Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Hulwaran at Organisasyon ng Tekstong Ekspositori

Ronnel T. Cruz
BSA- 1A

Iba-iba ang hulwaran ng organisasyon kapag pinag-uusapan ang tekstong ekspositori. Ngunit ano
ba ang tekstong ekspositori? Ang tekstong ekspositori ay anumang teksto na nagpapaliwanag o
naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman sapagkat
tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mamababasa na malaman ang mga kaugnay ng
ideya o isyu.

1. Depinisyon
Kapag nais bigyang-kahulugan ang isang di-pamilyar na termino o mga salitang bago sa
pandinig at susulat sa isang sanaysay o ano pa man, kalimitang ginagamit ang istilong
depinisyon o pagbibigay-kahulugan.

Ang isang definisyon ay karaniwang nagtataglay ng tatlong bahagi:

1.1. Ang termino o salitang binibigyang kahulugan


1.2.Ang uri, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong binibigyang-
kahulugan.
1.3. Ang mga natatanging katangian nito (distinguishing characteristics) o kung paano
ito naiiba sa mga katulad na uri.

Mga Halimbawa ng Depinisyon:


A. Simpleng Depinisyon

Pangungusap: Filipino ang ating pambasang wika.


Depinisyon: wika lenggwahe (Pangngalan)
Pangungusap: Tayong lahat ay mga Pilipino, ang wika ni Porpesor Rovira.
Depinisyon: wika sabi (Pandiwa)

B. Intensib na Depinisyon

Ayon kay Webster(1974,536)ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan


ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo. Ito ay tumutukoy
rin sa kabuuan ng mga salita at paraan ng pagsasalita ng pekulyar sa isang etnik,
kultural o nasyunal na pangkat. Halimbawa nito ay ang Nihonggo ng mga Hapon,
Chavacano ng mga Kastilang creole at iba pa.
Ayon naman kay Archibald A.Hill sa kanyang papel na What is
Language? Ang wika ay ang pagunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao. Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura.
C. Ekstensib ng Depinisyon

Wika. Ano nga ba ang wika? Maraming nagsasabi na ang wika ay mga tunog na
lumalabas sa bibig ng tao. Ito raw ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Tunay,
ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan ng wika.

Higit sa panlipunang tungkulin ng wika, ito ang sumasalamin sa kaluluwa ng isang


indibidwal at ng buong bansa. Salamin ito ng mga katangiang mental, emosyonal at
ispiritwal ng sinumang indibidwal. Masasalamin din sa wika ang mga katangiang
kuktural ng isang bayan, bawat pangkat at bawat bansa.

Mahalaga ang wika sa sinumang tao at sa alinmang lipunan. Wika ang nagdadamit sa
ating mga pansarili at pangkalahatang kamalayan. Ito ang nagbibigay-katawan sa
kaluluwa. Wika nga ni Samuel Johnson, Language is the dress of thought, however,
it should rather be, language is the fresh garment, the body of thought.

Ang wika ay simbolo rin ng kalayaan. Hindi nga bat ang bayang walang sariling
wika ay walang kalayaang pampulitika o kayay kalayaang pangkaisipan.
Samakatwid, ang wika ay kasangkapan sa paglaya, kung paanong ito ay maaari ring
gamitin bilang instrumento ng pang-aalipin o dominasyon.
2. Pag-iisa-isa o enumerasyon

Ang enumerasyon o pag-iisa-isa ay nauuri sa dalawa:

2.1. Ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga


kaugnay at mahahalagang salita.

2.2. Ang komplikadong pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pamamaraang patalata ng


pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na maglilinaw sa paksa.

