Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kahalagahan ng Pagsasalita.

1. Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga


simbolong nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita.
2. Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao.
3. Nakakapanghiyakat o umpluwensiya ng saloobin ng nakikinig.
4. Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay
magsalita.
5. Naipapahayag sa publiko ang pananaw ng katwirang may kabuluhan
at kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga
patakaran at istratehiya sa pagpapatupad nito.
6. Maiibahagi at magpamana ng karunungan sa mga susunod sa salinlahi.
7. Magbahagi ng karunungang natatamo sa pamamagitan ng
pakikipagusap ay higit na mabilis at marami.
8. Magagamit sa ibat-ibang pagkakataon, kasama na ang mga gawaing
pang akademiko.

Mga Kasanayan sa Pagsasalita

1. Kasanayang Di-Pormal
2. Kasanayang Pormal

Mga Kasanayang Di-Pormal


1. Pakikipag-usap- ang palitan ng kaisipan, damdamin at
pagpapalagayan ng loob ng mga taong sangkot sa usapan.
Ayon kay Hennings (1990) dapat isaalang-alang sa
pakikipagusap ang mga sumusunod:
a. Pagpili ng angkop na salita s pagpapahayag ng mga
ideya.
b. Paggamit ng pattern ng wika ayon sa sitwasyon.

2. Pagpapakilala sa Sarili o sa Ibang Tao- ito ay makakatulong na


makilala ang isat-isa.

Mga tuntunin na dapat isa-alangalang ayon kay


Sanford (1979)

a. Ipakilala sa isat-isa ang taong hindi magkakilala sa


inyong pangkat.
b. Unahing banggitin ang pangalan ng taong nais nating
bigyan ng espesyal na paggalang tulad ng
nakakatanda o nasa mas mataas na katungkulan.
c. Pakinggang mabuti ang pangalan ng taong
ipinakilala.
3. Pakikipag-usap sa Telepono
a. Batiin ng magandang umaga, hapon o gabi ang
kausap.
b. Magsalita ng malinaw at marahan lamang.
c. Kung wala ang taong kakausapin, tanungin ang
pangalan ng nakasagot at magalang na tanungin kung
maari kang magiwan ng mensahe sa taong
kakausapin.
4. Pagbibigay ng Direksyon at Panuto- dapat malinaw, simple,
tiyak at madaling maunawaan.
5. Pagkukwento- tiyaking alam ang kabuuan ng kwento at
maipapakita rin ang damdamin nito.
6. Pakikipagdebate- isang sining na gantihang katwiran ng
dalwanng magkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersyal na paksa.

Mga Kasanayang Pormal

1. Masining na Pagkukwento
a. Tiyaking alam ang paksang ikukuwento.
b. Balangkasin sa isipan ang kwento bago
magsalaysay.
c. Gumamit ng angkop na pananalita sa
pagkukuwento.
d. Gawing malinaw ang pagbigkas ng mga salita.
2. Balagtasan- uri ng pagtatalo ng dalwang magkaibang panig ukol
sa isang paksa. Ipinapahayag ang saloobin o pangangatwiran dito
sa pamamagitan ng pananalitang may tugma sa huli.
3. Pakikipagpanayam- isang uri ng pakikipagtalastasan sa isang tao
na nais makunan ng kanyang palagay hinggil sa napagkasunduan
paksa.
4. Pangkatang Talakayan- maayos na paraan ng masusing
pagpapalitan ng kuro-kuro o opinion na ang layunin ay makatipon
ng kaalaman at magbigay halaga sa mabisang opinion ukol sa
isang paksa.
5. Pagbabalita- ito ay paraan ng pagpapahayag sa maraming tao ng
pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa lamang.
6. Talumpati- paraan ng pagbasa o pagbigkas ng isang paksa sa
harapan ng mga taong makikinig.

You might also like