dapat
sana'y mapasainyo ay mananatiling nasa ilalim ng lupa . Hindi ninyo makikita iyon hangga't hindi niyo
pinaghihirapang kunin." Kaya hanggang ngayon , ang mga ginto ay pinaghihirapang kunin sa ilalim ng lupa ng
mga minero

Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto

Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto


Isang Alamat mula sa Lungsod ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga


Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya angpinakamalakas at
pinakamatapang sa kanilang nayon kayat siya ang
ginawang puno ng matatandang pantas.

Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin


sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos
sila ng caao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon,
ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang anito.

Kung nagdaraos sila ng caao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay


sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.

Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya


lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang
landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap
ngunit ang ibong ito ay kakaiba.

Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa


gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla
siyang napatigil.

Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago
lumipad. Matagal na natigilan si Kunto. Bagamat siyay malakas at matapang,
sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
kaniyang nakita.

Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siyay bumalik sa


nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Sabi ng isang matanda,Marahil ang ibong iyon ay ang
sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin nadapat tayong magdaos ng caao.

Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caao, ang pasiya ni Kunto.

Ipinagbigay-alam sa lahat ang caao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay


kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang
mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.

Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy.
Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang
galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.

Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang
nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng
isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan
at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan.
Nanlaki angmga mata sa kanilang nakita. Natakot sila.

Maya-mayay nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: Mga anak,magsilapit kayo. Huwag kayong
matakot. Dahil sa kayoy mabuti at may loobsa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong
kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.

Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.Pagkatapos sukluban ninyo ako
ng isang malaking palayok. Ipagpatuloyninyo ang inyong caao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik
kayo rito sapook na ito.

Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay


hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at
sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag
ninyong tatagain ang katawan nito.

Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nilaang kanilang pista.
Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook napinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok
at gaya ng sinabi ngmatanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito saliwanag
ng arawlantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitangdahon.

Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahanglumapit sa punongkahoy at
pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay
nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao.Bawat isa ay pumitas ng dahon.

Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang datinilang matahimik na
pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.Ang punongkahoy naman ay patuloy sa pagtaas
hanggang sa ang mga dulonitoy hindi na maabot ng tingin ng mga tao.

Isang araw, sabi ng isang mamamayan, Kay taas-taas na at hindi na natin


maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin
na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng
mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang
lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay
kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob
ang lupa at langit.

Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar nakinabagsakan ng puno. Isang
tinig ang narinig ng mga tao. Kayo ay binigyan
ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto, upang maging mariwasa ang inyong
pamumuhay. Sa halip na kayoy higit na mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi
ninyo sinunod ang aking
ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyongnanaisin ang gintong
iyan.

At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno
ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang

ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Ang sawikain ay kasabihan o' kawikaan na may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang idioma, isang
pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang sawikain ay tinatawag din na idioma. Ito'y salita
o' grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang sawikain ay
maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at
ginagawang matatalinhagang pahayag.
1. butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.

2. ilaw ng tahanan ina


Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

3. alog na ng baba - tanda na


Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

4. alimuom mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

5. bahag ang buntot duwag


Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?

Ang salawikain na ito ay tumutukoy sa taong lalong tumatapang at lumalakas ang loob habang nasusugatan.
Hindi lamang ito partikular na tumutukoy sa labananan kundi sa pang araw araw na pamumuhay ng tao.
Karamihan sa ating mga Pilipino ay may ganitong kaugalian, hindi sumusuko sa laban kahit nahihirapan,
bagkos lalong nagpupursige at patuloy na nakikipaglaban sa hirap at mga pagsubok sa buhay.

Ang kasabihan ay mga matatalinong mga salita, payo, at saloobin. Karaniwang nang nanggagaling ito sa mga
matatalino at makaranasang mga tao, sa mga matatalinong akda at kasulatan tulad ng libro at Biblia. Sa Biblia,
ito ay tinatawag ding Kawikaan. Itoy may mensahe sa personal na paraan ng pamumuhay, pampamilya,
panlipunan, pambansa at maging nang relasyon ng tao sa kaniyang Maylalang.

Pero kung may matalinong kasabihan, mayroon ding mga mapanlinlang na kasabihan. Ito naman ay pwedeng
manggaling sa mga matatalinong tao din kaya lang ay mali ang hangarin upang linlangin at iligaw ang
sinumang mapaniwalain. Kung minsan ay idinadaan ito sa mga jokes na berde ang kahulugan, mga
panlalait. Ito kung minsan ang pasimula ng hidwaan at awayan ng mga tao.

Kaya paano maseseguro na ang kasabihan ay talagang mapagkakatiwalaan? Pag-aralan itong mabuti at usisain
kung kanino at saan ito nagmumula. Kung mapananaligan ang pinanggalingan nito, tiyak ito ay kapaki-
pakinabang na kasabihan.
Ang kasabihan ay mga pahayag nangbibibigay ng mga payo o katotohanan kung saan ang mga salitang
ipinapahayag ay mga payak at madaling intindihin, kumpara sa salawikain namayroong matatalinhagang mga
salita

You might also like