Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Araw ng Kalayaan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na

ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng Kalayaan ng


Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa itong Pambansang Araw ng
pagdiriwang sa Pilipinas.

Ang araw ng paggunita ng kasarinlan ay nag-iba-iba sa buong kasaysayan ng


bansa. Ang pinakaunang tala ay noong 12 Abril 1895, kung kailan tumungo sina Emilio
Jacinto, Restituto Javier, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino, Faustino Manalak,
Pedro Zabala at iba pang mga Katipunero sa Kuweba ng Pamitinan sa Montalban,
Rizal upang tanggapin ang mga bagong kasapi ng Katipunan. Sinulat ni Bonifacio
ang Viva la independencia Filipina! o Mabuhay ang kasarinlan ng Pilipinas sa pader ng
kuweba upang ipahayag ang layunin ng lihim na samahan. Namuno din si Bonifacio
sa Sigaw sa Pugad Lawin na siyang naghudyat sa Rebolusyong Pilipino. Dito pinunit ng
mga kasapi ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio ang kanilang mga sedula bilang
pagtutol sa pananakop ng mga Kastila.

Noong 1896 ay sumiklab ang Rebolusyong Pilipino at noong Disyembre 1897 ay


nagkasundo ang mga mananakop na Kastila at mga rebolusyonaryo sa ilalim
ng Kasunduan sa Biak-na-Bato. Bilang pagsunod sa kasunduan, pinatapon sa Hong
Kong sina Emilio Aguinaldo at iba pang mga pinuno ng himagsikan.

Sa pagsiklab ng Digmaang Espanyol-Amerikano, naglayag si Komodoro George


Dewey mula Hong Kong patungo sa Look ng Maynila at pinamunuan ang iskuwadra ng
Hukbong Pandagat ng Amerika. Noong 1 Mayo 1898 ay nagapi ni Dewey ang Hukbong
Dagat ng mga Kastila sa Labanan sa Look ng Maynila, na siyang nagtapos sa
pamumuno ng Kastila sa Pilipinas. Sa buwan ding iyon ay inihatid ng Hukbong Dagat
ng Amerika si Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Nakarating si Aguinaldo sa Cavite noong
19 Mayo 1898 at tinipon ang mga puwersang rebolusyonaryo. Bandang Hunyo 1898 ay
inisip ni Aguinaldo na magpahayag ng kasarinlan upang bigyan ng lakas ng loob ang
mga taong-bayan na labanan ang mga Kastila at gayundin upang himukin ang ibang
mga bansa na kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas.

Noong 5 Hunyo 1898, naglabas si Aguinaldo ng isang kautusan na nagtatakda


sa 12 Hunyo 1898 bilag araw ng pagpapahayag ng kasarinlan. Pinamunuan ni
Aguinaldo ang nasabing kaganapan sa kaniyang tirahan sa Kawit, Cavite na noon ay
kilala bilang Cavite El Viejo. Ang Acta de la Proclamacion de la Independencia del
Pueblo Filipino ay taimtim na binasa ng patnugot nito na si Ambrosio Rianzares
Bautista, na nagsilbing tagapayo sa digmaan ni Aguinaldo at kaniyang espesyal na
delegado. Ang kapahayagan na naglalaman ng 21 pahina ay nilagdaan ng 97 mga
Pilipino, na tinalaga ni Aguinaldo, at isang retiradong opisyal ng artilerya ng hukbong
Amerika na si Koronel L.M. Johnson. Ang watawat ay opisyal na winagayway sa unang
pagkakataon bandang 4:20 ng hapon, habang pinapatugtog ng banda ng San
Francisco de Malabon ang Marcha Nacional Filipina.

Ang proklamasyon noong 1 Agosto 1898 ay niratipika ng 190 mga pangulo ng


bayan mula sa 16 mga probinsya na kontrolado ng hukbong rebolusyonaryo. Muli itong
niratipika noong 29 Setyembre 1898 ng Kongreso ng Malolos.