Halimbawa ng Simpleng Pag-iisa-isa:

Ang pagsasalita ay kailangang idebelop upang higit na maging epektibo tayong


tagapagsalita. Ang mahusay sa pagsasalita ay nakakuha ng sapat na atensiyon ng mga
tagapakinig. Upang maging mahusay tayong tagapagsalita, kailangan nating sanayin
ang sarili at angkinin ang mga sumusunod na mungkahi sa pangangailangan sa
mabisang pagsasalita.

a. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksa,


b. Magkaroon ng sapat na kasanayan sa pagsasalita, at
c. Magkaroon ng tiwala sa sarili.

Ang mga sumusunod ay mga kasangkapan ng isang nagsasalita:

a. tinig d. kumpas

b. bigkas e. Kilos

c. tindig

Halimbawa ng Komplikadong Pag-iisa-isa:

Ang Kompyuter Networking


Ang computer network ay iterkoneksyon ng mga kompyuter na ginagamit ng mga tao
sa iisang lugar. Kalimitang ginagamit ang ganitong sistema ng mga kumpanya upang
mapadali ang ugnayan o kumunikasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng
impormasyon anumang oras at saan mang panig ng mundo. Maraming ibat ibang
organisasyon ang gumagamit ng mga kompyuter na matatagpuan sa ibat ibang lugar
maging sa ibang bansa. Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng networking ng
mga kompyuter?
Resource Sharing
Ang pinakauna sa lahat ng layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng access o
pagkaktaon na mabasa o Makita ng bawat indibidwal ang ibat ibang imporamasyong
abeylabol sa network. Nangangahulugan lamang na sinuman ang may kailangan ng
impormasyon ay kinakailangang mabigyan ng pagkakataon na makuha o makita ang
impormasyong kanyang kailangan. Ang impormasyon na makikita sa komputer ay
likha sa ibat ibang panig ng mundo. Tinatawag din itong load sharing.

High Reliability
Ang ikalawang layunun ng networking ay pagkakaroon ng high realibility o ng
pagkakaroon ng tumpak o wastong impormasyon. Ang isang impormasyon ay
maaraing makuha o makita sa ibat iang kompyuter na interkoneksyon sakaling
magkaroon ng suliraning hindi inaasahan. Kapag nawalan ng impormasyon bunga ng
pagkasira ng hardware, ang back-up ng impormasyon ay maaaring makuha sa ibang
kompyuter na nakanetwork dito.

Ekonomi
Isang ring layunin ng networking ang pagtitopid. Sa kabuuan, ang teknolohiya ay
patuloy sa pag-unlad sa pamamagitan ng pagdisenyo ng isang sistema na mas mallit
ngunit mas mahusay at episyente. Ang mainframe ay sampung ulit ang bilis kaysa sa
pinakamabilis na single chip microprocessor ngunit napakataas ng halaga nito kung
bibilhin. Bunga nito, nagdisenyo ang mga programmer ng isang sistemana maaring
paglagyan ng impormasyon.

Mabisang paraan ng komunikasyon


Ang kompyuter na nakanetwork ay isang mabisang daluyan ng imporamasyon para sa
maraming gumagamit nito saan man panig ng mundo. Patunay ito na maaring
magpadala o makatanggap ng elektronikong imporamasyon sa pamamagitan ng
electronic mail. Maaari ring makipag-chat nang sabay-sabay sa pamamagitan ng
pasilidad ng internet na tinatawag ng videoconferencing o teleconferencing.
3. Pagsunod-sunod o Order

Isang paraan ng pag-oorganisa ng isang tekstong ekspositori ay ang paggamit ng paraang


pagsunud-sunod o order ng mga pangyayari o ng isang proseso. Ang paraang ito ay
madaling maunawaan sapagkat sunud-sunod ang mga paglalahad ng mga kaisipan o ideya
na siyang nagpapalinaw sa bumabasa.

Batayan sa Pagsusunod-sunod o Order

A. Sikwensyal-Kronolohikal

Ang sikwens ayon sa diksyunaryo ay mga serye o sunud-sunod na mga bagay na


konektado sa isat isa at ang kronoloji naman ay mga pagkakasunud-sunod ng mga bagay.
Halos magkapareho ang dalawa ngunit kung kinakailangang i-distinguish ang dalawang
ito, paksa at batayan ng order marahil ang ikaiiba ng isat isa.

