Pag Unawa at Komprehensyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pag unawa at komprehensyon

Ang pag-unawa ay ang pagbuo ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto

Ang pag-unawa/komprehensyon masalimuot na prosesong pangkaisipan ay isang

Kapag tayoy nagbabasa, ang mga istratehiya natin sa pag-unawa ang dagliang nagbubunsod sa atin
upang maiugnay ang ating kaalaman at mga karanasan sa mga impormasyon sa teksto upang makabuo
tayo ng isang pagpapakahulugan Ang pag-unawa sa teksto ay nakakaapekto

3. TAKSONOMIYA NG PAGUNAWA SA PAGBASA (Barrett 1968) Apat na Barrett: antas pag-unawang


literal paghihinuha ebalwasyon pagpapahalaga ng Taksonomiya ni

4. Nila Banton Smith (1969) Apat na antas ng kategorya sa pagunawa ni Smith: 1) pag-unawang literal 2)
interpretasyon 3) kritikal o mapanuring pagbasa 4) malikhaing pagbasa

5. Pag-unawang Literal nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto ang
mga kasagutan sa tanong na literal ay ang simpleng pag-alaala sa mga impormasyon at detalyeng
nakapaloob sa babasahin

6. Halimbawa na mga tanong sa Pag-unawang Literal 1. Kailan at saan naganap ang kwento? 2. Anong
uri ng paglalakbay ang kanilang isasagawa?

7. Interpretasyon nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iisip ang mga sagot sa mga
tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang upang
masagot ang mga katanungan kailangang taglay ng tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin
at marunong siya sa paghalaw ng mga

8. Ilan sa mga kasanayan sa pagbasa sa kategoryang ito ay ang sumusunod: Pagbibigay-kahulugan sa


tulong ng pahiwatig Pagkuha ng pangunahing ideya Paghihinuha Pagbibigay ng kongklusyon
Pagbibigay ng paglalahat Pagkilala sa sanhi at bunga Pagkilala ng pagkakatulad/pagkakaiba

9. Halimbawa na mga tanong sa Interpretasyon 1. Sa iyong palagay, anong oras sila nagdesisyon na
ihinto na ang paglalakbay? 2. Mag ilang tao ang kasangkot pagsisimula ng paglalakbay? 3. Humigit-
kumulang anong oras narating ang tuktok ng bundok? sa nila

10. Mapanuring Pagbasa Ilan sa mga kasanayan sa kategoryang ito ay ang mga sumusunod:
Napapahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyong nakalahad sa
teksto Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa kaangkupan, pagkamakatotohanan at pagiging
kasiyasiya ng akda Naihahambing ang kaisipang ipinahahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang
pansarili, pamantayang galing sa guro, sa ibang tao, at sa ibang babasahin
11. Halimbawa na mga tanong sa Mapanuring Pagbasa 1. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng
pangunahing tauhan nang marating nila ang tuktok ng bundok? 2. Masasabi mo bang makatarungan ang
desisyon na ginagawa ng ibang tauhan? Ipaliwanag.

12. Malikhaing Pagbasa gumagamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip na lagpas sa
antas ng pag-unawang literal, interpretasyon at mapanuring pagbasa sinisikap ng tagabasa na
makabuo ng bago o pamalit na solusyon sa inihain ng awtor

13. Halimbawa na mga tanong sa Malikhaing Pagbasa 1. Ano sa palagay mo ang naramdaman at sinabi
ng mga tauhang nakarating sa tuktok ng bundok nang makita nila ang mga kasamahang nagpasiyang
umuwi na lamang?