Ngunit hindi kinilala ng ibang mga bansa, maging ng Estados Unidos o ng


Espanya, ang kasarinlan ng Pilipinas. Kinalaunan ay sinuko ng Espanya ang kapuluan
ng Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris. Hindi kinilala ng
Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas ang kasunduan at kinalaunan
ay nagpahayag ng digmaan laban sa Amerika.

Sa ilalim ng Kasunduan sa Maynila ay pinagkaloob ng Estados Unidos ang


kasarinlan ng Pilipinas noong 4 Hulyo, 1946. Ang petsa ng 4 Hulyo ay pinili ng Estados
Unidos dahil ito ang petsa ng Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos, at ang petsang ito
ay ginugunita din sa Pilipinas bilang kaniyang Araw ng Kalayaan hanggang 1962.
Noong 12 Mayo 1962, naglabas si Pangulong Diosdado Macapagal ng Proklamasyon
ng Pangulo Blg 28, na siyang nagtatakda sa 12 Hunyo bilang natatanging pista opisyal
sa buong Pilipinas, "... bilang paggunita sa kapahayagan ng sambayanan sa kanilang
likas at di-mapagkakait na karapatan sa kalayaan at kasarinlan. " Noong 4 Agosto 1964
ay isinabatas ang Batas Republika Blg 4166 na nagtatakda sa 4 Hulyo bilang "Araw ng
Republika ng Pilipinas", sa 12 Hunyo bilang "Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas", at
hinihimok ang lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na gunitain ang huling nabanggit
ng naaayon.
Ang pista opisyal na ito ay karaniwang ginugugol ng mga Pilipino upang
magsama ang mga magkakamag-anak o mga kaibigan sa mga aktibidad sa panlabas o
panloob. Lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan, at maging ilan sa
mga establisyimentong pang-komersyo, ang sarado sa araw na ito. Bilang pagsunod sa
batas, ang Watawat ng Pilipinas na unang winagayway noong 1898, ay nakapalamuti
sa mga tahanan at establisyimento mula 28 Mayo, Araw ng Watawat, o sa petsang
tinatakda ng Pambansang Komisyong Kasaysayan ng Pilipinas, na siyang nagsisilbi
bilang tagapanguna sa mga pagdiriwang, hanggang sa ika-30 ng buwan. Ang
pagpapailaw ng mga kuwitis ay karaniwan. Taun-taon ay ginugunita sa Kawit, Cavite
ang pagsasadula ng pagwagayway ng watawat sa Dambana ni Aguinaldo at ang
pagbasa ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas. Sa ibayong dagat ay nagtitipon
ang mga Pilipino tuwing 12 Hunyo upang gunitain ito sa publiko, at kalimitan ay may
kasama itong parada.
Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay naganap
noong Hunyo 12, 1898 kung kaIlan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang
pagsasarili ng Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa
naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng
Espanya at Amerika.

Samantalang ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng


Hunyo, ang sinasabing tunay na kalayaan ay kinilala lamang ng bansang Amerika
noong ika-4 ng Hulyo, 1946. Magmula noon, ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang
tuwing Hulyo 4, alang-alang sa nasyonalismo o pagkamakabansa at ayon na rin sa
sangguni ng mga mananalaysay. Ang Republic Act.No. 4166 ay nilagdaan upang
maging batas ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964. Isinasaad sa nasabing
batas na ang petsang Hunyo 12, ay kinikilala bilang Araw ng Watawat at siya ring Araw
ng Kalayaan.

Ang deklarasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng paghahayag sa gitna ng pulutong


ng mga tao noong Hunyo 12, 1898 sa pagitan ng alas kuwatro at alas singko ng hapon.
Ginanap ang makasaysayang kaganapan sa ansestral na tahanan ni Pangulong Emilio
Aguinaldo sa Caviete el Viejo (na ngayon ay Kawit, Cavite) tatlumpung kilometro sa
katimugan ng Manila. Isa sa naging tampok na pangyayari ay ang paglaladlad sa
pambansang watawat ng Pilipinas na ginawa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo,
Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza at ang pagtatanghal ng Marcha Filipina Magdalo,
ang tinaguriang pambansang awit ng Pilipinas na ngayon ay naging Lupang Hinirang,
na isinulat ni Julian Felipe at tinugtog ng San Francisco de Malabon Marching band.

