Professional Documents
Culture Documents
Darius Miguel
Darius Miguel
Totoo bang may Santa Claus? Di ba tanong mo din sya nung bata ka pa? Tanong ko din sya
noon. Tuwing Pasko kasi, nagsasabit kami ni Bernard (ang nakababata kong kapatid na lalaki)
ng malaking medyas sa Christmas tree. Sabi kasi ni Papa at Mama, binibigyan daw ni Santa
Claus ng regalo yung mababait na bata; utos daw yun ni Papa Jesus sa kanya.
Isang araw bago mag-Pasko, naalala ko na punong-puno ng chocolates at candies ang
malaking medyas na nakasabit sa Christmas tree namin. Sabi ni Papa, advance gift daw yun
ni Santa Claus kasi lagi daw kaming tumutulong kay Mama at mabait daw kaming mga bata.
Sabi pa nya, kung isusulat ko yung hiling ko sa papel at ilalagay sa loob ng medyas,
reregaluhan ako ni Santa Claus pagdating ng Pasko. Mas maganda daw kung may papel sa
loob ng medyas kung saan nakasulat ang hiling (o wish) mo. At least daw, alam ni Santa Claus
kung ano ang regalong dadalhin nya at iiwan sa ilalim ng Christmas tree. Yun daw kasi ang
ginawa nya nung bata pa sya at binigay daw ni Santa Claus lahat ng hiniling nya.
Tinawag ko agad si Bernard pagkatapos naming mag-usap ni Papa. Sabi ko sa kanya, Bilisan
mo, magsulat na tayo ng gusto nating regalo. Sabi ni Papa, sigurado daw syang bibigyan tayo
ni Santa Claus sa Pasko kasi mabait daw tayo. Dahil hindi kami mayaman, medyo big time
yung hiningi namin ni Bernard. Exciting!
Dumating ang Pasko. Ginising ako ni Mama. Sabi nya, Anak, Merry Christmas! Bumangon ka
na at magsisimba pa tayo. Pumupungas-pungas pa kong tumayo at lumabas ng kwarto. Bigla
kong naalala yung wish ko. Sabi ko sa sarili ko, Yehey! Pasko na. Sana may regalo na ko from
Santa.
Pagtingin ko sa ilalim ng Christmas tree, may nakita akong dalawang malaking regalo. Isang
nakapangalan sa akin at isang nakapangalan kay Bernard. Sabi ko, Thank you, Lord. Pinadala
mo kay Santa Claus yung regalo ko. At pagbukas ko ng regalo, isang malaki at magandang
doll house ang bumungad sa kin. Totoo nga! May Santa Claus! Ginising ko agad si Bernard para
mabuksan nya yung regalong nakapangalan sa kanya. Alam mo ba kung ano ang laman? Isang
malaki at mamahaling laruan na tren. Hindi lang basta-basta yung tren nya kasi umaandar at
umiikot (nung panahon naming high-tech na yun, di pas kasi uso nun ang PSP, PS3, ipad at
Wii). Jackpot kami ng kapatid ko. Sabi namin, buong taon kaming magpapakabait para sa
susunod na Pasko, may regalo kami ulit. ;0
Pagkatapos noon, taon-taon, may regalo na kaming natatanggap (Barbie doll, kotse, robot,
atbp.). Minsan, nagdududa na talaga ko kung sino ba talaga si Santa Claus at kung totoo ba
talaga sya. Sabi kasi ng mga kaklase at pinsan ko, joke lang daw si Santa Claus. Pero naisip ko,
paano naging joke si Santa kung may regalo kami ng mga kapatid ko tuwing Pasko?
Isang araw, tinanong ko si Mama, Ma, totoo bang may Santa Claus? Hindi na ko nagulat sa
sagot nya, Hindi. Si Papa mo ang bumibili ng regalo tuwing Pasko tapos nilalagay lang namin
siya sa ilalim ng Christmas tree pag tulog na kayo para di nyo makita. Pero wag mo sasabihin
sa mga kapatid mo ha. Mga bata pa kasi sila, bayaan muna nating mag-enjoy. Pagkatapos
nun, wala nakong natanggap na regalo pero ok lang. Masaya ako tuwing nakikitang masaya
ang mga kapatid ko sa tuwing binubuksan nila ang mga regalong dala ni Santa Claus mga
regalong punong-puno ng pagmamahal galing kay Papa.
Sabi nga nila, inutusan daw ni Papa Jesus si Santa Claus para mamigay ng regalo. Hindi lang
basta mga laruan ang binigay ni Santa sa amin. Binigay din nya sa amin pagmamahal at pag-
aaruga ng isang mabuting ama.
Astig ang tatay ko.
Bakit?
Dahil sya ang Santa Claus namin.