Rationale and Layunin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cabangal, Erwin Cayl

Calubaquib, Marc Voltaire


Kagaoan, Coleen
Oas, Emiliano Samuel
Epekto ng Pagbabago ng Klima sa mga Studyante ng UST sa Nakaraang Sampung Taon
Rationale
Sa paglipas ng panahon, patuloy ang pagbabago ng klima ng mundo. Ang climate change
o ang pagbabago ng klima ay ang pagbabago sa karaniwang panahon na dapat sana ay mangyari
sa isang lugar. Ayon sa mga eksperto, ang pagbabago ng klima ay natural dulot ng epekto ng
enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ngunit
malaki rin ang nagiging kontribusyon ng mga gawain ng tao sa pagbabago ng klima. Halimbawa
na lang nito ay ang pagbuga ng carbon dioxide nga mga sasakyan, at ang pagpuputol ng mga puno.
Kung patuloy na magbabago ang klima, magkakaroon din ng patuloy na pagbabago sa ating mundo
gaya na lamang ng pagdagsa ng maraming bagyo. Isang halimbawa nito ang bagyong Ondoy na
kung saan nagdala rito ng baha sa kalakihang parte ng Metro Manila.
Maraming problemang bunga ang climate change, at lahat ng tao ay naaapektuhan nito.
Dahil sa pabago bagong panahon, ang akalang simpleng ulan lang, ay magiging sanhi pala ng mga
pagbaha na nagiging perwisyo sa maraming tao. Napili ang pananaliksik na ito dahil ang
pagbabago ng klima ay may maaaring negatibong epekto sa mga mag-aaral Mahalaga ang
pagkakakilala sa mga suliranin na ito at ang mga epekto nito sa mag-aaral upang magkaroon ng
akmang paraan upang malutas ang mga ito, at mapanatili ang kaayusan sa kalagitnaan ng
nagbabagong klima.

Layunin
Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin: malaman ang kahulugan
ng klima; maibigay and depinisyon ng climate change; mabatid ang epekto ng pagbabago ng
klima; maisulat ang mga karanasan ng mga estudyante ukol sa nasabing isyu; at mailahad ang
mga paraan upang maiwasan ang mga panganib nito. Ang pagkakaroon ng kaalaaman sa epekto
ng pagbabago ng klima ay makatutulong upang matugunan ang problemang dulot ng pagbabago
ng klima.

You might also like