14. Mga Prosesong Kasangkot sa Pag-unawa

15. Anderson at Pearson,1984; Spiro, 1980 ang pagbasa ay tinatanaw na ngayon bilang isang aktibong
proseso sa pagbuo ng kahulugan iskemata tawag sa dating kaalaman - mga teoryang o sariling
pananaw sa mga pangyayari, bagay at mga sitwasyon na nakalagak sa isipan at maayos na nakasalansan
ayon sa kategorya Rumelhart (1980) ang bawat iskema ay nahahawan ng landas tungo sa pagunawa ng
bagong impormasyon ang ating iskema ang tumitiyak kung paano

16. Kaalaman sa paksa (topic knowledge) Kaalaman sa interaksyong sosyal ( social interaction
knowledge Kaalaman sa kayarian ng teksto (text structure) Kasanayang metakognitib pagmomonitor
ng komprehensyon sa

17. Ang Paglinang ng Komprehensyon

18. ang pangunahing tunguhin sa pagtuturo ng komprehensyon ay ang debelopment ng mga


kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa paglinang ng mataas na lebel ng proseso pag-iisip at hindi lamang
iyong simpleng paggunita ng mga impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto

19. Mga Tampok na Katangian ng Komprehensyon

20. Ang mga tampok na katangian na nagbibigay liwanag sa proseso ng komprehensyon sa konteksto ng
klasrum ay ang mga sumusunod: 1. Makabuluhang pagbasa na ginagabayan ng mga layuning malinaw na
inilahad; 2. Paggising ng mga dating kaalaman na kaugnayan sa nilalaman/paksa ng kwento; may 3.
Pagpapasigla ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng mga dating kaalaman angkop sa layuning itinakda
sa pagbasa; 4. Pagpapakilos/pag-antig ng mga saloobin at ang mga pagpapahalaga na may kaugnayan sa

21. 5. Paggising ng istratehiyang sa pagmomonitor na siyang magkokontrol sa pagbuo ng


pagpapakahulugan; at 6. Interaktibong paggamit ng mga prosesong binabanggit upang makamit ang
layuning inilahad sa pagbasa.

22. Ang Tungkulin ng Guro sa Paglinang ng Komprehensyon

23. Ang tungkulin ng guro sa paglinang ng komprehensyon ay napakaloob sa sumusunod: 1.


Pagpapaunawa ng layunin sa pagbasa at ng inaasahang paggamit ng karanasang matatamo sa pagbasa;
2. Paggising ng mga dating kaalaman at pagtulong kung paano gagamitin at maiugnay ang mga
kaalamang ito sa nilalaman ng teksto; 3. Paglinang ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng teksto at
pagpapaunawa kung kailan gagamitin ang mga istratehiyang ito batay sa layunin sa pagbasa at ang uri ng
tekstong babasahin;

24. 4. Pagtulong sa mga bata na maiugnay ang kanilang mga saloobin at pagpapahalaga sa nilalaman ng
teksto; 5. Paglinang ng kamalayan ng mga bata sa kahalagahan ng pagmomonitor ng mga nabuong
pagpapakahulugan sa pagitan ng dating kaalaman at impormasyon sa teksto; at 6. Pagtatanim sa isipan
ng mga bata na sapagtatamo ng epektibong komprehensyon, kailangang may magandang pag-uugnay
ang layunin, dating kaalaman mga istratehiya saloobin para sa nilalaman, at pagmomonitor ng
pagpapakahulugang bubuuin.

25. Uri ng mga Tanong ng Guro Ruddell at Williams,1972; Durkin, 1978-1979; Guszak, 1967
nagpapatunay na humigit-kumulang 70% ng mga tanong ng guro ay nasa literal lebel lamang ng pag-
unawa Open-ended

26. Ang mga Lebel ng Pag-iisip at mga Kasanayan sa Komprehensyon

27. Mga Kasanayan sa Komprehensyon Paktwa l Interpreta tib Aplikati b Transakti b 1 . Pagtukoy sa mga
detalye X X 2 . Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari X X 3 . Sanhi at bunga X X X X 4 . Pangunahing diwa
X X X X 5 . Paghula sa maaaring maganap X X X X 6 . Pagpapahalaga X X X X 7 . Paglutas ng suliranin X X X
X Isang Balangkas na Pampagtuturo para sa Debelopment ng Komprehensyon

28. Ang Apat na Lebel/Antas ng Pag-iisip

29. Paktwal Lebel

30. Interpretatib lebel o Pagpapakahuluga n

31. Aplikatib Lebel o Paglalapat

32. Transaktib Lebel

You might also like