Critical Analysis 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Marianne C.

Beltran Hulyo 06, 2017

Taon at Pangkat: IV 10 BVE Prof. Arjohn Gime

Kritikal na Pagsusuri (Ika-apat na bilang).

Ang artikulong Kaalamang Panlipunan na isinulat nina Rhod V.Nuncio at Elizabeth


Morales Nuncio ay isang napakahusay at nakapagbibigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang
artikulo ay tungkol sa panlipunang realidad, penomena, at kaalaman bilang basikong konsepto
ng panlipunang epistemolohiya. Bukod pa rito, nakasaad din sa artikulo ang hirarkiya ng
panlipunang epistemolohiya na kung saan ang tao at ang lipunan ang bumubuo ng kaalamang
panlipunan. Ilan sa mga punto ng mga may-akda ay ang panlipunang katangian ng kaalaman
ay nagkakaroon lamang ng katuturan bunga ng interaksyon at interpretasyon ng tao. Ang
obserbasyon at pakikilahok sa mga penomena ay lumilikha ng kaalaman na maaaring suriin at
pag-aralan. Ang lahat ng kaalaman natin ay nakakonteksto sa lipunan at kultura. Dinidikta ng
relasyon ng kapangyarihan ang produksyon, aplikasyon at diseminasyon ng kaalaman.

Base sa nakasaad na punto ng mga may-akda, nagustuhan ko ang kanilang mga


argumento sapagkat napag-ugnay-ugnay nila ang mga konsepto tulad ng panlipunang realidad,
penomenon at kaalaman. Tinalakay nila ito at nagbigay ng mga halimbawa na kung saan mas
lalo kong naunawaan ang mga konsepto. Tulad na lamang ng obserbasyon at pakikilahok sa
mga kaganapan sa lipunan (penomena), sa pamamagitan ng paraang ito, maaari tayong
makagawa ng isang pananaliksik na maaari nating suriin, upang sa gayon ay mabigyan natin ng
kahulugan at maipaliwanag ang isang bagay na makasasagot sa ating mga suliranin sa lipunan.
Gayunpaman, maaari rin itong makapagbigay kaalaman sa lipunan na makatutulong upang
maunawaan pa lalo ang ibat ibang penomena. Sa kabilang banda, kahit na ang ilang kaalaman
natin ay nakakonteksto sa lipunan at kultura, may mga bagay at kaalaman na nabago at
napalitan na at may mga kaalaman pa rin na patuloy na nalilikha. Dahil sa kapangyarihan, ang
mga kaalamang ating nakukuha ay maaaring iba sa ating kultura at hindi naaangkop para sa
paglalapat nito sa ibat ibang penomenon sa realidad at pamumuhay.

Sa kabuuan, nakatulong ang artikulo sa akin upang maunawaan ang konseptong


panlipunan. May kakayahan tayong magsuri at pag-aralan ang isang penomenon base sa mga
obserbasyon at interaksyon na nagaganap sa ating lipunan.Sa pamamagitan nito, ang mga
karanasan na ating nalalaman ay ating nasusuri at napag-aaralan upang makabuo ng bagong
kaalaman na makatutulong upang mailapat natin ito sa ating buhay. Kaalinsunod nito ang
kaangkupan ng penomenon na ating sinusuri na nakabatay sa ating kultura.

You might also like