Pagsusulit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan _______________________ Iskor ______________

Taon at Pangkat _________________ Petsa ______________

Pagsusulit I: Basahin mo ang kasunod na teksto at ihanay mo ang mga pamaksa at


pantulong na pangungusap na ginamit dito.

Sa patuloy na pagbabago ng pamahalaan, nararapat na marunong tayo na makiangkop


sa nagbabagong kapaligiran at dito nakasentro ang solusyong dala ng K to 12 Basic
Education Program sa Pilipinas. Ito ang sasagot sa problema ng mababang
unemployment rate at magbibigay-daan sa pamumulaklak ng kabuhayan ng ating
bansa. Bukod pa rito, magtatayo ito ng daan upang lalong tumaas ang grado ng mag-
aaral sa ibat ibang asignatura sapagkat sila ay matututo ng mga mas makabago at
advance na kaalaman lalo na sa mga batayang asignatura tulad ng Matematika, Agham
at Teknolohiya, Ingles, at Filipino. Magbibigay ito ng solusyon sa dumaraming bilang
ng mga out-of-school youth na hindi na magkakaroon ng pagkakataong makatuntong
sa kolehiyo. Maghahatid ang proyektong ito ng mga sapat na rekursong nakalaan,
madaliang trabaho para sa mag-aaral na hindi na kailangang magkolehiyo. Malaki na
ang matatanggap nilang pagrespeto dahil sa kaakibat na pagkilala sa kanila bilang
propesyonal. Kung magkagayon, hindi na sila mahihirapan pang makahanap ng
trabaho sa ibang bansa at makatutulong pa sila sa mabilis na pagpasok ng kita para sa
ekonomiya ng Pilipinas.

Kung kayat huwag na tayong mag-atubiling sumubok at manatiling takot. Paano natin
mahahanap ang susi sa inaasam na pag-unlad kung palagi tayong nagkukubli sa
nakasanayang paglinang? Sino ang hindi nakababatid sa isang magaling at pang-
internasyonal na chef na si G. Pablo Boy Logro? Siya ay simpleng tagapagluto na
natuto sa pamamagitan ng karanasan at ngayon ay tanyag na sa ibat ibang bahagi ng
mundo kahit hindi nakakuha ng kursong propesyonal. Hinasa at ginamit niya ang
kaniyang talento sa pagluluto upang makilala. Patunay ito na kaya ng mga Pilipino ang
umangat kahit pa vocational courses ang ating matapos. Marami man ang sakripisyong
pagdaraanan, siguradong tiyak ang panalo. Samakatuwid, ang K to 12 ang
pumapatnubay sa atin tungo sa matuwid na landas na dapat tahakin ng kabataang
mag-aaral. Lahat ay magkakaroon ng pagkakataong makatapos sa larangang kanilang
pinasok. Wala nang kabataang Pilipino na magtatapos nang hindi natatanggap sa
trabaho.

Pamaksang pangungusap Pantulong na pangungusap

Pagsusulit II: Ssgutin nang buong husay ang mga sumusunod na tanong. Limang
puntos bawat bilang.

1. Ano ang mahihinuha mo sa pamagat ng sanaysay na Usok at Salamin: Ang


Tagapaglingkod at Ang Pinaglilingkuran?

2. Ano ang mga damdamin ang nangibabaw sa sanaysay na ito?

You might also like