Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang bahay nila ay isang dipa ang laki.

Pinagpatong-patong
na mga kahoy, tabla, sako ng bigas o kung minsan, sako ng
semento at karton ng sigarilyo. Nakasandal ito sa pader ng
isang kongkretong bahay. Pito silang magkakapatid,
panganay si Michael. Ka-berks din namin si Jelo, ang kapatid
niyang sumunod sa kanya.

Nakakainis kalaro si Michael kasi siya ang pinakamatangkad


sa amin. Siyempre mahahaba ang binti niya. Siyempre
malalaki ang hakbang niya. Natural, mas mabilis ang takbo
niya. At dahil sabi sa science class namin na proportionate
sa haba ng binti ang haba ng braso ng tao, mahaba rin ang
mga braso niya, siyempre mas madali niyang naaabot ang
gusto niyang abutin, siyempre mas madali niyang natataya
ang gusto niyang tayain.

Kaya kapag nandiyan siya, nag-iiba kaming bigla ng laro.


Bawal ang agawan-base, bawal ang mataya-taya, bawal ang
patintero. Ayaw naman niya ng shake-shake shampoo kasi,
anya, nadi-diyahe na siyang kumendeng-kendeng kapag
naabot ng taya at nasigawan ng shake.

Ang lagi naming nilalaro kapag nandiyan si Michael: langit-


lupa. Dito kasi, kailangan lang e, bilis at presence of mind.
Ginagawa naming langit ang bangketa, lupa ang lupa. Ibig
kong sabihin, lansangan. Ang lupa, lansangan. Dapat bago ka
umalis sa langit, nakahanap na ang mata mo ng
matutuntungang isa pang langit: malapad na paso, likod ng
nakaparadang pick-up truck, base ng poste ng ilaw, upuan ni
Manong Guard, ke ano pa 'yan basta mas mataas sa
lansangan, puwede nang ituring na langit.

Minsan, mula sa bangketa, matulin akong tumawid ng lupa


para sumampa sa langit. Na isang scaffolding. Siyempre,
hinabol ako ng taya. Si Michael. Pagtapak ng isa kong paa sa
scaffolding, alam kong ligtas na ako sa mahaba niyang
braso. Kaya mabilis na itinapak ko ang isa ko pang paa
sabay sigaw ng....

Langit!

May ibinagsak ang langit.

Plongk!

Isang bakal na tubo ang bumagsak sa ulo ko. Mula sa likod


ay may biglang yumakap sa akin. Si Michael! Tapos mabilis
niyang tinakpan ng sariling kamay ang bumbunan ko. Siguro
naisip niya, guguho ang scaffolding o may babagsak na isa
pang tubo.

Pero wala nang bumagsak. Wala na kundi ang mga luha ko


na lang.

Ansaket.

Dahil takot akong umuwi nang may injury sa paglalaro,


iniuwi muna ako ni Michael sa bahay nila. Bumili siya ng
yelo, binalot ito sa isang bimpo at ipinatong sa bukol kong
isang dangkal ang taas. Feeling ko, nagkagulo ang mga kuto
ko. Bundok Hibok-Hibok waaah, anila siguro. Si Michael, mga
isang oras na hinaplos ang likod ko. Ako, nguyngoy pa rin
nang nguyngoy sa sakit. Di naman ako makangalngal nang
todo kasi nagpapahinga ang nanay niya't mga bulilit na
kapatid.

Noong wala nang masyadong kirot at baby mountain na lang


ang Hibok-Hibok ko sa ulo, umuwi na ako sa 'min. +
Kinabukasan, paglabas ko ng bahay, may naghahamon ng
mataya-taya. Sali raw ako. Sabi ko, masakit pa ang ulo ko.
Nandoon si Michael. Niyaya na lang niya kami na mamasyal
sa Manila Bay, sa bahaging katabi ng U.S. Embassy. Okey
naman sa lahat kaya lumarga na kami.

Napunta ako sa dulo ng pila naming magbabarkada. Mabagal


lang ako dahil takot akong maalog ang dugo sa tuktok ng
Hibok-Hibok kapag binilisan ko ang lakad ko. Sinabayan ako
ni Michael.

Beb, 'wag ka na kasing makipaghabulan.

Napatingin ako sa kanya.

