Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Mga Sanaysay sa Filipino

Halimbawa ng mga Sanaysay sa Wikang Filipino | Mga Iba't Ibang Uri ng Sanaysay sa Tagalog |
Talumpati at mga Halimbawa Nito | Sanaysay Tungkol sa mga Pangyayari, Pag-ibig, Opinyon,
Obserbasyon, Kuro-kuro, Buhay, Sarili, Kabataan Iba pa | Tagalog Articles | Komposisyon o Proyekto
at Takdang-aralin

Home

Sanaysay Para sa mga Ina


Isang Sanaysay sa Filipino Tungkol sa mga Nanay

ANAK KA NG INA MO
ni: J

Nanginginig na ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay na
umaakay sa iyo noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na
pinagkukunan mo ng isang libot isang lakas upang mabuhay.

Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga likod na
natutuyuan ng pawis sa paglalabada upang may mailaman ka sa iyong kumakalam na sikmura.

Nakakunot na ang noo niya kapag tumitingin sa iyo. Parang laging may inaaninag ang mga mata.
Mga matang laging nakatingin sa iyo habang ikaw ay natutulog sa banig. Mga matang nagmamasid
at nagbabantay sa iyo mula pagsilang hanggang sa iyong paglaki.

Mahina na ang kaniyang pandinig. Parang baradong lababo ang kaniyang mga tainga. Mga taingang
dumirinig sa iyong pagngawa kung inaagrabiyado ng iyong mga kalaro. Mga taingang handang
makinig sa iyong mga daing dahil sa kabiguan.

Mabagal na ang kaniyang paghakbang. Sa wariy binibilang ng mga binti at paa ang bawat minutong
lumilipas. Mga binti at paang ginagamit niya upang masaklolohan ka sa mga panganib na sinusuong
mo noong iyong kabataan. Mga binti at paang inaasahan niya upang makaraos kayo sa araw-araw.

Kulubot na ang kaniyang balat. Parang chicharong bulaklak sa platong losa ang kabuuan ng kanyang
mukha. Mukha na pilit niyang pinakapal upang lumapit at umutang sa kaniyang mga kaibigan at
kakilala sa panahong ang enrolment ay malapit na. Mukhang pinakakapal ng katwirang gagawin ang
lahat para sa iyo.

Luyloy na ang kaniyang mga dibdib. Nilipasan na ng panahon ang kaniyang mga suso. Mga susong
datiy pinagkukunan mo ng matimyas na kalusugan. Mga susong nagbigay sa iyo ng lakas at tibay ng
katawan sa pagsagupa sa mga karamdaman.
Binura na ng kulay puti ang mga itim sa kaniyang tuktok. Tila abo ang kulay ng kaniyang buhok. Mga
buhok na malasutlang hinahawakan mo kapag ikaw ay kanyang pinatutulog. Mga buhok na sagisag
ng mga taon at panahong ginugol niya sa pag-aaruga at pagkalinga sa iyo. Mga Sanaysay sa Filipino
2011.

Mahina na ang kanyang boses. Tila garalgal ng radyong walang signal ang kanyang tinig. Mga tinig
na pinagbuhatan ng maraming magagandang aral ng buhay na ibig niyang maging gabay mo sa
iyong pagkatao. Tinig na puno ng pangaral na magagamit mo sa iyong pagtahak sa sariling lakbayin
sa daigdig.

Lupasay ang kanyang katawang mortal. Sa iyo napunta ang kanyang lakas. Sapagkat pinagpala ka
niya. Nagtingala siya ngayon sa iyo. patuloy kang inaaruga at matiyagang naghihitay. Sapagkat
siya sa kanyang pagiging ina. ay marubdob na nagnanais na matapunan din ng kahit kaunting
pagkalinga Mahalin natin ang ating mga ina!

at 12:09 PM

Share

1 comment:

eiy-ehm's January 24, 2012 at 8:56 AM


pwede pong phiram ng mga sanaysay nyo? project lang po namin bago po mag-exam ng pre-
final..compilation po ng mga sanaysay..thanks po!
Reply

Enter your comment...

Comment as: LegranDLegend (Google) Sign out

Publish Preview Notify me

Home
View web version
Powered by Blogger.

You might also like