Samakatwid, sikwensyal ang isang teksto kung ito ay kinapapalooban ng serye ng


pangyayaring magkakaugnay sa isat isa na humahantong sa isang pangyayari na siyang
pinakapaksa ng teksto samantalang ang kronolohikal naman ang teksto kung ang paksa
nito ay mga tao o kung ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang
tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami
at iba pa.

Sikwensyal:

Ang Mabait na Samarito

Isang lalaki ang naglakbay mula Jerusalem patungo Jerico. Sa daan ay hinirang siya,
pinagnakawan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos wala nang buhay ng masasamang loob.

Isang pari ang napadaan kung saan nakahandusay ang lalaki. Ngunit nang Makita niya ang lalaki,
sa kabilang gilid siya ng daan dumaan.

Ganito rin ang ginawa ng isang napadaang Levite.

Isang Samaritanong naglalakbay ang napadaan at nang Makita nito ang lalaki ay nakadama ito ng
labis na pagkaawa. Nilapitan niya ang lalaki at tinulungan ito.

Pinahiran niya ng labis na pagkaawa. Nilapitan niya ang lalaki at tinulungan ito. Pinahiran niya ng
langis at alak ang mga sugat ng lalaki at saka binendahan.

Pagkatapos ay isinakay niya ito sa kanyang kabayo at dinala sa isang otel kung saan niy inalagaan
ang wala pa ring malay na lalaki.

Kinabukasan, bago umalis ang Samarito ay binigyan niya ng dalawang pilak ang namamahala sa
otel at ipinagbiling alagaan ang lalaki.

Alagaan mo siya at sa pagbabalik ko ay babayaran ko ang lahat ng magagastos mo sa kanya.


Kronolohikal:

PANGULO NG PILIPINAS Fidel Valdez Ramos


12TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
Manuel Luis Molina Quezon June 30, 1992 June 30, 1998
2ND PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
August 29, 1916 November 15, 1935 Jose Marcelo Ejercito Estrada
13TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
Jose Paciano Garcia Laurel June 30, 1998 January 20, 2001
3RD PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
October 14, 1943 August 17, 1945 Maria Gloria Macapagal-Arroyo
14TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
Sergio Suico Osmea January 20, 2001 June 30, 2010
4TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
August 1944 28 May 1946 Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
15TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
Manuel Acua Roxas June 30, 2010 to June 30, 2016
5TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
May 28, 1946 April 15, 1948

Elpidio Rivera Quirino


6TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
April 17, 1948 December 30, 1953

Ramon Del Fierro Magsaysay


7TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
December 30, 1953 March 17, 1957

Carlos Polestico Garcia


8TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
March 17, 1957 December 30, 1961

Diosdado Pangan Macapagal


9TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
December 30, 1961 December 30, 1965

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos


10TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
December 30, 1965 February 25, 1986

Maria Corazon Sumulong Cojuangco-


Aquino
11TH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
February 25, 1986 June 30, 1992
B. Prosidyural

Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga Gawain upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta

Pagkakasunod sunod sa pagsisipilyo ng ngipin:

1. Kuhanin ang sipilyo.


2. Basain ang sipilyo.
3. Tanggalin ang takip sa tubo.
4. Lagyan ng paste ang sipilyo.
5. Sipilyuhin ang ilalim na hilera ng ngipin.
6. Sipilyuhin ang itaas na hilera ng ngipin.
7. Idura. 8. Banlawan ang sipilyo.
9. Kuhanin ang sipilyo na nasa lagayan.
10. Kuhanin ang tasa.
11. Lagyan ng tubig ang tasa.
12. Magmumog ng tubig.
13. Idura.
14. Ibalik ang tasa sa lalagyan.
15. Punasan ng bimpo ang bibig.
16. IIbalik ang takip ng tube.
17. Ibalik ang tube sa dating lugar.
4. Paghahambing at Pagkokontrast
Isang tekstong nagbibigat-diin sa pagkakatlas at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao,
bagay, kaisipan o ideya at maging ng pangyayari. May dalawang paraan ang hulwarang
ito. Maaring halinhinan ang pagtatalakay sa katangian at ikalawa ay ang isahan na ang
ibig sabihin ay magkasunod na pagtataya sa katangian ng dalawang paksang
pinaghahambing at kinokontrast.