Beb, 'wag ka na kasing makipaghabulan. + Napatingin ako sa


kanya. + Pinatunog niya ang portabol niyang tindahan ng
sigarilyo. + Takataktak... takataktak...

Dalaga ka na, Beb, hirit niyang parang nang-aalaska.

Di pa, 'no? Ikaw nga, matanda pa sa 'kin. Ba't


nakikipaghabulan ka pa sa 'min?

Me gusto kasi akong habulin, sagot niya.

Takatak.

Napatitig ako sa kanya. Sumusundot-sundot sa mga pisngi


ng ilong niya ang mahaba + niyang bangs pero, noon ko lang
napansin: makintab pala ang buhok niya. Makinis ang mukha
ni Michael. Ang mata niya, malalaki, parang sa kuwago.

Pero cute na kuwago. Iyong tipong puwedeng ilagay sa logo


ng Sterling notebook.
Katamtaman ang ilong ni Michael. Di matangos pero di rin
pango. At amputi-puti ng pantay niyang mga ngipin. Noon ko
lang napansin, guwapito pala ang kalaro kong si Michael
kahit may pagka-nognog siya.

Siguro namula ako no'ng maalala kong ito ang


kalaro kong yumakap sa akin kahapon. At sa totoo
lang, ang ginhawa ng pakiramdam no'ng
hinahaplos niya ang likod ko. Nabawasan nang
konti ang sakit na dulot ng gigantic na bukol.
+
Yihi!

Tukso ng mga kaibigan namin. Kami na lang pala


ang naglalakad. Nakaupo na silang lahat sa
semento na naghihiwalay sa dagat at bangketa sa
may Manila Bay. Nakiupo na rin kami. Maghapon
kaming nagkuwentuhan ni Michael tungkol sa
stepmother kong atribida kung minsan, kay Colay
na anlaki na ng itinaba mula noong magkaroon ng
mens at sa mga school project tulad ng
pagpapasindi ng isang ga-kulangot na bombilya ng
flashlight gamit ang isang switch 'tsaka isang
baterya. 'Tsaka tungkol sa nanay niya (ni Michael),
sa mga kapatid niya at sa tatay niyang hindi na
nagpakita mula pa noong unang unang panahon.
Parang bagumbago kong kaibigan si Michael.
Masarap kilalanin.
+
Paglubog ng araw, sama-sama kaming naglakad
pauwi. Mag-aalas-sais y medya na noong
makarating ako sa bahay. Walang kaabog-abog na
sinurot ako ng tatay ko. Sa harap ng mga kapatid
ko.
+
Sino 'yong kasama mong lalaki sa embassy?
+
Ha?
+
Umamin ka na. May nakakita sa inyo!
+
Dad, si Michael 'yon.
+
Sinong Michael?
+
'Yong anak ni Manong diyan sa Lovebirds.
+
Halos bumaligtad ang salamin ng tatay ko sa
sobrang galit.
+
Boyfriend mo 'yon?
+
Halos bumaliktad ang sikmura ko sa gulat at takot.
Ako? May boypren?
+
Dad, hindi.
+
Ilang taon ka na ba?
+
Twelve.
+
'Yon lang at tumalikod na siya. Naiwan akong
inaatake ng hiya at ng sakit. Sakit sa mata,
naluluha na ako, sakit sa ulo dahil siguro sa bukol,
'tsaka sakit sa tiyan.
+
Ewan ko kung bakit pati sa tiyan. Baka sa puson,
baka naiihi lang ako.
+
Pumasok ako sa kubeta. Sinubukan kong umihi.
Doon ko nalaman na dalaga na nga pala talaga
ako. Malungkot kong tinitigan ang mantsa sa panty.
Ay, ang dami mo namang hinihinging kapalit.
Demanding, parang ganon. Napaka-demanding
naman pala ng pagdadalaga.
+
Nag-lock ako ng pinto. Mabilis akong naghubad.
Tapos pinihit ko ang gripo. Mula sa timba, tinabo ko
nang tinabo ang tubig. Naka-sanlibong buhos ako
ng malamig na tubig. Parang gripo rin ang pekpek
ko. Agos ang mens. Dalaga na ako.
+
Ano nga uli ang dapat ipagdiwang?
+
sanaysay ni Bebang Siy

You might also like