Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG PAGGAROTE SA TATLONG PARING GOMBURZA

141 years ago sa linggo, February 17, 1872, binitay ang tatlong paring martir na kolektibo nating
tinatawag na GomBurZa. Tagapagtaguyod sila ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari
noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga
paring regular.

Mariing tinutulan ito ng mga orden marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan,
hindi nila mabitawan ito. Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ang kanilang ipinaglalaban. Si Padre Jos
Burgos ay kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Jacinto Zamora naman ng Marikina at si Padre Mariano
Gomes ng Bacoor, Cavite. Napakataas na ng kanilang mga posisyon sa Simbahang Pilipino.

Ngunit ginamit ang pangalan ni Padre Burgos upang manghikayat ng sasama sa nabigong Cavite
Mutiny noong January 20, 1872. Si Padre Gomes naman ayon sa ilang eksperto ay maaaring may
kaalaman sa mutiny bilang pinaghihingahan ng sama ng loob at pinagkukumpisalan ng mga manggagawa
sa Cavite. Si Jacinto Zamora naman bagamat isa sa mga nagtatatguyod ng sekularisasyon ay nadawit dahil
nang i-raid ang kanyang tahanan, nahulihan siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanya na magdala ng
bala at pulbura. Mahilig sa sugal ng baraha si Zamora at ang imbitasyon na iyon ay code nilang
magbabarkada para sa pera sa sugal. Tsk, dahil sa sugal naging biktima pa siya ng mistaken identity.
Nagbigay sa kanila ng mga abogado na ibinenta lamang sila sa hukuman at sinabing umamin sila sa
kanilang pagkakasala. Napatunayan silang nagkasala at hinatulan sila ng kamatayan noong February 15,
1872 upang bitayin matapos ang dalawang araw. Nang si Padre Gomes ay tinanong kung kanino niya nais
mangumpisal, kanyang sinabi, Piliin niyo na ang pinakamahigpit naming kaaway para mabatid nila ang
kalinisan ng aming budhi.

Nang hilingin ng Gobernador Heneral Rafael Izquierdo na ipahubad sa Arsobispo ng Maynila


Meliton Martinez ang abito ng mga pari upang hindi sila mamatay na pati, tumanggi ang arsobispo at
iniutos pa na patunugin ang lahat ng kampana sa oras ng kanilang kamatayan. Sa araw ng pagbitay, ang
nagsangkot sa mga pari sa rebelyon, si Zaldua, ang unang binitay, akala niya ililigtas siya ng mga
Espanyol. Si Gomes naman ang sinunod at sinabi ayon sa pananaliksik ni Luis Dery kanyang sinabi sa
pamangkin, Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi
namamatay sa higaan. Maluwag niyang tinaggap ang kamatayan sa edad na 72. Si Zamora naman ay
nakatulala na parang isang maamong tupa, nabaliw na siya sa mga nangyari sa kanya.

Si Burgos ang iyak ng iyak. Sa lahat ng tinamo niyang pitong digri, dalawa sa mga ito ay
doktorado, sa edad ng 35 ito lang pala ang sasapitin niya. Ipinipilit niya na wala siyang kasalanan. Nang si
Benito Corominas ay sumagot, Maging si Kristo ay walang kasalanan. Sabat ni Burgos sa kanya,
Duwag! Ayon sa marker na ito sa pinagpatayan, strangulation ang pagpatay sa garote. Ayon sa historian
na si Ambeth Ocampo, pagbali ito sa leeg na nagbubunsod ng kagyat na kamatayan sa biktima.

Tahimik na tumangis ang buong bayan, ayaw man lang banggitin ang taong iyon sa takot. Ngunit
hindi nila ito nakalimutan. Iaalay ni Rizal ang ikalawa niyang nobela sa tatlo at gagawing password ang
Gomburza sa Katipunan ni Bonifacio. Ang kanilang pag-aalay ng buhay ay isa sa mga inspirasyon ng
Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.

You might also like