Halinhinan Isahan
I. Mga Katangian ng A
I. Pagkakatulad ng A at B
A. Katangian 1
A. Pagkakatulad 1
B. Katangian 2
B. Pagkakatulad 2
C. Katangian 3
C. Pagkakatulad 3
II. Mga Katangian ng B
II. Pagkakaiba ng A at B
A. Katangian 1
A. Pagkakaiba 1
B. Katangian 2
B. Pagkakaiba 2
C. Katangian 3
C. Pagkakaiba 3

Halimbawa ng Paghahambing at Pagkokontrast:

Pork Barrel DAP

Ay ang sistema ng buo-


buong pag tatalaga ng Ang DAP ay sistema
pera ng taong bayan sa
Parehong ng iligal na pag-lipat
opisina ng mga opisyal na
walang malinaw na pag-
Lump Sum o ng pondo mula sa mga
Discretionary. departamento ng
gagastusan o hindi
dumaan sa masusing pag- Ngayon ehekutibo papunta sa
aaral ng kongreso. Ito ay parehas na opisina ng pangulo na
discretionary sa paraan na itong hindi pinahihintulutan
karaniwang inaabuso ng ipinagbabawal ng saligang batas.
mga opisyal? Ito ay
PINAGBAWAL ng
KORTE SUPREMA
AYON SA BATAS.
5. Problema at Solusyon
Karaniwang inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon sa hulwarang ito
bagamat minsan ay ang kabalikan nito. Ang problema ay maaring panlipunan o pang
agham na nangangailangan ng solusyon. Sa mga sulating teknikal at sayantipik ay
napakagamitin ng hulwarang ito.

Halimbawa ng Problema at Solusyon:

Problema Solusyon

Itapon ang mga basura sa tamang


Marami ang mga basurang
tapunan, paghiwalayin ang
pakalat-kalat sa lansangan na
nabubulok sa hindi nabubulok at
maaaring makapagdala ng mga
hanggat maaari magpulot ng
sakit sa karamihan.
kalat kung kinakailangan.

Pagtulungang linisin upang


Mga maruruming kanal na matanggal ang bara at nang sa
minsay nagbabara at gayon magtuloy-tuloy ang agos
nagdudulot ng di kaaya-ayang at iwasan na ang pagtatapon ng
amoy. basura para hindi na magdulot
ng pagbabara.

Panatilihing malinis ang


kapaligiran. Iwasan ang pag-
Paglala ng pagkakaroon ng iimbak ng tubig na maaaring
maraming kaso ng Dengue. pamahayan ng lamok. Iwasan
pagtatapon ng kalat kung saan
saan.
6. Sanhi at Bunga
Tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at mga epekto nito.

Halimbawa ng Sanhi at Bunga:

Bunga Bunga
Maaaring Maaaring
magdulot ng Sanhi maubos ang
matinding ibang uri ng
pagguho ng lupa hayop tulad ng
at pagbagsak ng ibon dahil wala
Labis na
mga bato. ng matitirahan.
pagpuputol ng
mga puno sa
Bunga mga kabudukan
Bunga
at kagubatan.
Maaaring itong Wala ng pipigil
magpalala ng sa mga malalakas
Global Warming ng hangin dala ng
dahil wala ng bagyo dahil wala
sasagap ng mga ng mga punong
nakakalasong panangga.
kemikal.

You might also like