Professional Documents
Culture Documents
ERP-grade 4
ERP-grade 4
II.GAWAIN I:
a.Pamagat ng Gawain:Pagguhit ng Larawan ng Aking Pamilya
b.Mga Kagamitan:coupon bond,krayola o kagamitang pangkulay at
awiting Welcome to the Family
c.Pamamaraan:
1.Ang mga mag-aaral ay tatanungin tungkol sa kahulugan ng
pamilya.
2.Iguguhit ng mag-aaral ang kanilang buong pamilya na
gumagawa ng sama-sama o isang kasapi ng pamilya na may
ginagawa.Pagkatapos maiguhit ay isusulat ang pangalan ng bawat kasapi
at kung ano ang kanilang ginagawa.
3.Pagkatapos ng gawain,tumawag ng mga mag-aaral na
magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.
III.PAGPOPROSESO:
1.Ano ang inyong naramdaman sa gawain?Bakit?
(Ako po nasiyahan dahil bumalik sa isipan ko ang masasayang mga
nangyari kasama ang aking pamilya.)
2.Ano ang kahulugan ng salitang pamilyapara sa iyo?
(Ang pamilya po para sa akin ay binubuo ng tatay,nanay at mga anak
na may pagkakaisa at pagmamahalan sa isat-isa.)
3.Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga uri ng pamilya na ibinahagi
sa klase?
(Ang masasabi ko tungkol sa mga uri ng pamilya na ibinahagi sa klase
ay may pagkakaiba-iba sapagkat may pamilyang Malaki at maliit,may
pamilya rin na kompleto o buo at mayroon hindi rin,at isa may mga pamilyang
masasaya at yong iba naman ay nakakaranas ng mga problema.)
4.Paano mo pinapahalagahan ang inyong pamilya?
(Pinapahalagahan ko po ang aking pamilya sa pamamagitan ng
pagpapakita ng paggalang sa bawat isa at pakikipagtulungan sa lahat ng
mga gawain.)
IV.MAHALAGANG KAALAMAN
Lahat tayo ay may kanya-kanyang pamilya-si Tatay at Nanay,si
Kuya,si Ate at si Bunso.Kasama rin si Lolo,Lola at si Tiyo,si Tiya pati si
Doggy at si Muning-yan ang pamilya.Ang pamilya ay maaaring binubuo ng
iilan o maraming kasapi.Mayroong kasabihan na Ang kawang-gawa ay
nagsisimula sa tahanan.Ito ay isang katootahanan sapagkat ang pamilya-
malaki man o maliit,magkakasama man o hindi,maaaring nasa ibang bansa
o OFW,hiwalay o namatay na ay binubuo ng mga kasapi na may
pagmamahal at pag-aaruga sa bawat isa.Anuman ang mangyari,sa
kasiyahan o kalungkutan man,ang ating pamilya ay laging nariyan para
atin.Laging nagbibigay ng suporta at maasahan sa panahon na kailangang-
kailangan natin sila.
FAMILY(Pamilya)
Isa sa pinakamatamis na salita na
(larawan ng isang Pamilya) maaring sabihin sapagkat ang titik
ng FAMILY(Pamilya) ay
nangangahulugang Father and
Mother I love youkaya laging
mahalin ang FAMILY(Pamilya)
Ngunit sa kabila ng kahulugan Ako ay kasama mo,ikaw ay kasama
kodapat isipin ng bawat miyembro ng pamilya ang mga karapatan at
pagkapribado ng bawat isa.Bagaman ang bawat miyembro ng pamilya ay
may pagmamahal sa isat isa,kailangan igalang ang pagkapribado ng bawat
isa.Ang bawat kasapi ng pamilya ay hindi pinapayagan na hipuin o hawakan
ang maselang bahagi ng katawan kahit na ito ay isang biro o walang
malisya.Ang sekswalidad ay kailangang igalang.Ang paggalang sa bawat
miyembro ng pamilya ay palatandaan ng pagmamahal sa bawat isa.
Ako ay kasama,ikaw ay kasama ko,ito ang kahulugan sa isang
pamilya.
Tandaan palagi naAng pamilyang sama-samang
nagdarasal,nagsasama ng matagal.
Hango sa Making a Difference for
Kids,1998
Gawain 2:Maaring tapusin sa isang sabayang pag-awit ng isang awitin
tungkol sa pamilya tulad ng Welcome to the Family,We are a Family at iba
pa.
V.EBALWASYON
II.MGA GAWAIN
a.Pamagat ng Gawain:Ang Paborito kong Artisa Bilang isang
Huwarang Modelo
b.Mga Kagamitan:papel at pangkulay o krayola
c.Pamamaraan:
1.Ipipikit ng mga mag-aaral ang kanilang mga mata at sabihin sa
kanila na isipin na kunwariy nanonood sila ng paborito nilang palabas sa
telebisyon.Sabihin sa kanila na isipin kung ano ang ginagawa ng kanilang
hinahangaaang karakter.
2.Pagkatapos,iguguhit nila ang kanilang paboritong karakter at
isusulat ang dahilan kung bakit nila ito naging paborito.
3.Tatawag ng mag-aaral para magbahagi ng kanilang ginawa.
III.PAGPOPROSESO:
V.EBALWASYON
VI.KALAKIP:Wala