Pinangunahan ni Emilio Aguinaldo ang pormal na proklamasyon ng Araw ng Kalayaan


sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Siyamnapu at walong tao ang lumagda sa
naturang proklamasyon kabilang na ang isang opisyal na amerikano, si L.M.Johnson.

Kilala bilang Acta de la proclamacion de independencia del pueblo Filipino, ang


proklamasyon ng Araw ng Kalayaan ay ginawan ng balangkas at binasa sa naturang
pagdiriwang ni Ambrosio Rianzares Bautista. Isinasaad sa Acta na ang Pilipinas ay
malaya na mula sa pang-aalipin ng Espanya. Ang bansang Espanya ay dumating sa
Pilipinas noong 1521 at itinuring ang Pilipinas na lupang kanyang nasasakupan sa loob
halos ng apat na siglo.

Ang proklamasyon noong 1 Agosto 1898 ay niratipika ng 190 mga pangulo ng


bayan mula sa 16 mga probinsya na kontrolado ng hukbong rebolusyonaryo. Muli itong
niratipika noong 29 Setyembre 1898 ng Kongreso ng Malolos.

Ngunit hindi kinilala ng ibang mga bansa, maging ng Estados Unidos o ng


Espanya, ang kasarinlan ng Pilipinas. Kinalaunan ay sinuko ng Espanya ang kapuluan
ng Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris. Hindi kinilala ng
Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas ang kasunduan at kinalaunan
ay nagpahayag ng digmaan laban sa Amerika.

Sa ilalim ng Kasunduan sa Maynila ay pinagkaloob ng Estados Unidos ang


kasarinlan ng Pilipinas noong 4 Hulyo, 1946. Ang petsa ng 4 Hulyo ay pinili ng Estados
Unidos dahil ito ang petsa ng Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos, at ang petsang ito
ay ginugunita din sa Pilipinas bilang kaniyang Araw ng Kalayaan hanggang 1962.
Noong 12 Mayo 1962, naglabas si Pangulong Diosdado Macapagal ng Proklamasyon
ng Pangulo Blg 28, na siyang nagtatakda sa 12 Hunyo bilang natatanging pista opisyal
sa buong Pilipinas, "... bilang paggunita sa kapahayagan ng sambayanan sa kanilang
likas at di-mapagkakait na karapatan sa kalayaan at kasarinlan. " Noong 4 Agosto 1964
ay isinabatas ang Batas Republika Blg 4166 na nagtatakda sa 4 Hulyo bilang "Araw ng
Republika ng Pilipinas", sa 12 Hunyo bilang "Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas", at
hinihimok ang lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na gunitain ang huling nabanggit
ng naaayon.

Ang pista opisyal na ito ay karaniwang ginugugol ng mga Pilipino upang


magsama ang mga magkakamag-anak o mga kaibigan sa mga aktibidad sa panlabas o
panloob. Lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan, at maging ilan sa
mga establisyimentong pang-komersyo, ang sarado sa araw na ito. Bilang pagsunod sa
batas, ang Watawat ng Pilipinas na unang winagayway noong 1898, ay nakapalamuti
sa mga tahanan at establisyimento mula 28 Mayo, Araw ng Watawat, o sa petsang
tinatakda ng Pambansang Komisyong Kasaysayan ng Pilipinas, na siyang nagsisilbi
bilang tagapanguna sa mga pagdiriwang, hanggang sa ika-30 ng buwan. Ang
pagpapailaw ng mga kuwitis ay karaniwan. Taun-taon ay ginugunita sa Kawit, Cavite
ang pagsasadula ng pagwagayway ng watawat sa Dambana ni Aguinaldo at ang
pagbasa ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas. Sa ibayong dagat ay nagtitipon
ang mga Pilipino tuwing 12 Hunyo upang gunitain ito sa publiko, at kalimitan ay may
kasama itong parada.

You might also like