Professional Documents
Culture Documents
Tula Elements
Tula Elements
html
By Lhenn
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay
binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at
sining ng kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang
magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang
ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.
Soneto Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang
nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na
pagkatao.
Oda Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao,
masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari
sa araw-araw na buhay.
3. Tulang Patnigan (joustic poetry) Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at
balagtasan
4. Tulang Pantanghalan o Padula Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan
lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang
patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat
taludtod ay maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig.
2. Tugma. Ang tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
May dalawang uri ng tugma:
b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat
taludtod ay nagtatapos sa isang tunog.